Skip to playerSkip to main content
Tatay, patay matapos paluin umano ng matigas na bagay nang habulin ang rider na nakasagasa sa kanyang anak


Nauwi sa trahedya ang paghabol ng isang ama sa rider na nakasagasa sa kanyang anak sa Muntinlupa City. Kinuyog ng mga kaibigan ng rider ang biktima, na nasawi matapos paluin umano ng matigas na bagay.



Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nauwi po sa tragedy ang paghabol ng isang ama sa rider na nakasagasa sa kanya anak sa Muntinlupa City.
00:05Kinuyog ng mga kaibigan ng rider ang biktima na nasawi matapos paluin umano ng matigas na bagay.
00:13Saksi, si Emile Sumangi.
00:18Pahimik lang noong una sa eskinitang ito sa Muntinlupa City.
00:21Pero maya-maya, makikita ang lalaking yan na mabilis ang takbo at palingon-lingon sa kanyang likuran.
00:27Hinahabol pala siya ng isa pang lalaki na tila galit na galit.
00:34Ilang beses itong inulit ng humahabol na lalaki.
00:38Walang CCTV sa dulod ng eskinitap, pero sa anggolong ito, kita ang mga sumunod na pangyayari.
00:45Pero sa pagkakataong ito, ang humahabol na lalaki, hinahabol na ngayon ng grupo ng mga lalaki.
00:53Hindi na nakunin ang sumunod na mga pangyayari.
00:55Ayon sa investigasyon ng Muntinlupa Police, naabutan at na-corner ng humahabol na grupo ang lalaki.
01:01Noong unang report po sa amin is, allegedly, nabagok lang ito doon sa pagtakbo niya.
01:07But then with the thorough investigation, it turned out na pinalo pala.
01:13Pinalo na ng mga suspects itong biktima po natin.
01:17Na isugod pa sa ospital ang biktima, pero kalaunan eh, binawian din ang buhay.
01:21Hindi po ako naniniwalang na bagot eh. Ang lumabas sa otopsi, basag po yung bumo.
01:27Ang sabi naman po sa otopsi, pinalo nga daw po siya ng matigas na bagay.
01:31Kinilala ang biktima na si Richard S. Carros, 31 taong gulang na construction worker.
01:37Ayon sa mga otoridad, hinahabol niya ang unang lalaki na isa palang rider na nasa gasaan ng 7 taong gulang
01:43na anak ng biktima.
01:44Pero imbis na tumigil, hit and run umano ang ginawa ng rider na mabilis na nagtago.
01:50Sa dulo ng eskinitang ito kung saan siya ang muuwi.
01:53Nang makakuha raw ng timing, lumabas ang rider na kasama na ang grupo na rest back niya.
01:58Siya na po ang hinahabol pabalik ng maraming kabataan.
02:01Hindi na po nakuha ng CCTV doon.
02:03Bumulagta na po yung kapatid ko.
02:06Pagdating po namin doon, nangingisay na.
02:08Ang sabi daw po, pinalo ang matigas na bagay.
02:12Ligtas na ang na-hit and run na anak ni Escaros.
02:15Bukod sa kanya, may dalawa pa siyang naulilang anak.
02:18Maliliit pa po yun.
02:19Tato po yung naiwan niyang mga anak.
02:21Wala namang punghanap po yung asawa.
02:24Ang kapatid po lang po yung naghahanap buhay.
02:26Kaya sa mga gustong tumulong, ay lang po yung pinapakiusap ko.
02:31Tukoy na roon po ni siya ang pagkakakilala ng rider at mga tropa niyang nasa likod ng krimeng ito.
02:35Mula po doon sa ating mga witnesses na nagmalasakit sa biktima,
02:38e na-filean na po natin yung tatlong suspect po dito ng murder.
02:43Pinagtulong-tulungan po nila itong victim po natin.
02:47Pinagpapalo nila, pinagpapalo, pinagsusuntok.
02:51So talagang may intention po na patayin po yung ating biktima.
02:55Sa mga gumawa sa kapatid ko, pakiusap lang, sumuko na kayo.
02:59Kung hindi kayo susuko, magtatago kayo.
03:01Wala rin naman eh. Wala rin naman mangyayari.
03:03Bihin lang natin yung ustisya sa kapatid ko.
03:06Ako si Emil Sumangil, ang inyong saksi!

Recommended