Skip to playerSkip to main content
Aired (June 6, 2026): Dalawang matandang lalaki ang nais bumili ng tindang ube ni Chriszel sa kanyang shop. Pero imbes na pagbayarin, nilibre na lang niya ang dalawa.

Samantala, ang mga magsasaka sa Dalaguete, Cebu, daan-daang kilo ng gulay ang pinapasan! Ang kanilang buhat, mistulang puno na sa taas.


'Yan at ang iba pang mga kuwento, panoorin sa video. #GoodNews

Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:06The new matcha is the new matcha.
00:33My lola kasi is a good cook. Nagluto siya one time ng halaya, ube halaya, bata pa ako. Nagustuhan ko
00:42na siya. Pinapapa ko siya pag ano, after kumain.
00:47Registered nurse si Cricel, pero nang magkasakit ang kanyang lolo, kinailangan nila ng mas malaking pera.
00:53Since sirap kami sa buhay, kailangan ko mapagamot yung lolo ko. Kailangan ko ng extra income.
01:00Una muna siyang naging distributor ng isang whitening product.
01:04Hanggang sa tila iniadya ng tadhanang makilala niya sa Maynila,
01:08ang may-ari ng paboritong shop ng iba't ibang ube cakes, bars and other pastries sa Mindanao.
01:14Na-meet ko yung owner, CEO ng Purple Yap. And then, since pareho kami nagbibisaya, nag-click kami agad.
01:23At dahil siya mismo fan ng ube, si Cricel, walang pagdadalawang isip na pinasok ang ube business.
01:30Mula Mindanao, dinala ni Cricel ang kanyang kinalakihan na ube sa Maynila.
01:36Hindi naman binigo ng langit si Cricel, dahil dalawang buwan lang mula nang magbukas ang tindahan, pumatok ito kaagad.
01:45Nasa 20,000 pesos na nga raw ang kitaan kada araw.
01:49Kasi two months pa lang yung branch namin, pero ang dami ng opportunities.
01:55Pero hindi lang daw negosyo ang ube amazing. Maging ang may-ari nitong si Cricel, hindi nagdadalawang isip tumulong sa
02:03iba.
02:04Sa viral video na ito na kuha sa shop ni Cricel, makikita ang dalawang matandang nakatayo at nagbibilang ng bariya
02:11para bumili ng isang pirasong cake in a cup.
02:16Naantig na nga ang puso ni Cricel.
02:42Kaya si tatay, hindi na niya pinagbayad. Bagkus?
02:47Binigyan niya ito hindi lang ng isa, kundi ng dalawang ube cake.
02:52Huwag na lo, ako na lang. Sabi niya, hindi nakakahiya. Tapos sabi niya, ah sige kung libre, isa na lang,
02:58hati na kami.
03:00Hinanap ng good news ang dalawang matanda sa video na sina Tatay Ben at Tatay Amado.
03:05Sige, may pere naman tayong pangbili yan. 50 value 100.
03:11Mahigit anim na dekada na raw na magkaibigan ng dalawa.
03:15Si Tatay Ben sumasideline daw bilang tagabukas ng pinto sa isang convenience store.
03:21Kung minsan, tagabantay ng pampasaherong jeep.
03:25Pagkatumagal ako, mga apat na oras, lima.
03:30Pagkatumagal ako ng limang oras.
03:33Malaki na yun, mga 300.
03:35Dahil sa hirap sa paglalakad, sa edad na 79, si Tatay Amado, hindi na raw makasama kay Tatay Ben sa
03:43paghahanap buhay.
03:45Ang ako na operansya dito. Bukol eh. Yung lumaki yung bukol.
03:51Pero nang makita raw nila ang tindang ube ni na Criselle, na curious daw ang dalawa sa lasa.
03:58Kaya nang kumita ng 100 pesos ng araw na yun, agad na nila itong pinuntahan.
04:05Inaya ako ito dahil, kaya tayo ng purple jam.
04:08Kasi sabi niya, para pa tayong, eto, sandahan na ito, binilang ko yung sandahan na ito.
04:13Kaya naman laking gulat nila nang ilibre sila ni Criselle.
04:18Hindi siyempre, ano po, masaya po kami dahil na nalibrean kami ng ano.
04:25Laking pasasalamat din ni Criselle, na dumagsa ang tulong mula ng mag-viral ang kanyang video.
04:31Personal din niya tinulungan ang dalawa para makapagpalab test.
04:37At ngayong araw, maisa pang sorpresa si Criselle kina Tatay Ben at Tatay Amado.
04:47Dahil sa pangalawang pagkakataon, makatitikim ulit sila ng paboritong ube.
04:53But not one cup, ha?
04:55Dahil ang dala ni Criselle, isang buong ube cake.
04:59Mayroon akong ibibigay sa inyo.
05:01Ingatan mo tayo, ha?
05:03Busin niyo yan.
05:06Salamat po, salamat. Salamat po.
05:09Life is a piece of cake ikangan ng iba.
05:12Dahil ang buhay, mas tumatamis.
05:17Kapag nakatutulong sa iba.
05:28Awat na sa Bad Vibes dahil eto na ang mga kwentong magpapangiti sa inyo ngayong Sabado.
05:34Maganda gabi. Ako ko si Vicky Morales.
05:37From mga pasaway, ngayon ay nag-ala superheroes sa kanilang lugar at tinawag na ngang Sweep Squad.
05:49Isang batang gagraduate, alay ang bulaklak para raw sa dalawa niyang ina.
05:54May!
06:03Dito sa Dalagete Cebu, ang mga dayo napapatigil at natitingala.
06:09Hindi sa artista o basketbolista, kundi sa mga magsasaka.
06:24Salot!
06:26Tabay!
06:29Mga boy tagay!
06:32Oh, ano yung pinagagawa na dyan? Alak na! Ang halintapat!
06:38Ganyan daw kung ilarawan ng ibang residente ang grupo ng mga kalalakihang ito sa bayan ng Polomolok, South Cotobato.
06:47Pero sinong mag-aakala na ang barkadahang kilalang pasaway?
06:54Abay, maghahatid pala ng ngiti at good vibes sa kanilang lugar.
06:59Dahil ang mga kabataang ito, nagkaisa raw para sa isang misyon.
07:07Nagpunta kami dito kusips kasi napansin namin na hindi na makita yung kanal dahil sa mga makakapal na mga damo.
07:13Hindi prank. Hindi papogi.
07:16O kung anong-anong gimmick.
07:19Kundi paglilinis ng kanilang komunidad.
07:23Ang mga nakaharang nakalat sa kalsada at nakabalandrang putik at sukal sa kanal na maaring magbara, lilinisin.
07:31Kaya tambay kami may naitutulong kami sa kalikasan sa community.
07:37Pero mga pasaway, ngayon ay nag-ala superheroes sa kanilang lugar at tinawag na ngang sweep squat.
07:48Let's meet Super Kirby!
07:50Ang pinakamalakas daw, hindi sa pagtagay ha, kundi sa pangangatawang.
07:57Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay meron ng asawa at anak.
08:02Hindi ako nakapagtapos sir kasi nagka problema din sa pamilya.
08:06Tapos isa na dun yung nalulung sa computer.
08:09Minsan man daw naligaw ng landas, ngayon bumabawi na siya.
08:13Iba na yung tingin sa mga tao sa amin.
08:16Mga katulong sa ano sir, hindi lang sa sarili, siyempre sa community sir.
08:20Minsan sa sobrang lakas talaga ng oran, nasira yung daan, yung mga motor.
08:25Hindi masyado makadaan, kawawa yung mga motor.
08:28Maniobra tayo sa Joker ng grupo, si Marley.
08:33Mahilig man daw magpatawa, pagdating sa linisan, seryoso raw siya.
08:37Importante sa akin na malinis yung lugar.
08:39Mas maganda tignan ang isang lugar kung mas malinis.
08:43Throne kami sa sarili namin dahil marami kaming nagawang mabuti.
08:47Hindi lang para sa amin, parte na sa aming community.
08:50Kahit pagod na, puno pa rin siya ng energy.
08:53Kaya ang mga gawain, gumagaan din.
08:57Kilalani naman natin ang pinakamatangkad sa kanilang grupo, si Marvin.
09:02Pinagkakabalahan ko po ay taghatid ako ng magulang ko sa trabaho at saka pagbabasketball.
09:08Huminto sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyan.
09:11Pati na sa paghahanap ng trabaho, kamot ulo rin siya.
09:15Pero kahit pagpatupatungin pa raw ang mga kamalasan niya,
09:19pagdating sa pagkakawang gawa, naasnoo siya.
09:22Maraming humahanga sa amin na mga tao dahil sa ginagawa namin,
09:27na kahit hindi kami binibigyan ng sawd, gumagawa pa rin kami kahit mahirap.
09:31Sa paglilinis na nga, strength itong tangkad niya.
09:35Kaya hindi mo siya pwedeng maliitin ha?
09:37Napaka-importante sa akin na malinis yung kapaligiran dahil maraming mga kabataan na naglalaro.
09:44Kapag malinis yung kapaligiran, yung mga lalanghap nila na amoy sa kapaligiran is malinis.
09:51Itong si Andre naman, mahusay daw sa walisan.
09:55Minsan man daw siyang nagkalat sa buhay.
09:58Ngayon naman, wala raw kalat na makakalag pa sa kanya.
10:01At ang mission niya,
10:02Maka-encourage kami ng mga kabataan na mapalayo din sila sa bisyo.
10:06At ang leader ng mga kalokoha noon, si Philip.
10:10Pero huwag daw siyang husgahan dahil kahit sino pwedeng magbago.
10:15Ngayon,
10:17Leader na siya ng Sweep Squad.
10:20Gusto kong makatulong, hindi lang sa sarili kong kagustuhan.
10:23Gusto kong makatulong sa environment, sa mga tao, kung papaano natin maging mabuti yung kalikasan natin.
10:31Ginagamit na niya ang impluensya para makapagmando sa grupo.
10:35Yung sarili mo na talaga yung gustong gumalaw, kaya mo naman pala bakit hindi mo pa magawa.
10:42At kung may pinaka-proud na nga raw sa pagbabago ni Philip, yan ay ang kanyang pamilya.
10:47Malaking impact din sa paligid namin, mga kapitpahay.
10:50Kasi naging modilo sila ng mga kabataan.
10:52Maging inspirasyon pa po sila sa lahat ng kabataan.
10:56Ang inisiyatibong ito,
10:57nagsimula raw talaga dahil sa problemang personal nilang nakita at naranasan.
11:02Binabaha kami kapag sobrang lakas na ng ulan.
11:05Kasi yung kanal dito sa amin,
11:07yun yung cause kung bakit bumabaha yung mga lugar dito.
11:12Dito na nga raw nila naisip magkakaibigan na magsanib pwersa para maglinis.
11:17It takes 4 to 5 hours bago kami matapos yung paglilinis namin.
11:22Pinasok na ng kasama namin yung loob ng imburnal
11:24dahil sobrang dami dangdako na nakabara sa loob.
11:27Ang paglilinis, kinukuha na nila ng video at saka ina-upload online
11:31para maging content with a purpose.
11:34Pero hindi raw ito madali nung una.
11:36Sa start pa lang, sobrang hirap talaga yung hindi pa kami kilala.
11:40Pero yung ginawa namin, nag-aambag kami.
11:43Isa't isa sa amin, nagbibigay naman.
11:45Kapag may pera, magbibili kami ng merendang.
11:48Ang struggles na nasa namin is yung narinis kami na umuulan,
11:53tsaka yung botlik.
11:55Tsaka minsan hindi kami kumpleto.
11:57Ilan lang sa amin yung maglinis, mahirap.
11:59Pero lahat ng pagsubok, hindi nila uurungan.
12:04Pero solid man daw sila, minsan na rin daw natigil ang gawain nila
12:08dahil sa umunoy, hindi pagkakaunawaan.
12:11Nag-stop kami dahil sa mga personal conflict ng bawat members.
12:15Iba't-iba kaming desisyon sa paglilinis.
12:17Tsaka yung problema lang din yun, yung pride talaga.
12:20Di talaga yung maaiwasan.
12:22Sayang yung opportunity.
12:24Yun din yung mga sabi ng ibang tao sa amin e na sayang yung sweep squad.
12:29Sa huli, nanaig pa rin daw ang pagkakaibigan at pananagutan sa komunidad.
12:35Kusa na namin na ayusin yun dahil di talaga maaiwasan niya kapag nakikita namin sila sa daan.
12:41Nag-usap-usap kami na baliwalain na lang yung problema namin.
12:45Tsaka ibalik yung dating grupo na buo ba?
12:49Sama-sama mag-anood at maglinis.
12:52At ngayong opisyal nang pumasok ang habagat season, may bago silang linis session.
12:58Hindi lang good news ang sumama sa clean-up drive, ha?
13:01Maging ang ilang kabataan sa kanilang komunidad na hikayat nilang mag-ambag.
13:11Lahat nakaka-appreciate yung ginagawa namin.
13:14Kaya ginagawa namin yung lahat, yung best namin.
13:20Good job, modern heroes!
13:24Ang good news, hindi pwedeng hindi kilalanin ang inyong mabuting gawain.
13:29Congratulations!
13:31Salamat sa inyo, Sweep Squad!
13:35Hindi kailangang magsuot ng kapa para maging bayani
13:39o makipagdigma para makapaglingkod sa bayan.
13:42Ang tunay na kabayanihan makikita sa bawat kabataang nangangarap,
13:49nagsisikap at kumikilos para sa ikabubuti ng kapwa.
14:02Sa gitna ng kanyang graduation,
14:05isang bata humingi ng dalawang bulaklak
14:08para raw sa dalawa niyang ina.
14:11Sino kaya sila?
14:24Sa bawat pamilya, may isang tumatayong ilaw ng tahanan na nag-aaruga sa anak.
14:39Pero para sa batang si Kaylin,
14:43hindi lang isa ang tinatawag niyang mami,
14:46kundi dalawa.
14:51Kaya noon kanyang graduation sa kindergarten,
14:54ang bulaklak na dapat sanay ibibigay ng mga bata sa kanilang magulang,
15:00piniling ibigay ni Kaylin sa mami niya,
15:03na hindi niya raw tunay na ina.
15:07Kung ganun, sinong mami kaya ang nakatanggap ng bulaklak?
15:12At bakit siya ang pinili ng bata?
15:16Ang biological mother talaga ni Kaylin,
15:19si Mami Chubby,
15:20empleyado sa corporate world.
15:23Ito raw ang dahilan kaya ang anak,
15:26ipinagkakatiwala niya sa ibang ina
15:28kung siya'y nasa opisina.
15:30Lagi ko lang tinatanong si Kaylin,
15:31anong gusto niya, anong gusto niyang ipabili,
15:34makakailangan niya po sa school.
15:36Tapos lagi naman niya po pinapakita yung mga grades niya sa akin,
15:38lagi siyang proud na,
15:39Mommy, I have a perfect score.
15:42Bye, Kaylin!
15:44Thank you, Mommy!
15:45Dahil single mother,
15:47kinakailangan niyang kumayod para itaguyod si Kaylin.
15:52Kahit pa ang kapalit,
15:53mababawasan ang oras niya para sa anak.
15:57Help, Mommy, lah!
15:58Mabuti na lang daw
15:59at ang naging katuwang ni Chubby sa pag-aaruga sa anak,
16:03to the rescue!
16:04Si Mommy Neng!
16:06Kung usapang Mommy raw,
16:08na kaya kang tutukan 24-7,
16:11eh hindi raw uurong si Mommy Neng dyan.
16:13Mula pagtimpla ng gatas,
16:20hanggang sa mga gamit sa eskwela ni Caleb,
16:23hands-on siya.
16:24Pero teka,
16:26sino ba muna itong si Mommy Neng?
16:28I don't watch TV!
16:32Si Mommy Neng,
16:33o Mommy La,
16:35lola pala ni Caleb.
16:38Come to Mommy La!
16:40E paano nga ba nagsimula ang ganito nilang set-up?
16:45Maaga raw nabuntis sa edad na 17 years old si Chubby.
16:49Five months po.
16:50Tinago ko po siya.
16:51Tapos,
16:52inisip ko din po na baka patigilin nila ako ng pag-aaral.
16:54Napiprayo ko ganito,
16:55tulungan po ako ni Lord na
16:56paano ko po sabihin sa magulang ko.
16:59Bilang ina ni Chubby,
17:01madali naman daw na halata ni Neng
17:03ang pagbubuntis ng anak.
17:06Nakaramdam man daw ng galit,
17:08mas nanaig ang pag-aalala niya
17:09para sa kalagayan ng anak.
17:12Sabi ko sa kanya,
17:13baka nilaglag mo yan ha,
17:15baka ininuman mo.
17:16Kasi siyempre ma'am,
17:16nag-alala po ako na
17:18baka ininuman niya,
17:21tapos,
17:22ayaw ko po na,
17:23di bali na po siya magsilang
17:25ng sanggol normal.
17:29Dito na raw siya nakahanap
17:30ng bagong purpose in life,
17:32ang maging the best lola.
17:36Yung pag-aalaga ko kay Caleb
17:38is pure pagmamahal.
17:40Hindi naman daw mahirap alagaan si Caleb,
17:43lalo patlikas siyang malambing.
17:46May time po yung magtitimpla pa ako ng gatas.
17:49Bigla yan siya magsasalita na lang ma'am na,
17:51thank you for taking care of me, ma'amila.
17:56Pati sa school,
17:57with honors din siya.
17:59This is pretty fast.
18:02Hindi naman na raw dapat magtaka,
18:04dahil ang favorite bonding lang naman
18:05ang mag-lola,
18:07pagbabasa.
18:14Kung si mami lah,
18:16tutok sa pag-aaral ni Caleb.
18:19Si mami chabi naman daw,
18:21kapag day off niya,
18:22madalas,
18:23napamamasyal ang pambawi sa anak.
18:26Parehas man daw silang tumatayong ina ni Caleb.
18:29Magkaiba raw sila sa paraan ng pagpapalaki.
18:32Gusto ko pinaghihirapan niya yung mga gusto niya.
18:36Pag may honor siya,
18:39bibilhan ko siya ng toy.
18:40Pero pag sila mama po kasi,
18:42lalo na si papa,
18:44bibigilin agad nila yan,
18:45bibigay lahat nila yan.
18:48May mga araw daw na napapansin ni Chabi
18:50ang closeness ng mag-lola.
18:53Pero kahit na ganun,
18:54hindi naman daw nakararamdam ng ingit si Chabi sa kanyang ina.
18:58Dahil para kay Caleb,
19:00patas naman daw talaga.
19:01Pagka may kiss si mama,
19:03kailangan may kiss din ako.
19:04Hindi pwedeng isa lang sa amin.
19:06Kaya parang ang saya ko noong time na ganun si Caleb
19:09kasi na-appreciate niya ako
19:10kahit hindi ako yung lagi niya kasama.
19:12Na-appreciate niya ako as a working mom.
19:15Sa katunayan,
19:16baka hindi niyo pangaraw
19:17nakikita ang buong kwento
19:19sa likod ng graduation video ni Caleb.
19:23Kung saan sa umpisa nito,
19:25makikita siyang may sinesenyas kay teacher.
19:28Sa halip kasi na isa,
19:30ang bulaklak na hinihingi niya,
19:32dalawa pala talaga.
19:34Pero dahil tila hindi napansin ang guro,
19:37ang nakuhan niyang bulaklak
19:38e para sa isa lang.
19:46Nadismayaman.
19:47Dumiretsyo pa rin ang bata
19:48para ibigay ang bulaklak
19:50kay mommy na.
19:52Hindi po ako nasaktan nun
19:54kasi parang nakita ko po
19:55kung paano niya tinry e
19:57na mabigyan po kami buot.
19:59Grabe yung pag-try niya noon
20:00na hindi ko maisip na
20:01sa ganung edad niya,
20:02maisip niya yun
20:03na kailangan yung dalawang magulang niya
20:06mabigyan niya kasi
20:07talagang buot niya kami na-appreciate.
20:11Sa akin talaga siya nakatingin.
20:13Sa akin po inabot yung rose.
20:15Tapos sabi ko,
20:16kay mommy na lang.
20:21Sobrang happy ko
20:22kasi talagang deserve din ni mama yun.
20:23Yung paghihirap ni mama
20:25para kay Caleb
20:25nung newborn kid pa siya.
20:27Ganon.
20:28Hanggang ngayon sa paglaking niya.
20:30Hindi man nakakuha
20:32ng dalawang bulaklak si Caleb
20:33noong graduation niya?
20:36Nagpulang ang pala.
20:37Ngayon,
20:38babawi raw siya.
20:39Hindi lang tig-isang bulaklak.
20:41Hindi.
20:43Tig-isang bukay pa
20:44ang dalawang niya
20:45para sa kanyang mommy chubby
20:47at mommy lah.
20:54Kiss.
20:55Kiss.
20:55Mayroon lang ka agad.
20:56Kiss.
21:07Love you.
21:09Langka.
21:11Krami lang.
21:12Wow.
21:14Kiss me too.
21:18May iba't ibang paraan
21:20para maiparamdam
21:21yung isang magulang
21:22ang kanyang pagmamahan.
21:25Bye Caleb.
21:27Thank you mommy.
21:28Love you.
21:29Mayroong umaalis
21:30para may panusto
21:31sa pangangailangan.
21:33At mayroon ding
21:34nananatili
21:35para gumabay
21:37at umagapay.
21:39Pero maswerte ang anak
21:40kapag ang dalaw nito
21:42pareho niyang kasama
21:44sa bukid.
21:50Hindi lang bayong-bayong na ani
21:52ang bit-bit ng lalaking ito
21:54sa bukid
21:55dahil ang pasan-pasan lang naman niya
21:57sa kanyang balikat
21:58e daang-daang kilo
22:00ng gulay.
22:07Pasan-pasan kasi nila
22:08sa likod at ulo
22:10ang daang-daang kilo
22:11ng gulay.
22:18Ang eksena nito
22:20tampok sa viral video
22:21ng magsasakang si Juan.
22:23Pati bagong tanim
22:24naman tayo lang
22:25kaya mo na yung lupa
22:27bago mo taniman.
22:28Kung saan ipinasilip niya
22:30ang bigat
22:31ng kanilang
22:31pang-araw-araw na buhay.
22:33Kadalasan talaga
22:34namin binubuhat
22:35nasa 150 kilos
22:37or di 170.
22:39Pabalik-balik kami niyan
22:40mga apat na beses.
22:42Dipende kung di ka pa pagod,
22:44kung kaya mo pa.
22:46Maraming netizen tuloy
22:48ang napatanong
22:49kung paano nilang
22:50nagagawa
22:51ang ganitong trabaho.
22:59Umaga palang
23:00ay abala na si Juan
23:02sa paghahanda
23:02ng mga kagamitang
23:04dadalhin niya
23:04paakyat ng bundo.
23:11Sakay ng kanyang motor,
23:13didiretso siya
23:14sa kanilang taniman
23:15o umahan
23:16kung tawagin sa bisaya.
23:21Sisimula na nilang
23:22ipunin
23:22ang mga gulay
23:23na pwede nang anihir.
23:26Nakikita ang pagkakaisa
23:27ng kanilang komunidad
23:29sa paghahakot
23:30ng gulay,
23:30lalo na sa pag-alalay
23:32sa sino mang
23:33magbubuhat
23:33ng mga ito.
23:38Tulong-tulong
23:40sa pag-angat
23:40para maitindig
23:42ang malaking basket
23:43ng gulay.
23:48Dito lang talaga
23:49isasabit namin
23:50sa ulo.
23:51Hindi ka mahirapan
23:52na maglalakad.
23:53Mabalans namang po yan
23:54sa likod mo
23:55kasi plat na plat
23:56namang po yung
23:57lagayan namin
23:58dito yung tinatawag
24:00namin na bukag.
24:02At dahil sa kabundukan
24:04pa nang gagaling
24:05ang mga inani,
24:06mas pinipili
24:07ng mga tulad ni Juan
24:09na magbuhat
24:10ng siksik,
24:11liglig
24:11at umaabaw
24:12ng mga gulay
24:13pababa.
24:14Dahil inaabot
24:15ng mahigit isang oras
24:17ang biyahe
24:17papunta sa palengke.
24:27Sa tatlongpong taon
24:28na pagsasaka ni Juan,
24:30namasto na raw niya
24:31ang pagbabalanse
24:32ng gulay.
24:43Nakamamanghama
24:44ng lakas niya
24:45sa pagbubuhat,
24:46mas mabigat pa rin
24:47bang ang responsibilidad
24:48na kanilang pasan
24:50mula pa noong pagkabata.
24:56yung mga tinataniman
24:58namin ngayon
24:59dati-dati pala yan
25:00sa amin
25:01pang mga
25:01mga ninuno pa namin
25:03sa simula
25:04nung lula.
25:06Hanggang ngayon
25:07kami pa rin
25:08ang nagtatanim
25:09ng mga gulay
25:10dito sa aming bundok.
25:13Mahirap yung
25:15pag-harvest
25:16tsaka pagdadala
25:17ng mga produkto
25:18namin
25:18papuntang palengke
25:19kasi maglalakan pa kami
25:21niya ng malayo
25:22tapos yung mga karga
25:23namin
25:23mabibigat
25:24lalo na pag
25:26pabalik-balik
25:27yung
25:27marami kang hakutin.
25:30Panlima si Juan
25:31sa magkakapatid
25:32at panganay
25:33sa mga lalaki.
25:35Kaya maaga raw siyang
25:36namulat
25:37sa pagsasaka
25:38ng kanilang mga magulang.
25:40Ito rin daw ang dahilan
25:41kaya tumigil siya
25:43sa pag-aaral
25:44nung grade 4 pa lang.
25:46Sibintin kaming
25:46magkakapatid.
25:47Nagsimula ako
25:48nagtrabaho sa Bukin
25:50siguro na sa 7
25:52or 6
25:52kasi dito sa amin
25:54yung mga magulang mo
25:56bata ka pa lang
25:57at tinuturoan ka na talaga
25:58magtrabaho
25:59sa pagtatanim
26:01ng mga gulay.
26:06Kahit sanay na raw
26:07sa ganitong
26:08pagbabanat ng buto
26:09hindi pa rin daw
26:10maiiwasan
26:11ang disgrasya
26:12sa linya
26:13ng trabaho
26:14ni Juan.
26:15Yung pagkakarga namin
26:17sa motor
26:17hindi namin
26:17maiwasan
26:18yung gulong
26:19sumasabog
26:20tsaka
26:20na paplat
26:21may karga ka na
26:22mabigat
26:23yun ang mahirap
26:24kasi maari
26:24po kayong
26:25babalian.
26:26Pero ang kinagisna
26:27nilang buhay
26:28na bilad
26:29sa matinding
26:30sikat ng araw
26:33baliwala raw
26:34kumpara sa hirap
26:35na kanilang
26:36dinaranas
26:36tuwing tag-ulan.
26:38Hindi namin
26:39maiwasan
26:40yung madulas kami
26:41madaganan kami
26:42sa aming binubuhat
26:43kasi yung mga daanan
26:44namin
26:45madulas.
26:46Nasa hukay na nga
26:48ang isang taakong
26:49minsan.
26:50Halos wala pa raw
26:51silang kinikita
26:52dahil sa baba
26:53ng presyo
26:54ng gulay.
26:55Kung bagsak
26:56ang presyo
26:56ng gulay yun
26:57kumikita lang kami
26:58ng siguro
26:59nasa 200
26:59per day
27:01or 300
27:02ganun lang po.
27:03Kaya tila
27:04gumuhuraw
27:05ang mundo
27:05ng pamilya
27:07nang mahigit
27:08dalawang taon
27:09silang mahinto
27:10sa pagsasaka
27:11sa lupang
27:12kanilang minana.
27:13Nawala kami
27:14ng puhunan
27:15gawa ng
27:15sumra-mura
27:16na masukan
27:16muna kami
27:17sa ibang
27:18tao
27:18para
27:20makabalik kami
27:20ng paunti-unti
27:22na pagtatanim.
27:23Kung meron
27:24na nag-harvest
27:24dito
27:25pwede kang
27:25tumulong
27:26tapos
27:27babayaran ka
27:28150
27:28sa isang araw.
27:30Seven hours
27:31na po yung
27:32pagtatrabaho mo yan.
27:33Ayan,
27:33makabili ka na
27:34ng mga
27:34pangabuno,
27:35pang-expray.
27:36Ayan ang
27:37paraan dito
27:38sa amin
27:38para makapagsimula
27:40ka ulit.
27:41Tulad ng
27:41kanilang mga
27:42pangangatawan,
27:43batak din daw
27:44ang pagsasama
27:45nilang pamilya.
27:46Kaya naman
27:47kahit anong
27:48bigat
27:48at laki
27:49ng problema,
27:52binubuhat
27:53nilang
27:54magkakasama.
27:55Ganun talaga
27:56ang hanap
27:56buhay sa magbukid.
27:57Minsan,
27:58tumitigil.
27:58Sobrang namin
27:59namin
27:59close
28:00na magkakapatid po.
28:02Sa pagtutulungan,
28:04buli nilang
28:05na ibangon
28:05ang kanilang lupa.
28:11Lahat daw
28:12ng hirap
28:12sa pagsasaka,
28:14alay ni Juan
28:14sa kanyang pamilya.
28:17Mabait po siya
28:17sa mga
28:18anak namin,
28:19mapagmahal din po siya
28:20na asawa
28:21at igit sa lahat
28:22hindi po kami
28:23pinababayaan
28:24sa mga
28:24mga ngailangan namin.
28:27Para may
28:28pandagdag kita,
28:29naisipan din ni Juan
28:30na gawa ng content
28:31online
28:32ang buhay nila
28:33bilang magsasaka.
28:35Magtanim na tayo
28:36ng panibagong
28:38repulyo.
28:38Hindi ko
28:39in-respect
28:39yung aking
28:40pagbablog
28:41na mag-grow.
28:42So malaking
28:43tulong na po yan
28:44sa amin
28:44na mag-asawa
28:45at makakatulong din tayo
28:47sa kapwa namin
28:48dito na mag-uma.
28:51At bilang
28:52pagpapasalamat
28:53sa mga sakripisyo
28:55at buong araw
28:56na pagtatrabaho
28:57din na Juan?
28:59Naghanda naman
29:00ng munting
29:01sorpresa
29:01ang kanilang pamilya.
29:10Para sa akin,
29:11mahalaga po yung
29:12pagsasaka
29:13kasi nakakatulong po
29:14ako sa mga
29:15tao
29:16kung meron silang
29:17mahihain
29:17na magulay
29:19ng dahil po
29:20sa amin
29:20na magsasaka.
29:21Kasi kung wala
29:22kaming magsasaka
29:23eh wala din
29:24yung makain
29:26po yung gulay
29:26yung taga-syudad.
29:30Para sa magigiting
29:31nating magsasaka
29:32salamat po
29:34sa inyong serbisyo.
29:36At sa mga tulad
29:37ni Juan
29:37isang pagsaludo
29:39na kasing digat
29:41at tayo
29:41ng pasan
29:42yung mga gulay.
29:50Sana po
29:51ay napangiti
29:52kayo
29:52ng aming
29:53mga kwento.
29:54Hanggang sa
29:54susunod na sabado,
29:56ako po si Vicky Morales
29:57at tandaan,
29:58basta puso,
29:59inspirasyon
30:00at good vibes,
30:02siguradong
30:02good news yan.
Comments

Recommended