Skip to playerSkip to main content
Ngayong posibleng lumala pa ang El Niño, hinimok ng gobyerno ang ilang negosyong malakas kumonsumo ng tubig tulad ng mga golf course, na mag-recycle muna ng tubig tulad ng tubig-ulan.


Prayoridad kasing suplayan ng tubig-gripo ang mga bahay at irigasyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong posibleng lumala pa ang El Niño.
00:03Hiniimok ng gobyerno ang ilang negosyong malakas kumonsumo ng tubig,
00:08tulad ng mga golf course na mag-recycle sila muna ng tubig tulad ng tubig ulan.
00:14Prioridad kasing suplaya ng tubig gripo ang mga bahay at irigasyon.
00:20Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:25Sa resort farm ng mag-asawang Israel at Romalin sa Nueva Ecija,
00:30binago na nila ang mga tinatanim na gulay.
00:32Sa halip na magtanim ng mga madadahong gulay,
00:35mga halaman na hindi gaanong malakas sa konsumo ng tubig ang tinatanim nila.
00:40In-experience namin, ang bilis lang evaporation ng swimming pool,
00:43so we need to refill every day.
00:46Yung tubig ulan, ngayon pa lang dahil madalas naman yung ulan,
00:50sinisave na namin for future use.
00:53Ayon sa National Water Resources Board,
00:56sakaling lumala ang epekto ng Super El Niño,
00:58nakasaad sa water code na mas prioridad ang mga kabahayan at irigasyon sa agrikultura,
01:04hindi ang mga negosyong may kinalaman sa recreation tulad ng mga resorts at golf courses.
01:09Gusto saan natin, medyo bawas-bawasan yung mga requirements nila,
01:15hanggat maaari po kung pwede sila makapag-recycle.
01:18Sabi nga natin, yung paggamit ng mga tubig ulan, rainwater harvesting,
01:24kung pwede po nilang i-consider yan sa mga golf courses,
01:27para naman po,
01:29less yung pressure doon sa mga kasalukuya na reserva po natin.
01:34Sa kabila ng posibleng negatibong epekto ng Super El Niño,
01:38siniguro ng National Water Resources Board na magiging prioridad ang mga domestic users.
01:43Ito yung mga kabahayan na kumukonsumo ng tubig.
01:46Pero si Nora Pura, sinamantala ang malakas na buhos ng ulan.
01:50Naranasan na po namin.
01:51Siyempre, ang hirap pag ahantay ka ng pagdating ng truck.
01:55Agawan, di po ba?
01:56Mas priority po na yung water supply dito sa Metro Manila.
02:01Ang ano po is mas kukukumpara natin sa irrigation.
02:05Pero sa irrigation po kasi,
02:08kapag nakapagtanim na yung mga kabahayan po natin,
02:11kailangan natin i-sustain.
02:13Lalo yung palay po, usually, pag nagsimula magtanim.
02:16Pag-aaralan rao kung may mga kailangan gawing pagbabago sa protocol,
02:20pero mananatili rao na prioridad ang mga domestic users.
02:25Kakaiba itong El Nino, very strong siya.
02:28Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended