Skip to playerSkip to main content
Natuklasan ng Commission on Audit o COA na hindi naabot ng National Food Authority ang itinakdang 15 day rice buffer stock noong 2025.


Isa sa mga natukoy ng COA na dahilan, ang hindi pagkumpleto ng NFA sa target nitong palay procurement.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natuklasan ng Commission on Audit o COA na hindi naabot ng National Food Authority ang itinakdang 15-day rice buffer
00:09stock noong 2025.
00:11At isa sa mga natukoy ng COA na dahilan, ang hindi pagkompleto ng NFA sa target nitong talay procurement.
00:19Ang paliwanag ng NFA, tinutukan ni Marie Umali.
00:25Sa sunod-sunod na pananalasa ng habagat at kung ano pang mga sakuna, pagkain ang isa sa unang inaalala ng
00:34mga nasasalanta.
00:36Kaya itinakda sa Republic Act No. 12078 na hindi dapat mababa sa 15 araw ang rice buffer stock ng National
00:44Food Authority o NFA.
00:46Pero sa 2025 Annual Audit Report ng Commission on Audit o COA, 408,944 metric tons ang average rice buffer
00:54stock ng NFA noong 2025.
00:57Nakatumbas ng mahigit sampung araw ng average daily consumption requirement.
01:01Isa sa mga natukoy ng COA na dahilan, ang hindi pagkakumpleto ng NFA sa target nitong palay procurement.
01:07Noong 2025, 77% lang ng 545,000 metric tons na target ang na-procure.
01:13Binigyan din pa ng COA na sa mahigit 14 billion pesos na kabuo ang subsidy na natanggap ng NFA mula
01:202024 hanggang 2025,
01:22halos 10 billion pesos lamang ang nagamit na pambili ng palay.
01:26Napansin din ang COA na ang computed average procurement cost ng NFA ay 23 pesos and 53 centavos kada kilo.
01:34Mas mataas sa 17 pesos and 70 centavos kada kilong average farm gate price na iniulat ng Philippine Statistics Authority.
01:41Paliwanag ni NFA Administrator Larry Laxon, hindi naman tumaas ang pondo para sa procurement.
01:46Ang money na yung pang procure lang ng palay.
01:49So we cannot divert it to facilities?
01:52Hindi po hindi.
01:54That would be the case.
01:56Isa pang mahalagang finding ng COA ang matagal ng pag-iimbak daw ng palay at milled rice.
02:00Paabot sa 6.8 million bags ng palay at halos 1.9 million bags ng milled rice ang nakaimbak ng
02:06lampa sa maximum storage period,
02:086 na buwan para sa palay at 3 buwan para sa milled rice.
02:12Bunga nito may panganib ng quality deterioration, pagbaba ng market value, pagtas ng storage at maintenance costs,
02:19pagkakapit ng warehouse capacity at posibleng pagkawala o pag-aksaya ng public resources.
02:24Magdi-deteriorate yan. Pero yung nakita nila ngayon na 2025, na-sold na natin yan.
02:31Na-report ko nga, 1.1 billion sold through auction.
02:35Tapos ginigiling na natin yung lahat ng mga natirang mga palay.
02:40Dahil dito, na-isdown ng NFA na maisulong sa batas na mabigyan muli sila ng kapangyarihan
02:46na makapaglabas kada buwan ang takdang volume ng bigas sa merkado
02:49para matugunan ang problema sa aging o deteriorating stocks.
02:54Ngayon palang naghahanda na raw ang NFA magigyan Department of Agriculture
02:58dahil sa inaasahan matinding epekto ng Super El Niño sa bansa
03:01na posibleng umabot hanggang first quarter ng 2027.
03:04Ayon kay Lakson, ang pinakamalaking panganib ay kung tatama ang tagtuyot
03:08sa mga palay na nasa vegetative stage pa lamang.
03:11Pusibleng 12% ng wet season harvest ang mawala dahil sa El Niño.
03:15Yung talagang may heat ng matindi ng El Niño, rather than put money there and masayang lang,
03:25lagay mo na doon sa hindi masyadong may heat, doblehin mo na yung assistance noon
03:30para doon bumawi ng volume ng production.
03:33Meron tayo mga fertilizer, bio-fertilizer.
03:36We have enough seeds to be planted doon sa areas na may tubig naman.
03:40Siyempre, doon sa mga areas na walang tubig masyado, meron kami mga alternative crops.
03:45As far as rice is concerned, we have enough buffer stocks now.
03:48Where our worst estimates now say that we will have, even by January or by the end of December,
03:57we will still have 75 days worth of stocks.
03:59Maris Umali na Katutok, 24 Oras.

Recommended