00:14Transcription by CastingWords
00:30Ang testigo ng depensa na si Engineer Jaime Adalin, ng City Assessor ng Davao, sinubok ng prosecution ng kanyang kredibilidad.
00:38Ambinado si Adalin na si Vice President Duterte ang nagtalaga sa kanya sa pwesto nung alkalde pa ng Davao City
00:46ang vicepresidente.
00:48Natanong din si Adalin tungkol sa umunoy biyahe niya sa China nung isang taon.
00:53You would also admit that sometime in November 2025, you're one of the LGU officials of Davao who went to
01:02China in an all-expense paid tour.
01:06I think that's irrelevant.
01:07Your Honor, may the witness...
01:14Funny ka doon, ah. Funny ka doon, Engineer Jimmy, ah. Pero...
01:18Ito, hindi ko talaga ma-recall.
01:20Ano po, hindi nyo naaalala? Yung pecha o yung biyahe?
01:23Ah, siguro ang pecha, sir.
01:26Pero nagbiyahe po kayo.
01:28Sa China, mga ganung pecha.
01:30Mga ganung panahon.
01:32Ah, siguro?
01:34Ah, hindi ka, again, I don't have the record.
01:37Ah, hindi mo naman memorize yung mga lakad mo, no?
01:40Kalaunay inamin niyang bumiyahe nga sa China nitong taong ito.
01:45Hindi nagustuhan ng ilang Senator Judge na tila mailap daw sa pagsagot si Adalin.
01:50Mr. Presiding Officer, para ho tayo niluloko na testigo na ito.
01:55Sir, may I remind you that you're under oath?
01:58Yes, sir.
01:58Yung ginagawa niyong kenko, yung inyong testimonya, bawal po yan.
02:05We can cite you for contempt.
02:07Yes, sir.
02:08Just to remind you, sir. Just to remind you, okay?
02:11Kinonsulta ni Adalin ang kanyang tanggapan pero may mga hindi pa rin siya nasagot tungkol sa biyahe sa China.
02:17Nang-inquire po ako dun sa aming admin, parang January 25 onwards.
02:22Itong taon po?
02:23Yes.
02:23Saan-saan po sa China kayo pumunta ngayong January 2026?
02:28Hindi ko po ma-memorize, pero kasama po namin mga department said.
02:32There's nothing wrong for anybody to go to China, pero kung anong sponsor is Chinese government, then may problema.
02:41Personal travel po namin yun.
02:42Alam mo, engineer, kaya kita tinatanong tungkol sa China travel dahil si BP, yung Kale 88 na kung saan, partner
02:54dito si Tony Carpio na asba ni Sarah Duterte at isa sa mga co-owners.
03:03Eh, nakatanggap ng 319 million pesos, yung Kale 88.
03:11Inward remittance from China and Hong Kong.
03:15So, hindi maganda pakinggan at malaman ng mga Pilipino na tumatanggap ang isang government official, especially napakataas yung katungkulan sa
03:25ating gobyerno, tumanggap ng salapi mula sa China na kung saan ay nagkakaroon tayo ng hidwaan sa West Philippine Sea.
03:34Ang prosekusyon, ipinaliwanag ang pagbanggit ng China trip ni Adeline.
03:39May lalim siya sapagkat walang sapat na explanation yung inward remittances na yun.
03:46It was an all expenses paid trip, shouldered by the Chinese embassy.
03:52Hininga namin ang reaksyon si Adeline.
03:54Ang defense panel naman sinabing hindi alam ang tukos na China trip ng city assessor.
03:59Hindi namin in-expect, to be honest, na matatanong yun. Hindi din namin alam na may ganung trip.
04:06But the witness already mentioned na it was personal. But again, it's up to the appreciation of the court.
04:17Nauna nang itinanggi ng kampo ni Vice President Sara Duterte na tumanggap ito ng pondo mula sa China.
04:23Sinabi rin po ng embassy ng China dito sa bansa na hindi ito nagbigay ng pondo sa isang political faction
04:31sa bansa.
04:32Para sa tagapagsalita ni VP Duterte, nakakainsulto ang tanong tungkol sa pagbiyahe ni Adeline sa China.
04:39Gayong pinapunta siya sa paglilitis bilang testigo kaugnay sa property ng Vice sa Matina, Davao City.
04:46I think it was unfair. I think it was badgering the witness already.
04:51Porke pumunta lang siyang China, hindi na siya nagsasabi ng totoo.
04:54Ang sinasabing property ay nasa Matina Crossing at may lawak na 379 square meters na ayon sa prosecution,
05:02ay hindi in-deklara ng bise sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SAL-EN.
05:08Pero sa testimonya ni Adeline, nakadeklara o mano ang property sa SAL-EN ng bise noong 2024
05:14kung pagbabasehan ng halaga mula sa dokumentong hawak niya.
05:19Sa SAL-EN ng bise, mayroong property na may assessed value na mahigit 82,000 pesos
05:24at current fair market value na mahigit 2 million pesos.
05:28Matatagpuan daw ang pareho mga halaga sa tax declaration para sa Matina property na hawak ni Adeline.
05:35Engineer Jimmy, posibleng po na yung titulo ending in 000775 ay ito po yung binabanggit ng vice president sa kanyang
05:47SAL-EN.
05:48Posibleng po yun?
05:49Yes, posibleng po.
05:51Posibleng hindi?
05:54I'm not quite sure of that, sir.
05:56Natalakay rin ang ilang hindi pagtutugma.
05:59Sa deed of sale kasi na naunang ipiniresenta sa impeachment court, nakalagay na nabili ang property sa halagang 6 million
06:07pesos.
06:08Pero 10 million pesos ang halagang nakalagay sa SAL-EN.
06:11Sa SAL-EN din, lote ang nakalagay.
06:14Pero meron o manong nakatayong gusali roon.
06:17Kaya sa cross-examination, pinunto ng prosecution na hindi masasabing nakadeklara talaga sa SAL-EN ang Matina property.
06:25So is this the same property now? Since you're familiar with the area, is it the property which is now
06:30called the Vau's Prime Bistro?
06:37Again, hindi po ako, sir. Hindi ko naman alam kung yan ba yung subject property.
06:42Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA News.