Skip to playerSkip to main content
-Lalaking nagbebenta ng ilegal na droga at babaeng parokyano, arestado sa buy-bust operation; OCD: Caraga, CALABARZON at Cagayan Valley, binabantayan sa gitna ng banta ng "Very Strong El Niño" ngayong Q4 ng 2026; Juliana Candelaria, naka-silver sa Women's Individual Poomsae; Dating tauhan ni VP Duterte na si Jefry Tupas, itinanggi ang sinabi ni Rodulfo Gracioso, Jr. na tumanggap siya ng pera para kay VPSD; "Kalurks!" Sunday chikahan sa GTV, mapapanood sa mas maagang oras na 8:15pm simula Oct. 4


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado sa by-bast operation sa Quezon City, ang isang lalaking nagbebenta ng iligal na droga at isang babaeng parokyano.
00:08Aminado sila sa krimen.
00:10Balitang hatid ni James Agustin.
00:14Sa kanyang bahay sa barangay Payatas, Quezon City, inaresto ng pulisya ang 38 anyo sa lalaki.
00:20Matapos siyang mabilhan ng droga ng pulis sa nagpanggap na buyer.
00:23Huli rin ang 38 anyo sa babae na kanyang kaibigan na naaktohang bumibili ng droga.
00:29Ang drug by-bast operation, nag-ugat sa sumbong ng isang residente na labas-masok ang mga tao sa lugar.
00:35Yung ating mga operatiba, nag-conduct sila ng validation dun sa lugar kung talagang totoo itong isinusumbong na isang concerned
00:43citizen.
00:44At nung makonfirma nga nila na itong lalaking ito, itong ating suspect na ito ay sangkot nga sa pagbebenta ng
00:52iligal na droga.
00:53Agad naman po tayo nakipag-coordinate sa PDEA.
00:56Nakukuha sa mga sospek ang ilang sashay ng Shabu na nagkakahalaga ng mayigit sa 27,000 pesos.
01:03Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung nagsisilbing drag din ang bahay.
01:06Yung modest or transaction niya is yung mga parokyano niya o yung mga bumibili sa kanya is pinapapunta niya mismo
01:14doon sa bahay niya.
01:15Para sa tingin nila, walang makakakita o safe sila sa pag-aabutan nila ng iligal na droga.
01:21Aminado ang lalaking sospek na suma-sideline siya sa pagbebenta ng droga dahil mahina ang kita sa pag-iimpahinante ng
01:28truck.
01:28Dala lang po na kay Raban.
01:30May mga nakuha po sa inyo droga?
01:33Opo.
01:34Ang babaeng sospek naman, iginiit na napag-utusan lang siya na bumili ng droga.
01:38Bumabawas lang din po ako kapag inutusan ako eh.
01:42Makano akong binibili sa inyo?
01:43Minsan 200, yan o 300. Bumabawas lang ako sa pera.
01:47Pero kayo po'y gumagamit pa lang?
01:50Opo.
01:50Marap ang dalawang sospek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Ragsak.
01:56James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
02:01Tatlong regyon ang minomonitor ng Office of Civil Defense sa gitna ng banta ng very strong El Niño ngayong ikaapat
02:07na quarter ng taon.
02:08Ayon sa OCD, may mga nakita ng epekto ng El Niño sa Carga, Calabarzon at Cagayan Valley.
02:14Sa kabuuan, mahigit 300,000 na taon na raw ang apektado ng mga init na panahon at karamihan ay sa
02:21Carga.
02:21Ayon sa pag-asa, tatagal ang El Niño hanggang March o June sa susunod na taon.
02:26Nasa 80 probinsya raw ang posibleng makaranas ng mas kaunting ulan at mas mainit na temperatura.
02:33Naka-alerto naman daw ang mga local government unit.
02:43Nadagdagan pa ang silver medal at bronze medal ng Pilipinas sa 2026 Asian Games.
02:48Sa Taipundo, naka-silver si Juliana Candelaria sa Women's Individual Pumse Finals.
02:54Bronze medal naman ang nakuha ni Jeyus Yape sa Men's Individual Pumse.
02:59Panalo naman si Pinaytenistra Alex Yala ng bronze medal sa Women's Singles matapos ang semifinals.
03:04Nakuha ni Alex ang first set pero nanayig ang pambato ng China sa sumunod na dalawang set.
03:20Sa ngayon, nasa 18th place ang Pilipinas na may 22 medalya sa 2026 Asian Games.
03:27Tatlo ang gold, lima ang silver, habang labing apat ang bronze.
03:33Itinanggin ng kontratistang si Curly Discaia at ng dating tauhan ni Vice President Sara Duterte na si Jeffrey Tupas
03:40ang mga aligasyon ni Rodolfo Gracioso Jr.
03:43Kabilang si na Discaia Tupas sa mga idinamit ni Gracioso na nagpakilalang security aid noon ni dating House Speaker Lord
03:49Alan Velasco
03:50tungkol sa malemaletang perang idiniliver daw niya sa ilang politiko.
03:54Balita ng atin ni Chino Gaston.
03:59Sa kanyang kontrasalaysay na isinumete sa NBI, itinanggin ni Jeffrey Tupas ang mga aligasyon sa kanya
04:06ng dating polis na si Rodolfo Gracioso Jr.
04:09Kaugnay sa paghahatid umano ng malemaletang pera sa kanyang dating boss na si Vice President Sara Duterte.
04:16Tinawag ni Tupas na napakalaking kasinungalingan ang mga sinabi ni Gracioso.
04:21Imposible raw ang sinabi ni Gracioso na nag-abot ito sa kanya ng mga malemaletang pera noong mahal na araw,
04:29Abril ng 2019 sa Marinduque.
04:31Sabi ni Tupas, hindi pa siya nakakarating ng Marinduque sa buong buhay niya
04:36at wala siya sa bansa noong Holy Week ng taong 2019.
04:40Kalakip ng kanyang affidavit ang kopya ng kanyang electronic ticket,
04:43stamp sa kanyang passport, ng pechang pagpasok sa Korea
04:47at mga litrato at messages sa social media.
04:50Hindi rin daw totoo ang sinabi ni Gracioso na naghatid siya ng pera noong September 21, 2019
04:56sa isang hotel sa Manila dahil nasa Japan raw siya na mga panahon yun.
05:02Patunay daw ang kanyang mga airline ticket at entry stamp sa pasaporte.
05:06Pinula rin ni Tupas na mali ang spelling ng kanyang apelido sa affidavit ni Gracioso.
05:11Sa isang liham naman kay NBI Director Melvin Matibag,
05:15sinabi ng abogado ni Tupas na dumating ang mga taga-NBI sa tahanan ng kanyang kliyente
05:20sa Cotabato noong September 29 para mag-alok-umanon ng protective custody
05:25pero ang laman ng papel pala ay sampina.
05:28Ayon kay Matibag, hindi itinuturing ngayon na sospek si Tupas
05:32at ibabanggaraw ang mga sinabi niya sa kanyang affidavit sa mga aligasyo ni Gracioso.
05:37Lalo nang kailangan natin mag-imbestiga sino ngayon yung mag-agsasabi ng totoo talaga sa kanila.
05:45So tingnan natin kung ano.
05:46Kasi yung si Jeffrey Tupas, sinampina namin siya eh.
05:50Hindi siya dumating, nagpadala lang siya ng sinumpang sa laisay niya.
05:53Hindi siya natin tinuturing na sospek o kung anuman.
05:57Kundi tulungan mo kami na magbigay linaw.
05:59Dahil importante ito eh.
06:01We're talking about delivery ng pera na nasa maleta, nasa kahon.
06:05Yan na rin yung isyo noon.
06:07Sa isang pahayag, sinabi ni Tupas na bago siya magsumitin ng affidavit kahapon,
06:12may mga natanggap siyang banta sa kanyang kaligtasan.
06:15Umaga ng September 29, nang imbitahan siya ng NBI na pumunta sa Maynila
06:21dahil sa impormasyong dudukutin umano siya ng mga Duterte.
06:25Nagulat daw si Tupas dahil imbis na tungkol sa umano'y banta sa kanyang kaligtasan,
06:30ang imbitasyon ng NBI ay sampina pala para magsalita tungkol sa umano'y mali-maletang perang.
06:37I-deliver daw ni Gracioso sa kanya para kay Vice President Duterte.
06:41Ayon kay Tupas, hindi siya nakakaramdam ng banta mula sa mga Duterte,
06:46kundi sa mga mismong nag-alok sa kanya ng proteksyon.
06:50Minomonitor na raw ni Tupas ang mga insidente ng pananakot umano'y sa kanya at sa kanyang pamilya.
06:56Nauna nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na hindi pa niya nababasa ang sanaysay ni Tupas.
07:04Wala pang bagong pahayag ang NBI kaugnay nito.
07:07Ipinakita rin ni Matibag ang polygraph o lie detector test ni Gracioso
07:11na bagamat hindi karaniwang dinatanggap bilang ebidensya,
07:15ay magsisilbing mahalagang gabay raw sa kanilang investigasyon.
07:19He was asked questions based on the prohibits.
07:22Meron kaming pinagsisimulan na ibig sabihin namin, teka parang base base dun sa methodology ng polygraph
07:29which is a scientific na pamamaraan, na technical na pamamaraan,
07:34eh it looks like hindi siya nagsisinungaling.
07:37Pero aminado si Matibag na kailangan pa rin ng ebidensya para patunayan ang mga aligasyon ni Gracioso.
07:43Pinabula na naman ang nakakulong na kontratistang si Curly Diskaya ang aligasyon ni Gracioso
07:49na nagbigay siya ng pera kay dating House Speaker Velasco.
07:53Ayon sa kanyang abogado, hindi kilala ni Diskaya si Gracioso
07:57at walang kinalaman ang kliyente niya sa issue.
08:00Nauna na rin itinanggi ng kampo ni Velasco ang mga aligasyon ni Gracioso.
08:06Sino gasto nagbabalita para sa GMA News?
08:13Thank God it's Friday mga kapuso.
08:15Tuloy ang paghimay ng hottest and trending topic sa GTV show na Kalurks on a brand new time slot.
08:24Kakala ko ba inibig kita for me doon? Ba't pinakabunokan?
08:28Kaya nga, nakapaka-off naman yung papaabunokan.
08:31Meron kayong hula ko sino?
08:33Kalurkers, mas pinaaga na ang Sunday chikahan at 8.15pm.
08:38Kasama pa rin sa Blind Items at Usapan sa Anything Viral ang trio
08:43na si Ashley Rivera, Baos Rupo at DJ Jaiho.
08:46This Sunday, October 4, kabilang sa mga pag-uusapan
08:49ang issue ni General Mercado at Patrick Garcia
08:53at balikang Katrina Halili, Chris Lawrence.
08:57Abangan niyan dito sa GTV, alas 8.15 ng gabi.
09:01Sub indo by broth3rmax

Recommended