00:00Umabot na rin hanggang sa Albay ang pinaiting na pag-abot ng social security system sa kanilang mga miyembro.
00:07Sa katunayan, umarangkada na sa probinsya ang E-Wills Program kung saan SSS na mismo ang lalapit sa kanilang mga
00:17miyembro.
00:17Silipin yan sa Sentro ng Balita ni Diana Mendez ng Radio Pilipinas, Albay.
00:25Maagang tinungo ni Kuya Rodolfo ang iskulahang ito sa Maanito, Albay matapos na mabalitaan na magkakaroon ng E-Wills Program
00:33ang social security system dito sa kanilang barangay.
00:37Laking tulong daw nito dahil hindi na niya kailangan pang bumiyahi paligas P-City para lang makapag-update ng kontribusyon
00:44sa SSS.
00:45Malaking tulong po ito dahil kami na mismo ang nilapitan po, hindi na po namin kailangan lumayo para mag-enquire
00:59po.
00:59Ang mga kagaya ni Kuya Rodolfo na nakatira sa malalayong lugar ang isa sa mga dahilan ng pagpapalawak pa ng
01:06SSS sa kanilang E-Wills Program.
01:09Sa pamamagitan ng programang ito, napapadali at mas nailalapit pa ang servisyo ng pamahalaan sa mas maraming Pilipino.
01:17Yung SSS E-Wills po, yan yung sasakyan ng SSS na pumupunta sa community, sa komunidad, sa mga barabarangay.
01:25So matitipid nila yung 41 kilometers na pag-travel papunta ng SSS Ligazpi galing sa Maanito.
01:31Kasi yun ang distance, yun ang layo ng Maanito sa SSS Ligazpi Brand sa Ligazpi City.
01:38Bukod sa pagpapalawak sa E-Wills Program, pinaiigting din ng SSS ang kanilang run-after contribution evaders o race operation
01:47laban sa mga employer na hindi naghuhulog ng tamang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
01:53Sa ikalimang race operation ngayong taon nga, labin-limang establishmento sa Ligazpi City
01:58ang personal na binisita ng SSS kung saan nag-issue sila ng show cost orders dahil sa mga paglabag sa
02:05kontribusyon sa kanilang mga manggagawa.
02:07Ang mga programa at aksyon na ito ng ahensya ay alingsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:15na mailapit ang mga servisyo ng pamahalaan at maprotektahan ang karapatan at benepisyo ng mga Pilipino.
02:21Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media.
02:25Diana Mendez ng Radio Pilipinas, Radio Publiko.
Comments