Aired (April 25, 2026): Ang 25-anyos na content creator at bunso sa pamilya na si John Mark Suhayon mula sa Agusan del Norte, piniling pag-ipunan ang unang sofa ng kanilang pamilya imbes na unahin ang kanyang luho. Dahil dito, naantig ang isa niyang follower at tinulungan siya na makuha ito.
Ang tatay na mani vendor naman na si Crisanto, 'di naka-attend sa graduation ng anak dahil kinailangan niyang magtinda para may panghanda sila. Ang anak niya, sinundo siya at sinabitan siya ng medalya.
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Comments