00:00Update po tayo sa paghahandaan sa 49th ASEAN Summit and related summits na official nang magsisimula sa linggo.
00:08May ulat on the spot si Marise O'Malley.
00:10Marise?
00:15Connie, formal na nga binuksan itong International Media Center dito sa World Trade Center dito sa Pasay City
00:21na magsisilbing local o itong central hub ng mga local and foreign media journalists na magko-cover sa 49th ASEAN
00:33Summit.
00:35Mga tradisyonal na sayaw mula sa iba't ibang rehyon ng bansa ang bumati sa mga delegado at mamamahayag na dumalo
00:43sa forma na pagbubukas ng IMC.
00:45Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, magiging bintana itong IMC sa kagandahan at kultura ng Pilipinas.
00:53Sa November 14, pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro ang huling pagpupulong na ASEAN Foreign Ministers ngayong taon.
01:00Magkakaroon din ang 32nd ASEAN Political Security Community Council Meeting at 39th ASEAN Coordinating Council Meeting.
01:07Isa sa mga pinakamahalagang usapin sa summit ang pagkakaroon ng Code of Conduct o COC sa South China Sea.
01:14Ayon kay ASEAN Affairs spokesperson Dax Imperial, nasa 70% na ang mga progress sa negosasyon para sa COC.
01:22Pero nilino ni Imperial na hindi ito nangangahulugang 70% na ng mga talata o provisions ng kasunduan ang napagkasunduan
01:30na.
01:31Apat naman ang pangunahing usaping inaasahang magbubunga ng desisyon at karagdagang hakbang sa summit na may direktang epekto sa mga
01:38mamamayan.
01:38Kabilang dito ang energy security, lalo na ang mga hakbang para matugunan ang epekto ng crisis sa Middle East, sa
01:45supply at presyo ng enerhiya,
01:46pangalawa ang food security o siguridad sa pagkain, pangatlo ang pagpapalakas ng paglaban sa transnational crimes at online scams,
01:54at pangapat ang pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng migrant workers, lalo na ang mga Pilipino nagtatrabaho sa ibang bansa.
02:01Sa ngayon, Connie, hindi pa maibigay ang mga detalye ng mga nakatakdang engagement ni US President Donald Trump sa November
02:0918,
02:09pero kinumpirma na magkakaroon ng press conference sa pagtatapos ng summit na pangungunahan mismo ni President Bongbong Marcos.
02:17At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa IMC. Balik sa iyo, Connie.
02:20Maraming salamat, Maris Umali.