Skip to playerSkip to main content
  • 14 hours ago
Panayam kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo ukol sa preparation ng ahensya para sa holiday-related health issues

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan, alamin muna natin ang ilang holiday-related health issues
00:05mula kay Asik Albert Domingo ng Department of Health.
00:08Asik, kumusta naman ang ating preparation ngayong holiday season?
00:12Yes, Asik Weng, alam natin papusok na yung Pasko, busyng-busy ang lahat.
00:16At kailangan natin na maging handa, tatlo ang binabantayan ng Department of Health,
00:21tatlo ang mga mensahe na gusto namin nga sabihin.
00:24Una sa lahat, dapat ligtas Christmas tayo at kasama dyan yung una is
00:29yung biyahe natin dapat healthy or biahealthy.
00:33Ang traffic po ngayon, ayusin po yan ng ating MMDA at ng ating DPWH sa mga daan.
00:39Pero importante na tayo bilang mga nagmamaneho, kulang po tayo sa daan.
00:43Iwasan po natin yung banggaan.
00:45So yan po yung mga road traffic injuries ating iwasan.
00:48Ikalawa, yung tamang pagkain.
00:50Nako po, pag tayo po ngayon, nagkakaroon ng mga Christmas party, mga reunion,
00:54wala akong sinasabi ang DOH sa bawal kumain.
00:57Ang sinasabi natin, dapat po, yung tamang pagkain.
01:00Umiwas tayo or buwas-bawasin yung mga pagkain ma, yung mga mataba, matamis at maalat.
01:06Pwede tumikindi kayo, huwag nang sobra-sobra.
01:09And then yung ikatlo na sinasabi natin is, umiwas na tayo sa paputok.
01:13Huwag na ho tayong magsindi.
01:14Maganda ho sana kung yung mga professional na lang.
01:17At huwag nang pahawakin ang mga bata at ang mga nakainom sa paputok.
01:21Sige, hihimayin natin yan, isa-isa.
01:24Dahil nga maraming gatherings ngayon, parties, reunions sa school, sa family.
01:29So, ano yung mga tinatawag na holiday-related health issues talaga?
01:33Ano yung mga kadalasang sakit na binabantayan natin tuwing ganitong panahon?
01:36Yan, himayin na natin.
01:38So, una sa lahat, yung ating pinag-usapan na dun sa JETA.
01:42Alam niyo, sinasabi nga ni Sec Ted, nagkakaroon ngayon yung tumataas, yung bilang ng mga nagkakaroon ng ating high blood,
01:50nagkakaroon ng ating stroke, dahil po ito sa pagkain.
01:54Kapag sunod-sunod po yung ating pagkain ng maaalat, napakasarap ba naman ng lechon na malutong ang balat, no?
02:00Pero ang sinasabi natin is, hinay-hinay po.
02:03Huwag hong araw-arawin at kahit sa isang upuan, huwag naman pong sunod-sunod yung mga plato.
02:08Dapat po sa pinggang Pinoy, one-fourth lamang nung ating pinggan yung nasa protina at taba.
02:15Ang mas marami, asekweng yung kalahati, ay dun sa gulay at prutas, tapos yung ating carbohydrates, yung mga pansit.
02:23Kasama po yun, pansit, pasta, kanin, dapat one-fourth lam po para masama ang tingin sa akin ng ating mga kameraman dahil dun sa pagkain.
02:31Pero importante po yan na dapat mag-ingat po tayo.
02:34So dito sa kaso ng hypertension, stroke at heart disease tuwing December at Januari,
02:40at yung mga dapat bantayan, lalo na sa mga may edad at may existing conditions, sabi ko nga ngayon pa lang,
02:45isang hindi lang pagkain yung nagkukos ng hypertension, traffic.
02:49Pati yung traffic. Yung mental health kasi natin, no?
02:52Alam niyo po yung sinabing holiday rush.
02:54Kasama po dyan yung nagmamadali tayo.
02:56So iniisip natin, yung mga inaanap, nakakatok na sa ating mga pintuan, sa pintuan ni Asik Weng at ni Asik Albert at lahat pa ng mga ninong at ninang.
03:05Nakaka-stress po, pero may paraan dyan.
03:08Dapat po tayo ay laging nagbabantay sa ating mental health.
03:12Tingnan po natin. Planuhin po natin yung mga biyahe natin.
03:16Huwag tayo nga, kumbaga, pabalik-balik doon sa mga tindahan or mall.
03:20Mas maganda kung isang biyahehan na lang.
03:22At lahat ng kailangan bilhin ay puntahan na po.
03:24Magkaroon tayo ng mga listahan para hindi tayo nagmamadali at hindi tayo na sa stress.
03:29Idagdag ko rin po yung influenza-like illnesses, yung mga malatrang kasong sakit.
03:34Dahil ito po yung pagkakataon na andaming tao na nagsasabay-sabay.
03:38Nakikita ko sa monitor na yung mga naglalakad at dumadami yung human traffic.
03:42Walang problema po yan.
03:43Basta tayo ay mag-ingat, maghugas ng kamay lagi.
03:46Kung may sintomas, magsuot po ng face mask.
03:49So Asik, meron na bang advisory ang DOH?
03:52Para naman doon sa pag-inom ng alak, overeating at iba pang gawain na pwedeng magnulot ang holiday-related illnesses.
04:00Ano yung pinaka-critical na paalala sa publiko?
04:02Yan, Asikweng.
04:03Tungkol sa pag-inom ng alak, ang lahat po ng dami, kahit anong dami, kahit marami, kahit konti ng alkohol o ng alak, dapat po talaga iwasan.
04:14Sabi nga nila, mas maganda meron na ho ngayon, tinatawag yung mga mocktails, no?
04:17Imbes na cocktails na may alcohol, yung mga mocktails, para bang mukha siyang cocktail, pero hindi siya naglalaman ng likor o ng alak.
04:27So may mga ganyang options.
04:29Dumadami na rin, lalo na sa Gen Z ngayon, yung mga celebrations na alcohol-free.
04:33Pinapromote natin yan.
04:34Ngunit, kung talagang hindi makaiwas at tungkol rin po ng DOH magbigay ng abiso,
04:39alam nyo po ang sinasabi nila na para hindi tayo masabihang binge drinking,
04:44one standard drink per hour, Asikweng, ano yung one standard drink?
04:47Isang bote ng beer o kaya isang baso ng alak, kupita, o kaya isang shot nung sinasabi na hard liquor.
04:56Yun po, dapat hindi lumalampas per hour para hindi ka mabibinge drinking.
04:59Pero kung pwedeng iwasan, huwag na lang.
05:03Dao, Gil, doon dyan. Ako, isang drink, apat na hora.
05:06O, diba? O, yan.
05:08So may paalala naman ng DOH, tinggil sa kahalagaan ng paggalaw at maging yung pagsayo-sayo araw-araw.
05:14Ano ba yung tips ng DOH tungkol dito?
05:17Napapansin po namin, Asikweng, at ito manilamin yung mga edad natin.
05:21Yung noon, yung mga Zumba yung nauuso.
05:23Abay ngayon, sa Generation Z at sa Generation Alpha,
05:27ay nauuso yung mga sayaw na rinirecord para sa social media,
05:31para sa TikTok nga na sinasabi.
05:33Mahalaga po dito ang physical activity, no?
05:36Dahil as much as possible, sa isang linggo, dapat 150 minutes.
05:41Eh, paano natin bibilangin yun?
05:43Sa araw-araw, dapat meron tayong 30 minutes na tayo ay kumikilos,
05:48na medyo yung tibok ng ating puso ay tuwataas.
05:51Hindi naman kailangan na hinihingal tayo,
05:53pero dapat medyo may pawis kang mararamdaman ng konti.
05:5630 minutes per day, 5 days per week.
05:58Kaya yung mga sumasayaw ng mga latest TikTok dance trends nila,
06:03magandang i-practice yan.
06:04Pati yung mga sasayaw para sa Christmas party,
06:07kasama na rin po yan sa physical activity.
06:10So, dapat mag-practice 30 minutes a day.
06:12Correct, for 5 days in a week.
06:15So, matapos naman yung Pasko ay yung pagsalubong sa bagong taon.
06:18So, paano po natin pinaghahandaan yung DOH hospitals,
06:22yung dahil sa surge ng pasyente tuwing holiday season,
06:25mula sa firecracker-related injuries hanggang sa respiratory illnesses.
06:31Dahil syempre, mausok, yung mga maikika dyan.
06:33Tama.
06:34So, ang ating mga hospital, ang lahat po ng mga DOH hospitals,
06:37sumasabay na rin po yung mga LG hospitals,
06:39tsaka yung ating mga private hospitals.
06:42Nag-high alert po tayo,
06:43or more particularly, yung sinasabi nating Code White.
06:45Yan. Pag sinabi po natin malapit na yung Pasko,
06:48nagde-declare po. Abangan po yung declaration.
06:50Huwag huma-alarma.
06:51Ibig sabihin lang po po nag-Code White ang DOH,
06:54alam natin na ito na, maraming mga celebration nangyayari.
06:58Maaaring tumaas yung bilang ng mga road traffic injuries,
07:01tsaka yung mga fireworks-related injuries.
07:04Bigyan po natin ang baseline.
07:06Sa December 21 hanggang January 6, 2024,
07:10ang naitala po ng DOH, yung po nakaraang Pasko po ito,
07:13ang naitala po na fireworks-related injuries, 844.
07:18Sama-sama po nating babaan,
07:20dapat less than 844 yung maitala natin na total this year.
07:24Tapos doon po naman po sa mga road traffic injuries,
07:26ang naitala, 826.
07:29Ang date po na yan ay mula December 21, 2024,
07:33hanggang January 6, 2025.
07:35Yan po yung baseline.
07:36So ano po yung mga hakbang ng DOH para naman mapalakas yung kampanya
07:40laban sa paggamit ng itong mga iligal?
07:43At syempre, mapanganid na uri ng paputok, lalo na sa mga kabataan.
07:46Nako po, si Queng, ito nga sinasabi natin,
07:49mas maganda po yung sinasabing community fireworks display.
07:53So makatwid, sinasabi namin lagi,
07:55at ngayon, tayo po ay nag-reach out na sa ating mga kapitan,
07:58sa ating mga mayor, mga gobernador.
08:01Baka naman po, yung LGU ay pwede mag-sponsor
08:03ng sabayang pananood ng fireworks.
08:05Tapos, yung po mga professional na,
08:08yung mga talagang trained sa pagsinde
08:10at paghahawak ng mga fireworks ang magsisinde.
08:13At hindi po, lalo na po yung mga bata,
08:16hindi po dapat nagsisinde ng fireworks sa mga bata
08:19at ang mga nakainom.
08:21By the way, si Queng, no,
08:22pag fireworks, nasabi nga namin,
08:24parang literal na sinindihan mo yung pera mo
08:26at sinunog mo lang.
08:27Kasi buwibili ka, tapos in just like 30 seconds or less,
08:31mawawala rin po yun.
08:32So, mas maganda kung magsama-sama nilang tayo
08:35sa isang community fireworks display.
08:37No, kasi siyempre nakatipid ka pa.
08:39Ganun din naman yun eh.
08:40Papanoorin mo lang naman din yung sinindihan mo.
08:42Exactly.
08:43Actually, mas okay nga yun.
08:44Sabi nga nila,
08:45mas maganda na nanonood ka lang,
08:47relax ka lang.
08:48Kasi yung sisindi ka,
08:49tas tatakbo ka,
08:50tas hindi mo sigurado
08:51kung yung sinindihan mong mitsa
08:52ay may sindi o hihwala.
08:53Yan.
08:54Kung sisindi o hindi,
08:55tas lalapitan mo.
08:56By the way,
08:57napaalala mo,
08:57asikwen, no?
08:58Huwag na huwag pong babalikan
09:00ang mga paputok na hindi sumabog.
09:02Dahil baka akala natin
09:03ay walang sinindihan.
09:04Yung pala,
09:05medyo nasa ilalim lang yung sinindi
09:07or nasa taas.
09:08Or,
09:09yung mga tipong akala natin
09:10na natagal na nga,
09:12hindi sumasabog,
09:13tas parang gusto natin
09:14i-repackage.
09:15Ginagawa yan dati.
09:16Medyo guilty ako nung bata ko.
09:17At mali yun ah,
09:18wrong advice yun ah,
09:19na ang ginagawa yung pulbura,
09:21pinagsasama-sama.
09:22O si sinindihan.
09:23O, at si sinindihan,
09:24hindi po yun ang paraan
09:25dahil ayaw natin
09:27tayo masabugan
09:28at mapunta sa ospital.
09:29Oo.
09:30Kasi si sinindihan,
09:31tapos uusok siya,
09:32darn na, yun.
09:32Ayan, delikado yan.
09:34At ang watusi ay bawal,
09:36bawal na rin po yan
09:36dahil akala po ng bata
09:38ay candy.
09:39So, as I can't say
09:40surveillance naman ng DOH
09:42sa mga nakaraang taon,
09:43ano yung pangunahing sanhi
09:45ng mga road crashes
09:46tuwing Kapaskuhan
09:46at anong preventive measures
09:48yung mas pinayitig din nyo ngayon?
09:50Si Queng,
09:51alam nyo,
09:52ang number,
09:53ang top two
09:54na dahilan
09:54ng mga road traffic injuries,
09:56lari na sa panahon
09:57ng Pasko
09:58at ng bagong taon,
09:59yung mga hindi po
10:00nagsusuot ng helmet
10:01at saka
10:02yung mga nakainom.
10:04Parehong pwedeng
10:05iwasan po.
10:06Simple lang po,
10:07magsuot po tayo
10:08ng helmet.
10:09Huwag po natin isipin
10:10na yung ating bungo
10:11ay kasing tigas ng bakal.
10:12Hindi po.
10:13Kapag tayo po
10:14ay tumilapon mula
10:15sa motorsiklo
10:16at mahulog sa daan,
10:18nababasag po
10:18ang bungo natin.
10:19Gumamit po tayo ng helmet,
10:21protektado po
10:21ang ating ulo.
10:23Ikalawa,
10:23yun nga po,
10:24huwag na pong uminom.
10:25Magkaroon po
10:26ng designated driver.
10:27Kung talagang
10:28type nyo po
10:29na uminom,
10:30ay magtumawag na po
10:31kayo,
10:32mag-assign po kayo
10:33ng kasama na hindi uminom.
10:34Meron po dyan,
10:35usually,
10:35yung mga allergic
10:36o yung mga mahina
10:37sa alkohol
10:38ayaw nilang uminom.
10:39Sila po ang magiging
10:40designated driver
10:41or mag-stay over nilang
10:43matulog
10:43kung nasaan po
10:44yung party natin.
10:46Okay,
10:46tapos tayo dyan
10:46sa Paskot
10:47at Canoyer.
10:48Sa ibang usapin naman,
10:49Aseg,
10:49ano itong tinatawag
10:50na International
10:51UHC Day?
10:53Kailan po siya
10:53at bakit siya
10:54ginugunita?
10:55Alam ko,
10:56Aseg,
10:56malami nagaantay
10:57ng 12-12
10:58para yung kanilang
10:59nasa cart
11:00ay i-check out na.
11:01Pero hindi po
11:02yan ang pinag-uusapan natin
11:03ang 12-12
11:04or ang December 12
11:05is ang International
11:07Universal Health Coverage Day.
11:10Ang tema po ngayon
11:10ng International UHC Day
11:12Unaffordable Health Costs.
11:14We are sick of it.
11:16O sa Tagalog,
11:17ayaw na natin
11:18na tayo ay
11:19nagbabayad
11:20ng napakamahal
11:21na gastusing pangkalusugan.
11:23Sinaselebrate po yan
11:23every year,
11:24December 12.
11:25Sa Pilipinas po,
11:26so,
11:26well,
11:27lahat naman tayo
11:27December 12.
11:28Bukas po yan,
11:29so,
11:29inahahanda po natin
11:31ang paalala
11:32at tamang-tama
11:33magkakaroon tayo
11:34ng maraming activities
11:35or maraming mga
11:36advokasya
11:37na dapat talaga
11:38ang gastos
11:39mula sa bulsa
11:39ng ating mamamayan
11:41ay mas mababa.
11:42Kaya meron tayong
11:42zero balance billing,
11:44andyan yung puro kalusugan
11:45at marami pang iba
11:46na pwede nating
11:46himayan maya maya konti.
11:48So,
11:48kamakailan ay
11:49nagulat yung
11:49World Health Organization,
11:51World Bank Group
11:52at saka gobyerno ng Japan
11:53tungkol sa isang
11:54UHC Forum.
11:55Tungkol saan po ito?
11:56Ano po ba yung
11:57laman neto?
11:58Opo.
11:59Noong nakaraang
12:00Sabado po,
12:00sa pag-iimbita
12:02ng gobyerno ng Japan.
12:04So,
12:04sabihin po natin,
12:05pero ito ko gusto
12:05sa ating
12:06mga Japanese
12:07sponsors
12:08na nag-invite po sila.
12:10Pumunta po
12:11ang Secretary Abosa
12:12at ang inyong lingkod
12:13para po sa isang
12:14Universal Healthcare
12:16High Level Forum.
12:17Nandun po
12:17ang WHO Director General
12:19si Dr. Ted Ross.
12:21Andun rin po si
12:21Mr. Ajay
12:23na Presidente
12:24ng World Bank.
12:25At marami pang iba.
12:26Kung di ako nagkakamali,
12:27mga walos silang
12:28Secretary of Health
12:29or mga Ministers of Health.
12:30At andun yung
12:31mga donor partners.
12:32Importante ito
12:33dahil dun
12:34na pag-uusapan
12:35kung paano
12:36pawondohan
12:36yung ating
12:37Universal Health Care
12:38or Universal Health Coverage.
12:39Sa katunayan,
12:40nagkaroon ng intervention
12:42or pagsasalita
12:43si Secretary Ted.
12:44Pakinggan natin
12:45asekueng
12:46kung ano ang sinabi
12:47ng ating kalihim
12:48ng kalusugan.
12:49Yeah,
12:50I worked in the health sector
12:51for about
12:52four decades.
12:54First as a clinician,
12:55an akademisyon,
12:55and then eventually
12:56deputy minister
12:57and now the minister of health.
12:59And I think
13:00for this particular
13:01round,
13:03I'm very happy
13:04to have a president
13:05that had focused
13:06on education
13:07and health.
13:08Actually,
13:08education,
13:09health,
13:09and agriculture.
13:10And that helped
13:11because along the journey,
13:13we've been in the journey
13:13for the universal health coverage
13:15from passing the syntax,
13:18from passing a national health insurance
13:20in 94
13:21and then passing the syntax
13:23in 2012,
13:24the higher taxes
13:25on tobacco and alcohol,
13:26and then eventually
13:28passing a framework law
13:30on universal health coverage
13:31in the Philippines.
13:33And unfortunately,
13:34COVID happened after 2019.
13:36So when I came in
13:38as minister in 2023,
13:39that was the only time
13:41we were able
13:41to implement
13:42the UHC law.
13:44And we focused
13:45and I said,
13:46what are the things
13:46we need to do?
13:47So I went,
13:48I looked at the end in mind.
13:49So I focused
13:50on eight outcomes,
13:52immunization,
13:54nutrition,
13:55water,
13:55sanitation,
13:56and hygiene,
13:56maternal mortality,
13:58TB, HIV,
13:59and hepatitis,
14:02road safety,
14:03road crash injuries,
14:05and NCDs,
14:07hypertension and diabetes,
14:09and of course,
14:10cancer.
14:10And then we said,
14:11let's use digital technology
14:12to attain that.
14:14It's exactly the comments
14:15that were mentioned
14:16in the previous panel,
14:18that we need data
14:19and we need to use data
14:20to achieve the health outcome.
14:22So,
14:25ang tinig
14:26ni Secretary
14:27Erbosa
14:27dun po sa forum
14:29na nangyari po
14:29sa Tokyo,
14:30Japan.
14:31So,
14:32Asek,
14:32nagkaroon daw
14:32ng National Health Compact
14:34yung mga bansa
14:35sa naturang UHC forum.
14:36Meron bang tinatag
14:38na UHC Knowledge Hub
14:40at saka ano
14:40yung kahalagahan nito?
14:41Opo,
14:42nagkaroon,
14:43Asek,
14:43ng sinasabing
14:44UHC Knowledge Hub
14:45yung mga bansa
14:46katulad ng Japan
14:47na marami na sila,
14:49marami ng experience.
14:50And since 1960-something pa sila,
14:54nagkaroon yung
14:54universal health coverage.
14:56Yung ating Thailand,
14:58more recently,
14:59pero mga siguro
14:5920 years ago na lang
15:00kasi mga early 2000s
15:02na nagkaroon sila
15:03ng UHC.
15:04Yung mga halimbawa po
15:05ng mga bansa na yan
15:06na kapitbahay natin,
15:08nagkakaroon sila
15:09ng pag-share
15:11ng kanilang kaalaman
15:12dito sa UHC Hub.
15:13Ang importante,
15:14ang sinasabi po
15:15ng Secretary Erbosa,
15:16hindi dapat nananatili ito
15:18sa level
15:18na para bang
15:19usap-usapan lang
15:21na pang global health lang
15:23dapat nangyayari
15:24at nararamdaman
15:25ng ating mga kababayan.
15:26Pakinggan natin
15:27yung sinabi
15:28ng ating kalihim
15:29na si Secretary
15:29Teodoro Erbosa.
15:31So we talked about
15:32Partners Uniting.
15:34There's one project now
15:35for the first time,
15:37JICA,
15:38COICA,
15:38well,
15:39the defunct USAID,
15:40partnered to actually
15:41provide primary care
15:43in the Bangsamoro
15:44autonomous region
15:45of Muslim Mindanao.
15:46Of course,
15:47the USAID left,
15:48but the US
15:49gave me money back
15:50in terms of the FAS,
15:52the foreign assistance
15:53of the State Department.
15:54So the money is back
15:55for primary care.
15:56So that is a project
15:57I'm looking at
15:58because we talk about
15:59here at the Global
16:01level,
16:01but I'd like to see that
16:02at the primary care level
16:04wherein these
16:05international partners
16:06really partner.
16:08Excellent.
16:11So as ikwe,
16:12nakitin natin yung sinasabi
16:13ng ating kalingim
16:14ng kalusugan.
16:14Ang sabi nga niya,
16:15SECTED,
16:15hindi dapat panayusap-usapan,
16:18panay-partnership.
16:19Dapat ito ay nagsasama-sama
16:20tulad ng nangyayari
16:21po nga sa Bangsamoro
16:22at dapat nararamdaman
16:24ng bawat mamamayang
16:25Pilipino.
16:26Tama ka dyan.
16:27Mula sa taas,
16:28pakunta doon sa grassroots level.
16:29Correct.
16:30Okay, maraming salamat
16:31Asik Albert
16:32sa siksik na updates
16:33at mga mahalagang paalala
16:35ngayong holiday season.
16:36You're always welcome
16:37Asik Weng
16:38at lahat po
16:39ng ating mga kababayan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended