Skip to playerSkip to main content
Halos P17/L rollback sa gasolina, ipatutupad ngayong linggo; diesel, may mahigit P4/L bawas-presyo


Halos P17 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina simula bukas, ayon sa Department of Energy. Big-time din ang rollback sa diesel at kerosene. Pero sabi ng Department of Energy, malayo pa bago bumalik ang presyo ng petrolyo noong bago magka-giyera sa Gitnang Silangan.




Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Alos P17 per litro ang bawas presyo sa gasolina simula po bukas ayon sa Department of Energy.
00:07Big time din ang rollback sa diesel at kerosene.
00:10Pero ang sabi ng Department of Energy, malayo pa bago bumalik ang presyo ng petrolyo
00:15nung bagong magkagera sa kitang silangan.
00:18Saksi, si Dano Tinghungko.
00:24Kung motorista ka, pwede ka magluwag ng sintoron at magtuwid ng baloktot na kumot.
00:29Malaki-laking rollback ang ipatutupad simula bukas.
00:32P16.80 para sa gasolina, P4.10 para sa diesel, at P3.70 para sa kerosene.
00:41Sa datos ng GMA News Research, pinakamalakihan sa gasolina ngayong taon
00:45o simula ng sumirit ang presyo gunsod ng tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran nitong Pebrero.
00:51Paliwanag ng Department of Energy o DOE bumagsak ang presyo ng krudo sa world market
00:55at sa inaasahang pagluwag sa tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
00:59This is one of the reactions of the market in view of the results of the U.S. midterm elections.
01:10It merely shows na the control or yung pag-decide kung ano yung presyo
01:16is not within the powers of the Philippine government nor of the Philippines kung presyo ay international.
01:24It's an international commodity na yung international market ang nag-determine kung ano yung presyo po.
01:32And, syempre, malaking bagay sa mga nakausap naming motorista na bawas ng isa ang iisipin sa pagtitipid.
01:39Sobrang laki po. Kasi sa akin dati, nung mababawa, 150 lang gasolina full tank nito.
01:43Ngayon, nasa mga 4.300, nung malaki yung gasolina yung mababawa yung gasolina.
01:48Maganda rin po, makakabawi-bawi po kahit mga 200.
01:51Tuloy-tuloy na lang yung parang ano na, tapos mababala ng pababa.
01:54Kahit bumalik na lang sa 50 ulit.
01:56Maganda po yun, maganda. O, malaking bagay po sa amin yun. Malaking tulong po yun.
02:00Mas mahigi naman yung mababakunti, kaysa naman mahal.
02:03Pero kahit malaki ang bagsak presyo ngayon sa gasolina,
02:06mismong DOE ang umaming malayo pa ang presyo sa estado nito bago ang tension sa Middle East.
02:11Sa datos na kinalap ng GMA News Research, halimbawa,
02:14sa common prices pa lang ng gasolina sa Metro Manila,
02:17kahit isalpak ang 16 pesos na rollback, kailangan pa ng halos 14 pesos.
02:22At hanggang halos 25 pesos na rollback para bumalik sa presyo noong February 24 bago sumiklab ang gera sa Iran.
02:29Sa diesel, mas malaki ang kailangan rollback, mahigit 28 pesos pa.
02:33Walang makapagsasabi kahit ang gobyerno kung sa susunod na linggo ba ay mauulit ang rollback.
02:39Isa rin kasing kontrabida sa presyuhan ayon sa DOE ang palita ng piso kontra dolyat.
02:44It will take time for everything to settle down.
02:47And with the prices of the dollar right now, the exchange rate,
02:51it will likely not go back to the free war prices.
02:56Kung hindi rin babalik yung dollar sa free war exchange rate.
03:00Sobrang mahal na yung ano ngayon, bilihin.
03:03Tsaka ano, yung pagkain pa lang namin, wala na.
03:10Yung sahod pa lang namin, dyan na napupunta.
03:13Sa gas pa lang, wala na.
03:14Mas maganda kung bababa na po.
03:17Dapat tuloy-tuloy na lang bababa.
03:19Huwag na tumaas ng tumaas lalo.
03:22Ako si Dano Tingkongkong ang inyong saksi.
03:24Ako si Dano Tingkong ang inyong saksi.
Comments

Recommended