Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nawawala ang limang kabataan matapos maligo sa isang ilog sa San Jose del Monte, Bulacan, sa kasagsagan ng masamang panahon.
00:08Puspusan ang paghahanap sa kanila ng mga otoridad. Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:15Ayaw magpasamaya, malakasin ba?
00:18Sa kasagsagan ng malakas na agos ng tubig sa Marilao River sa San Jose del Monte, Bulacan itong lunes,
00:24na abutan ng mga tauhan ng barangay Gaya-Gaya, ang mga kabataan yan na nasa pampang.
00:30Sinaway sila dahil malakas na ang agos ng ilog na nakataas na sa yellow alert.
00:39Pero makalipas ang ilang sandali, muling bumalik ang ilang kabataan, walang takot na tumalon sa ilog kahit malakas ang agos.
00:48Napakikpit po namin, kaya lang sadya pong matitigas din yung ulo.
00:54Nung mga bata, nagpapaligsaan sila kung paano makakatawid.
00:59Na talagang para sa kanila isang laro lang yun.
01:03Yung pong nakita nyo sa video na limong mga bata, ay lahat po yun nakatawid eh.
01:08Hindi na akuna ng video, pero ayon sa barangay, may lima pa raw kabataang tumalon sa ilog.
01:14Inano daw sila at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.
01:19Kabilang sa kanila ang 13-anyos na taga-barangay gaya-gaya na si Ron Jean Alciso,
01:24na nihayalang daw ng kaklase na maligo sa ilog.
01:27Tatlo naman sa apat pang nawawala ang kinilala na ng barangay.
01:31So sa ngayon po ay missing pa siya.
01:34Although maghapon po kahapon ang search and rescue.
01:40Nakarating po hanggang kabilang bayan ng Bulacan, which is Marilaw.
01:46Pero wala pa po kaming nakita so far.
01:50Ang mga magulang ni Ron Jean, labis-labis na ang pag-aalala.
02:00Sa ripra po na ito sa baba ng bakal na tulay, dito po sa barangay gaya-gaya,
02:05pinaniniwala ang tumalon niyong isa sa mga biktima.
02:09Ayon po sa barangay, ito pong ilog na ito, eh talagang pinaliligoan ng mga residente tuwing normal na araw.
02:15Pero kapag bumuhos na po ang malakas na ulan, lubha na po itong mapanganib.
02:20Dahil lumalakas ang ragasa ng tubig at lumalalim po ang ilog.
02:24Nananawagan ng barangay at mga kaanak ng mga bata na ipagbigay alam sa kanila kung namataan sila sa Marilaw River.
02:31Nagpapatuloy naman ang rescue operation sa bahagi ng ilog na sakop na ng Marilaw kung saan pinaniniwala ang inanod ang
02:38mga biktima.
02:40Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:4921 pinakabagong bilang ng mga nasawi sa pinagsamang epekto ng nagdangbagyong Luis at Maymay pati na hanging habagat.
02:57Subject for validation ang bilang ng mga nasawi batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC ngayong umaga.
03:04Sampu naman ang kumpirmadong sugatan, habang apat ang for validation.
03:08For validation din ang isang naiuulat na nawawala.
03:12Abot naman sa 800,000 ang apektadong pamilya ng masamang panahon.
03:17Tinatayang nasa mahigit 2 bilyong piso ang pinsala sa infrastruktura,
03:21habang mahigit 100 bilyong piso ang pinsala sa agrikultura.
03:27Lumakas bilang tropical storm ang binabantay ang bagong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
03:33May international name po itong Nangka.
03:36Namataan yan ng pag-asa mahigit 2,000 km silangan ng extreme northern Luzon.
03:42Taglay po nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 km per hour.
03:46Sabi ng pag-asa, hindi papasok sa PAR ang bagong bagyo.
03:49Pero bahagyang nahahatak na nito ang hanging habagat.
03:53Sa ngayon, patuloy na magpapaulan ang habagat sa Luzon kasama ang Metro Manila.
03:58Higit namang makakaasa sa maayos at maaraw na panahon ang Visayas at Mindanao,
04:03pero posible pa rin ang mga local thunderstorm.
04:06Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin ang malaking bahagi ng Luzon sa mga susunod na oras.
04:12May chance na ng heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
04:18Posible rin ang ulan sa ilang panig ng Visayas at Mindanao.
04:23Abiso po sa mga taga Visayas at Mindanao, muling isa sa ilalim sa red at yellow alert ang Visayas grid
04:29ngayong araw.
04:30Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines,
04:33mamayang alas 4 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi, naka red alert ang Visayas grid.
04:38Ang ibig sabihin ng red alert, sagad na o walang reservang kuryente.
04:42Mula alauna ng hapon hanggang alas 4 ng hapon at alas 8 ng gabi, hanggang alas 10 ng gabi nito,
04:48naka yellow alert.
04:50Naka yellow alert din mamayang alauna ng hapon hanggang alas 8 ng gabi ang Mindanao grid.
04:54Itinataas ang yellow alert kapag manipis ang reservang kuryente na posibleng magkulang sakaling magka-emergency.
05:07Nagka-landslide sa ilang lugar sa Cagayan Valley at Central Luzon kasunod ng maulang panahon.
05:12Pansamantalang isinara ang bahagi ng Nueva Vizcaya-Pangasinan Road dahil sa gumuhong lupa at mga bato.
05:19Partikular na sarado ang bahagi ng sityo Palitakan sa barangay Barakbak, Santa Fe, Nueva Vizcaya.
05:25Nag-clearing operations naman agad sa lugar.
05:28Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa Maharlika Highway.
05:32Nagkaroon din po ng paghuho ng lupa sa Sadsadan-Cuba Provincial Road sa Bauco Mountain Province.
05:40Mabilis namang natapos ang clearing operations sa lugar.
05:46Binahan naman ang ilang lugar sa laluwigan ng Iloilo dahil sa mga pagulan.
05:50Sa Pavia, Iloilo, umapawang tubig sa kalsada sa barangay Tigom na galing sa palayan at irigasyon.
05:57Ang ilang bahay, pinasok din ang tubig.
06:00Sinagip naman ang mga otoridad ang mga residenteng nakatira malapit sa pantakri at creek na apektado ng abot-bewang na
06:07baha.
06:08Tumas din ang tubig sa kalsada sa barangay Aganan patungong balabag.
06:13Ayon sa Pavia Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, 7 barangay ang binaha.
06:18Halos 60 pamilya o mahigit 200 residente ang inibikas.
06:23Nakabalik na sila ngayon sa kanilang mga bahay.
06:26Bukod sa Pavia, may mga naitalaring pagbaha sa 10 barangay sa Oton, Iloilo.
06:31Gayon din sa Manduriao sa Iloilo City at sa barangay Santo Domingo sa Arevalo kung saan 50 bahay ang apektado.
06:38Ayon sa pag-asa, localized thunderstorm ang nagdadala ng pagulan at malakas na hangin sa regyon, lalo na tuwing hapon
06:45at gadi.
06:51Bagyang tumaas ang presyo ng karne at gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila kasunod ng naranasang masamang panahon.
06:58Magkano na nga ba?
06:59Sa latest monitoring ng Department of Agriculture,
07:02nasa P255 hanggang P370 pesos kada kilo ang pigi ng baboy.
07:08Habang P270 hanggang P350 pesos naman ang liyempo.
07:13Nasa P390 hanggang P550 pesos ang kada kilo ng karne yung baka.
07:19Ang frozen kasim,
07:21mabibili ng P200 hanggang P280 pesos per kilo.
07:26Nasa P270 hanggang P350 pesos ang kada kilo ng frozen liyempo.
07:31Ang manok,
07:32nasa P160 hanggang P240 pesos per kilo.
07:36Nasa P5 pesos and P50 centavos hanggang P13 pesos naman ang kada piraso ng itlog.
07:42Depende po yan sa size.
07:44P5 hanggang P30 pesos ang itinaas ng presyo ng mga karne kumpara noong August 4.
07:51Lipat naman po tayo sa mga gulay.
07:53Ang dating P60 hanggang P250 pesos per kilo na lettuce noong nakaraang linggo e pumalo na ngayon sa P160 hanggang
08:02P340 pesos ang kilo.
08:04Nasa P5 hanggang P60 pesos naman ang taas presyo sa iba pang highland vegetables gaya po ng Repolyo, Pechay Bagyo,
08:12Celery, Sayote, Cauliflower at Patatas.
Comments

Recommended