00:00.
00:08So, dami ng peke sa panahon ngayon?
00:11Naku!
00:12Pati ba naman kidnapping na pepeke na rin?
00:15Isang estudyante po kasi sa Lipa nagkunwaring dinukot para sa ransom.
00:46Iyan po ang video na pinadala ng estudyante.
00:49Umiiyak at naghahabilin pa para mukhang legit at magbigay ng ransom ang kanyang mga magulang.
00:57Dinukot umano ang estudyante at base sa social media account na ginamit ng mga umano'y kidnapper
01:04nang hihingi sila ng 300,000 piso.
01:08Dalawang oras lang daw ang ibinigay na palugit kaya ang nanay niya nagpasaklolo sa Lipa City Police.
01:14Mabilis na natunto ng mga polis ang huling mga nakasama ng estudyante na nakita sa isang bilyaran bago pumunta sa
01:24isang mall sa Batangas.
01:25Nang suriin ang mga otoridad ang CCTV footage na pagalamang mag-isang nag-check-in ang estudyante sa isang hotel
01:34at doon nanadatna ng naturang estudyante at nakumpronta na gawa-gawa lang ang umano'y kidnapping.
01:42Anya nabaon daw siya sa utang sa lending app at sobrang natakot na hindi makabayad kaya ito nagawa.
01:49Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Attorney Gabby.
01:57Attorney, ano ba ang sinasabi ng batasa ganitong nagpapanggap na kidnapped lalo na't nagkasapan ng imbestigasyon ang mga polis?
02:07Well, pinakamalakas na kaso na siguro ay isang kaso na paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code.
02:14Ito ang maituturing na fake news provision ng RPC.
02:19Sa ilalim ng artikulong ito, ang pagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng takot at alarma sa publiko
02:26o sadyang nakakasira sa public order ay isang krimen.
02:31Dahil ang kanyang Facebook post at ang naging pangamba ng mga magulang ay nauwi sa pagtawag sa polis at ng
02:38imbestigasyon at isang hunt para sa biktima,
02:41ito ang mga ito ang maaaring gamitin ebidensya na nagkaroon na nga ng isang public order consequence at kaguluhan.
02:48Dahil gumamit din siya ng social media upang ipakalat,
02:52ang peking pananakot ay magiging one degree higher ang penalty dahil papasok ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act of
03:012012.
03:02Maaaring sabihin ng iba na may posibleng kaso para sa attempted estafa at other deceits sa ilalim ng Revised Penal
03:10Code.
03:10Ito ay dahil sa kanyang pagpapanggap at pag-imbento ng peking sitwasyon upang makakuha ng pera sana.
03:18Pero medyo mahina yata ang kaso na ito dahil hindi naman nahimok ang mga magulang niya na magbayad nga ng
03:24ransom at magkaroon ng deprivation ng pera nila.
03:28Pero assuming na natuloy nga, alam nyo ba na hindi pa rin siya makakasuhan ng estafa, attempted or consummated man?
03:36Ito ay dahil sa ilalim ng Article 332 ng Revised Penal Code, kapag ang kaso ay theft o pagnanakaw, estafa
03:45o malicious mischief,
03:46at ang kaso ay between direct descendants and ascendants, halimbawa nga mag-ama o mag-ina, mag-lolo o lola
03:55at apo, walang criminal liability, walang criminal na kaso.
04:00Ito daw ay para ma-preserve ang family peace and harmony para hindi na nagkakasuhan ang mga malalapit na kamag
04:08-anak ukol sa pera at property.
04:10Pero syempre may civil liability pa rin para ibalik ang pera o bagay na ninakaw, pero sabi nga nila, huli
04:18pero walang kulong.
04:20Eh yun na nga po ang nangyari dyan. So ingat-ingat sa mga kabataan, huwag malulong sa masamang bisyo.
04:27Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip, ask me, ask
04:36attorney Gabby.
04:41Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel? Bakit?
04:46Pag-subscribe ka na, dali na, para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
04:51I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit. Salamat kapuso!