00:00Pulli cam na aksidente sa Cainta Rizal.
00:02Patay ang angkas ng isang motorsiklo matapos pumailalim at makalagkad ng jeep.
00:08Ayon sa inarestong driver ng jeep, nawalan daw siya ng preno.
00:12Balita natin ni EJ Gomez.
00:18Tinatahak ng motorsiklong yan ang Ortigas Avenue Extension sa Barangay San Isidro Cainta Rizal kagabi.
00:24Kasunod nito ang isang jeep na lumipat ng lane.
00:27Nasalpok nito ang motorsiklo sa pedestrian lane.
00:31Tumilapon sa kalsada ang motorcycle rider.
00:34Tumayo, hinabol at pinalo pa ang jeep dahil ang angkas pala niya pumailalim at nakalagkad pa ng jeep.
00:43Pahirap pa ng pag-angat sa jeep para kunin ang biktima.
00:46Kumalso pa sa unahang gulong ng jeep ang helmet ng biktima.
00:50Pinagtulungan po ng mga pulisan natin at ng mga taong bayan saka MDRMO
00:54naiangat po yung jeep para mailabas po natin yung biktima na naipit doon sa ilalim ng jeep.
01:00Medyo napuruan ang kanyang chan at unconscious na po siya.
01:04Isinugod sa ospital ang 35 anyos na babaeng biktima pero idiniklara siyang dedo na rival.
01:10Namaga naman ang kanang palad ng 36 anyos na rider na kapatid ng nasawing biktima.
01:16Aniya, galing silang Quezon Province at pauwi na sana sa Pasay nang mangyari ang insidente.
01:22Naka red light po.
01:24E di tumigil lang po kami doon sa may tawid lang po ng tao.
01:28Tapos nung pagtigil po namin doon, bigla po, bigla po may dumating na mabilis na jeep.
01:34Tumalbog po kami ng malayo at saka yung kapatid yun.
01:36Nayupi ang kaliwang side mirror at nasira ang likurang bahagi ng motorsiklo.
01:41Sobrang sakit. Sobra-sobra naming malong kapatid namin.
01:44Kasi siya na lang yung natulong sa amin mami. Siya yung may trabaho.
01:49Kaya lahat ng mga kapatid namin, sobrang nalulungod. Sobrang nasasaktan siya nangyari.
01:54Sa may pedestrian lane na ito sa Ortigas Avenue Extension, sinalpok ng jeep ang motorsiklo.
02:00Inaresto ang si 73 anyos na driver ng jeep na nawalan umano ng preno ayon sa pulisya.
02:08Hindi niya po napansin na may motor po na huminto. Nawalan daw po siya ng preno nung oras na yun.
02:14Nasa unahan siya ma'am, bigla siya ng minto. Ako tumatakbo. Pag preno ko, inabot siya.
02:22Masensya na, sorry na. Hindi ko masinasadya. Excedente yan.
02:26Sasampahan ang driver ng jeep ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury and damage to property.
02:35EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
02:40Walang face-to-face klase sa ilang lugar sa South Cotabato bilang pag-iingat kasunod ng pamamaril sa Banga National
02:46High School.
02:47Nag-anunsyo na ang mga lokal na pamahala ng Banga, Surala at Coronadal City.
02:51Gayun din sa Labak Sultan Kudarat.
02:54Tatlo ang nasawi sa Banga National High School, kabilang ang estudyante yung shooter sa nangyaring pamamaril nitong biyernes.
03:01Batay sa investigasyon ng lokal na pamahalaan, Agosto paplinano ng shooter ang pamamaril at September 3 dapat gagawin pero hindi
03:09itinuloy.
03:10Nagbabala pa umanong shooter sa mga kaklase ilang oras bago mamaril kaya may mga hindi raw pumasok.
03:16Akala naman daw ng iba, nagbibiru lang siya.
03:19Ayon sa Police Regional Office 12, kinuha ng shooter ang baril ng kanyang ama matapos sirain ang safety box na
03:25kinalalagyan nito.
03:26Nang mangyari ang paumaril, nagsasagawa noon ng seminar ang kanyang amang empleyado ng DepEd.
03:32Sabi ni DILG Secretary John Vic Rimulia, posibleng managot ang ama ng shooter pero mahinaan niya ang reklamang reckless imprudence.
03:39May mental condition din anyang shooter at na-impluensyaan o mano ng karahasang nakita sa deep dark web.
03:46Isusulong ni Rimulia sa Kongreso na palakasin ang batas kaugnay sa responsible gun ownership at limitahan ang paggamit ng mga
03:52bata sa social media.
03:53Kinausap na ng DepEd at South Cotabata Provincial Government ang mga guro na binibigyan ng stress debriefing.
04:00Nagbibigay rin ng tulong at suporta ang DSWD sa mga biktima at saksi sa karahasan.
04:12Halos magdamag na inulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal.
04:16Malakas ang buhos ng ulan sa bahagi ng MRT North Avenue, Quezon City, kagabi.
04:20Ang ilang motorcycle riders sa EDSA Munoz sumilong muna sa tabing kalsada hanggang tumila ang ulan.
04:27Malakas din po ang ulan sa bahagi ng Marcos Highway sa Pasig.
04:31Agad namang bumaha sa ilang bahagi ng Felix Avenue sa Cainta Rizal.
04:35Gutter deep ang tubig.
04:37Ayon sa pag-asa, thunderstorm ang naranasan sa NCR at ilang karating lugar.
04:42Ngayong lunes, halos buong bansa kasama ang Metro Manila ang makararanas na maayos at maaro na panahon pero posible pa
04:49rin po ang mga local thunderstorm.
04:51Uulanin namang muli dahil sa hanging habagat ang Palawan at Mindoro Provinces.
04:56Sabi ng pag-asa, wala pang epekto sa lagay ng ating panahon ang binabantayang low pressure area na nasa Pacific
05:02Ocean.
05:03Kuliang na mataan, mahigit 2,000 kilometro silangan ng Visayas.
05:08Ayon sa pag-asa, mababa ang tsansa ng nasabing LPA na maging bagyo pero posible po itong pumasok sa Philippine
05:14Area of Responsibility.
05:16Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory dito sa Metro Manila at sa ilang panig ng Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna
05:24at Quezon Province.
05:26Tatagal ang babala hanggang 11.34 ngayong tanghali.
05:30Isinailaling naman sa thunderstorm watch ang Ilocos Norte, Aurora, Occidental Mindoro, Palawan, halos buong Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.
05:40Posible ang biglaang ulan na may pagkulog pagkidlat sa mga nasabing lugar sa mga susunod na oras hanggang alas 10
05:47mamayang gabi.
05:52Sa mga motorista, magpakarga na ng gasolina.
05:56Posible kasi magkaroon ng big-time oil price hike bukas.
05:59Sa tala ng oil industry sources, 8 pesos and 50 centavos hanggang 9 pesos and 50 centavos ang posibling dagdag
06:06sa kada litro ng diesel.
06:084 pesos and 50 centavos hanggang 5 pesos and 50 centavos naman ang posibling taas presyo sa kada litro ng
06:15gasolina.
06:16Ayon sa Department of Energy, nakakapekto pa rin dyan ang nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
06:25Muzika
Comments