00:00Bukod sa pagpapanagot sa mga sangkot, ilang reforma ay patutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. kontra katiwalian.
00:10Kabilang na riyan ang paglulunsad ng Transparency Portal at kahit ang paggamit ng AI para sa mas pinaigting na project monitoring.
00:19Ang mga yan sa Sentro ng Balita ni Kenneth Pasyente.
00:21Sa harap ng isyo ng maanumalyang flood control projects, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang nagsabi na tuloy-tuloy ang reforma ang gagawin ng pamahalaan para maisulong ang katapatan, integridad at pananagutan.
00:38Dahil dito, sabi ng Pangulo, ikinakasa na ngayon ang pagbuo ng Transparency Portal na magbibigay ng akses sa publiko sa mga impormasyon patungkol sa mga proyekto.
00:48Kabilang na ang detalye ng mga kontratista, mga ahensyang nagpapatupad nito, maging ang lokasyon at estado ng proyekto.
00:56Ibig sabihin, ipapantayan natin ng gusto every step of the way.
01:01Bawat hakbang sa prosesong nito ay babantayan natin na mabuti para pag may nakita tayong hindi tama na gawa
01:08o against the rules and regulations ay makikita natin kaagat at hindi na natin pababayaan na makikita lang after 2-3 years, kagaya na nangyayari ngayon.
01:23Ipatutupad din anya ang sistematikong reforma lalo na sa disenyo ng proyekto, pag-aalok at pagkuhan ng kontrata at mga sistema ng pagbabayad
01:31na lahat anya ay naglalayong paigtingin ng transparency, matiyak ang siguridad ng datos at maiwasan ang mga pagkakataon para sa katiwalian.
01:40Upang matiyak naman na ang pondo na nilalabas natin para sa mga proyekto ay talagang tapos na.
01:49Dahil marami tayong nakita, completed, bayad na, hindi mo naman mahanap yung project, ghost project.
01:56O kung makita kang mga project, hindi kompleto, substandard, kaya patitibayin natin ang proseso
02:04para hiyakin natin na lahat ng kontrata ay ma-implement na mabuti.
02:11Ipinunturin niya na kailangang gamitin ng efektibo ang teknolohiya, lalo na ang artificial intelligence,
02:17na malaking bagay anya para mapahusay ang pagsubaybay sa mga proyekto
02:21at matukoy ang mga irregularidad sa pagproseso ng mga kontrata at pisikal na pagpapatupad ng mga proyekto.
02:28Meron tayong smart technology para tignan kung ano ba talaga ang standard,
02:32kung magandang pagkaayos.
02:35Ito tinitignan niyo kung talagang ninalagyan ng rebar, kung talaga kumakapal talaga yung konkreto,
02:42yung simento sa tamang specification.
02:45Yung isang smart technology na gagamitin natin, yung aking nabanggit,
02:50titingin sa proseso ng kontrata para pag may nakitang hindi tama,
02:56makikita natin kaagad.
02:59Kaya maglilis na yun eh, makikita natin, babalikan natin at imbisigahan natin bakit ganyan ang nangyari.
03:05Sa kabila ng mga reformang ipatutupad, binigyang bigat din ng Pangulo ang papel ng publiko
03:10para maisiwalat ang mga katiwalian,
03:13lalot mula ng umarangkada ang sumbong sa Pangulo website noong Agosto,
03:17nasa mahigit 20,000 reports na ang natanggap ng pamahalaan.
03:21Napakahalaga ng informasyon na ibinibigay ng taong bayan sa ating pamahalaan
03:27na malaking, madaming informasyon na hindi namin makukuha kung hindi sa inyong sumbong.
03:34Kaya tipagpatuloy po ninyo yung inyong pag-report sa amin kapag merong kayong nakita
03:39na dapat tignan, dapat imbisigahan, dapat pag-aralan.
03:43Ang sumbong sa Pangulo website ay inisyatiba ng pamahalaan
03:46kung saan rektang makapag-re-report ang publiko ng anumang irregularidad
03:50na nakikita nila sa mga proyekto sa kanilang lugar.
03:54Kenneth Pasyente
03:55Para sa Pambansang TV
03:57Sa Bagong Pilipinas