Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, September 2, 2025


-Garahe ng Pamilya Discaya, ininspeksyon ng Bureau of Customs sa bisa ng search warrant

-Sarah Discaya: Contractor kami ng DPWH flood control projects simula 2016

-Komiteng binuo ni ex-Sec. Bonoan para imbestigahan ang umano'y katiwalian sa DPWH, binuwag ni bagong Sec. Dizon

-80 na-stranded dahil sa baha, sinagip ng Coast Guard

-PAGASA: LPA, unti-unting lumalayo sa bansa

-Hinihinalang drag racing ng ilang kabataan, hindi natuloy nang sitahin ng mga taga-barangay

-Paupahang bahay sa Brgy. Tinajeros, nasunog

-3, patay nang bumangga ang sinasakyang van sa poste ng kuryente; driver, nakaidlip umano

-Kabaong at basura, itinapon sa bakanteng lote; sasakyang gamit sa pagtatapon, nasa kustodiya na ng pulisya

-Special Panel of Prosecutors, binuo ng Office of the Ombudsman para silipin ang maanomalya umanong flood control projects

-Ilang Kapuso personalities, honorees sa 2025 "Asia's Most Stylish" list ng isang magazine

-48-anyos na suspek sa Basag-Kotse modus, arestado

-INTERVIEW: SEN. JINGGOY ESTRADA, SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE

-Mixer truck driver, patay nang bumangga sa tabing-kalsada; 3 menor de edad na nasagasaan, patay rin

-Lalaki, kritikal matapos barilin ng nakaalitan niyang kapitbahay

-Tricycle, sinalpok ng kasunod na tricycle sa Brgy. Sagana; ikatlong tricycle, nasagi rin

-Imbestigasyon ng Kamara sa maanomalya umanong flood control projects ng gobyerno, nagsimula na ngayong araw

-Courtesy resignation sa lahat ng opisyal at district engineer ng DPWH, ipinag-utos ni bagong Sec. Vince Dizon


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00...
00:02...
00:10...
00:14...
00:18...
00:20...
00:24...
00:28Mainit na balita, ininspeksyon ng Bureau of Customs ang garahe ng mga pamilya Diskaya sa Pasig.
00:36Kasunod yan ng impormasyong may mga luxury car ang pamilya. Mayulat on the spot si Oscar Oida.
00:42Oscar?
00:45Yes, Rafi, Connie, napasok na nga ng mga tauhan ng customs, ang compound ng mga Diskaya dito sa Pasig
00:53base sa dala nilang search warrant na inilabas ng korte.
00:58Covered ng warrant ang 12 luxury vehicles ng mga Diskaya.
01:02Ito lang daw kasi yung mga sasakyang nagkaroon sila ng kompletong detalye na kailangan ilatag sa korte para sa application ng warrant.
01:09Pero karamihan sa mga sakyan ay wala na sa loob ng compound. Dalawa lang ang nakita.
01:15Umaapila si Customs Commissioner Ariel Nepomoceno na isuko na ang mga sakyan at nakipagunahin na raw sila sa HPG
01:25para makuha ang mga sakyan kung hindi ibabalik sa compound.
01:29Sabi ni Nepomoceno, kailangan nila i-check kung tama lahat ng papel ng mga luxury vehicles at kung nabayaran ang mga tamang buwis.
01:38Pakay natin mapagbayad ng tamang buwis kung talagang meron kulang doon sa mga buwis na binayaran.
01:50Yan isang ayun of course ang mga direction na binigay sa atin ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:54E tingnan natin talaga kung may mga violation.
01:56Sa mga sandali nito ay nanatiling nasa loob ng compound ng mga diskaya, mga tawan ng Bureau of Customs
02:09at patuloy ang isinasagawang inspeksyon.
02:12Rafi, Connie?
02:13Oscar, humarap ba yung mag-asawang diskaya sa mga otoridad?
02:21Wala pa tayong info on that, Rafi, pero base sa observation natin,
02:25kung buong umaga hindi natin sila namataan at nagtanong-tanong din tayo sa mga gwardiya sa loob
02:31at ayon sa kanila ay wala raw dito ang pamilya diskaya.
02:35Rafi?
02:35At para lang malinaw, hindi naman iligal yung pagkakaroon ng luxury car.
02:38Hindi ba, Oscar?
02:39Ang punto dyan ay kung nagbayad nga sila ng tamang buwis.
02:42Meron na bang paon ng impormasyon kung may mga nakalusot ng mga luxury car
02:45na hindi nabayaran ng tamang buwis at posibleng nandyan sa pagumayari ng mga diskaya?
02:49Oscar?
02:50Wala pa tayong info on that kung may kumpirmado ba o wala.
02:58Pero gaya ng sinabi mo, tama yan.
03:00Ang target ng Bureau of Customs ay malaman kung legal bang na-acquire itong mga luxury car na ito
03:07at kung nabayaran ba ito ng tamang buwis.
03:10Yan ang naistiyakin ng Bureau of Customs.
03:13Paglilinaw naman ni Commissioner Ariel Nepomuceno na hindi lang naman ang Pamilya Diskaya
03:19ang isa subject sa katulad na inspeksyon.
03:22Kung hindi maging yung iba pang mga contractors na nasasangkot ngayon
03:26dun sa usapin ng flood control project.
03:32Nagkataon lang daw na una sila nagkaroon ng waran para dito sa Pamilya Diskaya.
03:37Rafi?
03:37At Oscar, kumusta naman ang sitwasyon dyan sa labas ng compound?
03:40Hindi naman sarado sa trafico?
03:41Well, hindi naman.
03:48Actually, yung pagdating sa daloy ng trafico, tuloy-tuloy naman nakakadaan yung mga sakyan.
03:52Bagamat very visible yung mga sakyan ng mga otoridad
03:56at maging iba pang ating mga kasamahan sa media.
04:00Pero kung nakakasagabal ito sa daloy ng trafico,
04:04sa aking obserbasyon, parang hindi naman, Rafi.
04:06Okay, maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
04:08Sa pagdinig ng Senado kahapon,
04:12pwilisyon kung paano umangat ang buhay
04:15at nabili ng Pamilya Diskaya ang mga mamahaling sasakyan.
04:19Maging ang ibang kontratista na kwestyon
04:21kaugnay sa mga nakuha nilang flood control projects.
04:25Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
04:26Yung mga flood control projects, kailan kayo nag-engage na flood control projects sa DPWH?
04:37Siguro mga 2016 onwards.
04:40Please make sure of your answer.
04:42Yes po, 2016 onwards po.
04:442016 onwards?
04:45Yes po.
04:472016 pa rin nagsimulang gumawa ng flood control projects sa DPWH o Department of Public Works and Highways,
04:54sinasara Diskaya ang kumpanya nilang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation,
05:00kasama sa listahan ni Pangulong Wongbong Marcos
05:02na mga kontraktor na may pinakamaraming proyekto sa gobyerno.
05:06Kasama rin sa listahan ng St. Timothy Construction Corporation.
05:10Pero nag-divest na umuno siya rito,
05:12pati sa St. Gerard Construction, General Contractor and Development Corporation.
05:17Pero inamin niya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
05:20na may kaugnayan pa rin siya sa walong construction company na may kontrata sa gobyerno.
05:25How come you're still a chief operating officer, pati ang asawa mo sa ilang construction companies na ito?
05:33Hindi po ako COO ng mga companies po.
05:36Ma'am, you're under oath. Don't forget.
05:41Opo, CFO po, pero hindi ako COO pa.
05:45COO, so bakit po ikaw ang CFO pa rin kung ikaw, kung nag-divest na po kayo,
05:51opisyal pa rin po kayo dyan?
05:56Sorry, tumutulong lang po ako dun sa mga ibang companies po.
06:00So you didn't divest totally?
06:01You're still the CFO according to you?
06:05According to you?
06:06Opo, pero hindi po ako nagmamanage po ng mga companies na yun.
06:10Dapat po mas alam.
06:12Ipinakita rin ni Senadora Riza Ontiveros ang mga calling card
06:15ng asawa ni Diskaya na si Curly mula sa iba't ibang construction companies.
06:20Sa walupang kumpanya,
06:22lumabas na kaanak din o empleyado ni Diskaya ang mga ito.
06:25Isa sa mga kumpanya, anak niya ang may-ari, may pinsan at pabangkin.
06:30Nung mag-divest kayo, sino yung taong doon nyo i-denivest mo ang inyong interest sa korporasyon?
06:40Katulad sa St. Timothy, kay Maria Roma ko binigay po yung aking shares.
06:45Sino siya? Kamag-anak mo?
06:48She's the niece of my husband.
06:50Kamag-anak mo pa rin?
06:51Hindi, kayo pa rin.
06:52Kaya-kayo pa rin yan.
06:53And who is this Marie-Tony Miligrito, the owner of Elite?
06:59General Contractor.
07:00Pinsan ko po, Mr. Chair.
07:02From the left pocket to the right pocket.
07:04St. Matthew, nandito yung asawa mo, Pacifico Diskaya.
07:09Great Pacific.
07:12O, ikaw, nandiyan, pangalan mo o.
07:15Si Sarah Rowena Diskaya.
07:17Hindi mo mamapapagkaila eh.
07:20YPR General Contractor.
07:22Hmm, nandito rin ang pangalan mo.
07:25Miss Sarah, alam mo mo ka magsisinungaling ha?
07:28Amethyst Horizon.
07:29Sino si Amethyst Horizon?
07:35Sino si John Brian Eugenio?
07:37He's one of our employees.
07:38Oh, dami.
07:40Waymaker.
07:41Sino si Gerald William Diskaya?
07:44He's my eldest son.
07:45Nagtataka rin ang ilang senador kung paano na pagsabay-sabay na mga kumpanya ni Diskaya ang daandaang proyekto sa gobyerno.
07:53Ang Alpha and Omega halimbawa, nakakuha ng 71 projects noong 2022.
07:58Ang St. Timothy naman, nasa 145 projects mula 2022 hanggang ngayong taon.
08:04Na o sisa rin ang tungkol sa pagsali sa bidding ng kanila mga kumpanya.
08:09Si Alpha and Omega and St. Gerard, hindi po sila nagsasali sa isang bidding.
08:14Pero yung ibang licenses, sumasama, magkakasama sila minsan.
08:18And then, so minsan naglalaban-laban yung siyam?
08:21Yes, pa.
08:22Oh, so that is not a legitimate bidding.
08:25Dahil yung siyam na yun na naglalaban-laban sa isang award, sa isang kontrata, iisa lang may ari.
08:32So kahit sino doon, kahit sinong manalo doon sa bidding na yun, ikaw ang panalo.
08:38Dahil sa'yo lahat yun eh.
08:40Gate ni Diskaya, wala siyang kilala sa DPWH para makakuha ng maraming project.
08:45Magkano binibigay mong porsyento o advance sa mga tiga DPWH para mabigyan ka ng proyekto?
08:55Wala po ako binibigyan sa DPWH po.
08:59Baka may ipakita ko sulat sa'yo.
09:03Maming ka na.
09:05Wala po ako talaga.
09:06Kasi hindi po ako nakikipag-transact with the DPWH.
09:10At the end of the day, pag nagsinungaling ka, ipapakita ko yung sulat.
09:18Amin mo mo?
09:20Di ba umabot hanggang 40%?
09:22Wala po ako. Sa DPWH, wala po akong kausap talaga.
09:26Sige, I will take your word for it.
09:28Ayon kay Diskaya, 23 years na silang kontraktor.
09:31Narinig po namin sa television, sinasabi niyo sa interview niyo eh dahil tinanong kayo kung anong naging gateway para gumanda ang buhay niyo.
09:38Sabi niyo kayo hindi naman nakakaangat nung araw.
09:42At tapos sabi niyo ay noong DPWH na kami.
09:45Yun po isagot ninyo eh.
09:47So, at tinanong kung magkano at sabi niyo bilyon.
09:52We have been in the construction business for 23 years.
09:55So, I would presume that in the 23 years, pwede naman siguro kami po kumita.
10:00They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH.
10:08Hindi rin pinalampas ang ilang senador ang pinakita nilang mahigit apat na pong magagarang sasakyan.
10:13Sabi ni Diskaya, 28 ang luxury cars nila habang ang iba naman, service vehicles ng mga engineer na pag-aari ng kanilang mga kumpanya.
10:22Ang balita ko, dun sa interview mo, binili mo yung isang Rolls Royce dahil nagandahan ka sa payong.
10:29Tama ba?
10:31Sir, yes po.
10:32I have four kids that use it all the time.
10:36You bought that from the taxpayers' money?
10:39No po.
10:40Hindi po.
10:41Huwag na tayo maglukan dito.
10:44Natanong din si Diskaya tukos sa umunoy joint venture nito sa CLTG Builders sa Davao.
10:50Ang CLTG Builders ay sinasabing pag-aari ng ama ni Senador Go.
10:54Sabi ni Diskaya, naalala niya na may proyekto sila pero napakinabangan naman na raw ito.
10:59If meron pong deficiencies at meron silang pagkukulang, ako mismo po ang magre-recommenda sa committee ng ito na kasuhan sila.
11:08Kahit kamag-anak ko, kahit involved sa kahit na anuman pong pagkakamali, kasuhan niyo po sila.
11:16I am for accountability. Ayoko po ng kalokohan kahit kailan.
11:23Nasa pagdinig din ang iba pang kontratista na kasama sa 15 pinangalanan ng Pangulo.
11:27Pinuntiriyan ng ilang Senador kung paano nakakuha ng maraming flood control project ang MG Samidang Construction.
11:35Gayong General Engineering A lamang ang kategorya nito at hanggang 300 million pesos lamang ang bawat proyektong pwedeng gawin.
11:42Nakakakuha ka ba more than or up to 300 million?
11:47Ay, hindi po, hindi po, dear honor.
11:50Hindi, kasi lalabas ito.
11:53You are under oath kapag napatunayan na with your category A, nakakuha ka ng more than 300 million, then you will be charged as lying.
12:03So, nakakasiguro ka na hindi ka nakakuha ng 300 million?
12:10Isang single project po yan, your honor?
12:13Kasi pag ang ginawa mo, bin-recap mo, ito yung splitting of contract.
12:21Kalimbawa, 500 million.
12:22Ang ginawa mo in cahoots with the DPWH District Engineer, 100-100-100, o in-split mo yung contract, then you were able to circumvent the law.
12:35Malalaman po namin yun eh.
12:37Ang may-ari ng Wawao Builders na nauna nang naiugnay sa ilang ghost projects sa Bulacan, tubangkin saguti ng ilang tanong ng mga Senador.
12:44I invoke my right personal incrimination in your honor.
12:48Okay.
12:48Can you repeat your answer?
12:49Wow.
12:50Can you repeat your answer, Mr. Arevalo?
12:54I invoke my right personal incrimination in your honor.
12:57My God!
12:58Dahil may mga asapin po na kakasuhan yung mga contractor ng DPWH po, at parte ng ulot ng Senado na magpag-recommendan na paghahain ng kaso laban sa resource person,
13:08ang payo ng aking mga abogad ay huwag magsalita sa panahon na ito.
13:10It is only answerable by yes or no, Mr. Arevalo?
13:14I-verify pa po namin, Your Honor.
13:17I-issuehan naman ang show cause order ang may-ari ng Hightone Construction and Development Corporation dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.
13:25Kasunod nito ang posibleng pag-aresto kung hindi pa rin dadalo.
13:29Pagkatapos ang pagdinig, sinubukan ang media na makapanayam sina Diskaya at Arevalo pero tumanggi na silang magsalita.
13:37Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:41Bubuwagi ni Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang kumiting binoo ng pinalitan niyang si dating Secretary Manuel Bonoan para investigahan ang umunik sa tiwalian sa kanyang ahensya.
13:53Hindi po ako naniniwala doon. Tingin ko po ayun na hindi tama na ang sariling organisasyon ay mag-i-investigate ng kanyang sarili.
14:03Nag-announce na naman po ang ating pangulok ng pagtatayo ng Office of the President ng Independent Commission.
14:10At re-respectuin po natin yun dahil po naniniwala tayo na yun ang tamang paraan.
14:14Dagdag ni Dizon sa panayam ng Super Radio DZDD, pupulungin din niya ang MMDA, Metro Manila Mayors at mga taga-pribadong sektor para masolusyonan ang pagbaha sa NCR.
14:26Iimbisigahan din daw ni Dizon ang sinasabi ng ilang kongresista na may mga proyekto ang pinaglalaanan pa rin ng pondo sa 2026 kahit na kumpleto na ang mga ito.
14:36Sakaling totoo yan, isusulong daw ni Dizon na ilipat na lang ang pondo sa ibang ahensyang mas nangangailangan ito.
14:42Naunang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na kasama ang kwestyonable ng projects na isiningit sa panukalang 2026 national budget sa iimbisigahan ng bubuoy niyang Independent Commission.
14:54Dagdag ni Budget Secretary Amena pangandaman, iisa-isahin ni Dizon ang DPWH project sa 2026 para malaman kung alin ang mga proyektong mababa ang kalidad na doble, kompleto na pero may budget pa rin o kaya'y ghost projects.
15:12Hindi lang Metro Manila kundi maging ang ilang panig ng Southern Luzon ang naperwisyo ng baha dahil sa maulang panahon.
15:19Sa Batanga City, humikit kumulang 80 ang na-stranded dahil sa mataas na tubig.
15:24Karamihan sa kanila nasa mall at nasa Batanga State University.
15:28Agad namang sumaklolo at nagbigay ng libring sakay ang mga kawani ng Ghost o Coast Guard District Southern Tagalog.
15:35Ikinagulat naman ang ilan ang pagragasak ng baha sa barangay Dalig sa Antipolo Rizal.
15:42Sa lakas po ng tubig, halos matumba na ang mga nakaparadang motor.
15:46Pahirap pa naman sa mga motorista ang pagdaan sa ilang kalsada sa Sorsogon dahil sa baha.
15:52Ganyan din ang sitwasyon sa ilang o isang spillway.
15:56Nag-aalangan na ang ibang sasakya na tumawid sa takot na matangay ng rubaragasang tubig na umapaw sa spillway.
16:02Low pressure area na nasa Philippine Sea at hanging habagat ang nagpaulan sa bansa nitong mga nakaraang araw.
16:13Unti-unting lumalayo sa bansa ang binabantayang low pressure area sa Philippine Sea.
16:17Namataan niya ng pag-asa 1,150 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
16:22Nananatiling mababang tsyansa ng nasabing LPA na maging isang bagyo.
16:26Pusibli rin itong mag-dissipate o malusaw sa mga susunod na oras o maaaring munang lumabas ang LPA sa PAR bago ito tuluyang mawala.
16:36Sa ngayon, nagpapaulan pa rin ang trough o extension ng LPA sa Cagayan Valley Region, Central Luzon, Ifugao at Benguet.
16:43Apektado mo rin ang hanging habagat ang Metro Manila, Calabar Zone, Mimaropa, Camarines Provinces, Buong Visayas, Sambuanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga Region.
16:54Pusibli ang malalakas na buhos na ulan kaya maging alerto sa posibling baha o landslide.
17:00Makakaasa naman sa maayos na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm.
17:06Nagkumpula na ilang kabataan na yan sa New Washington Aklan para sa paghanda-umano sa isang drag racing o karera.
17:16Sa kuhang yan kahapon ng madaling araw, may makikita rin dalawang motor siklo sa gitna ng highway.
17:22Napurnada ang gagawin umanong karera nang dumating ang ilang taga-baranggay at sitahin sila.
17:27Nagpulasan agad ang mga kabataan.
17:30Mga kapuso, may tutuling pong reckless driving ang drag racing sa mga pampublikong daan.
17:34Iligal po yan at mapangalib para sa mga kalahok at iba pang motorista at pedestrian.
17:43Nasawi sa sunog ang isang bata at kanyang nyaya nang matrap sila habang nilalamon ng apoy ang inuupahang bahay sa Malabon.
17:51Balitang hatid ni James Agustin.
17:56Tupok na tupok ang unang palapag ng paupahang bahay na ito sa barangay Tinajeros, Malabon matapos masunog bago maghating gabi.
18:02Umabot sa unang alarma ang sunog.
18:04Na naapula matapos sa mahigit apatapong minuto.
18:08Nasa labing dalawang firetruck ang rumisponde sa lugar.
18:11Ayon sa residenteng si Ferdinand, noong una'y may naamoy siyang parang nasusunog na plastik at goma.
18:15Nang silipin niya, malaki na ang apoy sa katabing bahay.
18:18Pag baba ako, paglabas ko noong mismong pintuan, apoy na kaagad yung doon sa pintuan ng bahay.
18:24Napakalakas na.
18:26So ang insin ko, bumalik ako agad ng bahay.
18:30Kasi yung nanay at tatay ko may edad na eh.
18:32So sila muna yung inano ko.
18:35Pilit kong inilalabas.
18:37At kinalampag, noong medyo nagising na po sila, kinalampag ko na itong bahay ng tito ko, bintana, para manggising ng mga tao.
18:45Pinagtulungan ang mga residente na apulahin ang apoy.
18:47Nakaubos ako ng isang piris ring set, tsaka yung may mga drum kami dito, buti naman puno.
18:52And napagtulung-tulungan namin.
18:55Talagang napakainit.
18:57Ubus yung ibaba.
18:58Sakasagsagan ng sunog na trap sa ikalawang palapag ang dalawang batang babae at kanilang yaya.
19:04Ang anim na taong gulang na bata, idinaan sa teris.
19:07Nagtamu siya ng mga paso sa katawan.
19:09Yung isang bata, nakakasigaw pa kanina, pero naibaba dito sa bendang labas.
19:16Ang yaya naman na tatlong taong gulang na bata.
19:19Natagpo ang walang malay ayon sa residente.
19:21Nandun sa kutsun nila, sa sahig, tapos yung bata nakahiga.
19:29Tapos yung yaya, nakadinapaan niya yun, nakatukod.
19:33Nakatukod yung yaya.
19:35Pero wala, hindi na sila gumagalaw eh.
19:37Binuhat ko na yung bata, binaba ko na.
19:40Nakatalokbong ako ng makapal na blanket, pero mainit pa rin.
19:44Isinugod ang tatlo sa mga ospital.
19:46Ayon sa BFP, nasawi ang yaya at tatlong taong gulang na bata.
19:50Inauserbahan naman ang anim na taong gulang na bata.
19:53Inaalam pa ng BFP ang sanhinang apoy.
19:55James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:59Ito ang GMA Regional TV News.
20:05Mainit na balita hatid ng GMA Regional TV.
20:09Disgrasya sa Ilagan, Isabela.
20:12Tatlo ang patay matapos bumanga ang sinasakyan nilang van sa poste ng kuryente.
20:17Cecil, ano ba ang detalya niyan?
20:19Connie, hinihinalang nakaidlip ang driver ng van ng madisgrasya.
20:25Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng van ang kalsadang sakop ng Barangay San Juan
20:30ng maaksidente kahapon ng madaling araw.
20:33Bukod sa tatlong nasawi, sugatan din ang anim na iba pang sakay ng van,
20:37kabilang ang driver na kritikal ang lagay.
20:40Nasira naman ang nabanggan itong poste,
20:42kaya pansamantalang nawala ng kuryente sa lugar.
20:45Patuloy ang investigasyon sa insidente.
20:48Isang kabaong ang nakita kasama ng mga basura sa isang bakanting lote sa Tugigaraw, Cagayan.
20:56Nakatanggap ng ulat ang mga pulis mula sa Barangay Libagsur na may itinapong gamit at basura roon.
21:03Agad na tumugon ang pulisya at kinuha ang mga basura at ang kabaong na walang laman.
21:09Nasa kustudiya na rin nila ang inabando ng sasakyan na sinasabing ginamit sa pagtatapo nito.
21:14Wala pang pahayag ang may-arin ng sasakyan na tukoy na ng pulisya.
21:19Nagpaalala naman sila kaugnay sa Ecological Solid Waste Management Act
21:23at City Ordinance kaugnay sa Pagpapanatili ng Kalinisan sa Tugigaraw.
21:31Bumuo ng special panel ang Office of the Ombudsman para mag-imbestigariin sa flag control project sa bansa.
21:36Binubuo ito ng labing tatlong investigador mula sa iba't ibang tanggapan ng Ombudsman.
21:40Ayon sa Ombudsman, otorizado ang kanilang special panel na kumalap ng ebidensya at dokumento tungkol sa flood control projects.
21:48Magsubtina ng mga kusyonable ng opisyal, silipin ang bank accounts sa mga tao at kumpanyang sangkot sa mga maanumalyo umanong proyekto
21:55at magrekomenda ng karampatang reklamong kriminal at administratibo laban sa kanila.
22:01Tuesday latest mga mari at pare, kinilala as on-rease ang ilang kapuso personalities sa 2025 Asia's Most Stylish List ng isang magazine.
22:18Polished without being predictable kung tawagin ang style ni nagkapuso power couple Ruru Madrid at Encantadia Chronicle Sagrestar Bianca Umali.
22:31Style with purpose in line with her advocacy-driven wardrobe choices naman si Miss Universe Philippines 2023 Michelle D.
22:39Hailed as softly confident and unforced ang estetic ni Master Cutter star Max Collins.
22:48Kasama rin sa list si GMA Network Senior Vice President Attorney Annette Golzon Valdez na may subtle and focused on legacy than flash styling.
22:58Arestado sa Maynila ang isang lalaki dahil umanong sa basag kotse motos. Balitang hatid ni EJ Gomez.
23:07Basag na ang kanang bintana ng sasakyang ito ng madatna ng mga otoridad.
23:16Ayon sa polisya, tinarget ito ng isang sospek ng basag kotse sa parking lot ng isang mall sa Tondo, Maynila nitong linggo.
23:25At tinangay ang laptop ng 23-anyos na biktima.
23:29Sa pool sa CCTV ang pagtakas ng sospek.
23:32Hindi natin nakita yung kanyang mismong actual crime niya. Pero siya lang naman yung naglalakad palabas na unang CCTV din.
23:43Paglabas nung mall nakita na pati yung dala niya.
23:46Nami-bit-bit na siya. Bag na naglalaman ito ng laptop.
23:51Natunto ng Moriones Police ang sospek sa kanya mismong bahay sa Tondo.
23:55Ang narecover natin dito, yung unang-una yung laptop na kanyang dala at yung possession na pa-paralams niya.
24:04Kalibre 38 na baril at mga bala nito ang nakuha sa sospek.
24:09No comment po, sa koordine lang po ako magsasalita ma'am.
24:12Sa records ng polisya, dati nang nakulong ang sospek sa Makati City noong 2020 dahil din sa basag kotse Modus.
24:20Napag-alaman din na nasa barangay watch list ang sospek dahil sa mga insidente ng pagnanakaw sa kanilang lugar.
24:28Sa custodial facility ng Moriones Police Station na kaditay ng sospek na maaharap sa reklamong TEF
24:34at paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
24:41EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:45Kaugnay po sa imbisigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanumalyang flood control projects ng DPWH,
24:53kausapin na natin sa Senate President Pro Temporate Jingoy Estrada.
24:57Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
25:00Magandang tanghali Connie at sa lahat na nakikinig. Kasama na rin si Rafi. Good afternoon.
25:05Unahin na po natin itong inspeksyon ng Bureau of Customs sa property ng mga diskaya.
25:10Dalawa na lamang po eh sa labing dalawang sasakyan na sakop ng search warrant sa compound ng pamilya diskaya yung nakita sa inspeksyon.
25:18Ano ho ang reaksyon niya dyan?
25:21Baka tinago na nila yung mga ibang natitirang kotse na ibinunyag.
25:28Ibinunyag niya kahapon sa hearing tsaka yung pag-interview niya ron sa mga journalist.
25:33Kasi ang sinabi niya kahapon sa hearing, 28 luxury cars. Hindi ko alam kung nasa na yung mga iba.
25:39Baka tinago nila o pinamigay nila o binenta. Hindi natin alam.
25:43Opo. At ano ho sa mga impormasyong nakalap ninyo sa ikalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
25:48yung nga lalong nagpatibay ng umanoy sa buatan o anomalya sa DPWH flood control projects?
25:55Unang-una, yung siyem na construction companies na pagmamayari ni Sarah Diskaya,
26:02sila-sila ay naglalaban sa bidding sa mga kontrata sa DPWH.
26:05That is a clear violation ng ating batas.
26:11Kahit sino pala ang manalo ron, si Sarah Diskaya lang ang makikinabang
26:16dahil siya ang mayari na lahat ng mga construction companies na naglalaban-laban.
26:22Mm-hmm. Natuloy na ho ba yung plano na pagbibigay po ng warrant of arrest
26:26dun sa mga hindi sumipot sa pagdinig kahapon sa Senado?
26:30Yes, balita ako. I-issue na sila ng shoko's order.
26:34Okay.
26:34Tapos kasunod niyan ay yung arrest warrant na.
26:40Okay. Ito ho, tanong ng taong bayan, siyempre.
26:42Posible bang mapasama kaya sa mga resource person, yung mga kapwa niyo Senador
26:46at dating DPWH Secretary na si Senator Mark Villar?
26:51Lalo't siya po yung nakaupong kalihim sa timeline na binabanggit po ni Sarah Diskaya
26:56kung kailan nagsimula yung kanilang transaksyon sa DPWH.
27:01Well, if he can provide vital information that he knows under his watch,
27:08siguro pwede siyang mag-volunteer to give vital information to the committee.
27:14Opo. At maglalabas daw ng executive order si Pangulong Bongo Marcos
27:18para bumuo nga ng independent commission na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa DPWH.
27:23Ano ho ang masasabi ninyo dyan? Kayo ho ba ihihinto na sa inyong investigasyon?
27:30Hindi kami ihinto sa aming investigasyon dahil yung investigasyon namin is only in aid of legislation.
27:36Yung pagbuo ni Pangulong Marcos ng independent commission para mag-iimbestiga,
27:41eh yan ay may executive powers yan, may prosecutorial powers yan.
27:46Depende kung ano ibigay ni Pangulong Marcos na kapangyarihan sa independent commission.
27:52At papaano ho doon matitiyak kaya ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi lamang hanggang hearing,
27:57di ba, kundi may talagang mapapanagot na contractor man o politiko po dito sa ginagawa ninyo?
28:03Well, pilit nga namin sinisiyasa talaga na talagang kailangan pangalanan na kung sino yung mga opisyalis ng DPWH
28:14ang talagang kasangkot o culprit na tinatawag dito sa anomalous flood control projects.
28:24Okay, marami pong salamat sir sa inyo pong binigay sa aming oras para dito po sa Balitang Hali.
28:30Salamat po.
28:33Yan po naman si Senate President Pro Tempo ni Jingoy Estrada.
28:37Ito ang GMA Regional TV News.
28:43Narito na ang iba pang maiinit na balita ng GMA Regional TV.
28:46Patay ang isang driver at tatlong minor na edad matapos bumanga ang isang mixer truck sa bansalan Davao del Sur.
28:53Sara, anong sanhinang aksidente?
28:56Raffi, may problema o mano ang preno ng nakabanggang truck?
29:01Batay sa imbisigasyon ng pulisya, pababa na sa Bargay Managa ang mixer truck
29:05nang bigla o manong nag-swerve ang truck sa kabilang linya at bumanga sa gilid ng kalsada.
29:11Gumulong pa ang mixer truck at nasa pool ang tatlong lalaki minor de edad na bumili lang noon ng ice cream.
29:17Ang painante lang ang nakaligtas sa aksidente.
29:20Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuhanan siya ng pahayag pati ang mga kaanak ng apat na nasa wing.
29:26Dito naman sa Davao City, dead on the spot, isang lalaking senior citizen matapos mabangga ng wing van truck.
29:33Batay sa imbisigasyon ng pulisya, palikuno ng truck nang mawalan kumanon ng preno.
29:38Doon na nito nabangga ang biktima na nakatayo lang sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Akasha.
29:43Sugatan ang truck driver na nasa kusuriya na ng pulisya.
29:46Wala siyang pahayag. Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makunan ang pahayag ang pamilya ng biktima.
29:54Critical sa ospital ang isang lalaki matapos siyang barilin sa mukha nang nakaalitan niyang kapitbahay sa Iloilo City.
30:01Sabi ng intersidente sa pulisya, nag-inuma noon ang biktima, ang sospek at ang kapatid ng sospek nang maisitahing taxi driver ang biktima.
30:10Sinubukan pumagit na ng kapatid ng sospek kaya siya ang napagbuntunan ng galit ng biktima.
30:15Umalis ang biktima at pagbalik, may dala na umano siyang kutsilyo.
30:19Nakita ng sospek ang kutsilyo kaya raw binaril niya ang biktima.
30:23Agad tumakas ang sospek at ang kanyang kapatid na parehong ginahanap ng pulisya.
30:27Inihahanda na ang reklamong isasampa laban sa kanila.
30:31Pinuntahan ng GMA Regional TV ang pamilya ng biktima pero walang nadat ng tao sa kanilang bahay.
30:39Sa CCTV na yan sa Barangay Sagana sa Santiago, Isabela, makikita ang tricycle na yan sa highway.
30:45Bigla itong tumilid at doon na siya nabanggan ang kasunod na tricycle na nagtangkang mag-overtake.
30:50Nalaglag ang driver nito at dumiretso sa gilid ng kalsada.
30:55Ang nakabanggang tricycle naman bahagya pang nasagi ang isa pang paparating na tricycle.
31:00Hanggang sa tumawob ito nakita sa isa pang kuha.
31:03Nagtamo ng sugat ang dalawang pasahero ng nakabanggang tricycle.
31:08Nagkaareglo na ang mga sangkot.
31:10Gumulong na ngayong araw ang imbesigasyon ng Kamara sa maanumalyang flood control projects ng gobyerno.
31:19Kuha po tayo ng update dyan at may ulat on the spot si Tina Pangaliban Perez.
31:23Tina?
31:23Connie, umpisa pa lang ng kauna-unahang imbesigasyon ng House Infrastructure Committee sa mga umanay-maanumalyang flood control projects.
31:33Mahaba na ang debate ng mga kongresista sa pagdaraos ng imbesigasyon.
31:36Nag-hahain ang mosyon si Akbayan Rep. Chaljokno para magsagawa ng full disclosure ang mga kongresistang may negosyo o interes na posibleng makonekta sa flood control projects.
31:48Lalo pat may mga ulat na mahigit-anum na pong kongresista ang may ganitong koneksyon.
31:53Sinigundahan ang mosyon ni na MLG Rep. Laila Delima at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice.
31:59Pero si Delima sinabay ang pag-object sa pagsasagawa ng imbesigasyon dahil sa posibleng conflict of interest.
32:06Paano raw pagkakatiwalaan ng publiko ang imbesigasyong ito kung lalahok nito ang mga kongresistang inaakusahang mga kontratista rin?
32:15Binangit ni Delima ang independent body na balak itatag ng Malacanang para imbesigahan ang mga maanumalyang flood control projects at hayaan na lang daw yung mag-imbestiga.
32:25Kumontra rito si na Deputy Speaker Janet Garin at Deputy Majority Leader Zia Alonto Adjo.
32:32Sabi ni Garin, may oversight powers ang kongreso kaya may karapatan silang gawin ang imbesigasyong ito at baka anya mabaliwala ang kapangyarihan ito dahil sa pangamba sa conflict of interest.
32:43Pwede naman anyang hayaan ang independent investigation ng ibang grupo habang isinasagawa rin ng Kamara ang imbesigasyon para makapagpasaraw sila ng mga panukalang batas para maayos ang mga maling sistema.
32:56Sinangayunan ni Adjoong Sigarin.
32:58Sabi ni Adjoong, may mga internal mechanism naman ng Kamara para maparusahan ang mga kongresistang mapapatunayang sangkot gaya ng House Committee on Ethics.
33:07Inaprubahan kalauna ng motion ni Jokno at binigyan ng Infrastructure Committee ang mga miembro nito ng limang araw para magsumite ng written full disclosure.
33:17Sa labing-anim na contractor namang inimbitahan ng Infrastructure Committee, lima ang absent.
33:23Ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation, Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation,
33:35Wawa Builders at Sims Construction Trading.
33:38Yung St. Timothy at Wawa Builders, binanggit ni Infrastructure Committee Co-Chair, Terry Ridon, na mga sangkot-umano sa mga ghost at substandard flood control projects sa Bulacan na siyang tututukan ang imbesigasyon ngayong araw.
33:52Connie?
33:53Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
33:58Courtesy resignation mula Undersecretary hanggang District Engineer.
34:01Yan ang unang utos ng bagong DPWX Secretary na si Vince Dizon para daw linisi ng kagawaran.
34:08Pinag-usapan na rin daw ang pagbalasa sa Philippine Contractors Accreditation Board na nagbibigay ng lisensya sa mga kontraktor.
34:15Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
34:19Pinag-utos ng bagong Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang pagpapabitiyaw sa lahat ng opisyal ng kagawaran.
34:25Bula sa mga Undersecretary hanggang sa mga District Engineer sa bansa.
34:29Alinsulod na rin daw sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
34:32Lahat sila sasailalim sa pagsusuri.
34:35Sabi niya, linisin ang DPWH at ito po ang simula.
34:40Hindi po magkakaroon ng ganitong klaseng mga proyekto kung walang kakuntsaba sa loob ng DPWH.
34:46Pinababago rin ni Dizon ang kalakaran sa pagwa-blacklist sa mga tiwaleng kontraktor.
34:51Kung dati natatanggal din sa pagkaka-blacklist ang isang kontraktor makalipas ailang taon,
34:55ang gusto ni Dizon habang buhay na silang ban sa pagkuhan ng mga proyekto sa gobyerno.
34:59Kapag ang isang project ng isang kontraktor ay ghost o naputunayang substandard,
35:08wala na po itong proseso, wala nang investigasyon, automatic po, blacklisted for life ang kontraktor na yan.
35:18At syempre, may kaakibat din pong kaso yan.
35:22Kinausap na rin ni Dizon si Trade and Industry Secretary Cristina Roque
35:25para sa malawak ang revamp sa Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB na nasa ilalim ng DTI.
35:32Nauna nang ibinunyag ni Sen. Panfilolakson ang tinawag niyang Conflict of Interest
35:36kung saan mismo mga taga-PCAB na nagbibigay ng lisensya,
35:40ang sila rin mismo mga kontraktor na nakikinabang sa mga proyekto sa gobyerno.
35:45May elegasyon din na pahingikil sa pagbibigay ng lisensya.
35:47Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sabi ni PCAB Cheman Pericles Dakay,
35:52wala siyang government projects.
35:54Nagsasagawa na rin daw sila ng investigasyon
35:56ukol sa mga opisyal na nauugna sa ilang government projects.
36:00Nagsasagawa na rin ng investigasyon ng Construction Industry Authority of the Philippines
36:03sa contractor licensing system ng PCAB
36:06sa mga sinasabing anomalya
36:07at kumuha ng third-party watchdog para magsagawa ng review.
36:12Imiahanda na rin daw ni Pangulong Marcos
36:14ang isang kautosang bubuo ng isang independent commission
36:16na mag-iimbestika at magpaparagot sa mga sangkot
36:19sa maanumalya mga flood control projects.
36:21The independent commission will be the investigative arm
36:29so that they will continue to investigate
36:32whatever information is received, it will be sent to them.
36:35They will investigate it and they will make recommendations
36:41as to how to proceed, whether kasuhan itong mga ito
36:46or i-ombudsman o dalhin sa DOJ, whatever it is.
36:50But they will recommend to the executive
36:52what to do with certain parties
36:54who have been found to be part of all of this corruption
37:02that's been going on.
37:03Not only in flood control but all of the workings within DPWA.
37:09Wala bang pinapangalanan kung sino ang mamumuno
37:11at mga bubuo ng komisyon.
37:13Pero may mga imbestikador, mga abogado,
37:16mga justice at prosecutor na susuri sa mga impormasyon at emidensya
37:19at bubuo ng rekomendasyon para panagutin ang mga sangkot.
37:23Ivan Mayri na nagbabalita para sa GMA Integrated News.
37:31Nakasampang tatlong lalaking yan sa likod ng umaandar na truck
37:34sa kahaba ng Ortigas Avenue sa Cainta Rizal.
37:36Ang mga lalaki, nagnanakaw pala ng mga kargang bakal ng truck.
37:41Ayon sa mga pulis, sa tulong ng isang informant,
37:43natuntun ang mga lalaki na nagsusugal sa Ortigas Avenue.
37:48Nakuhanan din umano sila ng iligal na droga.
37:50Sinampahan na sila ng mga reklamong illegal gambling at paglabag
37:53sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
37:56Inihintay pa ng pulis siyang may-ari ng ninakawang truck
37:59para maisampang ang karagdagang reklamo.
38:02Itinanggi ng mga suspect na sila ang nasa viral video
38:05ng pagnanakaw.
38:07Wala silang pahayag tungkol sa pagsusugal at iligal na droga.
38:10Andaro nilang harapin ang mga reklamo laban sa kanila.
38:15Mainit na balita.
38:17Sinampahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission
38:19at PNTC IDG ng reklamong Qualified Human Trafficking
38:23ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Bamban Tarlac.
38:26Kaugnayan sa iligal umanong aktibidad sa niraid na pogo
38:30ng Zunuan Technology noong March 2024.
38:33Kabilang sa mga inereklamo si na Bamban Mayor Jose Salting Jr.,
38:38dating Mayor Jose Feliciano,
38:39mga dating Vice Mayor William Cura,
38:42at Leonardo Anunacion.
38:44Pati mga dati at kasalukuyang membro ng Sangguniang Bayan,
38:47wala pang komento ang mga naturang opisyal kaugnay sa reklamo.
38:51Una nang sinampahan ng ganyang kaso
38:52sa dating Bamban Mayor Alice Goh
38:54na ngayon ay nakakulong sa Pasig City Jail.
38:58Dati na itinanggi ni Goh,
38:59nasangkot siya sa naging operasyon ng Pogo Hub sa kanyang bayan.
39:05Nag-isa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
39:08ang dating Mulacan 1st District Engineer.
39:10Bukod sa ghost projects,
39:12naungkat din ang pagkakasinon niya
39:14na bawal po para sa ma-employado ng gobyerno.
39:17Alamin ang paliwanag niya sa balitang hatid ni Ian Cruz.
39:20Aminado si Engineer Henry Alcantara.
39:26May kapabayaan siya
39:28nang magtiwala sa pirma ng mga tauhan niya
39:30bilang hepe ng 1st Engineering District ng Bulacan.
39:34Naka-preventive suspension si Alcantara ngayon
39:36sa gitna ng aligasyon na may ghost flood control projects
39:40sa Bulacan 1st District Engineering Office.
39:43Ayon kay Alcantara,
39:45pumirma rin siya sa mga kontrata at proyekto
39:47dahil nagtiwala sa pirma ng kanyang mga tauhan.
39:50Ngayon, pipirma ka doon sa papilis
39:53para mabayaran yung ghost project na yan.
39:57Sir, if I may explain for your honor.
39:59Hindi, tinatalo ko.
40:01Pumirma ka ng papil, di ba?
40:02Yes po.
40:03Para makaklaim sila ng full payment.
40:06Yes po.
40:06Okay.
40:06Imbi mo sabihin,
40:10pumirma ka ng papel ng isang ghost project,
40:14district engineer ka,
40:15tapos nga yung magmaangan ka sa harapan namin na
40:18hindi mo alam dahil inaasa mo lang sa mga tao mo sa baba.
40:21Pag may firma sila, firma ka lang rin.
40:23Limang taong nakaupo si Alcantara sa Bulacan
40:26bago nilipad sa Region 4A nitong Hunyo.
40:29Nang marinig ang State of the Nation address
40:31ni Pangulong Bongbong Marcos,
40:34nagpa-audit siya sa mga dating tauhan
40:36sa mga flood control project nila sa Bulacan,
40:39sina Engineer Bryce Hernandez
40:41at isang Engineer Galang.
40:43Doon nalaman na may mga problema nga
40:45kaya nag-report daw agad sila
40:47kay nooy DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
40:50Isang kaupo lang po na construction chief
40:54ang nagpunta po sa akin,
40:57dalawa po actually,
40:59si Engineer Galang,
41:01ang hepe po ng planning
41:02at nagsabi sa akin na,
41:04boss, parang meron kaming nakikita
41:08na posibleng wala po.
41:13Nung pong meeting na yun,
41:16kausap ko po silang dalawa,
41:17totoo ba?
41:18At kasama po yung mga ibang hepe,
41:21ako po yung nagsabi na,
41:23sabihin nyo sa mga kapwa hepe nyo,
41:27ako'y walang kinalaman dyan
41:28sa mga ganyang gawain.
41:30Nag-confess ka naman kay Sekretary Bonoan eh.
41:33Nag-report po ko na may possible pong...
41:36I'm not saying that you reported,
41:38I am saying that you confessed to him
41:40that an amount of something like 7.3 billion
41:44was really wasted on flood control projects.
41:50Wala pong ganong teorya po, Your Honor.
41:53Isa sa pinasight for contempt ng mga senador,
41:57si Engineer Hernandez,
41:58dahil sa dipagdalo sa pagdinig.
42:01Inungkat din ang mga senador
42:02ang pagkakasino umano
42:04ng grupo ni Alcantara.
42:05Pero yung grupo niyo raw po,
42:07eh hindi lang kayo shopping buddy,
42:09eh pati po sa paglalaro.
42:12Eh yan po, dapat ho ma-verify
42:14paano ho kayo nakakapasok
42:16considering that you are government officials.
42:19Paano kayo nakakapasok sa kasino?
42:21Lalo tau si Bryce Hernandez,
42:23sinabi ni Senator Lacson,
42:25eh tila matakaw sa pera.
42:28Eh pag magpataya daw to, Mr. Chair,
42:31isang taya, 5 million,
42:33parang baliw, ano,
42:33hindi natatakot.
42:35I mean, walang kaba-kaba.
42:37Do you confirm or deny,
42:39Mr. Alcantara, Engineer?
42:40Your Honor,
42:41hindi ko po alam kung magkalong tinatayaan niya
42:43dahil hindi naman po kami magkasama sa table.
42:46Inamin ko po,
42:47ako po yung nakakapasok sa kasino,
42:49Your Honor.
42:50Hindi kayo regular,
42:51pero naglalaro kayo,
42:53kasama po siya.
42:54Minsan po kasama,
42:56minsan po hindi.
42:57So nagkakasino po kayo?
42:58Inamin ko po,
42:59Your Honor, Mr. Chair.
43:01Bukod doon,
43:02yung lifestyle,
43:03ang balita ko nga,
43:04sana pag dumati si Bryzer natin,
43:06Mr. Chair,
43:07pang-issuean nyo na po siguro ng warrant of arrest,
43:09ay,
43:10mga ilang beses ko kayo naglalaro sa isang,
43:13sa isang,
43:15sabi na sa isang buwan,
43:16yung grupo nyo po.
43:18Mga dalawa hanggang tatlo po,
43:20Mr. Chair.
43:22Ian Cruz,
43:22nagbabalita para sa GMA Integrated News.
43:25Ito ang GMA Regional TV News.
43:31260,000 pesos na cash ang natangay ng mga hinihinalang miyembro ng termite gang sa isang kooperatiba sa Bagabag Nueva Vizcaya.
43:40Ayon sa pulisya,
43:41dumaan ang mga magnanakaw sa kanal,
43:44isang kilometro ang layo mula sa gusali kung saan naroon ang opisina ng kooperatiba.
43:50Naghukay sila ng tatlong metro para mabutas ang sahig ng opisina.
43:54Ayon sa pulisya,
43:55matagal ang ginugol na panahon para maisagawa ang pagnanakaw.
44:00Bukod sa cash,
44:01natangay rin nila ang labing limang pahinan ng blankong tseke.
44:04Kinukumpirma pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga sospek na nakita sa CCTV.
44:15Opa Kim Jisoo is back para sa upcoming Kapuso Action Series na Never Say Die.
44:21Chika ni Jisoo sa inyong kumare,
44:25excited siyang gampana ng role na si Gino na isang agent on a secret mission.
44:31Natutuwa siya na makatrabaho muli ang kanyang abot kamay na pangarap co-stars
44:35na si na Jillian Ward at Rahil Biria.
44:38Looking forward din si Opa na sumabak sa action scenes kasama si pambansang ginood David Licauco.
44:46Back at yun naman ang reply dyan ni Jillian na happy rin na makasama sa serye
44:51si Jisoo.
45:03Bidanap po natin ngayong Martes ang cute na pakulo ng isang alagang aso.
45:08Alok niya kasi ang libreng yakap, pampagod vibes.
45:11Pahag nga kami dyan.
45:13Ni MK, ang adorable Shih Tzu ni Sir Rico.
45:19Kwento ng uploader na si Alisa Avila, nakita nila sa isang mall si MK na may suot na tag na freehog.
45:29Hindi naman nila pinilampas ang chance na i-coddle si MK.
45:32At ayon kay Sir Rico, ilang buwan na nilang rutin ni MK ang pamamasyal at palibreng yakap sa mall to indianes.
45:41Mula 3pm po yan hanggang 6pm.
45:44Sa kabila ng pinagdaanan ng alaga matapos operahan sa mata,
45:48eh nananatili raw happy, sweet at mabait si MK.
45:52Ang heartwarming video na yan, meron ng mahigit 300,000 views at pinusuha ng halos 60,000 netizens.
45:59MK, ikaw ay...
46:01Trendy!
46:03Ang payakap naman.
46:04Ako, pag dinala siya dito, sigurado maraming ang akap.
46:08Oo maa.
46:09Stress reliever kaya ang ating mga for babies.
46:13Saan bang mall yan?
46:14Ayun na nga.
46:15Tinitignan ko eh.
46:166pm eh, may schedule eh.
46:17Pahanapin natin.
46:18Pwede siya mamasyal sa mga ospital, mga children's ward.
46:21Lalo lalo na.
46:22Para magbigay ng kasiyahan at mayakap.
46:24Oo nga, marami talaga therapy ganun ang ginagawa.
46:26Therapy dog, oo.
46:27Sa school ng anak ko, minsan may ganyan.
46:30Ay, talaga.
46:31Oo, may mga dogs.
46:31Sabihan mo ko kung kailan niya.
46:34At ito po, ang balitang hali.
46:35Bahagi kami ng mas malaking mission.
46:37Ako po si Konisison.
46:38Rafi Tima po.
46:39Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampe.
46:41Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
46:43Mula sa GMI Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
46:47Pahagi s-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k-k.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended