Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na madaanan dahil po sa baha ang lahat ng kalsadang papunta at palabas ng San Simón, Pampanga, ayon sa
00:07Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.
00:11Umabot sa puntong pati ang evacuation centers, inabot ka rin po ng tubig.
00:16Balitang hatid ni Vaughn Aquino.
00:22Kahit saan lumingon sa barangay Santa Monica, San Simón, Pampanga, baha ang makikita.
00:28Lahat ng kalsada, lubog sa tubig.
00:30Kaya ang bungad ng Quezon Road mula San Simón, Enlex, Exit, nagmistulang parking lot na dahil hindi na makapasok ang
00:38mga sasakyan.
00:39Sa drone video, kita ang matinding baha sa Porok 5 at sa East, Barangay Santa Monica, pinahari ng evacuation center
00:46sa Nayong Chinoy, Barangay San Pablo, Propio.
00:49Kaya ang mga pansamantalang nanatili roon, nag-evacuate na rin.
00:53Yung mga palikuran doon, medyo umaapaw na rin, so hindi na talaga kaya na mag-stay pa ng matagal.
00:58Sobrang crowded na.
01:00Yung kasing bahay namin sa Chinoy, mataas na siya, tapos pinasok na ng tubig, lagpas tuhod.
01:06So yung palikuran namin, wala na rin, umaapaw na rin.
01:09Nang bumuhos ang malakas na ulan, kanya-kanyang silong ang mga lumikas na tila mga basang sisiyo sa gilid ng
01:16kalsada.
01:17Nang makachempo ng rescue truck, agad silang isinakay nito.
01:20Si Janibel, mag-isang naghanap ng matutuluyang kamag-anak, matapos lumikas sa kanilang bahay.
01:27Nasa lubaw kasi ang kanyang kapatid na hindi rin makauwi.
01:30Sa amin, Labog, paano po namin pupuntahan yung bahay namin?
01:35Kaya po, sobrang hirap po nang...
01:39Hindi ko po alam kung enough po po yung relief na nabibigay kung naaabutan na po yung mga bahay.
01:46Isa lamang po ito sa mga kalsadang binaha dito sa barangay Santa Monica.
01:50Kung nyo hong makikita, napakarami hong mga residente na papunta at pabalik sa kalsada na ito.
01:56Yung iba po, bumibili ng kanilang mga pagkain.
01:58Yung iba po, lumilikas na.
02:00Dahil ito po yung kalsada na kahit papano ay nalalakaran pa nila.
02:03Dahil bandarun daw po sa looban at dun sa mga katabing barangay ay hanggang dibdeb at lampas tao na yung
02:09baha.
02:10Kaya naman yung iba ay nagpaparescue na rin.
02:12At ayun doon sa mga residente, ito rin yung unang pagkakataon na umakyat o tumaas yung baha dito sa kanilang
02:18lugar.
02:20Ang ilang may tricycle, nagtulak na lang.
02:23Hindi na po kaya ng motor ma, mataas na.
02:25Doon yung bahay namin, San Isidro.
02:27Barangay San Isidro?
02:28Opo, mas malalim doon.
02:30Hanggang saan po?
02:31Opo.
02:31Hanggang dibdeb?
02:32Opo.
02:33So ano pong ginawa nyo? Bakit po kayo bumalik doon?
02:37Dililigas po kami. Mag-evacuate na po.
02:40Hindi na po kaya eh. Malalim na.
02:43Ang isang senior citizen na stroke survivor isinakay sa rubber boat para mailikas sa gitna ng mas tumataas na tubig.
02:51Ang iba nag-improvise ng balsa para makapagtawid ng tao at gamit.
02:56Kwento ng residenteng limang dekada nang nakatira rito.
02:59Ngayon lang nila naranasang tumaas ng ganito ang baha sa barangay Santa Monica.
03:04Pagpasok na ang August, nagkaroon na rin kami ng baha dito pero hindi pa ganong kalaliman.
03:08Pero itong week na to, talagang pinasok na lahat ng mga kabayan.
03:13May at maya namang may ibinababang mga lumikas na residente ang mga truck.
03:17Sana tulungan na lang po kami.
03:19Sa totoo lang, malaking tulong yung rasyon pero hindi yun talaga ang solusyon.
03:23Kasi taon-taon na nangyayari itong baha na to.
03:26Mas malala lang po ngayon.
03:27Gamot, pagkain, tubig.
03:30Apektado rin ang baha ang ilang lugar sa Apalit.
03:33Sa isang nalubog na subdivision, nagsagawa ng rescue operation ng Apalit Police sa mga residenteng na ipit sa malawakang baha.
03:41Von Aquino, nagbabalita para sa GMA News.
03:46Halos buong probinsya na ng Pampanga ang apektado ng pananalasan ng habagat.
03:50Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda,
03:52tanging ang bayan ng Magalang at Mabalakat City na lang ang walang naiulat na pagbaha.
03:57Sa ngayon, mahigit 17,000 residente na ang lumika sa evacuation center sa probinsya.
04:03May mga lugar daw na hindi naman karaniwang binabaha noon pero lubog na rin ngayon.
04:08Ayon kay Governor Pineda, kabilang sa mga dahilan niyan,
04:11ang backflow o pabalik na dali ng baha dahil hindi ito makadaloy papunta sa Manila Bay.
04:17Dagdagbanta rin daw ang tubig na manggagaling sa mga umapaw na ilog.
04:23Pag hindi tumigil ang ulan, talagang top possibility na tumatas kasi wala siyang mapuntahan.
04:30Lalo na kung magbababa ng tubig yung Pampanga River mula 90 at saka sa Aurora,
04:35talagang ayot na wala ng ulan, tumatas pa rin ang tubig nila.
04:39I FKDA

Recommended