24 Oras: (Part 1) Nagulungan ng cement tanker; Sunog sa Baclaran; Nag-apoy na transition effect; APEC Summit updates, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Kalunos-lunos ang sinapit ng magkakaibigang magkakaangkas sa motorsiklo.
00:10Matapos silang bumangga at magulungan ng 22-wheeler sa Bulacan.
00:16Ang motorsiklo ng mga biktima sumabit at nakaladkad pa ng truck habang papatakas ang driver nito.
00:22Sa huli, naaresto rin ang driver na humingi ng tawad at dumepensang hindi niya sinasadya ang nangyari.
00:30Nakatutok si Gabriel Gonzalez, XC Luzon.
00:37Trahedya ang sinapit ng tatlong magkakaibigan sa M. Valter Road sa barangay Kamatchile, Doña Remedios, Trinidad, Bulacan.
00:44Ditong lunes ng madaling araw, ang mga biktimang sakay ng motorsiklo, bumangga at nagulungan pa ng 22-wheeler.
00:52Pero sa halip na huminto ang driver ng cement tanker, nakuha na ng CCTV ang pagharurot nito palayo
00:57habang kinakaladkad ang motorsiklo ng mga biktima.
01:01Ayon sa pulisya, nasa 10 kilometro ang ibinyahin ng truck habang nakasabit ang motorsiklo sa likuran bago ito naharang.
01:08Launan ay may tumawag po sa atin at agad naman po natin itong nirespondehan.
01:15Dahil po sa ating JBM patrol system, sa karating bayan po ay naharang po siya ng ating mga barangay.
01:21Sa layo at tagal ng pagkakaladkad, nagkawasak-wasak ang motorsiklo.
01:27Bakas pa sa isang gulong ng truck ang dugo mula sa mga biktima.
01:31Sa investigasyon ng pulisya, papuntang San Ildefonso ang cement tanker para magkarga ng cemento.
01:36Nang mangyari ang insidente, nagpanik na raw ang truck driver nang bumanga ang mga biktima kaya hindi siya huminto.
01:43Sir, medyo accident front area po kasi talaga yung lugar. Maliwanag naman siya pero may pa-curve siya at pataas
01:52pababa.
01:53So maaaring nagkaroon ng human error. Ang unang sagot niya sir, natakot daw po siya.
02:00Kabilang sa mga biktima ang 20 anyos na si Adrian Maderable, nakakain lang sana kasama ang mga kaibigang angkas din
02:07na motorsiklo ng maaksidente.
02:09Ang kanyang mga magulang, hindi matanggap ang kanyang sinapit.
02:13Dating ko po doon eh, wala na eh. Nakakalak na sila rin sa kaisada.
02:19May kumatok po sa bahay namin. At sinabi po na yung anak po namin na si Adrian, eh natagpuan nilang
02:27patay sa butarero po, na naaksidente.
02:33Na bigla po ako, hindi po ako makapaniwala.
02:35Kilala rao na mabait na bata si Adrian at maraming kaibigan dahil sa husay sa basketball.
02:55Ang driver, aminado sa nagawa at humingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.
03:00Ako po, humingi na lang po ng pasensya. Hindi ko po sinasadya. Aksidente po talaga sir eh.
03:07Nakakulong na sa Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station ang 48 anyos na driver.
03:14Naharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.
03:19Nasa kustodiyari ng pulisya ang motorsiklo ng mga biktima at ang cement tanker.
03:24Gabriel Gonzalez, Nakatutok 24 Horas.
03:28Nawala na ng kabuhayan, nawalang panantirahan.
03:31Ang mahigit 20 pamilya matapos masunog ang magkakatabing stall sa Baclaran sa Paranaque City.
03:39Nakatutok si Mark Salazar.
03:45Pagputok ng araw kanina bago mag-ala 6, isang malakas na pagputok din ang narinig ng mga residente sa Ugbo,
03:51Barangay Baclaran sa Paranaque City.
03:54Agad sumiklab ang sunog na umabot sa second alarm.
03:59Ang nasunog ay parte ng mahabang pila ng mga stalls kung pamilyar kayo sa murang pamilihan sa likod ng Baclaran
04:06Church.
04:07Doble dagok ang sunog dahil nagsisilbi na rin tirahan ng ilang nagtitinda ang kanilang stall.
04:12Masunog yung bahay ngayon.
04:14Ang bahay, tao-sahay.
04:16Dapat manilibo na.
04:20Buti ka mo, walang bindors.
04:22Mabilis.
04:23Mabilis lang naapula ang sunog dahil maluwag pa ang mga kalsada para sa responde.
04:287.03, fire under control na ang sunog hanggang tuluyang mag-fire out bago mag-alas 8.
04:34Base sa initial investigation po namin, mga 13 na household po ang involved.
04:39So ang pamilya po na affected is 26.
04:44So ang individuals po niyan is more or less 52.
04:48Mabuti't walang nasaktan sa sunog pero paalala raw ito ng piligro kapag hinayaan ang mga power pilferage o yung jumper
04:56sa komunidad.
04:57Initial na ang gulo po na tinitingnan natin, base sa ating investigation, electrical overloading po.
05:05Kasi mukhang siyempre pagka tayo, kompleto yung ating galing sa holiday, kompleto yung simultaneous po yung pagpapatakbo ng ating mga
05:15appliances.
05:16Misa talaga nagkakaroon ng overloading lalo sa kanilang source ng kuryente, isa lang.
05:20Kasama sa pinagahandaan ng Bureau of Fire Protection ang posibilidad ng madalas na sunog, lalo na sa tag-init na
05:28sasabay sa Super El Niño.
05:30Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
05:34Mga kapuso, humigit kumulang 7 milyong pisong halaga ng mga ipinustit o manong sigarilyo ang nasabat sa magkaiwalay na operasyon
05:41sa Mendanao.
05:42Kabilang diyan, yung nasabat sa bodega na isinuko ng isang logistics at forwarding company.
05:48Narito ang eksklusibo kong pagpupo.
05:54Nasabat ng mga naka-full battle gear na polis ang bankang demotor na ito.
05:59Sa karagatang sakop ng tawi-tawi, hating gabi nitong nakalipas na araw lamang.
06:04Ang tip na kanilang natanggap, may lamang kontrabando ang motorized sea vessel na ito at nang buksan ang hal o
06:11yung katawan nito.
06:13Tumamba ng kahong-kahong mga puslit na sigarilyo.
06:16Ayon sa PNP Maritime Group na monitor nila ito, hindi pa man nakalalapit sa pampang.
06:21Binuntutan at nang makakuha na ng tiempo, sinabat na nila bago pa man makapagdiskarga.
06:27Meron tayong limang arestado dito na on board dun sa bangka.
06:31Galing daw sa laot ang motorized bangka.
06:34At doon nila hinihinalang nagkarga ito ng mga kontrabando na mula naman sa isang mothership.
06:39Cargo ships ang pinagsasakyan.
06:41And then sasapuhin ito sa kalagit na anandagat para makarating naman ito sa shoreline natin dito sa Pilipinas.
06:48So may mga nagagamit silang maliliit na bangka para pagsakyan naman.
06:52At idadaong nila ito sa mga liblib na shorelines.
06:56Halimbawa't na ibaba sa pantalan ng mga puslit na sigarilyo.
06:59Isasakay naman daw ito sa mga cargo truck at ang delivery nakakarating ng Metro Manila hanggang Region 1.
07:05Umaabot po ito sa buong Pilipinas.
07:09So idadaan nila dito sa south.
07:10Pwedeng ibiyay sa north.
07:12Bayaland naman na sila.
07:13Sa operasyong ito, humigit kumulang 5 milyon pesos na smuggled na sigarilyo ang nasabat ng PNP Maritime Group.
07:21Dagdag pa ang nasa higit 2 milyon pesos na sigarilyong puslit din na natagpuan sa bodega
07:27at kusang isinuko naman ng isang logistics at forwarding company sa Davao City.
07:33Hindi ito nagbabay din tax.
07:34Kung makukolektahan lang sana lahat ito ng tax, malaking pera nito na pondo sa kaban ng bayan.
07:40May nambuti nilang hindi nalang magbayad at idaan dito sa backdoor para malak rin ang kikitayo nila.
07:46Ayon sa pulisya, ito ang modus ng mga sindikato ngayon para disimulado ang delivery ng kontrabando.
07:52They will use a fictitious name eh.
07:55So yung nagpadala fictitious, yung tatanggap na consign ay fictitious,
07:59isinasakay na rin nila dun sa mga service provider na courier.
08:04So kung baga, hindi na silang nagtatransport, ibabayad na lang nila
08:07para naman mas safe for them.
08:11Ang forwarding company, nangakong makikipagtulungan sa investigasyon ayon sa pulisya.
08:16May mga persons of interest na rin daw ang pulisya sa malawakang smuggling ng mga sigarilyong ito.
08:23Emil Sumangil, nakatutok? 24 oras.
08:32Posibleng pagtuldok sa Russian-Ukraine war ang isa sa mga tinalakay.
08:37Sa makasaysayang pag-uusap ng mga leader ng Amerika, Russia at China
08:42sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
08:47Ang Pilipinas naman, may nilagdaang kasunduan kasama ng Chile
08:51at nakipag-usap din sa isang major rice exporter.
08:56Mula sa Shenzhen, China, nakatutok live si Ivan.
09:04Vicky, isang free trade agreement sa isang bansa sa Latin America.
09:08Mas malawak na pangipagkalakalan sa Asia-Pacific region at usaping artificial intelligence o AI.
09:15Inalama yan sa naging laman ng APEC Economic Leaders Meeting ngayong araw.
09:22Personal na winalkan ni Chinese President Xi Jinping ang mga world leader kagabi
09:27sa gala dinner ng 33rd Economic Leaders Meeting ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC.
09:32Kabilang sa sinalubong si na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos
09:37na nung pumasok ay tinugtugan ng orchestra ng kantang Anak
09:41ang internationally released and translated hit song ni Freddy Aguilar tungkol sa napariwarang anak.
09:54Wala pang reaksyon ng Malacanang tungkol dito.
09:57Nagkamay at nagkangitian naman ang dalawang leader.
09:59Walang bakas ang humiira na tensyon dahil sa agawan sa teritoryo.
10:03Sa pagbubukas naman ng Economic Leaders Meeting kanina umaga,
10:07nagbigay ng kasalukuyang estado ng global economy
10:09ang Managing Director ng International Monetary Fund na si Kristalina Georgieva
10:14na bagit niya ang halaga ng paghahanda sa artificial intelligence o AI.
10:18You snooze, you lose.
10:21Countries need to rapidly put in place digital infrastructure,
10:26labor markets and workers ready for AI
10:29and risk mitigation especially to confront financial stability and cybersecurity risks.
10:36Sa kanyang opening address, tinawag ni Chinese President Xi ang AI bilang isa sa apat na pillar
10:41o sandigan ng APEC na kailangan tutukan.
10:44Kailangan anya yang palaguin kasabay ng digital economy.
10:48Kabilang din sa pillar ang malayang kalakalan at pagtatanggal ng trade restrictions,
10:52ang pag-upgrade sa connectivity ng mga bansa,
10:54at ang sama-samang pagtugon sa mga hamon sa energy at food security.
10:58Ngayong hapon naman, formal ng pinirmahan ng Pilipinas at ng bansang Chile
11:02ang Comprehensive Economic Partnership Agreement o SEPA.
11:05Sinaksihan niya ni na Pangulong Bongbong Marcos at Chilean President Jose Antonio Cast
11:10sa sidelines ng APEC Economic Managers Meeting.
11:13Ibig sabihin, mas malaya makakapag-export ang dalawang bansa sa isa't isa.
11:17Exporter pa naman ng Chile ng mga minerals at agricultural product.
11:21We have to diversify our sources of supply.
11:26We have to send in supply chains not only in the traditional sense
11:30but also to find new supply chains.
11:33So one of the policies that we have undertaken is to look to Latin America.
11:41And that is why this FDA is so important to us.
11:46Nauna ng kinausap ng Pangulo si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon
11:49para pagtibay na ugnayan ng Pilipinas sa kanilang bansa
11:52kung saan may mahigit isang daang libong dugong Pinoy.
11:55Usapin naman sa Maritime Affairs at Food Security
11:58ang naging tema ng pulong ng Pangulo at ni President Toh Lam ng Vietnam,
12:02isa sa mga nage-export ng bigas sa Pilipinas
12:04at isa sa mga may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa Southeast Asia.
12:09Nakausap din ng Pangulo si President Claudia Shane Baum ng Mexico
12:12para sa pagpapaiting ng trade, investment at cultural exchange.
12:20Samantala, Vicky, update tayo doon sa nabangit mong trilateral meeting
12:24sa pagitan ng China, Amerika at ng Russia
12:26na tinawag na groundbreaking ni Chinese President Xi Jinping.
12:30Nagtagal daw ang pulong na yan ng isa at kalahating oras.
12:33At sa kanyang opening statement, sinabi ni U.S. President Donald Trump
12:36na nagkakasundo sila na naisa nilang makitang matuldukan
12:39itong gyera ng Ukraine at Russia.
12:42At kabilang pa sa mga naisa lang mangyari ay ang denuclearization
12:47o ang pagbabawas ng armas ng mga bansang meron nito.
12:50Ayan naman kay Russian President Vladimir Putin,
12:53isang shared responsibility nila na makapangyarihan mga bansa
12:56ang pagpapanatili ng international peace and security.
13:00Ang karagdang detalye sa naging pagpupulong na yan,
13:03ating patuloy na tututukan live mula dito sa Shenzhen, China.
13:07Balik sa'yo, Vicky.
13:08Maraming salamat sa'yo, Ivan Mayrina.
13:18Pinalis sa records ng Senado ang bahagi ng live stream nito kanina
13:23kung saan may naglili at na video transition sa opening prayer
13:30para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
13:46Pinapangunahan noon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano
13:50ang pagdarasa na biglang lumabas ang apoy na video transition
13:55at mabilisan at viral sa social media.
13:58Dahil sa nangyari, sinita ni Presiding Officer Cheese Escudero
14:02ang Senate Public Relations and Information Bureau o PRIB
14:06na mag-iingat dahil hindi ang COP sa paglilitis ang effect.
14:13The Chair would like to instruct the Clerk of Court
14:18to kindly instruct the PRIB
14:20to be more mindful and careful
14:22with respect to
14:24I don't know what you call it
14:28the transition effects from a scene
14:31the flames are not well taken
14:34and are inappropriate to these proceedings
14:36so kindly be mindful
14:38and the Clerk is directed to kindly remove and edit it
14:43from the records of the impeachment court
14:46as it is deemed inappropriate.
14:48So ordered.
14:51Naglabas naman ang pahayag at nag-sorry
14:54ang Senate PRIB sa anilay accidental transition effect
14:59na dahil daw sa hindi inasaang technical issue
15:02sa gitna ng live stream.
15:07Silampakanan ang reklamong administratibo
15:09ang police major
15:10na utak at isaumano sa mga hold-up
15:12sa isang alahero sa Kalaokan City.
15:15Todo tanggi siya sa aligasyon
15:16ng iharap ng National Police Commission on NAPOLCOM.
15:20Nakatutok si Chino, Gaston.
15:25Tatlong araw matapos ang pangu-hold-up
15:27sa isang alahero sa Kalaokan,
15:29iniharap sa media
15:30ng National Police Commission on NAPOLCOM
15:32ang umano'y utak ng pangu-hold-up.
15:34Kinilala siya bilang si Police Major Jasper Benedict Santos,
15:38graduate ng Philippine National Police Academy
15:41at naka-assign sa Regional Personal Holding
15:43and Accounting Batalyon.
15:45Ayon sa NAPOLCOM,
15:46isa si Santos na siyam na armadong lalaking
15:48nakuhana ng CCTV
15:50na isa-isang lumapit,
15:52nanutok ng baril
15:52at nagpadapa sa biktima
15:54bago ni Limas
15:55ang ibinibenta niyang
15:56P700,000 bracelet,
15:59tatlong cellphone,
16:00baril at motorsiklo.
16:01Police din umano ang Limas
16:02sa mga kasama ni Santos.
16:04Pinapunta ang sospek
16:05sa tanggapan ng NAPOLCOM
16:06matapos siyang sampahan
16:08ng reklamong administratibo
16:09ng mga biktima.
16:11Pinasusuko naman ng PNP
16:12ang walong iba pang kasamahan ni Santos.
16:15Kailangan talaga sa simula pa lang,
16:17sa recruitment pa lang,
16:19isalain na natin ang mga polis.
16:21Not just dun sa laman ng kanilang,
16:24yung kanilang competence,
16:25but also their character.
16:27Ano ba ang talagang karakter
16:29ng mga taong ito
16:29bago sila pumasok sa pagpupulis?
16:31Itinanggi ni Santos
16:32sa mga paratang laban sa kanya.
16:34To be clear,
16:35tinatanggi mo yung mga allegations
16:36laban sa iyo
16:37para malinaw lang, sir.
16:38Sa court na lang po
16:39mag-answer, sir.
16:41Isiniwalat naman
16:41ng isa sa mga biktima
16:43na pinaatras ng pamilya
16:44ng sospek
16:45ang isinampan niyang reklamo
16:47kapalit ng pagbabalik
16:48ng halagan ng kinuhang alahas,
16:50baril,
16:51cellphone at motorsiklo.
16:52Pero itutuloy raw
16:54ng mga biktima ang reklamo
16:55para hindi na makapambiktima pa ulit
16:58ang mga sospek.
17:00Sino gasto na katutok?
17:0124 oras.
17:07Good evening mga kapuso.
17:09So, nagningning
17:10ang Sparkle at Kapuso Stars
17:12sa Liwawaya Pasko
17:13Christmas Launch
17:14sa Dugubat City.
17:15Ang hatid nilang liwanag doon
17:17sa report ni Sandy Salvaso
17:19ng GMA Regional TV.
17:24Christmas came early
17:25para sa mga kapusong dagupenyo
17:27sa Liwawaya Pasko
17:28Christmas Launch
17:29ng isang mall sa Dagupan City.
17:31Mas ginawa pang special yan
17:33ng GMA Regional TV.
17:35Nagbigay ng song number
17:36si Thea Astley.
17:43Naghatid naman
17:44ng holiday cheer
17:45si Lee Victor.
17:50Nagdagdag kulay rin
17:51sa pagdiriwang
17:52si Ashley Ortega.
17:56Si EA Guzman
17:58game na game ding
17:59nakiselfie sa crowd.
18:07Sa pagtatapos ng programa,
18:09pinailawan din doon
18:10ang Christmas tree
18:11na lalo pang naghatid
18:12ng Pasko Fields.
18:14Ang mga kapuso artists,
18:15paano naman kaya
18:16nagsisilbing niwanag
18:17sa kanilang kapwa?
18:18I just try to be
18:20as loving as I can be
18:22and I try to be generous
18:25with myself.
18:26Like for example,
18:27with my talent,
18:29yung paggamit ko
18:30ng God-given talent
18:31na meron ako.
18:33Lagi nagpapasaya lang.
18:34Like pag like,
18:35let's say kasama ko
18:36yung mga barkada ko,
18:37good vibes lang.
18:38You know,
18:38when I'm with my loved ones,
18:40I really love to treat them.
18:42That's my way of showing
18:44my love is to buy them food
18:46or kung ano yung gusto nila.
18:48Siguro sa akin yung
18:51words of wisdom ko sa kanila.
18:53Yung pangaral ko
18:55dahil din sa mga na-experience ko,
18:57yung pinagdaanan ko.
18:58Kung baga,
18:59kapag may mga kagaya ko
19:02na nangangarap din,
19:03malaki yung pangarap,
19:06binibigyan ko sila ng advice.
19:08Mula sa Jimmy Regional TV
19:09at GMA News,
19:11Sandy Salvaso,
19:12Nakatutok,
19:1324 Horas.
Comments

Recommended