Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Huli kam sa Dumangas, Iloilo, ang panuloob ng 7 lalaki sa isang vocational training center nitong linggo.
00:07Tinangay nila ang mahigit 20 electrical equipment na nagkakalaga ng 100,000 piso.
00:13Base sa investigasyon ng polisya, nakapasok ang mga lalaki matapos lagariin ang lock ng silid.
00:18Kalaunan, 2 sa mga lalaki ang umamin sa director ng paaralan.
00:23Nagawa daw nilang krimen para daw maipambayad sa kanilang in-order online.
00:28Napagalaman din na 6 sa mga suspect ay minor de edad.
00:31Na-recover ang mga ninakaw na gamit sa isang tanima ng tubo.
00:35Hindi na nagsampan ang reklamang director ng eskwelahan.
00:40Update po tayo sa paghahanda sa siguridad sa gaganaping 49th ASEAN Summit sa susunod na linggo.
00:46May ulat on the spot si June Veneracion.
00:49June?
00:50Connie, nagsagawa ngayon ang stand-off ceremony para sa mga security forces
00:54na nakadeploy sa 49th ASEAN Summit.
00:58Magit 23,000 ang buong kwersa.
01:01Na mga ngalaga sa siguridad at kaayusan ng ASEAN Summit,
01:05karamihan sa kanila ay mga polis.
01:06Kabilang sa mga resources na nakalaan para sa ASEAN Summit
01:10ay mahigit isang libong motosiklo at mobile cars at mga canine dogs.
01:14Sabi ni DILG Secretary John Vic Rimulia na ilatag na ang lahat ng plano.
01:19Nakasalalay na lang ngayon sa mga tropang nakadeploy ang pagpapatupad ng mga planong ito.
01:24Sabi naman ni PNP Chief Jose Melancho Natates Jr.
01:27na gawa na ito dati nung huling mag-host na Pilipinas ng ASEAN Summit noong 2017.
01:32Kaya umaasa siyang konting adjustment na lang ang kailangan para mas matiyak,
01:36ang maayos at ahimik na pagdaraos ngayong buwan.
01:40Handa na raw ang PNP sa anumang maaring mangyari habang nagaganap ang summit.
01:45Ayon naman kay NCR Police Office sa Officer in Charge,
01:48Brigadier General Christopher Abrajano.
01:52Iba-iba man ang uniforme ng mga nakadeploy na security units,
01:56pero iisa lang ang kanilang misyon,
01:58ang bantayan ng lahat ng venue at mga dadalo sa ASEAN Summit.
02:01Kahapon ay itinaas na ang full alert status sa NCR Police Office.
02:06Maraming salamat, June Veneracion.
02:11Kaugnay sa kauyusan at siguridad para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits,
02:16makakapunayin natin si NCRPO Officer in Charge,
02:18Brigadier General Christopher Abrajano.
02:21Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
02:25Magandang umaga, Rafi, at magandang umaga sa lahat ng nanonood sa inyong programa.
02:29Opo, may mga namo monitor ba tayong banta sa siguridad sa pagdaraos po ng ASEAN Summit?
02:35So far, patuloy ang monitoring ng ating intelligence community at ang report sa atin na wala namang pong active na
02:44banta.
02:45Even then, handa ang inyong kapulisan.
02:48Meron tayong mga contingency plans just in case may mga mangyaring uneventful incidents.
02:54Pero ang may papangako natin, binabantayan natin ng maigi, hindi lang yung venue,
02:59binabantayan natin ang building areas, yung mga hotel na pag-stayang ng ating mga leaders,
03:07pati yung mga ruta at yung ibang essential areas pa dito sa Metro Manila.
03:13May mga itatalaga po bang checkpoints malapit dun sa lugar na pagdaraosan ng summit?
03:20Meron na po tayong mga exclusion zones.
03:22Ibig sabihin, itong mga exclusion zones dito sa venues ay heightened security posture ang ginagawa ng mga polis natin.
03:30So, opo, makaka-expect po kayo ng checkpoints natin at ibang mga security operations dito sa paligid ng venue.
03:39At ganun pa man, yung ating regular police operations sa ibang lugar na hindi naman involved sa ASEAN Summit,
03:47ay patuloy yung ating anti-criminality campaign, yung crime prevention efforts.
03:52Nandyan pa rin yung ating local police units na nagbabantay.
03:56PICC po, hindi ba yung exclusion zone? Medyo madaling bantayan considerably kasi iilan lamang yung lagusan ito.
04:04Pero nabanggit yun yung billeting areas ng mga dadalo. Medyo malawak po ito. Ano magiging latag ng siguridad doon?
04:13Meron po tayong 16 billeting areas, hotels. At meron din po tayong mga security packages doon.
04:20Tulad ng security na binibigay natin sa area ng PICC, ganun din po yung posture ng kapulisan.
04:28Hindi lang po polis ang nagtatrabaho dito. Nandyan din po yung kasamaan natin sa LGU, yung private security agencies.
04:38Kung makikita mo sa BGC, may mga sarili silang security agencies yan. Tulong-tulong po tayo na binabantayan niyang billeting
04:45areas.
04:46At kung magta-travel na po yung mga delegado papunta sa PICC, asahan ho ba yung closure?
04:50Anong mga kalsada? O paano ho ba? Stop and go ho ba yung gagawin?
04:56Meron pong mga itinakdang ceremonial lanes sa mga rutang ito. From the billeting, from airport, papunta sa PICC.
05:04Kaya nga po ang panawagan natin doon sa mga kababayan natin, ng mga motorista, especially on the dates ng meeting
05:14itself,
05:15ay huwag po tayong pumasok doon sa mga designated na ASEAN lanes natin.
05:21Meron naman po mga kapulisan, may mga MMDA na mag-guide din po sa kanila, sa mga motorista kung saan
05:27dapat dumaan.
05:29Handa na po ba kayo sa mga magkikilos sa protesta?
05:35Opo. Kasama po na iniintindi namin yung kapakanan ng ating mga kababayan.
05:41Diyan din po yung proteksyon natin sa kanilang malayang pagbigay ng kanilang mga advokasya.
05:49Expect po ng kapulisan ay magbabantay and we will exercise maximum tolerance.
05:54Pero papanatiliin po namin na safe and secure din yung mga venue areas natin tulad sa PICC.
06:03Pero si Loobay nakikipag-ugnayan sa inyo? Meron bang area na pwede silang magkilos sa protesta?
06:10Wala pong permit na ibinigay sa mga LGUs.
06:19So ang aking instruction sa aking mga district directors, sa mga station commanders,
06:24ay kung meron man may mga pagtitipon, ay kailangan nandun sa freedom parks yung mga yan.
06:31Ang pakiusap nga namin, we're trying our best para maging safe and secure itong ASEAN Summit.
06:40Sana makipagtulungan din po yung ating mga kababayan na gustong magbigkas ng kanilang mga advokasya.
06:46Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
06:49Maraming salamat po.
06:51Yan po si NCRPO Officer in Charge, Police Brigadier General Christopher Abrahano.
06:56Tinatawan ng Sandigan Bayon 3rd Division ng 70 araw na suspensyon si dating House Speaker Martin Romualdez.
07:04Dahil sa hindi muna po pwedeng gampanan ni Romualdez ang mga tungkulin niya bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
07:10Nakakulong si Romualdez sa New Quezon City Jail para sa kasong plunder,
07:14kaugnayan ng pagtanggap umano niya ng kickback mula sa flood control projects.
07:19Sa bail hearing ng kaso ni Romualdez kahapon, tumestigo si Congressman Toby Tiyanko.
07:24Sinabi ni Tiyanko na umabot sa 26 na bilong piso ang halaga ng insertions ni Romualdez sa 2025 national budget.
07:33Na-flag daw ito ni Tiyanko dahil bukod sa napakalaking halaga,
07:372 bilong piso lang ang napunta sa mismong distrito ni Romualdez.
07:42Dati nang itinanggi ni Romualdez nasangkot siya sa anumang irregularidad sa national budget.
07:52Patay ang isang mag-ina matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Talisay, Cebu.
07:57Ayon sa Talisay City Fire Station, pasado alas 3 ng madaling araw kahapon ang sumikla magsunog sa barangay Tabunok.
08:04Nadatna ng mga rumisponde na nakalak ang gate ng dalawang palapag na bahay.
08:08Nahirapan din ang mga bumbero sa pagpula sa apoy dahil mataas ang bakod.
08:13Mag-aalas 4 ng umaga ng maapula ang apoy.
08:15Ayon sa barangay, kinatok at tinawag nila ang mga nakatira sa bahay pero walang sumasagot.
08:21Inakala rin ang kaanak ng 62 anyos at 22 anyos na mga biktima na umuwi sa probinsya ang mag-ina.
08:27Inaalam pa ang sanhinang apoy.
08:31Nasa uwi ang isang lineman matapos makuryente sa General Santos City.
08:35Ay sa kapatid ng 34 anyos na lalaki,
08:38Nag-i-install sana ng transformer ang kapatid at mga kapwa lineman sa barangay Tumbler nitong linggo.
08:45Pero pag-akyat ng biktima sa poste, nadikit po siya sa kabe ng kuryente.
08:50Nagtamu siya ng matitinding paso sa katawan.
08:53Wala silang suot na safety gear noon.
08:56Ligtas naman ang ibang lineman.
08:59Napag-alaman na hindi pala napatay ng engineer ang mainline ng kuryente nang mangyari ang insidente.
09:05Aminado ang engineer sa pagkakamali.
09:07Nangako naman ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng nasawing lineman na sasagutin ang gastro sa pagpapalibig.
09:14Wala rin daw plano magsampan ang reklamo ang mga kaanak ng biktima.

Recommended