00:24LTO
00:31Sa polis station, nag-usap para sa isang kasunduan ng driver ng sasakyan ng LTO at siklistang nakabangga sa isa
00:38pang siklista.
00:40Nagpapagaling naman sa ospital ang natumbang siklista.
00:45Patay na pero kumukubra pa rin ang pensyon. Yan po ang nabisto ng ilang taga-Maynila nang mapansin nilang firmado
00:52sa listahan ng mga nakatanggap ng pensyon ang pangalan ng ilang kaanak nilang matagal ng patay.
00:58Balitang hatid ni Jomer Apresto, Exclusive.
01:05Halos apat na taon ng patay ang 84 years old na si Santos Conde, residente ng isang barangay sa Santa
01:11Ana, Maynila.
01:12Pero nagtaka ang kanyang kaanak na mayroong nagkiklaim umano ng social pension niya na 500 piso kada buwan mula sa
01:19lokal na pamahalaan ng Maynila.
01:21Bukod kay Santos, may kumukuha rin daw sa pensyon ng kanyang bayaw na si Efren de la Rosa na apat
01:27na taon na rin patay.
01:28Ang kapatid ni Efren na kumuha ng sariling pensyon ang nakakita na nasa listahan pa ang kanyang kapatid.
01:35Agad daw silang dumulog sa Office for the Senior Citizens Affairs o OSCA ng Manila LGU.
01:40Doon nila nakita na may mga nakapirma sa pangalan ni Efren at Santos para sa payout ng January 2026 hanggang
01:47March 2026.
01:49Hindi rin daw bababa sa sampung senior citizens sa nasabing barangay ang patay na.
01:54Pero nasa listahan pa rin at may kumukuha rin ng kanilang pensyon.
01:58The worst thing is nakakapag-payout sila and then may signatures pa.
02:02Ang malala sir, napipirmahan nila, hindi no doktor nila yung signatures.
02:06Ayon kay Dara, mga opisyal ng barangay lang ang may authority na humawak ng dokumento para sa payout sa beneficaryo.
02:12Nang matuklasan nila at ilapit sa OSCA, lumapit daw sa kanilang kapitan ng barangay.
02:17Iginiit daw na wala siyang alam sa nangyari.
02:20Biroin nyo sir, 4 years. Sa 4 years na yun, kung hindi pa makita nung tita ko yung signature nung
02:25tito ko, hindi nila idedeclare yung mga senior na patay na.
02:30Nagmamakaawa yung chairman namin. Biglang sabi na baka naman pwedeng iurong na lang kung anong gagawin.
02:36Ibibigay ko yung sahod nung dalawa, iurong nyo lang. Maling-mali, kustisya.
02:42Desidido ang pamilya ni Dara na ituloy ang reklamo laban sa barangay officials na sangkot umano.
02:46Ang asawa ni Lolo Santos na si Elsa, hindi makapaniwala sa nangyari. Malapit daw sa kanilang pamilya, kapitan at sekretary
02:54ng barangay.
02:55Hindi ho namin akalain na gagawin niya sa pamilya namin ng ganyan.
02:58Ang hirap po ba tanggapin na gano'n? Kasi alam ho ng buong barangay kung gano'n kami kahirap.
03:04Narito ako sa mismong barangay hall na inire-reklamo ng ilang residente.
03:07Sinubukan namin makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay.
03:10Pero ayon sa ilang naka-duty na tanod, walang mga opisyal ng barangay na naka-duty sa mga oras na
03:16ito.
03:17Bukod sa investigasyon ng OSCA, dumulog na rin kanina sa istasyon ng pulisya ang pamilya ni Dara para magsampa ng
03:23reklamo.
03:23Ayon sa pulisya, posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang mga sangkot sa nasabing iligal na aktibidad.
03:29Kabilang na rito ang malversation of public funds, falsification of public documents at estafa.
03:34Ayon naman sa DILG, aalamin muna nila ang katotohanan sa likod ng kwento bago magbigay ng komento.
03:40Hinihintay pa namin ang tugon ng Manila LGU, kaugnay sa nangyari.
03:44Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.
03:52Friday latest, proud ang cast at production team ng Kapuso Animated DocuFilm na 58 sa kanilang Philippine premiere sa Cinemalaya
04:012026.
04:03After mag-compete at ipalabas sa iba't ibang film festivals abroad, masaya raw ang bidang si Glaiza de Castro na
04:10mapapanood na rin ang 58 dito sa bansa.
04:13Ang paksa ng pelikula na 2009 Maguindanao Massacre, isa raw sa mga kwentong hindi dapat kalimutan ng mga Pilipino.
04:21Present si Glaiza sa Cinemalaya premiere nito, iba pang cast members at bumuo ng pelikula.
04:27Dumalo rin si Reynafe Castillo, ang ginampanang karakter ni Glaiza sa docu-film.
04:33Hindi napigilang maluhan ni Glaiza sa post-screening speech ni Castillo.
04:40So ikaw ang tapang niyo po, nasabi niya na umubos na po yung takot ko sa buhay.
04:46So parang bilang babae din, nakaka-inspire, na sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay, na nandito pa rin
04:53siya lumalaban.
04:54Full support din ang ilang mahal sa buhay ni late veteran actor Ricky Davao,
04:59ang bumida bilang Bebot Momhays sa pelikula o ang 58th victim ng Maguindanao Massacre.
05:05Kabilang sa mga nanood ang anak niyang si Ricky May Davao at partner na si Mayeth Malka.
05:12Present din ang award-winning kapuso journalist host na si Jessica Soho.
05:16At ilang kapuso officers sa pangunguna ni GMA Public Affairs Senior Vice President at GMA Pictures Executive Vice President Nessa
05:25Valdelion.
05:28Sa iba pang balita, pinalawig ng Pasig Regional Trial Court ang suspensyon nito
05:32sa pagpapatupad ng 85 pesos na omento sa sahod ng minimum wage earners sa Metro Manila.
05:38Hanggang kahapon lang dapat ang visa ng temporary restraining order na inilabas ng Pasig RTC noong July 24.
05:44Pero naglabas ito kahapon ng preliminary injunction laban sa taas sahod.
05:50Ibig sabihin, hindi pa rin matatanggap ang unang tranche ng wage hike na 60 pesos kada araw.
05:57Nakasad sa utos ng Korte na posibleng mauwi sa job termination ng mga magagawa kung ipatutupad na ang dagdag sahod.
06:04Mas malalang sitwasyon daw ito kaysa sa pansamantalang pagharang sa omento sa sahod.
06:09Kinundi na ng ilang labor groups ang preliminary injunction.
06:12Sabi ng Trade Union Congress of the Philippines, hihiling sila na bawiin yan ng Korte.
06:18Ayon naman sa grupong sentro ng mga nagkakaisa at progresibong manggagawa,
06:22maliit na nga ang 60 pesos na omento kumpara sa tumataas na presyo ng mga bilihin.
06:27Bakit ipinagkait pa?
06:28Ginit ni Akbayan Partilist Rep. Chiel Jocno, malinaw sa Article 126 ng Labor Code
06:34na bawal maglabas ng anumang TRO o injunction ng anumang Korte laban sa wage order.
06:40Wala pang bagong pahayag ang dole.
06:43Bago lumabas ang preliminary injunction, sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino
06:47na igigit din nila ang Article 126 ng Labor Code.
06:54Kinontra ng Department of Justice ang pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte
06:58na walang jurisdiksyon ang Quezon City Regional Trial Court sa kaso ng grave threats laban sa BICE.
07:04Para sa Malacanang, kulang parao ang isinampang kaso ng DOJ laban kay VP Duterte.
07:10Balitang hatid ni Darlene Kay.
07:14Nag-file ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng motion to quash o pagbabasura
07:20sa isinampang kasong grave threats ng Department of Justice laban sa BICE.
07:24Ang kaso, nagugat sa mga pahayag ni Duterte sa livestream na may kinontrata na raw siyang gunman
07:29para patayin si napangulog Bongbong Marcos, unang ginang at nakaupo noong speaker.
07:34Sakaling may pumatay sa kanya.
07:36Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romales. No joke.
07:43Ayon sa abogado ng BICE, wala raw jurisdiksyon ang Quezon City Regional Trial Court sa kaso.
07:50Nauna nang sinabi ng kanyang kampo na hindi maaaring ipagsakdal ang BICE
07:55dahil ang akusasyong pagbabanta sa Pangulo nakapaloob din sa impeachment case laban kay Duterte.
08:01Kinontra ito ni Prosecutor General Richard Anthony Fadolion.
08:05Wala namang nagbabar na hindi siya pwedeng filan ng kaso. Yun ang pananaw ng Department of Justice.
08:10Binigyan ang Korte ng limang araw para magsumitin ang komento sa motion to quash ni Duterte.
08:16Isinampa ng DOJ ang kasong grave threats laban sa BICE pero ibinasura naman ito ang rekomendasyon ng NBI
08:21na pagsasampa rin ng kasong inciting to sedition.
08:25Kaya naniniwala si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi sapat ang naging resolusyon ng DOJ.
08:32Sabi ko nga kulang pa yun.
08:34As a lawyer, if you will watch the full video, the video in full, ang effect nun is
08:43there is this intention to sow hatred against the President, against the government.
08:51So, it is not just a simple grave threats.
08:57Personally, my opinion.
08:59We had mentioned that it is not inciting to sedition when these are just mere utterance or speeches.
09:11When it is not proven that the accused or the defendant incited the people to rise publicly
09:17and tumultuously in order to achieve the ends mentioned under the particular article covered
09:23which is Article 139 of the Revised Penal Code.
09:26So, ito po yung maaring yung po ang pananaw ng ating Palace Spokesperson
09:32pero ito po yung naging findings naman po ng ating mga prosecutors
09:37nung ito po ay sin-object to preliminary investigation.
09:41Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA News.
09:49Update tayo sa ilang barangay sa Kalasyao, Pangasinan kung saan humupan ang baha.
09:54May ulat on the spot si Cindy Salvation ng GMA Regional TV.
09:58Cindy?
10:03Rafi, mahina hanggang katamtamang lakas ng pagulan ang nararanasan sa ilang bahagi ng Pangasinan
10:08ngayong Biyernes, August 14.
10:10Kaya paalala ng PDRRMO sa publiko, iba yung pag-iingat lalo na yung mga nakatira malapit sa mga ilog.
10:20Humupan na ang baha sa ilang barangay sa bayan ng Kalasyao, Pangasinan.
10:23Isa rito ang barangay dinalawa na nitong mga nakaraang araw lang nakaranas ng pagbaha
10:28ngunit mabilis din daw humupa dahil sa paghina ng mga pagulan.
10:32At para mabawasan pa ang mga naipong tubig at mga putik dulot ng baha
10:35nagbayanihan ang mga residente at barangay council sa pagtatambak ng lupa sa ilang binahang sityo.
10:41Bumaba na rin ang antas ng baha sa mga kakalsadahan sa bayan ng Kalasyao.
10:45Gayunman, ayon sa Kalasyao MDRRMO, 21 barangays pa rin ang nananatiling lubog sa baha.
10:51Aabot sa apat na talampakan ang pinakamataas na antas ng baha na naitala sa bayan.
10:55Sa huling tala ng Office of Civil Defense Region 1, bumaba na sa 57 barangays ang nananatiling baha sa buong
11:02Ilocos Region.
11:0386 na rin sa mga barangay ang tuluyan na raw na humupa ang baha.
11:09Rafi, sa kabuang datos ng Civil Defense ay umabot na sa may 240,000 na pamilya katumbas
11:15ng mahigit 800,000 individual ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at hagupit ng habagat sa buong Ilocos Region.
11:23Rafi.
11:24Maraming salamat. Sandy Salvation ng GMA Regional TV.
Comments