Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong August 18, 2026
-Zamboanga City LGU: 2, patay sa pamamaril kanina sa Ateneo de Zamboanga University; Under control na ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga, ayon sa pamunuan ng university
-INTERVIEW: PLTCOL. PAUL ANDREW CORTES, SPOKESPERSON, ZAMBOANGA CITY POLICE OFFICE
-PAGASA: Habagat, magpapaulan pa rin sa Luzon at Visayas ngayong Martes; PAGASA: Bagyo sa Pacific Ocean, lumalapit na rin sa Ph Area of Responsibility
-Ilang face-to-face classes ngayong araw, suspendido dahil sa masamang panahon
-Ilang estudyanteng pauwi matapos kanselahin ang mga klase, tinangay ng rumaragasang baha; ligtas silang nakauwi; Maraming estudyante, motorista at residente, naperwisyo ng kabi-kabilang pagbaha
-Mga residenteng naipit sa baha sa Brgy. Apolonio Samson, sinagip; Mahigit 100 pamilya na taga-Kaingin Bukid, nananatili sa mga modular tent; Lampas-taong baha, naranasan sa ilang bahagi ng Quezon City; mahigit 3,000 pamilya, inilikas
-Ilang pamilyang naipit sa baha, sinagip; forced evacuation, ipinatupad sa ilang lugar; Mga LGU sa probinsiya, nakabantay sa epekto ng Hanging Habagat
-Ilang kalsada at residential areas sa Iloilo City, binaha
-PAGASA: Metro Manila at ilang karatig-lugar, isinailalim sa Heavy Rainfall Warning hanggang 2pm
-Oil price hike, epektibo ngayong araw
-INTERVIEW: DR. ANNE DOMINIQUE ASIS-MATUBA
MEDICAL OFFICER IV, DISEASE PREVENTION AND CONTROL-DOH
-Ilang pasahero ng AirAsia flight na diverted sa Clark Int'l Airport dahil sa masamang panahon, nawalan ng malay sa loob ng eroplano; Mga pasahero ng diverted na AirAsia flight, pinasakay sa P2P bus papunta sa NAIA Terminal 3
-Impeachment trial, kanselado ngayong August 18 dahil sa masamang panahon; Pagtatanong kay dating OVP SDO Acosta, natagalan dahil sa pag-translate ng mga sagot na may halong Bisaya; ipinunto kalaunan na nakapag-Ingles at Tagalog siya sa House hearing noon; Prosekusyon, gumamit ng A.I. photo para ilarawan ang P125M confidential funds na ni-withdraw ni dating OVP SDO Acosta; pinalagan ito ng depensa; Dating OVP SDO Acosta: Ibinigay ko ang P125M kay dating VPSPG Head Col. Lachica sa utos ni VPSD; Dating OVP SDO Acosta: Wala ang pangalan ni Lachica sa mga isinumiteng dokumento sa COA, sa kabila ng papel niya sa paggamit ng confidential funds
-Ikalawang reklamong perjury, isinampa ni VP Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga
-Pokwang at Martin del Rosario, waging Best Actress at Actor sa Cinemalaya 22
-Ilang kalsada sa Olongapo City, apektado ng baha at pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na ulan; Mga puno, poste ng kuryente, at ilaw, nagtumbahan sa landslide; fruit stall at e-trike, nadamay rin; Landslide, naitala sa Skipper Beach National Highway; agad nagsagawa ng clearing operations