00:00Ilang buwan ang sira ang apat na water pump sa Maynila, kaya mga backup muna ang ginagamit.
00:05Kung gaano kabilis bumaha, siya namang tagal ng paghupa nito sa ilang bahagi ng lungsod.
00:11Nakatutok si Bea Pinla.
00:16Sinabayan ng malakas na hampas ng hangin ang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila kaninang umaga.
00:22Sa Maynila, halos mag-zero visibility sa ilang daan.
00:26Tumila naman ito at sumikat ang araw.
00:28Pero ang baha, hindi agad humupa kaya kalbaryo pa rin sa mga motorista.
00:34Ang Rojas Boulevard Service Road, nagmistulang karugtong ng Manila Bay dahil sa gutter deep na baha.
00:40Kaya ang senior citizen na si Lucio, napataas ang mga paa habang sinusukong ang baha sakay ng motorsiklo.
00:47Kung hindi kasi siya mag-deliver, wala siyang kikitain.
00:51Perwisyo po ma'am, grabe.
00:53Pagka malalim talaga, hindi na bibiyayin, mape-perwisyo ka eh.
00:57Mas malagi pang magagastos mo sa paggawa, change oil, bayad mekaniko.
01:04Huwag na lang bumiya eh.
01:06Binuksan ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga drainage para tanggalin ang mga
01:12bara.
01:13Ang problema, napakakipot lang din ang bukana ng mga drainage kaya hindi pa rin gaano kabilis humupa ang baha.
01:20Pinapare-design ko ngayon lahat ng inlet ng major roads para palakihin.
01:25And mag-umpisa tayo dun sa mga flood-prone area sa mga kagya na yan.
01:31Plano rin lagyan ng DPWH ang mga ito ng trash traps o pangharang sa basura para mas madaling linisin.
01:38Malaking tulong din sana pangontra sa baha ang mga gumaganang pumping station.
01:43Pero...
01:44Hindi lang tubig ang nahihigop eh, pati basura nahihigop.
01:47Yung basura, hindi lang ano, hindi lang yung waterways ang kinaklag niya.
01:52Sinisira din niya yung mga pumps natin.
01:54Sa Maynila, apat na pumps ang ilang buwan ng sira, kabilang na ang dalawa sa Remedios Pumping Station.
02:01Pansamantala munang pinapagana ang backup pumps.
02:03Kahit na marakas yung ulan, since nag-pump out tayo, walang baha dito ngayon.
02:08Pag yan hindi gumana, garantisado baha dito.
02:11Pero pag gumagana, hindi masyadong babahain tong area na ito.
02:16Magpapagawa rin ang detention basin sa Raja Suleiman Park
02:19para may pansamantalang imbakan ng mahigit 3 milyong litro ng tubig ulan.
02:24Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
Comments