Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
100 days na lang, Pasko na! Kasabay ng sunod-sunod na online shopping ang pagdami ng mga parcel, kaya dapat mag-ingat sa scams. Isang online buyer ang nagreklamo matapos cellphone ang inorder pero sabon ang laman ng natanggap na parcel. Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Ingat po sa mga ino-order ninyo online.
00:03Ang isa kasing online buyer,
00:06nadismaya ng makatanggap ng parcel na dapat ay cellphone,
00:10pero nang binuksan, nako, sabon pala ang laman.
00:14Reklama ng online buyer,
00:16nag-confirm o noong seller,
00:18na natanggap ang bayad niya at shinip ang item sa takdang panahon.
00:22Sa inisyal na investigasyon,
00:24sa sorting center daw dito sa Pilipinas na nagkaroon ng problema,
00:28at nagkaroon din daw ng switching sa warehouse.
00:32Nasa kustodian na ngayon ng polis ang rider na nag-deliver ng parcel.
00:37Pero ayon sa rider, wala umano siyang kinalaman
00:40sa umano'y switching na nangyari sa warehouse.
00:43Yan ang pag-uusapan natin ngayon.
00:46Ask me, ask Attorney Gabby.
00:55Attorney, sino bang dapat managot sa ganitong pangyayari?
00:59Seller or rider?
01:00Anong habol ng biktima ng ganitong modus?
01:04Well, sa ganitong mga online purchase,
01:06dapat natin tingnan ang Republic Act 11967 po.
01:11Tandaan po niyo yan ang tinatawag na Internet Transactions Act of 2023.
01:17Medyo bago ang batas na ito at tulad ng sinasabi ng title niya,
01:21ito ang titingnan natin para malaman ang inyong mga karapatan
01:25bilang isang consumer na bumili online.
01:28At kasama po dito ang mga nagbebenta online,
01:31kahit na sila pa ay nasa ibang bansa
01:34at kahit na wala silang physical presence dito sa Pilipinas.
01:38Unang-unas ay lalim ng batas na ito,
01:41obligasyon ng seller na siguraduhin
01:43na ang darating sa inyong produkto ay eksakto
01:47doon sa naka-advertise sa kanyang site.
01:50At tulad ng kahit na sinong consumer,
01:52whether online consumer or not,
01:55may karapatan kayo na humihingi ng repair,
01:57replacement or refund
01:59kung hindi nyo nakuha ang produkto na nabayaran na ninyo.
02:03At sa kasong ito, of course,
02:05ang tanging remedyo lamang talaga
02:07ay ang total refund ng inyong binayad
02:09or ang pagpapadala ng tamang item na inorder ninyo.
02:14Well, ano bang dapat gawin?
02:16Sulatan nyo agad ang seller
02:17dahil required sa ilalim ng batas
02:19na i-exhaust ang internal mechanism.
02:22Pag hindi siya sumagot within 7 days,
02:25pwede na kayo mag-complain sa DTI.
02:27At the very least,
02:28maaaring ipat-take down na ng DTI
02:31ang page ng seller na ito
02:32at i-blacklist na siya
02:34para hindi na siya magkalat pa
02:36ng consumer nightmare sa Pilipinas
02:38dahil may obligasyon siyang
02:40tratuhin kayo ng maayos
02:41at sundin ang mga requirement ng batas natin.
02:45Maaari bang sabihin ng online seller
02:47na wala siyang kinalaman sa mga pangyayari
02:49dahil sa warehouse o sa sorting center
02:52o sa delivery rider
02:54nagmula ang problema?
02:55Well, obligasyon niya talaga
02:57ang siguraduhin na ang natanggap ng buyer
02:59ay ang produkto na in-order
03:01at tama in terms of quality and quantity.
03:05Dapat ay siya na ang maghabol sa mga ito
03:07dahil siya ang primarily liable
03:10sa ilalim ng batas
03:11at hindi ang kawawang consumer
03:13ang dapat pang maghabol.
03:15Hindi niya pwedeng sabihin na,
03:16naku, hindi ko kasalanan niya na,
03:18hindi ko naman empleyado ang mga yan.
03:20Of course, may posibleng kasong kriminal
03:23ang tunay na nagnakaw sa item na yan
03:26whether it is the person na nandun sa warehouse
03:28or sa sorting center
03:30or the delivery rider himself.
03:32Siyempre, magkakaroon ng theft
03:34or qualified theft
03:36ang maaaring isampa
03:38depende sa circumstances.
03:39Pero bilang consumer,
03:41siyempre, ang una natin gustong malaman
03:43ay kung paano ba maibabalik ang pera natin
03:46o makuha ang item na dapat ay nai-deliver
03:49ng maayos in the first place.
03:51So, tandaan po,
03:53Republic Act 11967,
03:56alamin ang batas
03:57at alamin ang inyong mga karapatan.
04:00Ang mga usaping batas,
04:01bibigyan po natin ilinaw
04:03para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:05Huwag magdalawang isip.
04:07Ask me, ask Atty. Gabby.
04:12Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
04:14sa GMA Public Affairs
04:15YouTube channel?
04:17Bakit?
04:17Mag-subscribe ka na,
04:19dali na,
04:19para laging una ka
04:21sa mga latest kwento at balita.
04:23I-follow mo na rin
04:23ang official social media pages
04:25ng unang hirit.
04:27Salamat ka, puso!
Comments

Recommended