- 9 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 1) Nasunog na palengke sa Pampanga; Sumadsad na RoRo vessel; Tangkang pagtakas sa Koreano gamit ang drone?, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:25Pampang Public Market
00:30Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Angeles City, pasado alas 7.30 kagabi nang itawag sa kanila ang sunog.
00:36Sa paunang investigasyon ng mga bombero, nagsimula ang apoy sa passage 1 sa loob ng palengke.
00:42Kumalat ito hanggang sa sari-sari store section na may mga tindang bigas, grocery, frozen goods at mantika.
00:49Umabot ito hanggang sa ikalimang alarma pasado alas 10 kagabi.
00:52Hudyat para rumispondi ang hindi bababa sa 20 firetruck.
00:56Sa ulat ng mga otoridad, isang police personnel na nasaktan sa sunog nang tamaan ng butane container sa kanang tuhod.
01:03Pansamantalang ipinasaran ang lokal na pamahalaan ng sari-sari at wet section na naapektuhan ng sunog bilang bahagi ng safety
01:09assessment.
01:10May mga polis din sa lugar para maiwasan ng looting o pagnanakaw.
01:13Humigit kumulang 300 stalls ang nadamay.
01:16Idiniglarang fire out noong hating gabi.
01:18Pero may mga apoy pa rin maliit na naiiwan sa ilang stall.
01:21Kaya magdamag itong tinutukan ng mga bombero sa mopping operations.
01:25Kinaumagahan, bakas ang pinsalang iniwan ng sunog sa old building ng palengke.
01:29Ang pamunuan ng palengke nagbabala sa mga namimili sa mga katabing building na huwag lumapit sa old building.
01:35Gusto natin na maligtas sila, maligdaging safe sila.
01:39Kaya pinapaalam natin na huwag silang lalagi dito sa mga nasunogan para mas siligtas sila at hindi posibleng madaganan.
01:49Emosyonal naman ang tinderang si Apipa Sarif kasama sa mga natupok ang kanilang stall at mga paninda.
01:54Hindi po namin alam na nasusunog. Kung alam namin, pupunta kami dito agad para naisang makalabas naman kami ng paninda.
02:02Naisang panindawan.
02:04Mabilis daw na kumalat ng apoy kaya wala rin na iligtas na gamit o paninda si Janet Castro.
02:09Nakita namin daw nung umpisa, usok pa lang. Anong pagano namin? Ang bilis na kumalat ng apoy.
02:16Patuloy ang investigasyon ng Bureau of Fire Protection sa Sanhinang Apoy, pati sa lawak at halaga ng pinsala.
02:21Bama Lai Gran, nakatutok 24 oras.
02:24Sumagsa, nulapit sa pampang ng Abra de Ilog sa Occidental Mindoro ang isang Roro Vessel na may sakay na mahigit
02:32isang daang pasahero at tripulante.
02:34Ligtas silang lahat pero may tinimatay tayo sa takot.
02:39Nakatutok si Oscar Oida.
02:44Nagmamadaling binuhat na mga tauha ng Philippine Coast Guard ang isang hinimatay na pasahero ng barkong MV Roro Master 5
02:52papunta sa pantalan ng Abra de Ilog.
02:55Ayon sa Disaster Risk Reduction Officers ng munisipyo, alas 12.45 na madaling araw nang sumadsad ang barko habang nasa
03:0330 metro na lang mula sa pampang ng barangay Udalo ng bayan.
03:08Galing ang barko mula sa Port of Batangas.
03:12So upon receipt of the information ay agad naman po nagresponde ang Philippine Coast Guard at nakipagunayan po tayo sa
03:20vessels crew, sa shipping company at mga local authorities.
03:24Ang isa sa mga pasahero na video pa ang mga tagpo nung sila'y nire-rescue.
03:30Sisiguraduhin po namin, napababa kayo ng ligtas.
03:34Kasulod nito, pinagsuot ng life vest ang mga pasahero at inianda na sa paglikas.
03:39Kailangan natin mag-life jacket.
03:42Bigla pong parang sad-sad ng barko, sad-sad talaga ang pit ng barko.
03:48Sad-sad.
03:50Pag sad-sad na ganyan, ninerbius ako.
03:52Inaramdam ko talaga yung lagapak paano kung sa malalim na siraan yung barko.
03:58Paano nalaang.
04:00Kaya siguro din, siguro din po ay ano, ginawa din way ni Lord na masad-sad yung barko para ligtas
04:07kami makauwi din lahat.
04:09Kapasalamat po kami sa Diyos lahat.
04:11Gamit ang apat na life raft at isang lifeline, inilikas sa mga tauan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero
04:18at crew ng nasabing Roro passenger vessel.
04:21Alas sa isang umaga, naibaba sa pantalan lahat ng mga pasahero ayon sa Philippine Coast Guard.
04:26Nabigyan sila ng pagkain, tubig at na medical check-up.
04:31Nananatili muna sa passenger terminal ng pantalan ang mga biyahing sa Blayan hanggang San Jose,
04:36habang ang mga pasaherong taga-abra de ilog at mamburaw ay naihatid na.
04:42Batay sa inisyal na imbisigasyon ng PCG, nagkaroon ng aberyang gyrocompass ng barko, kaya ito sumadsad sa pampang.
04:50Wala pang pahayag ang may-ari ng barko.
04:52He also gave instruction po sa kapitan po ng barko to submit the marine protest po para nailahad po niya
04:59kung ano po yung mga nangyari sa insiniting ito.
05:01Ayon sa PCG, walang nakitang oil spill at wala rin pagpasok ng tubig sa barko.
05:08Patuloy naman ang verifikasyon sa aktual na bilang ng pasahero at crew.
05:13Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
05:16It's mayado si Sen. Rodante Marcoleta sa mga kapwa-senador.
05:21Inisnab o mano kasi ng mga ito ang pakiusap niya.
05:24Naihingi siya ng permiso sa Sandigan Bayan na makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
05:30Nakatutok si Maki Pulido.
05:35Pinayagan ng Sandigan Bayan 3rd Division na ma-interview ng media si Sen. Rodante Marcoleta pagkatapos ng kanyang bail hearing
05:43kanina.
05:43Nang tanungin tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, tila nawalan na ng gana si Marcoleta na lumahok
05:51sa paglilitis.
05:52So kung hindi na later take up yun, bakit pa ako makikipag-participate doon?
05:59Ang ugat ng tampon ni Marcoleta ang pag-dead maraw ng mga kapwa-senador sa inihain niyang manifestasyon.
06:06Sa sulat ni Marcoleta noong July 20, hiniling niya sa Senado na hingin sa Sandigan Bayan na payagan siyang makadalo
06:12sa impeachment trial habang nakapiit.
06:14Kinwestiyon din ni Marcoleta ang pagiging presiding officer ni Sen. Cheese Escudero kahit hindi naman siya ang Senate President.
06:21Hindi nila tinayikap, despite may pakiusap na itayikap nyo naman ito, this is something substantial.
06:29As I was disappointed, hindi man lang nila diniscuss.
06:32They have not even debated the merits of my manifestation and request.
06:37Hindi na rin daw niya hihingin sa Sandigan Bayan na payagang makapunta sa Senado para bumoto sa pinag-uusapan ngayong
06:44voting threshold sa impeachment trial.
06:46Sa tingin kasi ni Marcoleta, hindi naman na dapat ito pinagbubotohan.
06:50It's already in the Constitution. Nobody has the right to change the language of the Constitution.
06:57The Constitution says that no person should be judged guilty without the concurrence of two-thirds of all the members
07:05of the Senate. That's it.
07:07Sa Saligang Batas kasi, nakasaad na ang boto ng two-thirds ng mga Senador ang kailangan para makonvict si Duterte.
07:14Labing-anim yan kung ang pagbabasihan ay 24 na Senador.
07:18Pero may kumwestiyon dito dahil may ilang Senador, kasama na si Marcoleta, ang hindi nakakadalo sa paglilitis.
07:25Sa impeachment trial kahapon, tatlong retiradong Supreme Court Chief Justice ang nagsabing pwedeng baguhin ang computation.
07:32Kaya ang sinasabing labing-anim para makapag-convict, maaaring bumaba.
07:36Makipulido na katutok, 24 oras.
07:40Binalak umanong itakas ng drone ang isang Koreanong nakakulong sa bilibid, ayon sa ulat ng Korean media.
07:48Nabisto lang umunayan ng mag-viral ang video ng insayo sa plano na minsan na rin naitampok dito sa 24
07:56oras,
07:57pero hindi pa batid ng kumuha.
08:00Idiniin ang Department of Justice na walang nangyaring pagtakas.
08:04Nakatutok si Darlene Kai.
08:10Nang minsang talakayin sa Kuya Kim ano na segment ng 24 oras ang mga kakayahan ng mga drone ngayon,
08:16kasama sa mga naitampok ang viral reel ng isang drone na naglilipad ng mga tao na kuha ng ilang taga
08:23-sablayan Occidental Mindoro.
08:26Ang video ng pagpapalipad, laman ngayon ng isang report ng South Korean media.
08:31Lumalabas kasing bahagi na ito ng pagpapraktis ng isang South Korean national
08:36para itakas ang kababayang si Park Wang Yul sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
08:42Nakakulong siya doon noon dahil sa pagpatay sa tatlong Korean sa Pilipinas noong 2016.
08:47Ang plano umano ni Park, itatali ang sarili sa isang malaking drone na ayon sa source ng Korean media,
08:53ay nabisto lang nang kumalat ang video ng practice online.
08:58Sabi ng source ng isang Korean local media,
09:00na booking ng mga otoridad ang plano ni Park matapos kumalat sa social media ang mga kuha ng practice
09:05isang buwan bago umano ang extradition o pagdadala sa kanya sa South Korea.
09:10Binalika namin ang kwento sa amin ang mga kumuha ng video.
09:14Nachempohan lang daw nilang magbabarkada sa pantalan ng sablayan ang turista
09:17na ipinagmamalaking kaya ng drone na bumuhat ng isang tao.
09:22Kaya lang daw po ng drone.
09:23Is 75 kilos.
09:25Yung isang kaibigan, nag-volunteer siya.
09:28Sumakay nga po siya, tapos nilipad siya.
09:31Sila man o ang segment ng 24 oras,
09:34walang kaalam-alam kung sino ang nakilala nilang turista.
09:37Maliban sa siya ay Koreano na bisita ng isang hotel at resto owner doon.
09:43Bisita lang po ng Koreano po dito na si Mr. Choi.
09:48May ano po kasi siya dito, hotel and resto.
09:52Nagtatagalog po yung Koreano.
09:53Pero ayon sa Department of Justice o DOJ na siyang may hawak sa Bureau of Corrections o Bukor,
09:59walang ganong tangkang pagtakas habang nasa Kusulia pa ang Korean.
10:02No such attempt has been discovered or made while the said Korean national was in its custody.
10:14There has never been any attempt, known attempt or any discovered attempt.
10:19Pero kinumpirma ng DOJ na may Park Wang Yul na nakulong dito at wala na siya sa Pilipinas ngayon.
10:25That Korean national has already been turned over and in the custody of the Republic of Korea since March of
10:33this year.
10:34Sabi naman ng Bukor, lahat ng kulungan at penal farm sa bansa ay no-fly zone.
10:38Meron din daw yung mga watchtower na 24 oras na nagmamanman na agad mag-aalerto sa mga gwardya kung may
10:45magtangkang tumakas gamit ang mga drone.
10:48Maingay din daw ang drone at may mga CCTV naman kaya agad yung madedetect.
10:52Ano't anuman ay bukas ang DOJ na imbestigahan ng insidente.
10:56Gayun din ang sabi ng source ng Korean media na nagbayad ng 6,000,000 o may 270,000 pesos
11:02kapalit ng mga pribilehyo tulad ng paggamit ng aircon, TV at cellphone.
11:08Yan ay kung mapagkakatiwalaan umano ang source ng impormasyon.
11:12If such information is made outside of the Philippines and from sources which are not even verifiable at this point,
11:25then it would be premature for the department to commit to any action.
11:30Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
11:34Asintabi po sa mga nagkakapunan mga kapuso na diskubri sa isang refrigerator, ang bangkay ng isang 30 taong gulang na
11:41babae sa Rodriguez Rizal.
11:42Umalingasaw kasi ang amoy nito hanggang madiskubri ng landlord sa unit ng bago niyang tenant.
11:49Nakatutok si Dano Ingkungko.
11:54Wala nang buhay at pilit isiniksik sa loob ng refrigerator.
11:59Ganyan ang karumaldumal na sinapit ng isang babae nang makita siya sa loob ng apartment sa barangay San Jose sa
12:05Rodriguez Rizal.
12:06Ang krimen nadiskubri ng mismong may-ari ng apartment.
12:10At ang biktima, bago umano niyang tenant na babae.
12:14Base sa paunay embisikasyon ng polisya, magpapapirma sana ng kontrata ang landlord sa biktima na nakausap pa raw niya noong
12:20September 9 kasama ang nagpakilalang live-in partner nito.
12:24Kinabukasan noon, araw-araw binabalik-balikan ng landlord ang babae sa unit pero hindi na umano ito muling humarap.
12:31Noong pumunta itong landlord ay hindi siya pinagbuksan.
12:38Kumatok ng katok siya, walang nagbubukas.
12:41Pero minsan naghinala na siya dahil may kortina na po sa bintana.
12:49Tapos bumalik ulit siya noong September 15.
12:52Katok din siya ng katok.
12:54Wala rin sumasagot.
12:57Hanggang kahapon ng umaga, nagdesisyon na raw ang landlord na magtawag ng polis nang mapansing nilalangaw at lumakas lalo ang
13:04mabahong amoy mula sa unit.
13:06Dito na nadiskubre ng mga polis ang babaeng biktima.
13:10Tumambat sa amin yung yan, yung ano na yan, parang puumot na yan, nakakover doon sa refrigerator.
13:18Tapos yung maleta na yan, mga damit na yan, nakapatong yan dyan sa rep.
13:25Sinurse namin kung may tao sa kwarto, wala.
13:28Ibinaba namin yung ano na yan, binaba namin yung kasama yung barangay, binaba namin yung maleta na yan.
13:37Tapos binuksan namin yung rep.
13:40Nandun na yung tao, patay ng babae, nakabuluktot sa loob.
13:46Base sa paunang pagsisiyasat, pinatayuman nung sasakalang biktima, saka isiniksik sa loob ng refrigerator.
13:54Kaya bumaho ito dahil siguro hindi gaano na kinaya ng rep ang mapalamig yung bangkay.
14:02Strangulation ang nagiging sanig dahil yung pantali nga po ay nakita pa doon ating mga investigador sa lugar.
14:11Ang ilang mga kapitbahay, sinabi rin sa polis siya na nakita pa nila ang biktima bandang alas 8 ng umaga
14:17noong September 10 sa labas ng apartment at may kinuhang delivery.
14:21Kinagabihan, nakarinig daw sila ng kalabog.
14:24May ano lang, kalabog lang sa loob ng bahay.
14:26Na ang posible ng Sanhinon yung pagtumba o ng rep.
14:51Sa ngayon, blanco ang polis siya sa motibo sa krimen.
14:55Pero itinuturing na person of interest ang nagpakilalang live-in partner ng biktima.
15:00Pinagahanap na siya ngayon ng mga otoridad.
15:02Lumabas din sa pagsisiyasat ng polis siya na peke pala ang driver's license na ipinakitang ID ng kalibin sa may
15:09-ari ng apartment.
15:10Hindi pa malinaw kung peke rin ang ID na ipinakita ng babaeng biktima.
15:14Sabi nila, tagatakig sila.
15:17Madalas naman kami rito sa Rizal at saka nagsasight visit kami sa mga view.
15:23Nagsasight viewing kami.
15:25September 9 na yun, yun lang ang pag-uusap namin sa hapon.
15:30Mga alaona media siguro yun.
15:32Mga 10 minutes o 15 minutes lang kami nag-uusap eh.
15:36Kuya, kukunin namin yung unit.
15:38Magda-down na po kami.
15:40So nag-down payment sila.
15:42May nakuha kasi mga driver's license sila.
15:45Nang biniripay namin yung address dun sa driver's license sa tagig,
15:50hindi nag-i-access sila dun at base sa mga kapitbahay, mga barangay ay hindi sila kilala dun sa lugar.
15:59At base din sa verification namin dito sa LTO, dahil sa driver's license nakuha,
16:05ang license number doon sa nakalagay ay ibang pangalan ang nakasad.
16:11Ibig ba sa madilang salita, fake ID po yun.
16:15Nang sabi nila na work from home sila, sabi magkalibin lang po.
16:21Wala pa naman siyang ganong napansin.
16:24Dano tingko, nakatutok 24 oras.
16:28Mega oil price hike na namahan ang titiisin ng mga motorista sa susunod na linggo.
16:35Sa diesel pa lang, hanggang 11 pesos kada litro na ang inaasahang dagdag presyo.
16:43Nakatutok si Bernadette Reyes.
16:48Sa loob lang ng dalawang linggo, humigit kumulang 10 piso kada litro na
16:53ang tinaas ng presyo ng diesel at gasolina.
16:56At sa susunod na linggo, asahan na ang isa pang big-time oil price hike.
17:01Sa taya ng oil industry sources, hanggang 11 pesos per liter ang posibleng madagdag sa diesel.
17:08Hanggang 5 pesos naman sa gasolina.
17:10Wala na talagang ma-iwi sa pamilya.
17:12Sila na pong bahala dyan ma'am kung may maawa pa sila sa amin.
17:14Baka hindi muna siguro kami bumiyay dahil wala rin kami kikitain.
17:17Para na lang kami naglalaro sa razada.
17:20Ayon sa Department of Energy, dahil pa rin ito sa patuloy na kaguluhan sa Middle East.
17:25Hindi po mukhang matatapos kaagad.
17:28Ngayon po nakikita nyo sa news, mas dumami pa ang conflict doon.
17:33Kaya umaakyat na naman ulit.
17:35And our forecast on this is this will stay for a long time.
17:42Nakasaad sa batas na dapat mag-average ng $80 per barrel ang presyo ng langis sa world market sa loob
17:49ng isang buwan
17:50para i-considera ang pag-aalis na excise tax.
17:53Pero sa pagitan lamang ng August 13 hanggang September 11,
17:57ayon sa DOE, halos umabot na sa $100 per barrel ang average price ng Dubai crude.
18:04Ang pag-aalis na excise tax sa produktong petrolyo,
18:07kailangan ng approval ng Pangulo.
18:09Hinihintay pa ang aksyon ng palasyo.
18:11Kahapon hindi po kasi siya naging topic, hindi po siya parte na agenda sa naging meeting.
18:16Kapag na-finalize na po, ay ibibigay po agad nila ang rekomendasyon sa Pangulo.
18:21Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Oras.
18:24Wala na sa Pilipinas ang personal assistant ni Congressman Martin Romualdes
18:28na kapwa-akusado niya rin sa kasong plunder.
18:31Pagkumpirma ng Bureau of Immigration, nakalabas ng bansa si Jocelyn Sereno
18:36bago pa siya bawalang mag-abroad o isyuhan ng whole departure order.
18:40Sakop ng parehong order si Romualdes, dating Congressman Zaldico
18:44at presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation na si Felicito Cristobal Guevara.
18:49Sa pinakauling record ng immigration, parehong nasa ibang bansa na si Naserenyo at Koch.
18:55Nasa Pilipinas naman si Romualdes at Guevara.
18:57Patuloy ang maigpit na pagpapatupad sa whole departure order ayon sa immigration.
19:03Ibinaba na sa 8 ang bilang ng mga hinahanap na sakay ng nasunog na MB June Astor sa Coronpalawan.
19:12Ang apat kasing nasa listahan ng mga pasahero, hindi naman pala tumakay.
19:16Ang kapitan naman ng barko, isinilaysay na ang kanyang versyon sa nangyaring trahedya.
19:24Nakatutok si Mark Salazar.
19:29Wala sa sinumpaang salaysay ng nakaligtas na kapitan ng MB June Astor na si Ruel Sarmiento
19:36ang sagot kung paano at saan nagsimula ang sunog sa barko na kumitil ng 77 buhay.
19:43Ang ikinwento niya lang, maayos ang lahat mula sa kanilang paglaot sa Baseco, Maynila gabi ng September 8
19:50hanggang 6.29pm September 9 malapit na sa Coron.
19:56Pinuntahan daw siya ng kanyang steward habang nasa bridge tower para sabihin may sunog.
20:02Ipinag-utos niya raw na buksan ang pinto para papasukin ang mga pasahero sa bridge
20:07at ipinahanda ang mga water hose at extinguisher.
20:11Nabasa na ng Philippine Coast Guard ang salaysay na ito ni Kapitan Sarmiento.
20:30Ayon din sa sinumpaang salaysay, sa gitna ng kaguluhan may mga sinagip na pasahero raw si Kapitan at ang kanyang
20:37crew.
20:38Sinubukan din daw niyang pasukin ang air-conditioned accommodation
20:41kaya lang hindi na makalapit sa pinto sa sobra raw init.
20:45Wala na raw siyang mapuntahan sa lumalaking sunog kaya tumalo na rin siya sa tubig.
20:51We activated two separate and two sets of investigation team.
20:56Ito po yung maritime safety investigation and maritime crime investigation.
21:00Hanggang kaninang tanghali, hindi pa rin humaharap sa PCG investigation ang Kapitan ng Barko
21:06hanggat wala raw siyang kasamang abugado.
21:08Pero sa kanyang affidavit, ikinwento niya ang pakikipagsapalaran sa dagat para makaligtas.
21:15Kasama niya raw na narescue habang nasa life raft ang tatlo niyang crew at dalawang pasahero.
21:21Pagdating raw nila sa lupa,
21:23naluluha raw siya sa trauma at iniisip kung bakit hindi niya napigilan ang paglaki ng apoy.
21:29Naglakadlakad daw siya hanggang makarating sa kung saan.
21:33Sabi ng PCG, ibabangga nila sa lalabas pang mga ebidensya ang mga salaysay ng kapitan.
21:39Kasama po dyan yung manifesto ng pasahero, yung kargamento, anong klase,
21:45yung dokumento po na on board, kasama po yung competence ng crew,
21:50and everything about his vessels.
21:52Mahigit isang linggo na mula nang mangyari ang trahedya, may mga nawawala pa rin.
21:57Sa unang tala ng PCG, labindalawa ang missing.
22:00Pero nadiscovering hindi pala sumakay ang apat na pasaherong nasa manipesto.
22:05So totoo nga po, ang nag-report po sa atin ay nagkaroon po ng pagkakabali sa pagbilipo ng tiket.
22:12So supposedly, it's Curon to Manila, pero ang nagbilipo po ng tiket, it's Manila to Curon.
22:17At yung isa naman po ay sa ibang barko po sumakay.
22:20Sa ngayon, walo ang hinahanap.
22:22Pero biniberipika pa kung talagang sakay din sila ng nasunog na barko.
22:26Mas pinalawak na rin ang aerial search para sa kanila na umaabot na hanggang Oriental at Oksidental Mindoro.
22:34Samantala, kinukuha pa namin ang karagdagang pahayag mula sa Atienza Inter-Island Ferries Inc.
22:40ang may-ari ng nasunog na barko.
22:42Mark Salazar.
22:44Nakatutok 24 oras.
22:51Good evening mga kapuso.
22:53Kabaliktaran sa angelic face at heart ni Heath Hornales,
22:57ang first love niyang maging action star.
23:00Ang adrenaline na ito, nakuha niya sa amang ginabayan siya para mahalin.
23:04Ang action.
23:05Makichika kay Nelson Canlas.
23:14Pinatunayan ni Heath Hornales na may ibubuga siya pagdating sa performance on stage.
23:21Sa katatapos lang niyang first major solo concert na Heath's Time.
23:31At matapos magpakilig sa GMA Public Appear Series na You're My Favorite Song.
23:36Ikaw ang pinakamaganda dito sa ball.
23:40Action naman ang genre na kanyang hinarap sa kanyang pagkakasali sa task force fireball.
23:46At soon, sa Hari ng Dundo.
23:49Para kay Heath, action ang talagang first love niya.
23:53Ako, I'm really thankful na nandito po ako sa Hari ng Dundo
23:56and na I get to showcase my skills.
23:58Sana meron po akong madaming fights niyan
24:01para mapakita ko yung mga kicks ko, mga punches na tinuro sa akin ng daddy.
24:06Utang daw ni Heath ang kanyang garing sa action
24:08sa kanyang tatay na si stunt actor Michael Roy Hornales.
24:12Yung point ng dad ko, he's been making me learn parang a lot of stuff na
24:16para in the future, kahit hindi ko naman siya kailangan,
24:21it's better to like have it na nakabaon.
24:23Para kung kailangan, dun mo na mabubuos.
24:26So, I'm thankful din na my dad taught me that at a young age.
24:29Ngayon, Heath is blazing another trail.
24:33Natupad ang pangarap ni Heath na maging cover ng isang glossy men's fashion magazine.
24:39Ipinakita ni Heath ang kanyang pagiging fierce sa mga shots
24:42na nagpalutang ng kanyang angelic look
24:45with just the right touch of being astig.
24:48Bukod sa Pilipinas, ang magazine na ito
24:51will also be distributed in Malaysia and Indonesia for the first time.
24:56Dati, I just dream of like being on the front page of a magazine
25:01tapos makikita ko lang, yo, that's me.
25:04Ngayon, mangyayari na po.
25:05Kaya napaka saya ko po na yung dream ko na yun came through.
25:10So, ngayon, dahil pray lang ako ng pray,
25:13and I work hard, work hard, work hard.
25:15So, it's all paying off din po.
25:17So, I'm super, super, super happy.
25:19Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
25:26Mts.
Comments