Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:05Update po tayo sa 29th ASEAN PLUS III Summit na isinagawa ngayong umaga.
00:11May ulit on the spot si J.P. Soriano. J.P.
00:17Connie mga kapuso, sa gitna po na ng papatuloy na tensyon sa East Asia.
00:21Nanawagan po ang China sa mga bansang kabilang dito na pairali ng pagtutulungan
00:25at pagkakaisa at huwag daw pairali ng sariling interes at impluensya.
00:30At Connie, sa naganap nga na summit na yan, naganap ngayong umaga,
00:34yung tinatawag na ASEAN PLUS III Summit ng Japan, Republic of Korea at China,
00:38kapansin-pansin ang panawagan ng China na dapat daw mas unahin ang pagtutulungan ng mga bansa
00:43sa riyon kaysa sa mga hakbang na nakatuon sa sarili nilang interes at impluensya.
00:48Ito ang sinabi ni Jiang Su, ang Minister of Agriculture and Rural Affairs ng People's Republic of China,
00:54nang makaharap niya si na Japanese Prime Minister Sanae Takaichi at Republic of Korea President Lee Jae-myung
01:01at Pangulong Bongbong Marcos na siya ring ASEAN Chair.
01:04Walang partikular na bansa o geopolitical dispute na direktang tinukoy ang China.
01:09Pero anya, dapat daw mas pagtuunan ng matibay na pagkakaisa, mutual trust at regional cooperation
01:15sa gitna raw ng tumitinding geopolitical tensions at economic uncertainty sa mundo.
01:20Ayon sa kinatawa ng China, gaya raw ng isang apoy na mas lumalakas kapag sama-samang nagdadagdag
01:27ng gatong. Mas magiging matatag daw ang East Asia kung magtutulungan ng mga bansa
01:32sa halip na magpakitang gila sa geopolitical rivalry.
01:35Bukod po sa isyo ng teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas,
01:40matagal nang may geopolitical tension at alita ng China at Japan,
01:44kaugnay ng Taiwan at iba pang maritime security habang may hindi rin pagkakaunawaan
01:50ng China at Republic of Korea at South Korea sa Yellow Sea.
01:54Kasabay nito patuloy din ang banta ng nuclear at missile program ng North Korea
01:58sa siguridad ng Japan at South Korea.
02:01Parehong malapit po na kaalyado ng US ang Japan at Republic of Korea
02:05habang kaalyado ng China ang North Korea.
02:08Sa gitna namang hindi pagkakaunawaan sa riyon, iginiit ang China na mas kailangan
02:13ng mutual trust at pagkakaisa.
02:15Ayon sa kinatawan ng China, patuloy na humaharap ang East Asia sa mga hamon
02:19gaya ng energy supply at food security.
02:22Para naman po kaya Japan Prime Minister Takaichi dapat palakasin ang kooperasyon
02:27at disaster response habang iginagalang ang kalayaan ng bawat bansa
02:33na magpasya para sa sarili nitong interest.
02:35Si Republic of Korea President Lee yung naman nagsabi na sa kabila raw
02:40ng magkakaibang kasaysayan at interest ng mga bansa
02:43na patunayan ng ASEAN Plus 3 Summit na kayang malampasan ng mga krisis.
02:48Ayon naman kay Pangulong Bongbong Marcos,
02:49mahalagang mapalakas ang kooperasyon ng ASEAN, China, Japan at South Korea
02:54upang matiyak ang sapat na supply ng enerhiya, pagkain at matatag na ekonomiya
02:59para sa buong Asia.
03:01Samantala, bukod po sa usapin ng Code of Conduct o COC
03:03na hindi naman matatapos ngayong ASEAN 2026,
03:06apat na outcome documents ang inilabas ng ASEAN-China Summit
03:10ayon kay Foreign Affairs Secretary Fereza Lazaro.
03:13Kabilang po dito ang joint statement para sa ikalimang aliberasari
03:16ng ASEAN-China Comprehensive Strategic Partnership,
03:19pagtatatag ng Energy Cooperation Partnership,
03:23pagpapapalalim ng kooperasyon sa forestry,
03:25at iba pang kasunduan.
03:27At ang napag-usapan din po ng ASEAN at China
03:29ang mas matibay na kooperasyon laban sa transnational crimes,
03:33particular sa online hubs at human trafficking na problema po ngayon sa Southeast Asia.
03:38At syempre, ngayon po, Connie, mga kapuso,
03:41ay isa po sa mga inabangan ngayon ay ang ASEAN-US Special Summit,
03:45kung saan makakaharap po ng mga ASEAN leaders,
03:48si US President Donald Trump na inaasahang darating ngayong hapon.
03:53At yan muna ang latest, balik muna sa iyo, Connie.
03:55Marami salamat, JP Soriano.
03:58Mahigit at tumpong kilong hininalang koke
04:01ng natagpuan sa baybay ng Barangay Sana sa Apari, Cagayan.
04:04Ayon sa pulisya, na-discovery ng apat na mangingisda
04:07ang 26 na itim na paketing hugis bloke
04:10na palutang-lutang doon noong Sabado.
04:12Agad namang isinuko ng mga mangingisda
04:14sa maotoridad ng iligal na droga.
04:17Halos 660 milyong piso ang halaga nito.
04:20Dinala na sa laboratorio ang mga ito para sa pagsusuri.
04:26Ipinasupina ng Senate Impeachment Court
04:28ang apat na testigo ng depensa para sa impeachment trial
04:31may Vice President Sara Duterte sa Uwebes at Bermes,
04:34November 19 at 20.
04:37Ay kay Clerk of Court Renato Bantug,
04:39ipinadala online ang mga supina.
04:41Batay sa manifestation at request for supina ng depensa,
04:45ipinatatawag si Atty. Rainier de la Fuente
04:48para tumistigo tungkol sa legal concepts
04:50kaugnay sa Anti-Money Laundering Act.
04:53Gayun din po si DTI Undersecretary Seferino Rodolfo
04:57para tumistigo kaugnay sa registration
04:59ng Calye 88 Foods Corporation sa Board of Investments.
05:04Kasama rin si Pilar Marilyn Pagayunan,
05:07Director sa FDA Center for Food Regulation Research
05:11para naman sa product registration ng Calye 88
05:13sa ibinibenta nitong Banana Chips.
05:16At si Rowena Mendoza,
05:17Department Manager sa Center for International Expositions
05:20and Missions para tumistigo tungkol sa komunikasyon
05:23ng Calye 88 taugnay sa mga food exposition.
05:34History was made para sa original Filipino music
05:37at P-pop sa Grammys.
05:39Nominato ang SP-19 at winning sa first ever
05:41Best Asian Pop Music Performance category
05:44ng 2027 Grammy Awards.
05:47Pasok sa kategory ang kanta ng P-pop Kings na Visa
05:50habang entry naman ng Nations Girl Group
05:53ang kanta nilang unang kilig.
05:55Ang Best Asian Pop Music Performance
05:57ay kabilang sa limang bagong kategory
05:59ang ilulunsad sa Grammys 2027.
06:03Parehong thankful ang dalawang P-pop group
06:05sa historic nominations.
06:07Until ang multi-awarded singer na si Olivia Rodrigo
06:10nakakuha ng pitong nominations sa upcoming Grammys.
06:13Ang kanta niyang The Cure
06:15nominado sa Record of the Year,
06:17Song of the Year at Best Pop Solo Performance category.
06:21Ang album niya na You Seem Pretty Sad for a Girl So In Love
06:25nominated para sa Album of the Year
06:27at Best Pop Vocal Album.
06:29Ang kanta niyang What's Wrong With Me
06:31nominated naman sa Best Rock Performance at Best Rock Song.
06:35Ang isa pang multi-awarded film singer na si Bruno Mars
06:39may anim na nominations naman.
06:42Nominated ang kanta niyang I Just Might bilang Record of the Year
06:45habang ang Risk It All naman ay pasok bilang Song of the Year
06:49at Best Pop Solo Performance.
06:51Nominated naman sa Best Pop Vocal Album
06:53ang album niyang The Romantic
06:55habang para sa Best Song Written for Visual Media
06:58ang runway.
06:59Sa February 2027 gagawin ang awarding ng Grammys.
07:08From Batman to James Bond
07:11ang British actor and producer na si Robert Pattinson
07:14ang bagong Agent 007.
07:17Kinumpirma ito ng Amazon MGM Studios
07:20na nakatakdang iproduce ang kanilang first James Bond film.
07:24Confident sila na mabibigyan ni Robert
07:26ng justice ang iconic role.
07:29Para naman kay Robert, isa itong honor of a lifetime.
07:32Sabi ng director ng upcoming film,
07:35hatid ni Robert sa James Bond character
07:37ang spirit that is completely new.
07:40Pati ang British royal family,
07:42Queen Nelcom ang bagong James Bond.
07:44Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA News.
07:49Samantala, 38 days na lang, Pasko na.
07:52Sa isang Christmas Village sa Kamalig Albay,
07:55meron daw sumasapaw sa view.
07:57Pero yan naman ang klase ng photo o video bomber
07:59na hindi kaiinisan at lalo pang kagigiliwan.
08:03Very classic ang tema ng Christmas Village sa Sumplang Lake.
08:07May Christmas houses, train, reindeer, Santa at sani-sani dekorasyon.
08:10At ang pinaka-special na palamuti na tanaw sa likod ng display,
08:15ang Mayon Volcano.
08:17Ayan o, kitang-kita ang bulkan with its nearly perfect cone-shaped glory.
08:21Sa gabing hindi tanawang bulkan,
08:23extra magical pa rin naman ang pasyalan dahil sa mga pailaw.
08:27Kabilang ang mechanical LED butterflies,
08:29napaandar ang pag-aspas ng mga pakpak.
08:32Sa opening day ng Christmas Village,
08:34nagkaroon pa ng fireworks at special presentation.
08:37Galing, parang snow-capped yung clouds.
08:40Ang ganda niyan paghapon, lalo na.
08:42Oo.

Recommended