00:00Patay ang isang bedridden na senior citizen matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Pasig.
00:05Balit ang hatid ni EJ Gomez.
00:13Nagnangalit na apoy ang bumulabog sa mga residente ng barangay buting sa Pasig pasado alauna ng madaling araw kanina.
00:21Mabilis na tinupok ng apoy ang bahay na ito sa E. Mendoza Street.
00:25Nakunang pa sa video ang mga nagpuputukang linya ng kuryente.
00:31Basta may pumutok. Tapos yun, biglang nagliwanag na.
00:36Tapos lumaki na lumaki, nagkagulo na tao.
00:39Nakakita na yung mataas ng apoy ang maliwanag na.
00:43Naglabasa na.
00:44Ayon sa kapitan ng barangay na kaanak ng nasunog ang pamilya,
00:48ligtas na nailikas ang lima mula sa nasusunog na bahay.
00:52Natrap ang 77 na taong gulang na bedridden na lola na magbe-birthday para sana sa susunod na buwan.
00:58Ang nasa loob ng bahay, yung tita ko, yung anak niya, asawa niya, asawa ng anak niya,
01:05tsaka yung yaya na may kasamang bata.
01:07Nasa sala sila eh.
01:09May narinig silang sumabog sa may kwarto ng tita ko.
01:12Pinipilit ko na buksa yung pinto.
01:14Nung mabuksan, usok tsaka apoy ang sumalubong sa kanila.
01:18Kaya natakot na rin sila.
01:19Hindi na rin sila makapasok.
01:21Si tita kasi bedridden na.
01:23Nakakalungkot.
01:24Hindi siya nakalabas.
01:25Malungkot kasi kababata rin namin yan eh.
01:29Hindi namin akalain na siya pala yung sinasabing naiwan.
01:33Ayon sa Bureau of Fire Protection, gawa sa concrete materials ang ancestral home na natupok ng apoy.
01:40May firewall din ang magkakadikit na bahay kaya hindi na kumalat ang sunog.
01:44Tuluyang napulang apoy kaninang 3.10am.
01:47Inaalam pa, ang sanhi gayon din ang halaga ng pinsala.
01:50EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
01:55How do you see?
01:59M