00:00Naka-alerto na ang Emergency and Disaster Response Units ng Philippine National Police
00:04para umagapay at rumesponde sa mga posibleng maapektuhan ng Bagyong Francisco at Habagat.
00:12Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging handa at maagap kapag panahon ng sakuna,
00:19ipinag-utos na ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.
00:24ang pag-activate sa lahat ng response teams sa buong bansa bilang paghahanda sa banta ng sama ng panahon.
00:31Dagdag ni Nartates patuloy na may pag-ugnayan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan
00:37para tiyakin ang mabilisang pagtugon sa mga apektadong lugar.