Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Alam n’yo bang tuwing Habagat season, mas maraming ulan ang idinudulot ng mga bagyong hindi naman nagla-landfall, kumpara sa mga bagyong tumatama sa kalupaan?

Batay ‘yan sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University kasama ang Manila Observatory at PAGASA.

Ang kanilang babala — ngayong umiiral na ang southwest monsoon, hindi lang bagyo ang dapat paghandaan kundi pati ang epekto ng ‘enhanced’ Habagat.

Ang peligrong kaakibat nito, alamin sa report ni Oscar Oida.

Category

🗞
News
Transcript
00:00August 2012, nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Saula o Bagyong Hiner.
00:08Hindi ito tumama sa kalupaan, pero matindi ang naging epekto nito dahil sa habagat.
00:16Umabot sa 109 ang nasawi at 3 billion pesos ang halaga ng mga ari-ariang na pinsala.
00:23Dahil sa pagulang umabot sa 1,007.5 millimeters sa loob lang ng tatlong araw.
00:32Matapos ang isang taon, pumasok naman sa para ang bagyong maring.
00:38Kaya ng Bagyong Hiner, hindi rin ito nag-landfall.
00:42Pero dahil nagdulot ng kaliwatkanang baha at landslides ang habagat,
00:4721 ang naitalang nasawi at umabot sa 2.5 million ang pupalasyong naapektuhan.
00:56Ang ulang bumagsak, 1,120.2 millimeters sa loob ng limang araw.
01:04Ang dalang ulan ng Bagyong Hiner at ng Bagyong Maring,
01:08halos doble ng ulang ibinagsak ng Bagyong Undoy at habagat sa loob ng apat na araw noong 2009.
01:17Para mas maintindihan ito, isipin mo ang 1 millimeter ng ulan ay katumbas ng isang litro ng tubig kada square
01:26meter.
01:27Kaya kung 1,000 millimeter ang rainfall,
01:30katumbas ito ng isang libong litro o one metric ton ng ulan kada square meter.
01:38Ang naranasan ng ating bansa noong taong 2012 at 2013
01:41ay habagat na pinalakas ng bagyo o yung tinatawag na enhanced habagat.
01:47Ano nga ba ang enhanced habagat at ano ang piligrong dulot nito?
01:53Ang Southwest Monsoon o kilala sa Pilipinas bilang habagat
01:57ay hanging mula sa Indian Ocean at South China Sea.
02:02Mainit ito at moist o mamasa-masa,
02:05kaya nagdadala ng mabibigat na pagulan, thunderstorms at malalakas na hangin,
02:12partikular na sa kanlurang bahagi ng ating bansa.
02:17Kapag sinabayan ito ng bagyo,
02:20lumalakas ang habagat at nagdudulot ng mas malalakas at pangmatagalang mga pagulan.
02:26Ang pag-ikot kasi ng mga bagyo ay nagsisilbing parang vacuum na humihila sa habagat.
02:33Habang kumikilos ang hangin,
02:36humihigup din ito ng water vapor mula sa dagat.
02:39Kaya pag mas maraming habagat,
02:42mas marami at mas matagal ang pagulan.
02:46Sa madaling sabi,
02:48kahit hindi mag-landfall ang bagyo,
02:51nagiging mapaminsala pa rin ito
02:53dahil sa epekto ng enhanced habagat.
02:57Ang weather data mula 1961 hanggang 2022
03:01ay pinag-aralan ng Ateneo de Manila University,
03:03Manila Observatory at Pag-asa.
03:06Batay rito,
03:07lumalabas na mas marami pang ulan na nagmula sa tinatawag na enhanced habagat
03:11kaysa sa mga ulan na nanggaling sa mga nakalipas na bagyo.
03:1733.1% ng ulan tuwing Southwest Monsoon Season
03:21ay dulot ng enhanced habagat.
03:2515.4% lang ng ulan
03:27ang mula sa direktang epekto ng bagyo.
03:3151.5% naman ang dulot ng habagat lamang
03:35na walang kasamang tropical cyclone.
03:38Ang babala ng pag-asa,
03:40malaki ang tiyansang sumabay ang habagat sa Super El Niño
03:44mula June hanggang August 2026.
03:48Kapag may Super El Niño o Strong El Niño,
03:52mas kakaunti ang bagyo sa Pilipinas.
03:54Pero inaasahang mas malalakas ang mga ito
03:58at posibling mas maraming mahilang habagat.
04:09Kaya pag pinaghahandaan natin ang kalamidad,
04:12ang tanong siguro hindi nalang basta may bagyo ba?
04:15Dapat siguro ang tanong natin e,
04:17alalakasin ba ng bagyo ang habagat?
04:20Para sa GMA News,
04:22ako po si Oscar Oida.
04:23cosplay ke po si Oscar Oida.
04:24younger
04:24o
04:31ballo
04:34ballo
04:35bel
Comments

Recommended