- 16 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:02Kahit papalapit na ang holiday season, hindi raw ramdam ng ilang nagtitinda at negosyante sa Divisoria sa Maynila ang Christmas
00:10Spirit dahil sa tumal ng benta.
00:13Malitang hatid na Gabriel Gonzalez.
00:19Maluwag at halos walang namimili. Ganito ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Divisoria kahit malapit na ang holiday season.
00:26Ayon sa ilang nagtitinda ng mga sapatos, sandals at iba pa sa Ilaya Street, paisa-isa lang ang namimili ngayon
00:33kumpara noong nakaraang taon na kahit Nobyembre pa lang ay marami ng namimili ng mga panregalo.
00:39Nagtitipid na rin daw sa pasahod ang kanilang amo, kaya ginawa ng dalawang araw ang day off ng mga tindera
00:45sa halip na isa lang.
00:47Hindi pa po namin masyadong nararamdaman yung talagang Christmas Spirit kasi talagang wala pang ganong namimili.
00:54Ginagawa po ng amo namin sa ngayon dahil niya matumal, nag-aawas siya ng konteng tindera, binabawasan niya kami,
01:01nagiging lima lang kami instead na pito para kahit paano po, maano naman niya yung kita niya, hindi lang puro
01:07pasahod sa tao.
01:08Apektado rin ang matumal na bentahan ng mga nagtitinda ng prutas sa Taboras Street.
01:12Bukod kasi sa halos walang bumibili, tumaas pa ang presyo ng mga prutas gaya ng ubas at mansanas.
01:18Naglalaro sa 1,750 pesos ang isang box ng mansanas o 50 pieces ng mansanas kumpara sa 1,200 hanggang
01:281,300 noong manakaraang buwan.
01:31Ang ubas naman mahigit sandaan ang itinaas.
01:34Nasa 6.50 na ang kada crate na may lamang 6.5 kilos ng ubas mula sa dating 500 to
01:40550.
01:40Medyo matumal ngayon, kumpara nung isang taon medyo mabili yung isang taon eh.
01:45Kasi ano eh, kukunti ang supply ng prutas ngayon eh.
01:48Pagkakunti ang supply, talagang tumataas yung presyo kaya tumutumal.
01:53Amina doon man ang ilang mamimili na mas pinipili na lang nilang ipambili ng pagkain ang ekstra ang budget sa
02:00halip na ipambili ng mga panregalo.
02:02Wala na po masyadong pera yung mga tao ngayon sir.
02:05Budget mo, at least kalmo na po bili yung mga kailangan lang po munang binibili namin.
02:09Sa pinakauling tala ng Philippine Statistics Authority, tumaas sa 7.8 ang inflation rate sa bansa nitong Oktubre mula sa
02:187.2 noong Setyembre.
02:20Ayon sa PSA, kapag bumibilis ang inflation, humihina ang purchasing power ng mga mamimili o yung kakayahan ng mga consumer
02:28na makabili ng mga produkto.
02:30Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:39My special guest sa Family Feud this week.
02:44Pangumunahan ang host na si Michael V. at Ding Dong Dantes ang back-to-back to back special episodes.
02:51Susubukan ang misis ni Bitoy na si Carol Bonagan na magwalaan ng survey results.
02:56Guest din ang wifey ni Dong na si Marian Rivera, kasama ang cast at production staff ng Film Na Remember.
03:03Puhula rin sa survey ang mga kabarangay ni Atoy sa Tabang Lupa from Team Master Cutter.
03:10Kasama rin ang cast ng GMA comedy drama TV series na Delivery Boy.
03:15Chika ni Dong natutuwa siya sa episodes hosted by his Kuya Bitoy.
03:19Very lively at nagkakaroon daw ng ibang flavor, ang hosting ni comedy genius Michael V.
03:27Binatikos ng Malacanang ang tila pangmamaliit daw ni Vice President Sano Duterte sa Pwersa ng Pilipinas.
03:35Totoo man, meron tayong girian sa West Philippine Sea.
03:42Pero kapag iniisip ng pamahalaan, daano ba kalaki ang baril ko?
03:49Daano ba kalaki ang baril ng kalaban?
03:54Ni-humiliate ng Vice Presidente, minaliit ng Vice Presidente Sara Duterte,
04:00ang kakayahan ng mga Pilipino.
04:02Ang isang liderato hindi dapat sumusuko.
04:06Iisa lang ang bansa natin.
04:08Iisang bansa ang dapat natin punoprotektahan.
04:11Baka marami ng Manchurant Candidates ang nakapaligid sa ating bansa.
04:15Mag-ingat po tayo.
04:17Sa pagharap ng bisis sa OFW Community sa Hong Kong noong linggo,
04:20kabilang sa mga tinalakay niya, ang tensyon sa West Philippine Sea.
04:24Ang Pilipinas ikinumpiran niya sa hindi liit habang nagpakita naman siya ng kamao at braso
04:30para ilarawan ang pwersa ng China.
04:33Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
04:36pamamahiya sa kakayahan ng mga Pilipino ang sinabi ni Vice Presidente Duterte.
04:40Pinalagan din ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea,
04:44Rear Admiral Jay Tariela, ang pahayag ng bise.
04:47Ang ganyang uri ng anyay defeatist mindset ang nagpapatapang sa China.
04:54Hindi raw laki ng braso ang laban ng Pilipinas kundi ang UNCLOS 2016 Arbitral Award mga kaalyadong bansa
05:03at mga insidente ang nagpapakita kung sino ang tunay na bully sa West Philippine Sea.
05:08Wala pang sagot dyan si Vice President Duterte.
05:13Puspusan na rin ang paghahanda ng MMDA para sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
05:17May ulat on the spot si Oscar Oida.
05:20Oscar?
05:24Yes, Rafi, sa press briefing na pinangunahan ng MMDA sa kanila mismong tanggapan ngayong umaga,
05:31natalakay ang ilan sa mga isinasagwang preparasyon,
05:34maging ilan sa mga traffic management plans para nga sa gaganaping ASEAN dito sa ating bansa.
05:40Ayon kay Chairman Artes, wala daw magiging road closure.
05:45Meron lang mga ipapatupad na restrictions at mga stop and go mula pa nitong November 9 hanggang November 18.
05:53Lahat ng papasok sa may PICC complex area, dapat may mga ASEAN sticker,
05:59partikular yung mga itinuturing na security exclusion zones gaya ng Atang Dilarama Street,
06:05Vicente Soto Street, Pedro Bucaneg Street, Magdalena Halandoni Street,
06:09ang pwedeng alternatibong daanan kung kayo ay pa-northbound,
06:14yan yung mga daanan along Jocno Boulevard at Makapagal Boulevard going to Rojas Boulevard,
06:18e kumanan ng Seaside Boulevard, kumanan ulit ng Makapagal Boulevard,
06:23kakaliwa ng EDSA at kakaliwa papuntang Rojas Boulevard.
06:27Yung mga pa-southbound naman along Rojas Boulevard going to Jocno Boulevard
06:31and Makapagal Boulevard, pwede kayong kumanan ng EDSA,
06:35kakanan muli ng Jocno Boulevard at kakanan ulit sa may Makapagal Boulevard.
06:41Pagtitiyak pa ng MMDA, yung mga ipapatupad naman ng mga stop and go ay mabilisan lamang.
06:46Pag nakadaan na raw ang convoy ng mga heads of states ay padadaluwi na muli ang trapiko.
06:52Paano naman sa mga itinakdang track routes,
06:54maari daw ang sumangguni sa FBPH ang MMDA para sa detalye.
06:58Kaugnay naman ng mga adjustments sa barrier sa EDSA.
07:01Ayon sa DOTR, ito raw ay para mas lawakan ang dadaluyan ng convoy ng mga heads of states.
07:08Di raw kasi kakasya kung nakasa nakagawi ang bustling lamang padadaanin.
07:13Nakiusap naman ang MMDA sa publiko na habaan ang pasensya at ilang araw lang naman ang asehan.
07:19Kagunay ng isasagawang event, magde-deploy ang MMDA ng hanggang sa kanilang 2,637 na personel.
07:27Raffi?
07:28Maraming salamat, Oscar Oida.
07:32Sa day 42 na impeachment trial ni Vice President Sano Duterte,
07:36humarap ang Corporate Council ng Gencore Industries at Metro City Chow.
07:41May ulat on the spot si Ian Poo.
07:43Ian?
07:47Yes, Connie, natuloy na nga ang pagtistigo ni Atty.
07:51Suseta Punay ang in-house counsel ng Metro City Chow Foods.
07:56Gayun din ng Gencorp Industries na ayon nga sa prosecution ay mga kumpanya kung saan nga may business interest si
08:04Vice President Sara Duterte.
08:06At sa pagsala nga sa kanya, noon itong si Atty. Justin Nicole Gular ng defense team,
08:12ay agad naman, Connie, na nag-object sa kanyang presentasyon si Atty. Lorna Capuna ng prosecution team.
08:19Sabay tanong kung may board resolution ba nagpapahintulong sa kanyang pagharap sa impeachment trial.
08:24Sa ruling naman ni presiding, Officer Chies Escudero, pinayagan ang pagtistigo ni Atty. Punay.
08:30Kabilang sa mga inilahat ni Atty. Punay ay noong 2022, wala ang pangalan ni VP Sara Duterte sa General Information
08:36Sheet o GIS ng Gencorp Industries.
08:39Wala rin daw ang pangalan ni VP Sara Duterte sa mga opisyal ng Gencorp noong 2023, 2024 at 2025.
08:47Sabi ni Atty. Punay, nalaman niya ang pagbanggit sa Gencorp Industries sa impeachment trial sa pamamagitan ng mga social media
08:56posts.
08:56Nabanggit din na Ania ang Gencorp ni Atty. Alex Cabrera na expert witness sa prosekusyon at nagsabing may 20%
09:03share si VP Sara sa Gencorp at Metro City Chao.
09:07Objeksyon ni Atty. Lorna Capuna, hindi maaaring kontrahin ni Atty. Punay ang expert opinion ni Atty. Cabrera.
09:14Pero pinayagan ni Presiding Officer Chies Escudero si Atty. Punay na sumagot base sa personal knowledge at mga hawak na
09:21dokumento.
09:21Tinanong ni Gular si Atty. Punay kung ano masasabi niya sa factual finding ni Atty. Cabrera.
09:27Sagot ni Atty. Punay, incorrect daw ito.
09:31Ang total paid up daw sa corporate records ay 1.2 million pesos at hindi niya alam kung magdaragdag ng
09:3720%.
09:38At kung magkakaganoon daw ay magiging 1.5 million ang amount paid.
09:43At ng tanongin ni Atty. Gular kung anong tawag sa sitwasyon na yun, it's absurd, Ania.
09:48Nag-move si Atty. Capuna na ma-strike out ang nasabing salita.
09:52Ang absurd daw ay ang testimonya ni Atty. Punay dahil conclusion at opinion ang mga ito.
09:58Kaya nag-object din dito si Defense Counsel Gular.
10:01Sa ruling ni Escudero, pinalis sa record ang nasabing absurd ni Atty. Punay pati na ni Atty. Capuna.
10:08Si Atty. Punay ang ikaapat na witness na ipremisenta ng defense team.
10:12Siya ang dapat. Ang maunang testigo nitong lunes na umatras nga bilang witness si Dean Ralph Sarmiento.
10:18Pero hindi rin natuloy dahil nakaschedule ang kanyang medical procedure.
10:23Kung may sapat na panahon, susunod sa kanya ang bank officials na ipinasumpina rin ng depensa.
10:29Kahapon, nagbawas na ng witness ang depensa.
10:31Hindi na isasalang sa witness na si Kapitana Cindy Colina ng Barangay Matina Crossing.
10:36Sabi ni Atty. Michael Powa, hindi na kailangan ng testimonya niya dahil nga may nauna ng testigo
10:41na nagkumpirman na ang Matina Crossing at Panagay 74A ay iisa lamang.
10:46Sinabi ni Escudero na kung siyang tatanungin, mas maiging matapos ang impeachment trial bago ang Pasko o bagong taon
10:52para sa bagong yugtuna ang bansa sa 2027.
10:56Pero depende raw ito sa magiging takbo ng presentasyon ng ebidensya ng depensa at paggulong ng pagdilitis.
11:02Si Atty. Michael Powa rin ay hindi masabi kung bagong magpasko ay tapos na ang impeachment trial,
11:08ang 24 na witness na ipinatawag nila ay para lamang daw sa linggong ito.
11:13May lalabas sila mga pangalan ng witness para sa November 19 and 20 na pagdinig sa araw yan ng biyernes.
11:21Ayon kaya Public Prosecutor Representative Terry Redon, sa nakalipas na dalawang araw,
11:25nakita umano ang evasive na mga testigo.
11:28Kaya umaasa siyang mas maayos daw sana ang mga testigo sa paglilitis ngayon.
11:33At samantala, kinumpirma naman sa GMA News ni Impeachment Court ka-Clerco Port,
11:38Atty. Renato Bantog na sa November 23 ay wala mo ng trial para magbigay daan sa pagtalakay ng 2027 National
11:47Budget.
11:48Connie, sa mga sandaling ito ay nagpapatuloy pa rin ang direct examination ni Atty. Gular,
11:54dito kay Atty. Punay at Connie, itong tinatalakay ngayon sa GenCorp Industries pa lamang
12:00at inaasang kahit pang mag-lunch break, pagbabalik ng impeachment trial,
12:05mamayang hapon ay yung Metro City Chao naman ang tatalakayin itong si Atty. Gular
12:09tsaka pa lamang magkakaroon ng cross-examination at interjection ang mga senator dyan.
12:14Siya ng latest, mula rito sa Senado, balik sa iyo, Connie.
12:17Maraming salamat, Ian Cruz.
12:22Thankful si na Marian Rivera at Ding Dong Dante sa suportang matanggap para sa kanilang pelikulang Remember.
12:29Sa world premiere kagabi, present ang cast ng pelikula pati ang direktor na si May Cruz Alviar,
12:34na siya ring direktor ng box office hit na Rewind noong 2023.
12:39Present din ang ilang kapuso stars na full support sa pelikula,
12:43kabilang ang co-star si Ding Dong sa GMA Prime series of The Master Cutter.
12:46Dumating din si Napo Kuang at Cara David.
12:51Showing na sa mga sinihan, simula ngayong araw ang pelikulang Remember.
12:55Chika ng Dong yan sa akin, proud sila sa pelikula at sa kwento nito.
13:03Mapagmamalaki, oo, dahil sa bawat ginawa naming mga eksena yata,
13:08na sabi ko sa mga anak ko, yung mga pinagdaanan at mga emosyon na ibinigay namin dito.
13:13Very excited kaming ibahagi ito sa mga makakapanood.
13:16Nakakatuhang makita yung kanilang insight, yung kanilang reactions,
13:21pati pero higit sa lahat yung mga tanong nila sa amin.
13:23Gusto pa nilang malaman kung ano ba yung kahulugan nito sa amin as the people behind the film.
13:30At yan ang may init na balita ngayong tanghali.
13:33Ako po si Kuali Sison.
13:35Rafi Tima po.
13:36Huwag bibitiyo dito sa GTV at sa GMA News livestream para sa special coverage ng impeachment trial.
13:41Kasama nyo rin po ako, Aubrey Karampen.
13:43Ito po ang GMA News.
13:44Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
13:46Noon at ngayon, serbisyong totoo.
13:48Huwag bibitiyo dito sa GMA News.
13:58Huwag bibitiyo dito sa GMA News.