Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, August 6, 2025


-PBBM: Pag-aangkat ng bigas, 60 araw na suspendido simula Sept.1

-P6,000 pensyon ng mag-asawang senior citizen, nadukot ng babaeng nangako raw ng ayuda

-Phl Statistics Authority: 1.95M Pilipino ang walang trabaho nitong June 2025

-PAGASA: LPA malapit sa Bicol, nagpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa; Isa pang LPA, binabantayan sa Pacific Ocean

-NGCP: Isasailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid mamayang 3pm-4pm at 5pm-7pm

-Susunod na hakbang sa impeachment ni VP Sara Duterte, tatalakayin sa Senado ngayong hapon

-Ilang negosyante sa India, makakapulong ni PBBM

-Halos P150,000 halaga ng mga alahas, natangay mula sa online seller; mga suspek, hinahanap

-DOTr: Libreng sakay para sa National ID holders tuwing Miyerkules ng Agosto 9am-11am at 6pm-8pm

-Team leader ng Municipal Environment and Natural Resources Office, patay matapos pagbabarilin

-Kulay green na baha, problema sa Brgy. San Antonio dahil sa amoy nito at posibleng epekto sa mga residente

-Kaso ng leptospirosis sa bansa, umabot na sa mahigit 3,000 ngayong taon

-20-anyos na lalaki, namatay sa leptospirosis matapos lumusong sa baha para hanapin ang ama

-Kelvin Miranda, inaming muntik na siyang ma-scam ng nag-alok sa kanya ng pekeng proyekto

-2, kritikal matapos araruhin ng closed van ang 4 na nakaparadang tricycle sa Brgy. Sto. Niño; 3 iba pa, sugatan

-Lalaki, patay sa pamamaril; 2 anak-anakan niya na hawak na ng pulisya, itinurong suspek sa krimen

-INTERVIEW: SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO

-3, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang truck; 2 sugatan

-Kalahok ng isang mountain trail run, natagpuang walang buhay sa ibaba ng isang bangin

-Pagpapahithit ng 2 lalaki sa isang binatilyo ng sigarilyong tinatawag na "tuklaw" at nag-iba ang kilos, nahuli-cam

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good night!
00:30Mainit-init na balita, sinuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-aangkat ng bigas ng Pilipinas.
00:36Ipatutupad yan ng 60 araw simula sa September 1.
00:39Nito pong lunes, inirekomenda yan ng Department of Agriculture para mabigyan anila ng proteksyon ang mga magsasaka.
00:46Sa datos ng DA, mahigit 2.3 million metric tons ng bigas ang inaangkat mula January 1 hanggang July 10 ngayong taon.
00:55Kung ikukumpara naman ang datos, sa unang anin na buwan ng 2024, halos 4% na mas kaunti ang imported na bigas na pumasok sa bansa sa parehong panahon ngayong taon.
01:06Hindi pa naglalabas ng utos ang Pangulo kaugnay sa isa pang inirekomenda ng DA na dagdag taripa sa imported na bigas.
01:14Hindi pero kasi napapanahon para pag-usapan ito ayon sa Pangulo.
01:17Nauwi sa kalungkutan ng ilang buwang paghihintay ng isang mag-asawang senior citizens sa kanilang pensyon.
01:26Ang pera kasing nakuha nila, nadukot ng babaeng nangakuraw sa kanila ng ayuda.
01:32Ang insilenting na huli kam sa balitang hatid ni James Agustin.
01:39Masda ng isang babae habang kausap ang mag-asawang senior citizens sa labas ng isang printing shop sa barangay Commonwealth, Quezon City.
01:46Tila may pinapaliwanag pa ang babae ko nung isusulat sa papel.
01:50Habang abala sa pagsusulat ang mag-asawa, may kita ang babae na may kinuha sa ecobag na daladala ng babaeng senior citizen.
01:58Mabilis niya itong ipinasok sa kanyang damit.
02:00Maya-maya pa umalis na ang babae sa lugar.
02:03Tinangay niya ang wallet na naglalaman ng 6,000 pesos na pensyon ng senior citizen.
02:08Ayon sa 71 taong gulang na biktima, pauwi na sila ng kanyang asawa matapos kumuha ng pensyon.
02:13Nang lapitan ng babae, pinangakuha ng ayuda.
02:17Bigla lang sa lumapit kag sumabi nga hindi na kayo magbili ng bigas kaya may kapamigay nga kongresista ng bigas, taglimang kilo.
02:24Ay di malaki na yun kayo dalawa kami ni Mister.
02:26Tapos hindi ko na malayan, ginpasulat niya ako ng address kagpangalan ko sa maliit lang na papel.
02:35Tapos ginkuha ko dito sa bag ko ang wallet ko, kag ang ID, kaya ipasirox ko ang ID.
02:42Para ibigay niya lang dito, sila lang ko magbigay.
02:46Pero hindi ko pala na malayan, dinukot na pala yung wallet ko.
02:50Laking pangihinayang na mag-asawa, lalo pat-anin na buwan daw nilang hinintay ang pensyon.
02:56Doon nakasalalay ang mamin pamumuhay at sakit ng pamilya ko.
03:03Humisis, may sakit, tapos yung anak ko dinedialysis.
03:07Kahit ipamasahe niya lang magpunta sa ospital, magpatsikap, ay wala na, magamit.
03:11Sana, pagsisihan mo yung ginawa mo.
03:16Wala kang, ano eh, wala ka talagang puso na ganyan talaga ang ginagawa mo sa kapwa mo.
03:24Nai-report na ang insidente sa barangay Commonwealth.
03:27Sabi ng mga taga-barangay, may isa pang babaeng senior citizen na nabiktima ng parehong modo sa araw na iyo.
03:336,000 pesos din na pensyon ang natangay ng babaeng sospe.
03:36Hindi niya namamalayan yung kanyang bag, eh nadukot na pala po.
03:40So, maya maya, sabi ba, balikan daw po siya kasi kukunin na rao po yung ayuda, may pinirmaan siya.
03:46And then, naghintay siya ng matagal na malaya niya na lang po wala na po yung kanyang pitaka doon sa bag.
03:52Inaalam pa ng mga otoridad ng pagkakilan lang ng sospe na posibleng dumarayo lang daw sa lugar.
03:57Nagpaalala rin sila sa mga senior citizen para hindi mabiktima ng ganitong modus.
04:02Huwag po tayong maniwala basta-basta sa mga taong lumalapit po sa atin,
04:06mapababae man o mapalalaki, na sila po ay di umano ay nagmamalasakit.
04:12James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:16Isa pang mainit-init na balita, mas mababa ulit sa 2 milyon ng mga Pilipino sa bansa na unemployed o yung pong walang trabaho.
04:26Ayon sa Philippine Statistics Authority, 1.95 million ang unemployed nitong Hunyo.
04:32Katumbas po yan ng 3.7% ng labor force ng bansa.
04:36Mas kaunti po yan kumpara sa lampas 2 milyon na unemployed noong Mayo.
04:41Kabilang sa mga sektor na may pinakamaraming bagong trabaho nitong Hunyo,
04:45kaysa noong Mayo ay sa wholesale at retail, pangingisda, construction, finance at kalusugan.
04:52Ayon din sa PSA, bumaba sa 5.76 million ang mga underemployed nitong Hunyo.
04:58Mula yan sa 6.6 million na underemployed noong Mayo.
05:02Sila yung may mga trabaho pero mas mababa naman sa kanilang kakayahan o nakukulangan sa kanilang tita.
05:0950.47 million naman ang mga employed o may mga trabaho nitong Hunyo.
05:14Bahagyang mas mataas po sa 50.29 million na employed noong Mayo.
05:25Nagpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa ang binabantayang low pressure area sa Philippine Sea.
05:30Na mataan niya ng pag-asa, 170 kilometers silangan ng Dirac Catanduanes.
05:35Apektado na ng nasabing LPA ang Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, Quezon Province, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at Leyte.
05:48Isa pang LPA ang namuo sa Pacific Ocean, mahigit 2,000 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
05:54Kapwa mababa ang pansyansa ng mga nasabing LPA na maging bagyo.
05:58Sa ngayon, nakararanas muli ng ulang dulot ng hanging habagat ang Mindanao, Palawan at ilang bahagi ng Visayas.
06:05Higit na makakaasa sa maayos na panahon ang iba pang lugar sa bansa kasama na po ang Metro Manila, pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm.
06:12Katunayan, nakataas po ang thunderstorm watch hanggang alas Gizma may ang gabi dito sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
06:21Abiso po sa mga kapuso natin sa Visayas.
06:25Muling isa sa ilalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid sa piling oras mamayang hapon.
06:31Sa pahayag po ng National Grid Corporation of the Philippines, ipatutupad ang Yellow Alert mamayang alas 3 hanggang alas 4 ng hapon.
06:38Mauulit po yan ang alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.
06:42Ipatutupad ang Yellow Alert dahil anila sa mataas na demand sa kuryente kahit maraming planta ang hindi gumagana o kaya limitado na po ang kapasidad.
06:53Sa ngayon daw kasi, labing pitong planta ang palyado hamang gumagana sa limitadong kapasidad ang apat.
07:01Ito na ang ikatlong beses sa linggong ito na inilagay sa Yellow Alert ang Visayas Grid.
07:08Normal naman daw ang kondisyon ng Luzon at Mindanao Grid.
07:12Tatalakay na sa Senado ngayong hapon ang susunod dahakbang sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
07:25Posibleng pag-usapan ko kung magko-convene pa ba uli ang Senado bilang impeachment court
07:30o sa plenario na lamang boboto ang mga senador kung ididismiss o itutuloy ba ang paglilitis.
07:35Sa gitna po yan ng nakabimbing apela ng Kamara sa Korte Suprema
07:39nabalikta rin ang desisyon itong unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Duterte.
07:46Si Senador Ronald Bato de la Rosa sinabing hindi na dapat ito pagdebatihan
07:50dahil nagdesisyonaan niya ang kataas-taasang hukuman.
07:54Papabor daw ang mga kasama niya sa Duterte Block kung may maghahain ang musyong idismiss ang impeachment case.
08:01May binalangkas namang resolusyon si Senadora Riza Ontiveros kung papaano may pagpapatuloy ang paglilitis sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema.
08:10Bukod kay Ontiveros, pumirma rin sa naturang resolusyon si Senador Kiko Pangilinan, Bam Aquino at Senate Minority Leader Tito Soto.
08:19Pumirma na ang Pilipinas at India ng labing tatlong kasunduan sa state visit doon ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:28Ngayon naman, mga negosyante ang makakausap ng Pangulo.
08:31At live mula sa New Delhi, India, may ulat on the spot si Salima Refran.
08:36Sam?
08:36Raffi, mga kapuso, namaskar dyan sa inyo sa Pilipinas.
08:44Alas 8.30 pa lang na umaga dito sa India.
08:47At bandang alas 9 o bago magtanghali dyan sa Pilipinas,
08:51idadalo ang Pangulo bilang panauhin sa isang CEO Roundtable discussion kasama ang business community dito sa New Delhi.
08:59Matapos ang ceremonial honors sa Rashtrapati Bhavan o Presidential Presidents,
09:08sumabak sa bilateral meetings si Pangulong Bongbong Marcos at Indian Prime Minister Narendra Modi.
09:15Masaya nilang inanunsyo ang resulta ng labing tatlong bilateral agreements sa pagitan ng dalawang bansa.
09:21Apat ang may kinalaman sa National Defense.
09:24Ang Terms of Reference ng mga pag-uusap ng mga sangay ng sandatang lakas ng Pilipinas at India,
09:30pati na rin ang Enhanced Maritime Cooperation ng mga Coast Guard ng dalawang bansa.
09:35We agreed to continue leveling up our collaboration in defense and security.
09:40We have agreed to establish mechanisms for service-to-service talks,
09:44for information sharing and training exchanges amongst our militaries.
09:50We will foster naval and Coast Guard interoperability via port calls,
09:56cooperative activities and capacity building in the maritime domain.
10:00Binigyang di-indi ng dalawang leader ang pagpapalaga sa safe navigation at maritime trade.
10:06Prime Minister Modi and I have committed to bring our collaboration to bear on shared concerns,
10:13a free, open and inclusive Indo-Pacific region, security and rule of law in the maritime commons,
10:20supply chain resilience, food security, countering terrorism and other traditional and non-traditional threats.
10:29May mga kasunduan din sa digital technology, science and technology,
10:34mutual legal assistance and transfer of sentence persons, tourism, cultural exchange at space research.
10:42Pinalalim pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa deklarasyon ng strategic partnership at plan of action para sa implementasyon nito.
10:50Bagamat magiging strategic partners pa lang, mahaba at malalim na pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at India,
10:58tulad na lamang ng sinagip ng India ang mga tripulanteng Pinoy na nabihag ng huti,
11:03pati na rin ang pagpapahayag nito ng pagsuport sa Pilipinas sa Orbital Award sa South China Sea.
11:09India and the Philippines are friends by choice and partners by destiny.
11:19From the Indian Ocean to the Pacific, we are united by shared values.
11:28Our is not just a friendship of the past.
11:30It is a promise to the future.
11:36Maraming salamat po.
11:39Nag-alay ang Pangulo, unang ginang at kanilang delegasyon ng mga bulaklak sa Rajgat o Mahatma Gandhi Memorial.
11:46Inalala at binigyang pugay nila si Gandhi na tinaguri ang ama ng Indian independence.
11:52Nakapulong din ang Pangulo ang Barta Janta Party, ang pinakamalaking political party sa India,
11:57bago dumalo sa dinner banquet na inihanda ni Indian President Drupadi Murmu.
12:07Rafi, mamayang gabi naman ay magbibigay ng talumpati ang Pangulo patungkol sa foreign policy.
12:14Yan muna ang latest mula nga dito sa New Delhi sa India.
12:17Rafi.
12:17Maraming salamat sa Lima Refran.
12:24Maririnig sa video ang tila paghingi ng tulong ng isang lalaki sa kasadang yan sa Iloilo City.
12:30Ilang putok din ang baril ang umalingaw nga o mula sa angkas ng isang motorsiklo.
12:34Nakatakbo pa palayo agad ang biktima at agad hinintuan ang isang kotse.
12:38Kalaunan, humingi siya ng tulong sa mga pulis.
12:41Ligtas ang lalaki at hindi natamaan ang bala.
12:43Ayon sa investigasyon, ang lalaki ay isang online seller at katransaksyon niya ang mga sakay ng motorsiklo na nagpanggap o manong bibili ng alahas.
12:52Natangay ng mga suspect ang mga alahas na nagkakahalaga ng halos 150,000 pesos at cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng 35,000 pesos.
13:02Hinahanap na ang mga suspect.
13:04Sa mga sumasakay ng MRT3, may libring sakay ngayong araw basta meron na kayong National ID.
13:12Ayon sa Department of Transportation, tuwing alas 9 hanggang alas 11 ng umaga at alas 6 hanggang alas 8 ng gabi ang libring sakay.
13:20Ipinatutupad yan sa tuwing Merkoles ng buong buwan ng Agosto.
13:23Ipakita lang ang physical card, printed paper o digital copy ng inyong National ID para makapasok sa estasyon.
13:31Sabi ng DOTR, layo niya na hikayatin ang paggamit ng National ID para mapabilis pa ang serbisyong pampubliko.
13:39Ito ang GMA Regional TV News!
13:43Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
13:49Patay ang isang empleyado ng munisipyo ng Peña Randa, Nueva Ecija matapos siyang pagbabarilin.
13:55Chris, tukoy na ba ang motibo sa krimen?
14:00Tony, isa sa mga tinitingnang motibo ng polisya ang trabaho ng biktima bilang team leader ng Municipal Environment and Natural Resources Office.
14:09Bago kasi ang pamamaril, nag-inspeksyon pa sa mga poultry farm ang biktima.
14:13Base sa imbesikasyon, nasa isang kainan ang 52 anyos na biktima nang dumating ang Riding in Tandem.
14:21Lumapit ang gunman sa kanya at pinagbabaril siya, agad na tubakas sa mga salarin.
14:26Nagtamunang 15 tama ng balas sa ulo at katawa ng biktima.
14:30Isinugod pa siya sa ospital pero idinekta ng dead-on arrival.
14:34Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng Riding in Tandem.
14:37May pabuyang 200,000 piso ang LGU para sa makapagtuturo sa mga salarin.
14:43Wala pang pahayag ang kaanak ng biktima.
14:46Samantala, hindi na umuulan pero problema pa rin ang baha sa ilang lugar sa Bae Laguna.
14:52Sa barangay San Antonio, nagkulay green na ang baha.
14:56Sabi ng mga residente, mabaho na rin ang amoy nito.
14:59Nangangamba tuloy silang makakuha ng sakit.
15:02Ayon kay U-Scooper Catlea Alegre,
15:04kaya tandang isang linggo na nilang nararanasan ang ganyang sitwasyon.
15:08Dati na raw bumabaha roon pero ngayon lamang nagkulay verde.
15:12Hindi rin nakakaagos papuntang lawan ng Laguna ang tubig dahil sa hindi pantay na kalsada.
15:18Sinusubukan pang hinga ng pahayag ang lokal na pamahalaan at health office doon, kaugnay sa baha.
15:24Sabi niya naman, hindi pa rin humuhupa ang abot baywang na baha sa barangay de La Paz.
15:29Gumagamit na ng bangka ang lokal na pamahalaan para maghatid ng tulong sa mga apektadong residente.
15:43Mahigit 3,000 na ang kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong taon.
15:47Sa datos ng Department of Health mula January 1 hanggang July 19,
15:523,037 na ang mga kaso ng leptospirosis.
15:56Mahigit sang libot sang daan dyan, naitalaho isang linggo matapos ideklara ng pag-asa na panahon na ng tag-ulan.
16:03Nitong July 13 hanggang 31 pa lamang, halos 570 na ang naitalang kaso nito sa mga ospital.
16:12Sa San Lazaro Hospital sa Maynila, pito nang pasyente ng leptospirosis ang nasawi sa unang limang araw ng Agosto.
16:21Muli pong paalala ng DOH, maghugas agad ng katawan kapag lumungsong sa baha.
16:25Banta yan kung magkakaroon ng sintomas ng leptospirosis tulad ng lagnat, pananakit ng ulo o ng katawan at iba pa.
16:33Ubinampunang gamot kontra leptospirosis batay sa ibibigay na reseta ng doktor.
16:39Binatikos ng isang kardinal ang pagkulong sa mga nagkakarakrus, gayong promotor daw mismo ang gobyerno ng sugal.
16:48Sinabi yan ng kardinal matapos mamatay sa leptospirosis ang isang lalaki matapos lumusong sa baha para hanapin ang ama na ikinulong pala noon dahil sa kakarakrus.
16:57Balitang hati ni Jonathan Andal.
16:58Pumukaw sa atensyon ni Caloocan Bishop Pablo Vergilio Cardinal David ang sinapit ng pamilya ng 20-anyos na estudyanteng si Dion Angelo O'Gelo na namatay sa leptospirosis.
17:14Lumusong siya sa gabaywang na baha para hanapin ang amang bigla na lang daw nawala noon.
17:18Pero naaresto pala ang ama dahil umano sa pagkakarakrus.
17:22Ayon sa kanyang pamilya, diktima ang ama ni Jelo ng tinatawag daw na pansakto ng mga pulis.
17:28Kinagulat ako bakit ka nakadetail tapos tinago ka pa ng tatlong araw na hindi ka malang pinakontak sa pamilya mo.
17:36Hindi po kami gumagawa ng mga ganong insidente yung sinasabi nilang pansakto o kukuha na lang kami nung sino-sino mang tao dyan.
17:48Para gawin namin po ang accomplishment.
17:51Pansamantalang nakalaya ang ama ni Jelo pero maaharap pa rin siya sa kaso ng iligal na sugal.
17:56Ang Presidential Decree 1602 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
18:01ang batas na nagtakda ng mas mabigat na parusa sa illegal gambling kabilang ang cara-cruz.
18:07Ginawa raw ito noon para labanan ang salot ng lipuna na umuubos daw sa pera ng mamamayan.
18:12Sa kanyang post sa social media, ipinunto ni Cardinal David na mahihirap lang ang biktima ng batas na ito.
18:18Katulad din daw ng Oplan Tokhang ng nakaraang administrasyon kung saan ginawa raw kota ang mga drug suspect para ma-promote sa serbisyo.
18:26Sabi ni Cardinal David, ilang dekada na ang lumipas pero walang naaresto ni isa sa mga malalaking gambling lord.
18:32Isa anyang matinding kabalitunaan na habang kinakasuhan ang mga mahihirap na nagsusugal ng cara-cruz,
18:39wala naman daw tayong magawa sa gobyerno na promotor raw mismo ng sugal gaya ng online gambling sa pamamagitan ng pagkor.
18:46Hiningan namin ang tugon dito ang pagkor pero wala pa silang sagot.
18:49Hinihingan din namin ang tugon dito ang PNP pati ang Malacanang.
18:52Nito lang Pebrero, pinawalang sala ng Korte Suprema ang dalawang nalaking akusado rin ng pagkakara-cruz.
18:58Dapat lang daw ito, sabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvick Leonen.
19:03Dahil bukod daw sa hindi sapat ang ebidensya laban sa dalawa,
19:06nakapagtataka raw kung bakit pinarurusahan pa rin ang mga nagkakara-cruz,
19:10gayong pinapayagan naman ang pagsusugal sa mga kasino.
19:13Ang ganitong sistema, target lang daw ang mga mahihirap na hindi kayang maglaro sa mga lisensyadong establishmento.
19:20Napansin din ni Justice Leonen ang pattern sa ilang kaso ng mga pag-aresto dahil sa cara-cruz
19:25na ang kadalasang kasunod daw ay tila lehitimong warrantless search
19:29kung saan nakukuhanan ng iligal na droga ang mga naaaresto.
19:33Hiningan namin ng datos ang PNP kung ilan na ang mga nahuli nila sa cara-cruz pero wala pa silang tugon.
19:38Nakaburol ngayon si Jello at ang gusto muna ng kanyang pamilya, magkaroon siya ng maayos na libing.
19:43Panawagan ni Cardinal David, ipagdasal ang pamilya ni Jello at maging ang ating mga sarili
19:48para matigil na aniya ang pagtaas ng pagbaha ng kawalang katarungan
19:52para wala na raw kabataan katulad ni Jello
19:55ang mapagkaitan ng kinabukasan dahil sa kabalintunaan ng sistemang nagpaparusa sa mahihirap
20:01at pumuprotekta sa mga makapangyarihan.
20:05Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:08Wednesday latest na mga mare at pare, ingat po tayo sa mga scam.
20:19Inamin ni Encantadia Chronicle Sangre star Kelvin Miranda na muntik na siyang mabiktima nito.
20:25Chika ng Sparkle actor may tumawag sa kanya at nag-alok ng isang malaking proyekto.
20:33Buti na lang daw naging alerto siya at napansin ang red flags.
20:38Doon na raw niya na pangtanto na peke ang alok na proyekto.
20:42Malakas ng Godfield ko na hindi ko ma-explain kung paano ko nararamdaman yung mga taong gano'n, gano'n yung stilo nila.
20:55So thankful, thankful na lang ako na hindi talaga siya nangyayari.
21:03Derederecho ang pagtakbo ng closed van na yan sa kahabaan ng Marlica Highway sa Barangay San Tonino sa Gapan Nueva Ecija
21:09Nang makarating sa kanto at lumiko, inararo nito ang apat na nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada.
21:16Ayon sa pulis siya, magdadala sana ng farm products ang closed van sa Llanera Nueva Ecija.
21:22Pero nawalan o manon ng preno ang sasakyan kaya nangyayari ang insidente.
21:26Damay ang isang bystander, dalawang tricycle driver at dalawang pasahero.
21:31Dalawang critical sa ospital habang sugatan ang tatlong iba pa.
21:35Sinampahan na ng kaukulang reklamang driver ng closed van.
21:38Wala siyang pahayag.
21:42Patay sa pamamarilang isang lalaki sa Maynila.
21:45Ang mga nasa likod ng krimen, ang mga itinuturing umano niyang mga anak.
21:49Balitang hatid ni Jomera Presto.
21:54Tatlong tama ng bala ang pumatay sa biktimang si Walter Delmo sa Baseco Compound sa Maynila madaling araw nitong martes.
22:01Ayon sa polisya, naalarma ang mga polis na nagpapatrolya nang umalingaungaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa bahagi ng Appliance Sector 1.
22:10Ang 51-anyos na biktima, pinagplanuhan umanong patayin ang dalawang lalaki na itinuturing niyang mga anak.
22:17Sa tulong ng isang testigo, nahuli ang gunman at ang itinuturong utak sa krimen.
22:22Hindi na narecover ang baril na ginamit sa pagpatay.
22:25Sabi ng live-in partner ng biktima sa mga polis, nagkaroon ng sama ng loob ang mga sospek sa biktima.
22:30Nagkunwari pa raw ang dalawa na hihingi ng tawad sa kanyang kinakasama noong araw na mangyari ang pamamaril.
22:36Kaya sila pumunta, pero kung titignan nyo, madaling araw, dalawang katao pupunta sa ano mo, na alam mo naman may alitan din kayo.
22:45Siyempre, ito, yung mga pinlanong na yan. Balit tatlo sa likod eh, tapos mayroon pa sa pisngi eh.
22:51Ang gulong may kinalaman sa iligal na droga ang isa sa mga tinitignang motibo sa pamamaril.
22:56Tinitignan din ang polisya ang posibilidad na may malalim na galit ang itinuturong mastermind at kinontrata ang nagsilbiraw gunman kapalit ng droga.
23:04Sineway ni Delmo, itong si suspekto, dahil nangunguwa ng mga bariya doon sa mga computer shop doon.
23:13Ang nagkaroon ng samahan ng loob kasi napahiya yung itong si suspekto doon sa sinabi. Maaring maraming tao noong sinabi yun.
23:22Hawak na ng homicide section ng MPD ang dalawang sospek.
23:25Ayun sa polisya, nagpositibo sa parafintes ang itinuturong gunman.
23:41Sa sa ilalim sila sa inquest proceedings para sa reklamong murder.
23:46Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:49Kaugnay naman ang 60-day suspension sa pag-aangkat ng bigas simula sa September 1.
23:57Kausapin po natin ang Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o Sinag, si Ginoong Rosendo.
24:03Magandang umaga at welcome sa Malitang Hali.
24:06Yeah, magandang umaga, ma'am kod niya. Magandang umaga sa lahat.
24:10Ano po ang masasabi ninyo?
24:12Unang-una dito sa pagpapatupad, di Pangulo nga Bongbong Marcos ng temporary ban sa pag-import po ng bigas.
24:17Yeah, welcome development ito na temporary ban.
24:22Pero mas importante is yung taas yung tarifa from 15 to 35 percent.
24:29Kasi siyempre alam natin yung mga traders or importer, pwede pa mag-import mula ngayon hanggang Augusto.
24:39Kaya baka import naman nila yung 4 September and October, magiging baliwala yung implementation ng suspension ng pagpasok.
24:53Kasi pwede silang kukuha ng pagpasok ng 16 percent pa rin niya.
24:59So, mawawala yung still be ng 60-degree suspension ng ating pagod.
25:05Pero sa kasakali ho, magiging baliwala rin ho kaya ito kung sakali for the rice farmers.
25:13Kasi September 1 pa nga, sabi ninyo, ang magiging implementation nito.
25:17So, come bear months, parang ano ho ang magiging direktang epekto nito?
25:22O kaya tulong kung meron man sa mga rice farmers?
25:25Kaya, ang tingin natin, kasi nag-mating tayo with leather at DA,
25:32in-explain natin na yung production cost is 60,000.
25:37Yung presyo ayun is 42,000 lang yung harvest.
25:44So, lugi yung magsaka-saka ng 18,000 per hectare.
25:48Kailangan, kailangan, ipalik yung tarif.
25:51Kasi binabase ng mga importer yan doon sa international price.
25:57So, kailangan, ibalik yung tarifa from 15 to 35
26:01para umaksiyat yung presyo ng importer price
26:05na hindi lugi ang ating mamagsasaka.
26:08Okay, pero siguro ho, within the 60-day suspension,
26:11baka mahabol po itong sinasabing yung pag-aangat po sa taripa.
26:16Ito ho ba ay, sa tingin nyo, mapapakinggan pa kayo within that 60 days na period po?
26:23Yeah, ang inaano lang natin is between now and to end of the month.
26:28So, baka naman mag-angkat yung mga importer ng marami,
26:33yun ang isang problema na nakikita natin.
26:37Kasi kung mag-angkat yung importer na good for 60 days naman,
26:42e di baliwala yung pag-suspension ng import.
26:47At sa tingin nyo ho, kaya-kaya at sapat ba sa pangangailangan po ng bansa
26:53yung supply naman ng local rice sa panahong iiral po yung rice importation ban?
26:59Dahil, again, baka nga ganun ho mangyari,
27:02mag-i-import na lang sila para masako po hanggang dun sa sinasabing before the ban.
27:07Hindi ba? Tas ibibenta nila during that time na nakaban po sila.
27:12Yeah, ang aning kasi natin na mula July to December,
27:16mga 12 million metastans na panay.
27:23Ito is around equivalent to 7.5 million metastans na bigas.
27:30So, sa tingin naman natin, enough yun yung stocks natin dito sa local.
27:35Alright.
27:36Pagdating naman po sa isa pang inirekomenda po ng DA na dagdag taripa sa imported na bigas,
27:42sabi po ni Pangulong buwang mo, Marcos,
27:43hindi pa rin ito napapanahon para pag-usapan.
27:47Paano ho kaya ni atin magagawan ito ng paraan?
27:50Ito, ang napaka-importanting sinasabi ninyo dapat mangyari for this month.
27:56Yeah, ang Kongreso siguro pwedeng tumulong, no?
28:01Kasi ang tarip, dapat ang senet ng Kongres at pwedeng magtaas niyan.
28:10So, dahil on session, siguro pwedeng pag-usapan na ngayon ang Senado at kongreso
28:17para at least may taas yung taripa na from 15 to 35%.
28:23Okay, marami pong salamat sa inyo pong binigay sa aming oras sa Balitang Hali, sir.
28:28Okay, maraming salamat, ma'am Kong.
28:30Ayan po naman si Samahang Industriya ng Agrikultura Chairman, Rosendo So.
28:36Ito ang GMA Regional TV News.
28:42May init na balita mula sa Visayas at Mindanao.
28:44Hatid ng GMA Regional TV.
28:46Patay ang tatlong sakay na isang truck matapos itong mahulog sa bangin sa Tigbau,
28:51sa Buanga del Sur.
28:52Cecil, ano nangyari?
28:53Raffi, ayon sa mga otoridad, nawalan ng kontrol ang driver ng self-loading truck
29:01sa pakurbang bahagi ng kalsada sa barangay Maragang.
29:05Nagdirediretsyo raw ang truck na may kargang roller compactor sa bangin
29:09na nasa 10 metro ang lalim.
29:11Naipit sa loob ang tatlo sa mga sakay.
29:13Habang nakatalon ang dalawa pa at nagtamo ng mga sugat sa katawan.
29:19Narecover na ang bangkay ng tatlong dikima.
29:22Nangako ang kumpanya ng truck na sasagutin ang gasto sa burol ng mga nasawing dikima
29:27at ang pagpapagamot sa mga sugatay.
29:32Sa Santo Tomas, Davao del Norte, dalawang kalahok ang nang isang mountain trail run ang nasawing.
29:37Ayon sa pulita, nagsasagawa sila ng search and rescue operation
29:42matapos hindi makabalik ang isang runner ng Bukidnao, ex-Santo Tomas Mountain Trail Ultra 2025.
29:51Nakita siyang walang malay sa ibaba ng isang bangin.
29:54E diniklara siyang dead on arrival sa health center.
29:58Inaalam pa ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
30:01Bago niyan, isang runner din na nakaramdam ng hilo at pagsusuka ang isinugod sa ospital.
30:06Ayon sa doktor na sumuri sa kanya na heat stroke ang runner.
30:10Sa isang social media post, nagpabot ng pakikiramay ang organizer ng karera sa mga pamilya ng dalawang nasawing.
30:20Mabala mga kapuso, may masamang epekto sa kalusugan ang sigarilyo.
30:25Pero sa tagigay, hinahanap ng mga otoridad ang mga nahulikam na nagpapahit-hit umano ng sigarilyong tinatawag na tuklaw sa isang binatilyo.
30:35Ang binatilyo po, bigla raw nag-iba ang kilos matapos kumithit nito.
30:41Balitang hatid ni EJ Gomez.
30:46Pinaghahanap ngayon ng tagig city police ang mga sospek na nagpahit-hit umano ng sigarilyo na kung tawagin ay tuklaw.
30:54Sa 16 anyos na lalaki sa barangay Central Signals, ang lalaki kitang sumisigaw, umiiyak at nagwawala kaya dinala siya sa ospital.
31:04Tinanong ko yung bata, sabi niya, Sir, may lumapit po sa amin, nakamotor, dalawa, tapos tinanong yung kasama ko kung pwede magbomba.
31:14Pag pumayag yung isang nagbomba, pagbomba niya, nag-hit siya.
31:19Pag-hit, alis agad yung lalaki na nagpahit sa kanila.
31:23After 5 minutes po, yun, nangisay-ngisay na, bumagsak na po sa saig.
31:28Kinumpirma ng tagig city police na mayroon nga nagpahit-hit ng sigarilyo ng tuklaw sa biktima.
31:33Sa pool, sa CCTV ng barangay Central Signal, ang dalawang lalaking sospek sakay ng motorsiklo.
31:40Nakita natin doon na meron ng dalawang lalaki na umaproach dito sa biktima natin.
31:45Casual lang sila nag-uusap, parang pinapanan siya ng sigarilyo, which is sabi ng tuklaw.
31:52Tsaka umalis yung dalawang unidentified pa rin natin.
31:55Pusibli raw na dayo lang sa lugar ang mga sospek.
31:58Tumangging humarap sa kamera ang 16-anyos na biktima na isang grade 11 student.
32:03Pero kwento niya, hindi raw niya kakilala ang dalawang lalaking lumapit sa kanya dito mismo sa aking kinatatayuan.
32:11Pinilit lang daw siyang humithit ng sinasabing tuklaw.
32:15Wala raw siyang nagawa, kundi sundin ang dalawang lalaki dahil sa takot na sasaktan siya.
32:20Hustisya ang hiling ng mga magulang ng biktima na residente ng barangay Hagonoy.
32:27Pinaigting naman ang curfuse sa lugar kasunod ng insidente.
32:31Nakita naman natin na hindi maganda talaga yung reaksyon.
32:33Hindi pa natin alam kung ano yung after effects sa kabataan.
32:38Kaya alarming to para sa amin.
32:39Itong tuklaw na ang sinasabi nila is napaka-dangerous sa katawan natin.
32:44Kasi mataas yung nicotine na inilalabas nito.
32:46E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
32:52Bukod sa insidente sa Taguig, may insidente na rin ng tatlong kabataan sa Puerto Princesa, Palawan
32:57na nadidyohan habang tila kinukumbulsyon matapos din umanong humithit ng tuklaw o black cigarette.
33:04Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, ang tuklaw ay galing sa Northern Vietnam
33:08at tinatawag doon na tuoklaw.
33:11Ang uri ng tabakong gamit dito mas malakas kumpara sa ordinaryong sigarilyo.
33:15Ayon sa Ajanza France Press, ang tuoklaw ay karaniwang hinihitit gamit ang malalaking bamboo pipe.
33:22Sabi naman ng ilang artikulo online, hindi raw ito hinihitit na parang ordinaryong sigarilyo
33:26at dapat hinay-hinay lang dahil matapang ito.
33:30Hinihintay ng PDEA ang resulta ng lab test ng sample ng hinihitit ng mga nangisay na kabataan.
33:35Pero sa special nito, posibleng maibang halo ang tuklaw na kanilang hinit-hit.
33:42That's 9% yung nikotina niya as compared to the regular cigarettes na around 1 to 3% nikotin lang.
33:49So, doon mo makikita na mataas talaga ang concentration ng nikotin sa tuklaw cigarettes.
33:55Bakit ito gano'ng kataas? Because of the plant na ginamit dyan, yung nikotina rustica as compared to nikotina tabakum na yan yung ginagamit for ordinary cigarettes.
34:10Aristado ang isang Pinoy green card holder sa California sa Amerika dahil sa kanyang koneksyon o mano sa terrorist group na ISIS.
34:20Ayon sa U.S. Department of Justice, matay sa records ng isang financial services corporation,
34:25labing dalawang beses nagpadala ng pera ang 28-anyos na Pinoy sa dalawang nagpakilalang ISIS fighter sa loob ng limang buwan.
34:34May kabuang halaga raw ito ng mahigit $1,600 o halos 93,000 pesos.
34:41Nakilala raw niya ang dalawang ISIS fighter sa social media.
34:45Batay sa kanilang pag-uusap, gusto rin daw ng Pinoy na maging bahagi ng ISIS.
34:50Ayon sa mga prosecutor, nahulihan din umano ng bomba ang Pinoy sa kanyang kwarto.
34:55Ipinagbabawal sa Amerika ang pagsuporta sa Foreign Terrorist Organization.
34:59May parusay yung pagkakakulong na hanggang 20 taon, walang pahayag ang inarestong Pinoy.
35:06Patuloy na minomonitor ng ating Department of Foreign Affairs ang kaso ng Pinoy.
35:10Handa raw silang magbigay ng legal assistance kung kinakailangan.
35:20Pag-uusapan na ng Senado ngayong araw ang susunod na hakbang kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
35:26Himayin natin yan at mga kaugnay na isyo sa tulong ni UP College of Law Professor Paolo Tamase.
35:31Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
35:34Magandang umaga, Rafi, at sa inyong mga taga-panood.
35:37Opo, ano po ba yung mga aasahan at mahalagang maisama sa pagtalakay ng mga senador ngayong araw po sa impeachment case ni VP Sara?
35:43So, inaasahan natin ngayong umaga kung ano yung gagawin.
35:48O yung gagawin ng Senado, bungat dun sa desisyon nga ng Korte Suprema.
35:55Sa palagay ko, may mga magtutulak ng pag-dismiss ng kaso ni VP Duterte.
36:01Mayroon din sigurong magtutulak na ituloy pa rin ng Senado yung pagdilitis.
36:05At baka mayroon din naman na ipagpalibban lamang ang pagdilitis habang inaantay ang Korte Suprema.
36:10Pero mahalaga ho ba na kailangan pang i-discuss muna ito o dapat sumunod na lang sila dun sa naging desisyon ng Korte Suprema?
36:18Kung titignan natin yung nakaranasan natin sa impeachment,
36:23yung Senado mayroon talaga silang kiniclaim na superiority pagdating dito sa issue na ito.
36:28So, nung panahon ng impeachment ng Chief Justice Corona, bumoto muna yung Senado
36:33bago niya na sinunod yung TRO na inisyo ng Korte Suprema.
36:36Maasahan natin na mamabanggit yung President o yung karanasan na iyon sa pagdilisisyon nila ngayong araw.
36:43Ano po masasabi nyo sa pakiusap ng Kamara sa Senado na dapat daw ay hintayin muna
36:47yung desisyon ng Korte Suprema sa kanilang isinumiting motion for reconsideration?
36:51So, alagay ko lang po sa personal kong akademikong tananaw,
36:56mukhang ito po yung pinaka maselan at maingat na kurso na pwedeng gawin ng Senado
37:04sa pamamagitan ng pagpapaliban, tutuloy ba nila o hindi yung pagvilitis?
37:10Ibigin nila ng pagkakataon yung Suprema na maresolva muna yung motion for reconsideration?
37:14Bagaman sinabi nga ng Korte Suprema na immediately executoon nilao ito.
37:18Hindi ko po alam kung napag-aralan nyo yung MR ng lower house
37:22pero basis sa mga ipinunto ng Kamara sa inihayin nilang motion for reconsideration,
37:26e posibleng kayang mabago yung desisyon ng Korte Suprema?
37:31Siguro po, karapatan po kasi ng bawat mamamayan sa ating mga procedure
37:36tuwing nalaharap sila ng kaso na humingi ng pangalawang pagkakataon
37:39upang maipaliwanag ang kanilang panig.
37:43Sa palagi ko po, malakas naman po yung grounds ng motion for reconsideration
37:47na ihinain ng Office of the Solicitor General,
37:50kung magbabago po yung isip ng Korte Suprema natin,
37:53sa kanila lamang po talaga yung desisyon na iyon.
37:57Ngunit mayroon naman po kasi tayong karanasan na nagbabago talagang Suprema,
38:02lalo na dahil, I think, supportador yung Office of the Solicitor General na posisyon
38:08ng marami pang akademikong pananaw at mga pananaw ng mga eksperto
38:12upang sa impeachment.
38:13Pakipaliwanag nga po, ano ba ibig sabihin ng Korte Suprema kapag sinabi nga
38:17immediately executory yung desisyong i-dismiss yung impeachment case kay VP Sara?
38:22Gayun nga, hinihingan pa ng tugon yung nangkampo ni VP Sara
38:25sa inihayang motion for reconsideration ng Kamara?
38:28So, ibig sabihin po ng immediately executory ay
38:32hindi na po kailangan mag-antay ng pag-resolva ng motion for reconsideration
38:37bago po ipalaganap ang desisyon ng Korte.
38:41Ibig sabihin po nun ay hinihingi ng Korte o mire-require niya
38:45na sundin na ng mga partido ang desisyon niya.
38:48Hindi naman po ibig sabihin nun na bawal humingi ng reconsideration ang mga partido.
38:53So, pwede pa rin po sila mag-high in a motion for reconsideration
38:56gaya ng ginawa ng House of Representatives.
38:59Ngunit, hindi po katulad ng kadalasan na nangyayari
39:02at gusto ko lang po i-highlight yun na medyo hindi po karaniwan itong ginawa ng Korte
39:06dito sa inihigit ng executory.
39:08Hindi na hinaantay ng Korte yung pag-resolva ng mga motions for reconsideration
39:13bago pa utusan yung mga partido na sundin na ito.
39:16Well, abangan po natin ang mangyayari dyan po sa Senado.
39:19Maraming salamat, UP Law Professor Paulo Tamase.
39:23Maraming salamat din po.
39:26Nagsagawa po ng clearing operations ang Quezon City LGU sa ilang kalsada sa lungsod.
39:32Balitang hatid ni James Agustin.
39:37Ginawang vulcanizing shop ang bangketa sa harap ng sari-sari store na ito
39:40sa Araneta Avenue, Quezon City.
39:42Tambak ng iba't ibang gamit gaya ng mga gulong
39:44ang inabutan ng mga ahensya ng Quezon City Government
39:46na nagsagawa ng clearing operations sa lugar kaninang umaga.
39:50Sabi ng may-ari ng sari-sari store, hindi nila alam na bawal yun.
39:55Inilabas lang po yan kasi nag-ayos lang dito.
39:58Pero kung bawal, pwede naman ipasok.
40:01Kung gamit na yan, kailan lang po yan nilabas.
40:05Pero yung vulcanizing, matagal na po po eh.
40:07Bilang konsiderasyon, inisuhan na lang ang may-ari ng ordinance violation receipt
40:11para sa obstruction.
40:13Hindi na kinumpis ka ang mga gamit na nakaharang sa bangketa.
40:16Hilara naman ng mga barong-barong ang inabutan sa bahaging ito ng G. Araneta Avenue.
40:20Mga residente na lang ang nagtanggal ng mga trapal na sumakop na sa bangketa.
40:23Kasi po ang hirap po ng pamita ng pera ngayon, ilalaman sa trabaho.
40:28Minsan walang pasok, minsan sa isang linggo, minsan nakatatlong biyahe lang po ako.
40:35Wala po kami ang bahay na matutuloyan, kaya dito po kami, sariling tayo.
40:40Nakigaya lang po kami sa iba mga nagtayo.
40:43Nakatambak naman sa mismong bangketa ang mga kalakal gaya ng mga sofa.
40:47Malapit sa poste, may nakuha pang sarang inidoro, maleta at kung ano-ano pang kalakal.
40:52Wala po kami talagang mapaglagyan dito ang hanap buhay namin.
40:55Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng clearing operations sa mga basura at nakatambak na kalakal sa bangketa.
41:01Kasunod ng mas malalang pagbahan na naranasan sa lugar, nito mga nagdaang bagyo.
41:05Isa pong sinisilip na dahilan nun ay yung mga basura at saka yung mga nakakalat sa mga kalsada at sidewalk na tinangay ng tubig
41:19at na naging dahilan ng pagbabara ng waterways at tumaas ang tubig dahil po doon.
41:27Importante rin daw na may maayos na madaanan ng mga pedestrian at walang nakaharang na mga sasakyan sa kalsada.
41:32Kapag wala mga illegal parking dito, no obstruction, to ensure yung dalin ng traffic, maibisan talaga dito.
41:41Isinakay sa dump truck ang mga basura at nakumpiskang kalakal.
41:44Ang mga pamilya naman na nakatira sa bangketa, ipaproseso ng Social Services Development Department para matulungan.
41:51James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
41:54May init-init na balita, may sunog po ngayon sa Happy Lands sa Tondo, Maynila.
42:00Ayon sa investigasyon, nagsimula ang sunog sa isang gusali sa barangay 105 at mabilis na kumalat sa mga katabing gusali.
42:07Bago mag-alas 11, tinaas na sa Task Force Charlie ang sunog dahil sa tindi ng apoy at usok.
42:13Inaalam pa kung may sugatanong nasawi, maging ang pinagmulan ng apoy.
42:17Mga maren, nag-react si Jack Roberto sa usap-usapang closeness ng ex niyang si Barbie Forteza at kaibigang aktor na si Jameson Blake.
42:35Kahit ito nung relasyon meron sila, si Jameson is a good guy, Barbie's a good girl.
42:41Sabi ko kay Jameson, mabait si Barbie, lagahan mo lang.
42:44Chika ni Jack sa inyong mare, bagay si na Barbie at Jameson sa isa't isa.
42:52Naispatan si Jack, nakausap si Jameson sa GMA Gala 2025 last Saturday.
42:59Na-interview na rin doon si Jameson at ito ang reaksyon niya sa napapansing closeness nila ni Barbie.
43:06We're just enjoying each other's company.
43:12Yeah, and yeah, she's a really good person.
43:15And, ayun, we have common interests.
43:18Interestin ko, is there anything going on in there?
43:21Um, no comment.
43:24Handang tumanggap ng mga pasyente ang 20 Department of Health at Government-owned and Controlled Corporation Hospital sa Metro Manila.
43:38Kasunod po yan ang anunsyo ng Philippine General Hospital na puno na ang kanilang emergency room.
43:42Ayon sa DOH, kasama sa listahan ng mga ospital ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan,
43:53Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center,
43:56San Lazaro Ruiz General Hospital sa Malabuan at National Center for Mental Health sa Mandaluyong.
44:03Gayun din po ang Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital at Tondo Medical Center sa Maynila.
44:12Maaari rin pumunta sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina,
44:16Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa at Rizal Medical Center sa Pasig.
44:22Pati na rin po sa East Avenue Medical Center, National Children's Hospital,
44:27Philippine Orthopedic Center, Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City
44:31at sa Valenzuela Medical Center.
44:33Kasama rin sa listahan ang GOCCs na Lung Center of the Philippines,
44:38National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center at Philippine Children's Medical Center.
44:44Kung magdadala naman ang pasyente sa Metro Manila Center for Health Development,
44:48maaari muna tumawag sa mga numerong nakikita ninyo sa inyong TV screen.
44:52Ayon sa DOH, makakaasa ang mga pasyente na mahigpit na ipinatutupad ang Zero Balance Billing.
45:01O eto naman, naibalita po natin kanina ang tungkol sa pagbabapa ng ilang bilang po ng mga unemployed.
45:09May isang kabitenyo na tutulong din yata na mapababa pa ang unemployment rate.
45:13May kwelang experience siya habang kinukumpleto ang kanyang requirements.
45:18Number one, syempre na hinahanap po ng mga employers sa job applicants ang resume.
45:24Pero si John Paul Babor, trial version lang yata ang kayang ipakita.
45:30Buo naman ang loob niyang magtrabaho, pero 10% lang yata ang natapos sa kanyang dokumento.
45:36Kinansel kasi ito habang ipinapaprint.
45:38Kaya ang ending mukhang tipid version ng kanyang picture at inilagay na detalye.
45:44Halos 30,000 netizens na ang nag-haha sa resume na parang kre-su lang yata.
45:52Trending!
45:55Kailangan mag-resume yung kanyang resume.
45:59Mag-resume ng printing.
46:01May update ba? I'm sure na-reprint naman niya siguro yan.
46:04At talagang mukhang decidido naman siya na magtrabaho.
46:09Kasi nagpapaprint pa nga siya.
46:11So sana nga matanggap ka.
46:12Sana yung kanyang future employer nanonood ngayon sa balitang nali.
46:17Meron naman po, buo naman niya.
46:19Buo naman.
46:20Buo po ang kanyang loob.
46:23Pero yung resume, kalahat.
46:25I-10% nga lang.
46:26Hindi pa umabot natin.
46:27Pero yun ang pinaka-exciting.
46:29Pero pinaka-mahirap na ginagawa ng mga bagong graduates.
46:32Maghanap ng trabaho.
46:33Iba literal talaga na pinapasukan at kumakatok sa mga pinto
46:37para na magbigay ng kanilang resume.
46:39Oo, minsan kasi ang daming job mismatch ngayon.
46:42Yung course nila hindi naman akma doon sa mga available na trabaho.
46:45Pero ang lesson dito dapat, huwag i-cancel kasi yung printing.
46:49Oo.
46:50I'm sure dapat maraming resume pa yung i-print.
46:53Oo nga, abunoha mo daw.
46:54Oo, sandali lang.
46:56Ito may printer kami dito.
46:57Ayan.
46:58Ito po ang balitang halid.
46:59Bahagi kami ng mas malaking mission.
47:01Ako po si Connie Season.
47:02Grafi Tima po.
47:03Sama niyo rin po ako, Aubrey Karampea.
47:04Para sa mas malamak na paglilingkod sa bayan.
47:07Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
47:10Mula sa GMA.
47:40Sama niyo rin po.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended