00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan, hindi muna tayo ng updates mula sa Department of Justice.
00:06USEC March, meron kayong pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard kaugnay ng proteksyon sa ating mga karagatan. Anong detalya nito?
00:14Tama ka dyan, Asak Chowey. Muling pinalakas ng Department of Justice ang alyansa nito sa Philippine Coast Guard para mapanagot ang mga lumalabag sa batas ng karagatan.
00:24Sa isang comprehensive training na ikinasan ng DOJ noong isang linggo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng Coast Guard na matuto kung paano gumugulong ang mga kasong may kinalaman sa paglabag sa maritime laws.
00:37Ilan sa mga paksang tinalakay sa programa ay ang tamang proseso ng imbestigasyon, case build-up at pagkakaroon ng wastong koordinasyon sa prosecutors at iba pang law enforcement agencies
00:49para tiyakin na matibay ang mga kasong isinasampas sa korte at masiguro na makukulong ang mga may sala.
00:57Lumahok sa training ang mahigit dalawampung station commanders ng Philippine Coast Guard mula sa iba't ibang panig ng bansa
01:04kasama si OSC Regional Prosecutor Joseph Alberto T. Kumalak ng Region 4A.
01:10Nagpahayag naman ang suporta si na Justice Secretary Frederick A. Vida at Prosecutor General Richard Anthony A. Fadolion
01:18sa programang ito na magsisilbing instrumento para mapagtibay ang ugnayan ng Philippine Coast Guard at ng DOJ.
01:26Ito may kinalaman pa rin sa environmental protection.
01:30Ipinagmalaki naman ng DOJ at DNR ang mga naging tagumpay ng gobyerno laban sa mga lumalapastangan sa inangkalikasan.
01:39Ano naman yung detalyan nito, Yusek?
01:41So, ASIC Joey, sa visa ng isang kasunduan sa pagitan ng Department of Justice at Department of Environment and Natural Resources o DNR
01:49na nilagdaan pa noong Pebrero, nakapagtala ang gobyerno ng mga makabuluhang panalo laban sa mga umaabuso sa kalikasan
01:58sa ilalim ng Environmental Crimes Prosecution Project.
02:01Ngayong 2025, SHAM na training programs ang naikasa sa DOJ at DNR sa iba't ibang panig ng bansa na layong palakasin ang mga pag-usig sa mga kasong may kinalaman sa kalikasan.
02:15Bunga ng mga pagsasanay, mas tumibay ang mga kasong isinasampas sa korte at napabilis ang pagdinig sa mga ito.
02:22Binigyang diin ng DOJ na hindi lang nito basta ipagpapatuloy ang ganito mga training sa susil na taon
02:28pagkos ay mas palalawagin pa gaya ng pagtutok sa environmental money laundering cases.
02:35Ang programang ito ay pinangungunahan ni dating DOJ Undersecretary Jesse Andres
02:40at Task Force on Environmental Cases ng National Prosecution Service.
02:46Alright, maraming salamat sa mga update mula sa Department of Justice, Yusek Marge.
Be the first to comment