- 9 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
3, sugatan matapos hampasin ng martilyo sa ulo; suspek, kinuyog; PAGASA: Trough ng LPA, nagpapaulan sa maraming bahagi ng bansa; Manila North Cemetery, ininspeksyon ni Mayor Isko Moreno bago ang inaasahang dagsa ng mga bibisita ngayong Undas; Lalaking nagpanggap na delivery rider, ilang beses nahuli-cam na nagnakaw sa ilang negosyo; Ilang pasahero, sa PITX na natulog para matiyak na makakauwi sa probinsiya; Ilang bakasyunista, dumayo sa Boracay ngayong Undas; Ilang cast members ng "Red Crown," slay sa iba't ibang special screening at live ticket-selling
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:003 sugatan kabilang ang 2 dayuhan matapos hampasin ng martilyo sa ulo sa Sampaloc, Maynila.
00:07Ang ng martilyo, kinuhuyog ng mga residente.
00:10Balita natin ni Jomra Presto.
00:16Nagtakbuhan ng mga residente ang nasa tapat ng isang bahay sa bahagi ng Visayan Avenue sa barangay 567, Sampaloc, Maynila,
00:23pasado alas 11 ng gabi nitong miyerkules.
00:25Maya-maya, isang lalaki ang kinaladgan palabas ng isang babae.
00:30Lumapit ang mga residenteng nagtakbuhan at kinuyog ang lalaking kinaladgan.
00:34Ang lalaking kinuyog, sospek sa tangkang pagpatay sa tatlong tao kabilang ang dalawang foreign national ayon sa polisya.
00:41Ang sospek, kaibigan pa raw mismo ng isa sa mga biktima.
00:46Base sa investigasyon, inimbitahan ang 26 anyos na lalaking biktima na isang US citizen ang 20 anyos na sospek.
00:53Itong sospek po natin is nagkaroon po ng utang sa kapatid ng biktima natin.
00:59Ang pagkakala po namin is 100,000.
01:02Itong sospek po, nagalit po dahil hindi niya po maibigay yung utang sa biktima.
01:10Kumuha raw ng martilyo ang sospek at hinataw sa ulo ang dayuhang biktima.
01:14Nang palabas na sana ng kwarto ang sospek, naabutan naman nito ang 62 anyos na kasambahay ng biktima na nasa
01:21tapat ng pinto.
01:22Hinataw din niya ng martilyo sa ulo ang senior citizen na kasambahay.
01:25Sinubukan naman umawat ng 23 anyos na babaeng kapatid ng dayuhang biktima, pero maging siya ay inatake rin ang sospek.
01:33Nung nagkaroon po ng komosyon po sa loob ng bahay, itong sospek po, pababa na po siya.
01:39Pero nagsigaw-sigaw po yung biktima na maglanakaw, maglanakaw.
01:44Kaya agad daw tumulong ang mga residente para hindi makatakas ang sospek.
01:48Ayon sa barangay, nakalabas na ng ospital ang kapatid na babae at ang senior citizen na kasambahay.
01:54Nasa ospital, parawi ang lalaki, yung napuruan.
01:58Walang problema yung pamilya na yan eh.
02:00Actually, they are very cooperative sa barangay.
02:03Pagka-friendly mo kasi minsan, naabuso ka, diba?
02:07Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng mga biktima.
02:09Ang sospek, nasa custodial facility na ng MPD at tumanggi munang magbigay ng pahayag.
02:14Maharap siya sa three counts ng frustrated murder.
02:17Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMI News.
02:27Nagpapaulan na sa malaking bahagi ng bansa ang trough o extension ng binabanteang low pressure area malapit sa Visayas.
02:34Ayon sa pag-asa, apektado niya ng Visayas, Sambuanga Peninsula, Farm, Northern Mindanao, Caraga Region at Palawan.
02:42Namataan ang nasabing LPA, mahigit 500 km silangan ng Borongan, Eastern Samar.
02:48Nananatiling mababa ang chance sansa na sumaging bagyo.
02:51Posible itong malusa o mag-dissipate ngayong weekend.
02:54Bukod sa LPA, nagpapaulan din ngayon ng shear line sa ilang panig ng Northern at Central Zone.
03:00Habang amihan naman sa Ilocos Region, Cordillera at Batanes.
03:05Makaasa muli sa maayos at maaron na panahon tayo rito sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong
03:11biyernes, pero posible pa rin ang mga local thunderstorm.
03:16Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory hanggang 11.34 ngayong umaga sa ilang panig ng Negros Provinces,
03:22Gimaras, Iloilo, Cebu, Eastern Samar, Samar, Leyte, Piliran, Bohol, Capiz, Aklan at Palawan.
03:32Isinailalim naman sa thunderstorm watch hanggang mamayang alas 10 ng gabi ang Ilocos Norte,
03:37Cagayan, Aurora, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Bicol Region, Northern Samar, Northern Mindanao at Davao Region.
03:47Patuloy rin binabantayan ang Super Typhoon na may international name na Infa.
03:53Mahigit 2,000 kilometro ang layo niyan silangan ng Northern Luzon.
03:57May maliit na chance ang pumasok ang nasabing bagyo sa Philippine Area of Responsibility pagkatapos ng Undas ayon sa pag
04:04-asa.
04:07Tuloy-tuloy ang paghahanda ng otoridad sa Manila North Cemetery para sa pagdagsa ng mga bibisita sa kanilang yumawang mahal
04:12sa buhay ngayong Undas.
04:13Kumustay na natin ang sitwasyon doon at may ulat on the spot si Maris Umali.
04:19Maris?
04:23Raffi, biglang umaambun na ang sitwasyon ngayon dito.
04:27Pero makikita ninyo, maluwag pa rin naman at maayos pa ang sitwasyon dito sa pinakamalaking sementeryo sa buong Metro Manila.
04:35Ito pong North Cemetery na in-inspeksyon na po ni Manila Mayor Esco Moreno kanin-kanina lamang at hanggang sa
04:44mga sandaling ito ay nag-inspeksyon din po siya.
04:46At dumating na rin po yung Regional Director po ng NCRPO para mag-inspeksyon din po.
04:52So pakikita ko lamang po sa inyo ang sitwasyon dito po sa mga nagpa-plano po na dumating na o
04:59pumunta dito sa Manila North Cemetery.
05:02So sa nakikita ninyo, maluwag.
05:03Pero makikita nyo rin po dito sa aking likuran yung LED wall po nila.
05:07Ito po ang pinapakita rito, yung live stream po nang nangyayari po sa buong sementeryo
05:12na makikita po sa Facebook page o di kaya sa mga social media site ng Manila North Cemetery.
05:21So makikita nyo po dito kung kayo po ay nagpa-plano na pumunta sa Manila North Cemetery
05:26para matansyan nyo kung masyado ng marami mga tao, hindi kayo sasabay, makikita nyo rin po dito yan.
05:32At kung gusto nyo naman ay talagang makita ang kalagayan, lahat po makikita nyo.
05:39At makikita nyo rin po yung mga mahalagang paalala, gaya halimbawa, ano ba yung mga pinagbabawal,
05:44paulit-ulit na sinasabi, gaya na rin po nang ipinaalala muli ni Mayor Escomoreno kanina.
05:49Bawal ang baril, lahat ng matatalim na bagay, lahat ng uri ng nakakatusok, yung mga pampintura,
05:57lahat ng uri ng mga hayop, pati na rin po yung mga pangsugal, pati na rin po yung mga maiingay,
06:06sound system o di kaya gitara, lahat po yan ay bawal po rito.
06:10At makikita naman po natin dito sa area na po na ito, nandito na po lahat, maayos,
06:15yung mga vendors na mga bulaklak na ipinagbawal na po sa loob ng sementeryo,
06:19para sa inaasahan dagsa ng mga bibisita, ay maayos lamang po sila rito,
06:24at hindi na sila makakasikip pa doon sa loob ng sementeryo.
06:28At mga kapuso, of course, para sa mga darating din po rito,
06:32nandito pa rin po yung servisyon to the booth ng unang hirit ng GMA
06:36para po sa mga snacks, go bag, at pati kung gusto magpa-picture na rito rin po.
06:42At ito naman po yung sitwasyon dito, makikita natin yung railings,
06:47napakaluwag mga kapuso.
06:48So ang sinasabi po ng pamunuan ay ng mga otoridad,
06:51ngayon na lang po kayo bumisita para hindi na kayo maabiria pa,
06:54dahil inaasahan po nga abot sa 2 million ang dadagsapo dito sa Manila North Cemetery,
07:00lalo na sa pagdating ng November 1, Todos Los Santos.
07:03So dito po makikita natin yung separation ng mga lalaki, ng mga babae,
07:08and of course may priority lane sa mga senior citizens.
07:12So subukan po natin pumasok dito.
07:15Napakaluwag, napakadali pang pumasok.
07:17At dito may mag-iinspeksyon po sa kanila sa mga bags.
07:21So wala po tayong dalang bags, walang i-iinspeksyonin.
07:23At sa mga paulit-ulit na paalala,
07:27pasok po kayo rito para mapakita natin,
07:30bawal pa rin po yung mga pampintura, mga panlinis,
07:32dahil bawal na po maglinis ngayong araw.
07:34So ito na-confiscate mo.
07:35Kung ayaw nyo pong maabiria,
07:37huwag na po kayong magdala ng mga bagay na yan.
07:39At isa sa uli naman daw po yun.
07:42Pero of course, maabiria pa kayo.
07:44Pag pumasok po kayo rito,
07:45bawal na po lahat ng klase ng mga sasakyan
07:47para mas maging madali po para sa mga papasok
07:50na hindi na po sila mahahagip pa ng mga sasakyan.
07:54Pero i-inspeksyonin din po.
07:56Kung halimbawa, may mga face mask,
07:59kailangan siguraduhin po ninyo
08:00na ipapakita nyo lang po yung mukha ninyo
08:02for security reasons.
08:04At para naman po sa mga,
08:06of course, nag-aalala na baka yung puntod po nila
08:09ay medyo malayo.
08:10So, ayan po, meron po nga
08:12nasa isang daang e-trikes
08:14na libreng sakay po yan.
08:17Lahat pwede pong makisakay dyan.
08:19Pero of course, priority muna
08:21yung mga senior citizens, PWDs,
08:23at saka yung mga buntis.
08:25At para naman dun sa ibang mga PWD
08:26na hindi makakasakay dyan,
08:28pwede rin po kayong sumakay dun sa mga wheelchairs.
08:31Ayan po, pakita natin dito.
08:33So, lahat po ng mga services po na yan
08:36ay meron po rito para masiguro
08:39na maging very efficient
08:41ang kanila pong pagbisita
08:44sa mga yumaong mahal sa buhay.
08:47Of course, meron din po rito
08:48yung mga wristband tagging for children
08:50para siguradong hindi po mawawala
08:53ang inyong mga anak.
08:54At meron din po rito
08:55ang puntod finder assistance
08:57para sa mga nawawalang mga puntod
09:00na hindi nyo po makita.
09:01So, napakaraming mga servisyo po rito
09:03to make everything easier
09:07para sa lahat ng mga dadalaw.
09:09As of now po,
09:10nasa 4,400 na po yung dumalaw
09:13dito sa Manila North Cemetery
09:15ngayon pong araw na ito.
09:17At of course,
09:20huwag nyo pong kakalimutan
09:21magdala ng payong
09:21dahil baka anytime
09:23mas lumakas pa yung pagbuhos ng ulan.
09:26So, sa ngayon lamang po
09:27ay nagpapatuloy yung inspeksyon
09:29ni Manila Mayor Esco Moreno
09:31at ng mga kapulisan
09:33dito sa Manila North Cemetery.
09:34So, yan ang latest na sitwasyon.
09:36Wala pa rin dito
09:36sa Manila North Cemetery.
09:37Balik sa'yo, Rafi.
09:39Ayan, nakapag-exercise ka natin
09:40yung kameraman.
09:41Maraming salamat sa'yo,
09:42Maris Umali.
09:46Arestado ang isang lalaki
09:47sa Quezon City
09:47na hulikam
09:48na nagnakaw
09:49sa hindi bababa
09:50sa apat na istablisimiento
09:51sa lungsod.
09:52Modus ng suspect
09:53ang magpanggap na delivery rider.
09:56Balita ng atin ni James Agustin.
10:01Sa unang tingin na akalain
10:02na delivery rider,
10:03lalaking pumaradas
10:04sa labas ng isang restaurant
10:05sa barangay St. Ignatius,
10:07Quezon City,
10:08magalas 4.30
10:09na madaling araw
10:09noong October 19.
10:11Pero na makapasok
10:12sa restaurant,
10:13dumiretso ang lalaki
10:14sa kaha.
10:15Hinalugog niya
10:16ang iba panggami
10:16tsaka umalis.
10:17Tinangay niya
10:18ang 50,000 pesos na cash
10:19at isang mamahaling cell phone.
10:22Kinaumagahan na
10:22nadiskubre
10:23ng empleyado
10:23ang pagnanakaw.
10:25Pagpasok nila na,
10:26napansin nila na
10:26ang pintuan
10:28ng kanilang establishment
10:29ay bukas na.
10:31At noong kanilang
10:32chinek yung
10:33loob ng restaurant,
10:35nakikita nila na
10:37magulo na yung
10:38counter
10:39at iba pang mga gamit
10:41sa loob ng restaurant.
10:42Bago yan,
10:43nakunan din sa CCTV
10:43ang sospe
10:44na nagnakaw
10:45sa isa pang restaurant
10:46bandang
10:47alas 2.40
10:47na madaling araw.
10:49Nakukuha ng sospek
10:50ang 10,000 pesos
10:51na cash at laptop.
10:52Sa follow-up operation
10:53ng polisya
10:53na sundan sa compound
10:54ng Quezon City Hall,
10:56ang 32 anyo
10:57sa sospek
10:57nitong Martes.
10:59Nagpumiglas pa
10:59ang sospek
11:00ng arestuhin
11:01na maoperatiba
11:01ng Project 4 Police Station.
11:03Natuntun natin
11:04yung lugar
11:06kung taga saan ito
11:07at pati kung sino
11:08itong ating sospek.
11:10Actually,
11:11itong sospek natin
11:11ay dayo.
11:12Hindi siya
11:13taga Quezon City
11:14but residente
11:15ng Manila.
11:17Natuntun naman
11:17sa Santa Cruz,
11:18Maynila
11:19ang motorsiklo
11:19na ginamit
11:20umano ng sospek
11:21sa ilang beses
11:22na pagnanakaw.
11:23Pinalitan na
11:23ang ibang parte nito.
11:25Sa emisigasyon
11:26na pag-alaman
11:26na ang sospek
11:27din ang nanloob
11:27sa isang nail spa
11:28noong September 21.
11:30Habang isang
11:31coffee shop
11:32ang kanyang
11:32pinuntiriya
11:33noong September 17.
11:35Lahat ng pagnanakaw
11:36nangyari sa Quezon City.
11:38Ayon sa pulisya,
11:39bahagi ng modus
11:40ang sospek
11:40ang magpanggap
11:42bilang delivery rider.
11:43Iba't-ibang
11:44klaseng mga
11:44suot
11:45na mga delivery
11:46riders natin
11:48ang ginagamit niya
11:49tuwing
11:50siya ay nagnanakaw.
11:52At ang ginagawa po
11:53nito
11:54bago siya magnakaw
11:55lumalapag siya
11:56doon sa area
11:56nagsa-survey
11:57at tumitingin siya
11:58kung ano yung mga
11:59possible na mga
12:00establishment
12:01na pwede niyang
12:01pagnakawan.
12:03Hindi na nabawi
12:04ang mga ninakaw
12:04na gamit at pera.
12:06Sa record ng QCPD,
12:07dalawang beses
12:08nang nakulong
12:09ang sospek
12:09dahil sa pagnanakaw.
12:10So,
12:11tinanang po
12:11ang sasagda.
12:12May papanggap
12:13karoon na delivery rider.
12:14So,
12:14tinanang po
12:15ang sasagda, ma'am.
12:16Sinampahan na ang sospek
12:17ng reklamong robbery
12:18at paglabag
12:19sa Motorcycle Crime Prevention Act.
12:21Ang mga naunang
12:22establishmento
12:23na nilooban,
12:24nagsampan na rin
12:24ang mga karagdag
12:25ang reklamo.
12:26James Agusti,
12:27nagbabalita
12:28para sa GMA News.
12:35Simulan nito
12:36October 25
12:37hanggang sa November 4
12:38inaasahang
12:39nasa 1.8 milyong
12:40pasahero
12:41ang daragsas
12:42sa Paranaque
12:42Integrated Terminal Exchange.
12:44Ang ilang
12:44sa mga bubyahe
12:45sa terminal
12:46na natulong.
12:47Balita natin
12:48ni Jomera Presto.
12:52Mula madaling araw,
12:53tuloy-tuloy
12:54ang pagdating
12:54ng mga pasahero
12:55sa PITX
12:56na uuwi
12:56sa kanika nilang
12:57probinsya
12:58para sa Undas.
12:59Ang ilan,
12:59naabutan pa natin
13:00na natutulog
13:01sa mga upuan
13:02habang hinihintay
13:03ang kanilang biyahe.
13:03Ang 47 years old
13:05na si Christina
13:06galing pa raw sa Oman.
13:07Mula airport,
13:08dumiretsyo na siya
13:09sa PITX
13:10para bumili ng ticket
13:11papunta sa Bicol.
13:13Akala ko kasi
13:13ano,
13:14yung parang
13:14ubusan na ng bus.
13:15Baka ma-stack lang ako dito
13:17pag hindi ako agad
13:18makasakay.
13:20Pero nakahabol na rin po.
13:21Uwi po ako sa mga anak ko.
13:23Mga anak,
13:23paparating na ako.
13:25Sa pag-ikot ng GMA News,
13:27hindi pag-aanong marami
13:28sa ngayon
13:28ng mga pasahero
13:29sa ticket booth 1 at 4
13:30na nag-aabang
13:31ng biyahe pa uwi
13:32sa Bicol Region.
13:33Gayun din sa ticket booth 3
13:34na papunta naman
13:35sa Visayas at Mendanao.
13:37Karamihan sa mga pasahero
13:38na nakita natin
13:39ay mga papunta sa
13:40Cavite, Laguna,
13:41Batangas at Quezon.
13:42Batay sa datos ng PITX,
13:44mula October 25
13:45hangga October 29,
13:46umabot na sa
13:47maygit 936,000
13:49ang bilang ng mga
13:50pasahero na nagtungo
13:51sa nasabing terminal.
13:52Bas mahigpit na
13:53siguridad na
13:54ang ipinatutupan
13:55sa terminal.
13:56Bukod sa scanner,
13:57mayroon din mga
13:57nag-iikot na
13:58canine units.
13:59Batay sarado na rin
14:00ang polisya
14:00ang loob at labas
14:01ng terminal.
14:02Pero sa kabila
14:02ng mga paalala,
14:04marami pa rin
14:04ang nahuhuling
14:05nagdadala
14:05ng mga ipinagbabawal
14:06na bagay
14:07sa loob ng terminal.
14:08Tulad na lang
14:09ng mga kutsilyo,
14:10LPG tank,
14:11cutter,
14:11bolo,
14:12lighter at iba pa.
14:14Bilang bahagi pa rin
14:15ang paghahanda
14:15sa Undas.
14:16Nagsagawa ng
14:17random drug testing
14:18ang LTO at PIDEA
14:19sa mga driver ng
14:19bus sa PITX
14:20nitong nakarang araw.
14:22Mula sa mahigit
14:23250 driver,
14:25isa sa kanila
14:25na may biyaheng
14:26bicol ang nagpositibo
14:27sa initial screening.
14:28Sa ngayon,
14:29ay hinihintay pa
14:30ang confirmatory test
14:31ng nasabing driver.
14:32Jomer Apresto
14:34nagbabalita
14:34para sa GMA News.
14:38Sinamantala ng ilan
14:39ang long
14:39on this weekend
14:40para makapagbakasyon
14:41sa Boracay.
14:42Silipin na natin
14:43ang sitwasyon
14:43sa ulot on the spot
14:44ni Kim Salinas.
14:46Kim!
14:51Rafi,
14:52excited na
14:52ang karamihan
14:53sa mga turista
14:54sa mga pakulo
14:55at aktibidades
14:56dito sa Boracay Island
14:57bukas
14:58October 31.
15:00Punong-puno
15:01ng fun
15:02at spooky activities
15:03ang isla
15:04lalong-lalo
15:05na bukas.
15:06Ayon sa mga
15:06tourism office,
15:08may gaganaping
15:08hello run
15:09alas 5 ng umaga
15:10bukas.
15:11Trick or treat
15:12sa hapon
15:12at costume
15:13at Halloween
15:14beach party
15:15sa gabi.
15:15Ngayon naman
15:16ang huling araw
15:17ng Boracay
15:17White Beach Festival.
15:19Libin na papanood
15:20ang iba't-ibang
15:21outdoor sports
15:22dito sa beachfront area.
15:23Nitong umaga pa lang
15:24dagsana mga turista.
15:26Merong first-timers
15:27at iyong iba.
15:28Pabalik-balik na
15:29sa magandang beach
15:30ng Boracay.
15:31Mahigit
15:31141,000
15:33ang tourist arrival
15:34simula October 1
15:35hanggang 28
15:36ngayong taon.
15:37Nakastanby na
15:38ang law enforcers
15:39at emergency responders
15:40sa isla
15:40para matiyak
15:41ang ligtas
15:42na undas
15:42celebration.
15:44Zero incidence
15:45ang target
15:45ng Malay LJU.
15:48Malay LJU.
15:50Unique po siya
15:52tsaka
15:53madaming mga
15:54pumupunta.
15:56Red whale
15:57and yung
15:58sunset.
15:59This is
15:59one of the
16:00most beautiful
16:02beaches
16:03in the world.
16:04We wanna try
16:05the
16:05helmet
16:07diving,
16:08parasailing,
16:11island-island
16:13hopping.
16:18Rafi,
16:19may mga
16:19pagkakataong
16:20bumubuhos
16:21ang ulan
16:21dito sa isla.
16:22Ngunit
16:23kayong magandang
16:23panahon,
16:25enjoy muna
16:26ng mga
16:26turista
16:27ang water
16:27activities
16:28dito sa beachfront
16:28area
16:29at iba pang
16:30island
16:30activities.
16:32Rafi?
16:32Maraming salamat
16:34Kim Salinas
16:35ng GMA
16:35Regional TV.
16:41Thank God
16:42it's Friday.
16:43Day 3 na
16:44ng showing
16:44ng GMA
16:45Pictures
16:45film
16:46na Red Crown.
16:47Kaya naman
16:48slay ang ilang
16:49cast sa kanilang
16:50pagbisita
16:51sa ilang
16:51screening.
16:53Sa special
16:54screening kahapon
16:55sa Mandaluyong
16:56present ang
16:56cast members
16:57na sina
16:58AZ Martinez,
16:59Jay Ortega,
17:01Vanessa Peña,
17:03Javi Valdez
17:04at
17:04Mike Akimochi.
17:06Spotted din sa
17:07screening si
17:07Sparkle First
17:08Vice President
17:09Joy Marcelo
17:10at Sparkle
17:11Assistant Vice
17:12President
17:12Tracy Garcia.
17:14All out din
17:14ang support
17:15na ipinakita
17:16ng Sparkle
17:16star sa
17:17screening.
17:18Present din
17:19si AZ.
17:19sa block
17:20screening
17:21ng Red Crown
17:22sa Quezon City.
17:23Ramdamang
17:24suporta
17:25ng kanyang
17:25fans
17:25para sa
17:26kanyang
17:26film.
17:27Samantala,
17:28slay naman
17:29si Vanessa
17:30at Ashley
17:31Ortega
17:31sa kanilang
17:32live ticket
17:33selling ng
17:33Red Crown
17:34sa isang
17:34ball sa
17:35Quezon City.
17:36Sinamahan
17:37sila ng
17:37kapwa Sparkle
17:38Artist
17:38na sina
17:39Haley Dizon
17:40at
17:41Betong Sumaya.
17:42Mga kapuso,
17:43suportahan
17:44natin ang
17:44dark comedy
17:45thriller
17:46na Red
17:46Crown
17:47na now
17:47showing
17:48sa mga
17:48sinihan
17:49nationwide.