00:00Mula sa bullying hanggang scamming at iba pang masasamang content.
00:04Hindi na bago ang mga reklamo sa mga online platform tulad ng Facebook.
00:08Sa camera, may mga kongresistang nagsulong na ipagbawal na lamang ang Facebook
00:13kung hindi naman kayang matugunan ang mga reklamong iyan.
00:17Nakatutok si Maki Pulido.
00:22What if pag gising mo isang umaga, hindi mo na ma-access ang Facebook mo?
00:27Kakayanin mo ba?
00:28Hindi.
00:30Mas okay pa rin yung may Facebook para doon sa mabilis na komunikasyon.
00:34Hindi po. Para po updated po sa lahat ng news po.
00:37Gaya po ng ano, yung pag walang pasok po, ganun.
00:42Pag may mga sunog po.
00:44Nakakakilabot mang isipin para sa marami, pwedeng mangyari yan kung umaksyon ang kongreso.
00:49May resolusyon kasi si Phil Reca Partylist Representative Presley De Jesus
00:54para investigahan kung paano ini-screen ang meta at platforms nito na
00:58Facebook, Instagram at Messenger, ang peking advertisements, scams, fake news at nakakasamang content.
01:05Sabi pa ng opisina ni De Jesus, gusto niyang malaman kung tumutugon at inaaksyonan ba ng meta
01:11ang mga natatanggap na reklamo at kung nakikipagtulungan ba ito sa mga otoridad sa Pilipinas.
01:17Titignan din kung sapat na ba ang kasalukuyang regulatory framework para mapanagot ang meta
01:23o baka dapat magkaroon na ng mas mabigat na parusa o kaya total ban na mga platform nito sa Pilipinas.
01:30Kung total ban nga, matutulad tayo sa malaking bahagi ng China kung saan mula 2009 ay hindi ma-access ang
01:38FB feed
01:39kung gumagamit ng local Chinese Wi-Fi o local mobile data.
01:43Hindi rin nagre-refresh ang messages o kaya mag-send ng notifications.
01:48Pero sabi ng ilan, okay din namang maban na ang Facebook.
01:51Kung may anak ako, halos hindi na makukandugaga.
01:55Hanggang saan, matulog pa ka-Facebook.
01:57Diba? Sabi naman ni Ronald Gustillo ng grupong Digital Pinoy, hinay-hinay lang.
02:17In general, it should always be on the table.
02:20Pero we have to give social media platforms and every other platform their chance to nagawin yung kanilang responsibilidad.
02:31Yes, may pagkukulang yung meta, pero somehow to a certain degree they are cooperating.
02:38So kailangan pong balansihin muna.
02:40Pero tila suya na ang Department of Information and Communications Technology sa meta.
02:45Di raw tulad ng ibang technology platforms, malaki ang pagkukulang ng meta.
02:50Di lang sa kooperasyon sa mga otoridad, kundi sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga kabataan.
02:56Dapat daw may pananagutan ng meta, lalo na at napakalawak ng inaabot ng serbisyo nito.
03:01Sa gagawing pagdinig ng Kongreso, gusto rin ipatawag si Mark Zuckerberg.
03:06Tutal, nahihilig naman daw ito sa surfing at may mga magagandang surfing destination ng ating bansa.
03:12Baka gusto na rin niyang dumaan sa Kongreso para ipakita kung gaano kahalaga ang Pilipinas sa meta.
03:19Sinisikap po namin kung hana ng pahayag ang meta sa issue.
03:23Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments