00:00Pansamantalang nakalaya ang kapatid ni Kim Chu matapos magpiansa ayon sa Bureau of Jail Management and Penology.
00:07Sabi ni DJMP spokesperson J. Rex Bustinera, nakaalis ang kapatid ng actress-TV host sa Quezon City Female Dormitory pasado
00:15alas 5 ng hapon kahapon.
00:17Bago yan, naghahain kaapon ng not guilty plea ang kapatid ni Kim sa Quezon City Regional Trial Court para sa
00:24124 counts ng kasong qualified theft.
00:27Sa pamamagitan ng teleconference, dumalo ang kapatid ni Chu sa kanyang arraignment ayon sa kanyang abogado.
00:34Dumalo rin sa arraignment ang actress-host na hindi nagpaunlak ng panayam.
00:40Sa kanyang official Facebook page, sinabi ng actress-TV host na nasasaktan siya sa iba't ibang komento sa kanyang desisyon.
00:48Giit niya ang kaso ay hindi tungkol sa kanyang personal na pera.
00:52Tungkol daw ito sa negosyo na pinaghirapan niyang itayo para maging sandigan niya, sana sa panahong wala na siya sa
00:59showbiz.
01:00Karapatan daw ng kumpanya na maghahain ang kaso para ilaban ang katotohanan,
01:05protektahan ng mga naipundar nila at panagutin ang sino mang dapat managot.
01:11Nagtitiwala raw si Chu sa proseso at kampante siyang lalabas ang katotohanan.
01:17Kepala jawab.
01:19Kepala jawab.