00:00Update po tayo sa sitwasyon sa Olongapo City, sa gate na hindi pa rin humuhupang baharoon.
00:05May ulat on the spot si Darlene Kai.
00:08Darlene?
00:13Rafi, pabugso-bugso pa rin yung ulan dito sa Olongapo.
00:16Tulad ngayon, katitila lang pero mayat-maya talaga bumubuhos yung napakalakas na ulan.
00:21Dito sa kinatatayuan ko, sa Filtration Road ay may gutter deep na baha
00:25pero humupa naman na yung tubig sa mas malaking bahagi ng syudad.
00:33Mula madaling araw ay pabugso-bugso na yung ulan dito sa Olongapo
00:37pero hindi hamak na mas mahina na rao kumpara sa naranasan nila nitong weekend
00:42kung kailan umabot sa lagpasta o yung baha sa ilang lugar dito.
00:46Pero dahil masama pa rin ang panahon, hindi ba tuluyang humuhupa ang baha sa ilang bahagi ng syudad
00:53tulad dito sa Filtration Road kung saan ako nakatayo ngayon sa barangay Santa Rita.
00:57Kaya naghihirapan yung mga residenteng nakatira rito.
01:01Tulad ni Romeo, nababad-nababad na rao sa baha kaya nagkaalipungan na sila ng kanyang pamilya.
01:06Halos isang buwan na rao, hindi nawawala ang baha sa mismong bahay
01:10kaya hindi na nakapapasok sa eskwela ang kanyang mga apo.
01:15Bukod sa baha, problema rin sa ilang bahagi ng Santa Rita ang makapal na putik.
01:20Kwento ng mga residente na dito na pinanganak at lumaki.
01:24Nakasanaya na nila ang pagbaha kapag matindi ang ulan o may bagyo
01:28pero ngayon lang daw nangyari rito ang pagkaiwan ng ganito kakapal na putik.
01:34Narito po ang pahayag ng ilan sa mga nakausap naming residente.
01:40Ngayon lang po nangyari. Dati wala naman eh.
01:43Pagmulaan ka yung solar na yan, yan nagkailan ng ganyan.
01:47Kakadismaya.
01:50Pangit na ng lugar namin.
01:51Hindi na ba natapos putik pa.
01:54Mahirap talaga. May iyak ng mga apo ko ngay.
01:56Sa taas kami dyan o.
01:58Bakit po? Ba't nangyayap?
02:00Eh natatang sa bayan. Ang laki ng tubig eh.
02:08Raffi ngayon ngayon lang nakapanayam natin si Olongapo Mayor Rolen Paulino Jr.
02:13Ayon sa kanya ay 2,800 millimeters of rainfall yung ibinagsak dito sa Olongapo sa nakalipas na buwan.
02:21Triple raw yan sa karaniwan nilang natatanggap tuwing Agosto.
02:24Kaya raw talagang matindi yung pagbaha na kanilang naranasan.
02:28Buong puwersa naman daw na nakatutok yung lokal na pamahalaan sa sitwasyon dito.
02:32Iniimbisigahan na rin nila yung mga sinasabi at sinasangguni sa kanila ng mga residente.
02:39Pero nilinaw nila na hindi nakakita ng LGU na sanhinang pagbaha at pagpunta rito,
02:45pagkakaroon ng putik dito, yung solar farm na nakatayo sa kanilang lugar.
02:50Meron naman daw itong sapat na permit at pag-aaral pero patuloy pa tayong kumukuha ng ibang detalye tungkol dyan
02:56at iba pang detalye mula sa ibang otoridad tulad ng DENR.
03:01Raffi.
03:02Maraming salamat at ingat kayo dyan, Darlene Kai.
03:09Maraming salamat at ingat kayo dyan.