Skip to playerSkip to main content
-Motorcycle rider na bumangga sa bisikleta, patay matapos matumba at magulungan ng truck; Kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini Chiu, arestado dahil sa 124 counts ng kasong qualified theft na isinampa ng actress-TV host; DOH: Mahigit 10,000 ang kaso ng leptospirosis mula Jan. 4-Sept. 12; 34% na mas mataas kompara noong isang taon; 524, nasawi; Lalaki, sugatan sa pananaksak ng isa pang lalaking may atraso umano siya; Sparkle stars Bianca Umali at Migs Almendras, mapapanood sa romantic film na "Always Yours, Never Mine;" Kompanyang naging campaign donor ni VPSD noong 2022, konektado sa contractor ng kuwestyunableng flood control projects sa Davao City, batay sa mga dokumento ng gobyerno; 


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito, ito yung pangalaman na ngagulayin.
00:03Huli ka ang magpagbangga ng motorsiklong yan sa sinusundang siklista sa kahaba ng A. Bonifacio Avenue sa Cainta Rizal.
00:09Pareho silang natumba.
00:11Nakaligtas ang siklista pero dead on the spot ang rider matapos pumailalim at magulungan ng kasabay na truck.
00:19Ayon sa mga polis, na out of balance ang rider ng motorsiklo dahil sa bisikleta.
00:24Arestado ang driver ng truck na maaharap sa reklamang reckless imprudence resulting in homicide.
00:30Humingi siya ng pasensya sa nangyari at sinabing hindi niya akalain na tao na pala ang nagulungan ng minamanehong truck.
00:38Arestado sa Mandaluyong ang kapatid ni Kim Chuna C. Lacambini.
00:42Para yan sa patong-patong na kasong qualified theft na isinampan ang Actress TV host sa kanyang ate.
00:48Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:53Sa visa ng arrest warrant mula sa Quezon City RTC Branch 84,
00:57inaresto ng mga otoridad si Lacambini Lacam Chiu sa parking lot ng isang kondo sa barangay Wakwak, Mandaluyong kahapon.
01:06Si Lacambini Chiu, ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Kim Chiu,
01:11naaharap siya sa 124 counts ng kasong qualified theft na may inirekomendang kiyansang 5.8 million pesos.
01:18Di na lang sa kamuning police station 10 si Chiu, kung saan siya pansamantalang ikukulong.
01:24Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
01:26As of now, sir, naka-custody sa amin, naka-detain dyan sa custodial facility ng station,
01:34and pending ho dun sa commitment order na galing ho sa court.
01:38Noong Disyembre, sinampahan ni Kim Chiu ang kapatid ng kasong qualified theft,
01:42matapos madiskubre ang may nawawala o manong pera sa kanyang negosyo na abot sa 44 million pesos.
01:49Sa pahayag ng aktres noong Disyembre, sinabi niyang ang pagsasampanang kaso laban sa atin niya,
01:56ang isa sa pinakamasakit niyang ginawa.
01:59Napilitan daw siyang gawin ito para protektahan ang kanyang kumpanya at ang kabuhayan ng kanyang mga empleyado.
02:05Sa pahayag naman ng legal counsel nila, Cam Chiu, na si Atty. Dominic Solis noong September 17,
02:12ikinalulungkot daw ng kanyang kliyente ang pagsasampanang kaso ng sarili niyang kapatid laban sa kanya.
02:18Pero patuloy namang umaasa na mareresol ba ang gusot sa kanilang pamilya.
02:23Aharapin daw niya ang mga aligasyon ng naayon sa legal na proseso.
02:28Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag si Kim Chiu tungkol sa pagkakaaresto ng kapatid.
02:33Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:46Mga kapuso, nadagdagan pa agbilang ng leptospirosis cases sa bansa.
02:50Sa Santa Maria, Bulacan, apat na istudyante ang nasawi matapos tamaan ng leptospirosis.
02:55Ayon sa mga magulang, nakranas ng sintomas ang mga anak nila ng linggo matapos lumusong sa baha.
03:01Sa Dagupan, Pangasina naman, nasawi rin ng isang jeepney driver.
03:05Kwento ng kanyang pamilya, nakabota naman ng biktima pero dahil sa taas ng baha, pinasok pa rin ang kanyang bota.
03:12Sa pinakahuling tala ng Department of Health, mahigit 10,000 kaso na ng leptospirosis ang naitala mula January 4 hanggang
03:18September 12.
03:19Mas mataas siya ng 34% kumpara sa naitalang kaso sa kaparyong panahon noong nakarang taon.
03:26Ngayong taon, mahigit 500 ang naitalang nasawi dahil sa leptospirosis.
03:31Payo ng health authorities, magtungo agad sa paggamutan kung makararanas ng sintomas ng leptospirosis.
03:37Kabilang dyan ang lagnat na may kasamang panginginig at pananakit ng kalamnan lalo na sa binti.
03:43Matinding sakit ng ulo, pamumulan ng mata, pananakit ng tiyan,
03:48mapulang paltos sa balat, paninigas ng leeg at hirap sa pag-ihi.
03:55Sugatan ang isang lalaki sa General Santos City matapos saksakin ng isa pang lalaki.
04:01Dugoan ang biktima ng humingi ng saklolo sa isang tindahan.
04:04Rumisponde ang mga pulis at dinala siya sa ospital.
04:07Kwento ng mga saksi sa pangyayari, sinaksak umano siya ng suspect na sakay noon ng motorsiklo.
04:13Base sa mga narinig nila, may atraso umano ang biktima sa nanaksak.
04:18Patuloy ang pagtugi sa suspect.
04:20Kinukuha pa ang pahayag ng biktima.
04:30Monday Latest, mapapanood si na Sparkle stars Bianca Umali at Migs Almendra
04:36sa upcoming romantic film na Always Yours, Never Mine.
04:41Present sa media launch ng film si na Bianca at Migs at iba pang cast members.
04:46Chika ni Bianca kita ang healthier lifestyle niya sa teaser ng pelikula.
04:51Ito ang first romance drama ni Bianca.
04:54Gaya ni Bianca, excited na rin si Migs sa film na malapit nang mapanood sa sinihan.
05:02I'm excited to be able to collaborate and work with a new set of people.
05:07With people who noon hindi ko alam kung makakatrabaho ko.
05:12And it wasn't so hard for me to connect with them because they were also very open in connecting with
05:22me.
05:22It's a life story.
05:23It's a love story that spans multiple times different years.
05:28How does love transform throughout the years?
05:33Samantala, from TV to online, ang pagpapakilig ni na Sparkle stars Shuvie Etrata at Anthony Constantino.
05:42Bida naman sila sa digital series na From Blog to Love na napapanood tuwing Friday at Saturday sa GMA Network
05:49Channel.
05:50Well, kasunod yan ang success ng Palette episode ng Barangay Love Stories kung saan tampok silang dalawa.
05:57Thankful si na Shuvie at Anthony sa pagtangkilik sa kanilang on-screen chemistry.
06:03This is our first official series.
06:06We were very patient with each other, especially knowing na una pa lang namin naman to, give grace to each
06:12other.
06:13It felt like an honor to actually meet Papa Durot for the first time and actually just to hear his
06:18podcast on the radio.
06:25May connection umano sa Pamilya Duterte ang top contractor ng flood control projects sa Davao City.
06:32Batay po yan sa investigasyon at mga dokumento ng gobyerno.
06:36Ang Genesis 88 Construction Incorporated ay nakalistang contractor sa lahat ng 47 flood control projects na nakitaan ng red flags
06:46umano ng National Bureau of Investigation.
06:48Na una nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ang ilan sa mga proyektong yan ay ghost o substandard.
06:55Batay sa pagsusuri ng GMA News Research, ang Genesis 88 ay top contractor sa Davao Region para sa flood control
07:03projects.
07:04Mahigit 7 billion pesos na halagaan ng proyekto ang nakuha nito sa Davao City mula 2018 hanggang 2024.
07:12Batay sa 2026 General Information Sheet ng Genesis 88, si Glenn Escandor ang Chief Executive Officer nito.
07:21Si Escandor din ang presidente ng SDEVCO o Escandor Development Corporation na campaign donor ni Vice President Sara Duterte noong
07:30eleksyon 2022.
07:32Si Escandor ay naging Presidential Assistant for Sports noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:38Ipinatatawag ng NBI ang Regional Director ng DPWH Davao Region na si Juby Blancaver Cordon sa Webes September 24,
07:49kaugnay sa 47 flood control projects na nakitaan ng red flags.
07:54Sinusubukan ng GMA News na makuha ang panig ni na Cordon, Escandor at ng Genesis 88 Corporation pati ng Pamilya
08:03Duterte.
08:06Ipinatawag ng Duterte.
Comments

Recommended