Skip to playerSkip to main content
Binabangka na rin ang ilang bahagi ng Quezon City na inaabot ng hanggang dibdib na baha.


Nang humupa ang tubig ay sandamakmak na basura naman ang naiwan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binabangka na rin ang ilang bahagi ng Quezon City na inaabot ng hanggang dibdib na baha.
00:06At nang humupa ang tubig, isang damakmak na basura naman ang naiwan kung saan tinutukan live ni Mark Salazar.
00:15Mark!
00:18Hindi na siguro mawawala ang baha dito sa Geroneta Avenue sa Quezon City tuwing umuulan.
00:25Alam mo, tinignan na lang namin dito kanina ay kung gaano kabilis uhupa ang baha.
00:30Tutal, ginastosan natin ng mahigit kalahating bilyong piso ang improvement ng drainage system sa lugar na ito.
00:42Bandang alas 10 ng umaga kanina, bumuhos ang napakalakas na ulan sa Quezon City.
00:47Sabi ng pag-asa, nasa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila sa oras na iyon.
00:52Pero wala pa atang isang oras hanggang dibdib na agad ang tubig sa NS Amoranto Street na kadugtong ng Geroneta.
01:00Siyempre, impossible ang daan at bangka na lang ulit ang mode of transport.
01:06Pinalutang ng baha ang mga basurang nasa kanal at bangketa.
01:10Dahil hindi na bago, alam na na mga taga rito ang gagawin para tuloy pa rin ang buhay.
01:15Gaya ng mga empleyadong may baong ng garbage bag panglusong sa baha.
01:20Ito naman ang improvement ng Geroneta.
01:23Wala rin isang oras ang baha, humupa na.
01:26Saka tumambad ang isa sa mga dahilan kung bakit bahain ang lugar na ito.
01:31San damakmat na basura.
01:34Nakita niyo yung obstruction na yan sa daluyan ng tubig baha.
01:38Yung basura na yan.
01:39Yan ang isa sa tinukoy na dahilan kung bakit nagbabaha pa rin dito.
01:44Halimbawa sa G. Araneta Avenue sa Quezon City.
01:48Kung tutuusin, napakalaki ng absorptive capacity nitong creek na ito para sa floodwater.
01:54Pero syempre kung ang daluyan naman ay may baranggan niyang karaming basura,
01:58haaapaw talaga ang tubig sa kalsada.
02:00Yan na yung nakikita natin sa balita.
02:02Ito'y hindi na problema ng infrastruktura.
02:05Ito'y problema ng behavior ng mga tao na sana raw ay magbago.
02:11Pagtila ng ulan, nagsagawa agad ng clean-up operation ng mga taga-skyway.
02:16Mapapakamot ulo ka sa mga inaahong basura.
02:19Bukod sa mga single-use plastic, meron pang malalaking tabla, maleta, at sako-sakong balat ng bawang.
02:28Habang wala rin ulan, nagahabol ng pag-pump ang MMDA mula sa bagong drainage system ng G. Araneta para itapon
02:36sa main creek.
02:37Palabas naman niya ng San Juan River.
02:43Alos sa buong daytime, nasarado itong parte na ito ng G. Araneta mula sa NS Amoranto hanggang Quezon Ave.
02:51Dahil dun sa binabanggit ko na pump operation ng MMDA.
02:55Kasi yung malaking tubo nila ay tumatawid sa kalsada.
02:59Kaya ang abisi natin sa mga motorista, basta umuulan na sa area na ito,
03:04kung maiiwasan nyo lang naman din ang G. Araneta, iwasan nyo na dahil malamang sa malamang
03:09ay magsasagawa ng panibagong pumping operation ang MMDA
03:14para bigyan ng fresh capacity yung drainage system sakaling bumuhos na naman ng malakas ang ulan.
03:20Vicky.
03:21Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
03:25Maraming salamat sa iyo.
Comments

Recommended