00:00Samantala, patay ang isang binatilyo matapos barilin sa ulo sa Sampaloc, Maynila.
00:06Paniwala ng ama ng biktima, posibleng napagtripan ang kanyang anak.
00:10Balitang hatid ni Jomer Abresto.
00:20Patay ang 14-anyos na kinilalang si Gab.
00:23Matapos barilin ang isang lalaki sa bahagi ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila
00:27pasado alas 8.30 kagabi.
00:30Sa kuha ng CCTV, may kita ang biktima na nakatayo sa Center Island
00:35kasamang ilang kaibigan na kapwa menor de edad.
00:38Maya-maya, may kita ang gunman na lumapit sa kanila at pinaputokan ang biktima.
00:43Tumakbo palayo ang salarin habang isinakay naman sa tricycle ang biktima papunta ng ospital.
00:50Makalipas ang ilang oras, namatay ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo.
00:54Nakilala raw ng opisyal ng barangay 429 ng gunman na residente ng barangay 432.
01:00Nasa 30 hanggang 40 taong gulang daw ang sospek.
01:04Ayon pa sa otoridad, dati nang may alitan ang pamilya ng sospek at biktima.
01:09Nagkakaso siya, nakulong siya which is grave threat. Ngayon, yung nabaril yata yun, yung bata,
01:15ang tatay nun, yun yung tinutukan ng baril, nung mismong perpetrator natin.
01:20Hindi ko rin alam kung doon o sa grupo nila ang kos ng pamamaril.
01:25Mariin naman itong itinangginan 33-anyos na tatay ng biktima.
01:29Aniya, kilalang siga sa lugarang gunman at posibling napagtripan lang umano ang kanyang anak.
01:36Trip lang po, tinanong niya nga araw po yung mga bata, matigas lang kayo.
01:40Magsasalita pa lang po yung anak ko, binaril niya na kagad eh.
01:42Sukuha niya na lang po.
01:45Sukuha mo na lang, huwag mo na kami pairapan.
01:49Para matahimik lang din kami pare-pareho pati yung anak ko.
01:52Labis ang pagdadalamhati ng pamilya.
01:54Hindi man lang daw siya na si Laya ng ina na nakaratay ngayon sa ospital dahil sa leptospirosis.
02:00Napakabayad po na itong apo ko.
02:03Hindi mo ako mapaniwala.
02:04Labo ko, binaril nila. Walang kahawa-awa.
02:08Patuloy ang follow-up operation ng mga otoridad para mahuli ang gunman at malaman ang motibo sa pamamaril.
02:14So para hindi pa po siya makita at nakikipag-coordinate naman ang ating mga kapulisan,
02:20wala pa ang feedback regarding sa kinaroroonan niya.
02:26Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.