Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:0032 barangay sa Quezon City ang binaha dahil sa malakas sa ulan kahapon,
00:05mahigit 3,000 pamilya ang inilikas at nasa evacuation centers.
00:10May unang balita live si James Agustin.
00:13James!
00:18Ivan, good morning.
00:20Dahil sa patuloy na banta ng habagat, hindi na muna papayagan na makabalik sa kanila mga bahay,
00:24yung mga residente na lumikas dito sa barangay Apolonyo Samson.
00:28Sa mga lugar na malapit sa ilog, lampas tao, ang taas ng tubig kahapon.
00:34Alas 11 nakagabi, abot at tuntalampakan pa ang taas ng tubig sa bahaging ito ng Cypress Village.
00:40Sa barangay Apolonyo Samson, Quezon City, gumamit na ng rescue boat ng mga residente.
00:45Ang unang palapag ng mga baha ay pinasok ng tubig.
00:48Bagya ng araw bumaba ang baha, na umabot pa hanggang limang talampakan sa kasagsaga ng malakas na buhos ng ulan
00:53kahapon.
00:54Karamihan sa mga residente ay nanatili sa lugar.
00:57Dahil may ikalawang palapag ang kanila mga bahay.
01:00Mayroon din namang lumikas sa kapitbahay gaya ng mag-asawang senior citizen na Sinaboy at Delia.
01:05Hindi pa rin kasi mapasok ang kanilang paupahang bahay na lubog sa tubig.
01:08Mabilis talaga.
01:12Ngayon, habang pumapasok ang tubig, yung mga maaaring mabasa na importanteng bagay sa amin, unti-unti kong nailabas.
01:22Pero yung mga marami kami gamit na basa doon sa loob, talagang wala kang maghagaw.
01:27Kanyang mag-taste na lang.
01:29Kahit nahihirapan kami.
01:32Naglatag naman ang modular tent sa multi-purpose building kung saan lumikas sa mga residente ng kaingin bukid na katabilang
01:38ng ilog.
01:38Doon na nanatili ang nasa sangdan at dalawamputpitong pamilya o katumbas ang tatlong daan at labing tatlong individual.
01:45Kabilang dyan si Rosa Dela at kanyang mga anak.
01:47Iilang damit at gamit lang ang kanyang nadala.
01:49Mabilis ang tubig ngayon sa amin. Hindi yung nang nakaraan.
01:53Bilis lang, mababa lang.
01:54Ngayon sobrang taas. Sa second po na umabot ang tubig.
01:57Kaya yung mga bata, lumikas na kami. Takot na rin kami.
02:01Sobrang hirap talaga. Lalo pag may makasama ka mga bata, hirap po lumikas.
02:06Lalo yung lugar namin, napakakipot ng daanan.
02:09Sa video na ibinahagi ng barangay, kita kung gano'ng kataas ang tubig sa kaingin bukid kahapon.
02:14Bahagi na lang ng basketball rin yung makikita sa court.
02:17Nalubog sa lampas taong ba ang maraming bahay?
02:20Ayon sa barangay, hindi na muna papayagan na makabalik ang mga residenteng lumikas
02:24dahil pa rin sa bantahan ng habagat.
02:26Mas layunin po ng barangay na manatili sila dito hanggat wala pa nga pong mandato
02:31dahil yun ay para sa kaligtasan ng ating mga residente.
02:34Halos po 70% ng buong kaingin bukid ay binabaha, partikular sa tabing ilog.
02:41Sa update ng Esang City Government alas 9 kagabi,
02:44umabot sa mahigit 3,000 pamilya, katumbas sa mahigit 10,300 individual,
02:50ang inilikas sa mga evacuation center.
02:53Mula sila sa 32 barangay na nakaranas sa pagbaha.
03:01Samantala, Ivan, balik dito sa Cypress Village sa barangay Apolonyo, Samson,
03:06ay yung pinakita natin na abot at lung talampakan pa na taas ng tubig dyan sa ating report
03:12ay humupahan na po yan bago mag alas 4 ngayong umaga.
03:15Isa po ito sa mga pinakamabababang lugar dito sa barangay.
03:19Sa lagay ng panahon naman po, kanina madaling araw pa nakakaranas ng pagulan dito
03:22pero minsan ay pagambun lamang at mahinang pagulan dito po yan sa Quezon City.
03:27Yung muna ilaytas, ako po si James Agustin para sa GMA News.
Comments

Recommended