Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Patingin-tingin sa paligid ng lalaking yan sa barangang Concepcion 2 sa Marikina.
00:06Maya-maya, tumabi siya sa gilid ng isang nakaparadang delivery van.
00:11Hindi nagaanong kita sa video ang pagsakay at pagtangay niya sa katabing e-bike
00:15na gamit ng katapat na water refilling station.
00:18Ayon sa staff ng negosyo, nakakalimutan niyang kunin ng susi ng e-bike
00:22na nagkakahalaga ng 65,000 pesos.
00:26Sinubukan daw nilang habulin ang kawatan pero hindi naabutan.
00:30Ayon sa barangay, dati na nilang nasita ang suspect na nagpapanggap umanong nangangalakal para makapagnakaw.
00:36Patuloy ang paghahanap sa suspect.
00:39May alok na pabuyang 10,000 piso ang may-ari ng e-bike para maahuli ang suspect.
00:46Aprobado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang 7.2 trillion pesos na national budget para sa 2027.
00:54282 ang pabor, 13 tumutol at isa ang nag-abstain.
00:58Sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon, mahigit 1.1 trillion pesos.
01:04Halos 24 billion pesos naman ang inilaan sa medical assistance program
01:08at 1.55 billion pesos para i-upgrade ang mga public health infrastructure.
01:13Inilaanan din ang pondo ang paghahanda sa epekto ng Super El Niño.
01:16Ipadadala sa Senado ang ninaprubahang 2027 national budget.
01:21Magkakaroon ng Bicameral Conference Committee hearing para talakain ang mga pagkakaiba ng versyon ng Senado at Kamara sa panukalang 2027
01:29budget.
01:36Pinatawa ng Sandigan Bayan 5th Division ng siyamnapung araw na preventive suspension si Senador Jinggoy Estrada.
01:43Ito na ang pangalawang preventive suspension laban sa Senador.
01:46Ang una ay ipinataw ng Sandigan Bayan 2nd Division noong Hunyo.
01:50Ibig sabihin, hindi pa rin magagampanan ni Estrada ang kanyang mga tungkulin bilang Senador.
01:56Nililiti sa mga kasong plunder at graft sa Sandigan Bayan, 5th Division at isa pang graft case sa 2nd Division.
02:02Ang mga kasong iyan ay kaugnay sa umunay pagtanggap ni Estrada ng kickback mula sa flood control projects na dati
02:08nang itinanggi ng Senador.
02:11Sinisikap ang kunin ang pahayag ng kampo ni Estrada kaugnay sa panibagong preventive suspension sa kanya.
02:23Mamayang alauna ng hapon magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
02:28Tatalakayan ng Korte ang manifestation ng prosekusyon na iurong na ang Article 3 ng impeachment o ang umunay bribery at
02:36korupsyon sa DepEd noong kalihimpa nito ang Vice.
02:39Sa paglilitis naman kahapon, sinabi ng testigong Financial Forensic Analyst na posibleng umabot sa 1.5 billion pesos ang undeclared
02:47wealth ng Vice at 2nd Gentleman.
02:49Balitang hatid ni Ian Cruz.
02:54Nanindigan ang Financial Forensic Analyst na si Atty. Alexander Cabrera sa sinabi niyang 817 million pesos na hindi idineklarang yaman
03:04o mano ni na Vice President Sara Duterte
03:07at mister na si Atty. Manases Carpio sa SAL-N o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng Vice
03:15Presidente mula 2022 hanggang 2025.
03:19Pero sa pagtatanong ng presiding officer, lumabas na posibleng may mas mataas pang tansya.
03:25Kung hindi po kayo conservative, kung ito po yung bare minimum, in your expertise and based on your review of
03:31the documents, ano po ba yung sukdulang hangganan?
03:35Hindi ko po sinama ang confidential funds po. So 475 po yun.
03:43Yung discrepancy po namin sa AMLOC, kung susundin po natin yung AMLOC at hindi po kami conservative, 100 million po
03:53yun.
03:53Kung hindi po ako conservative sa GenCorp, 45% ang ginamit at i-apply nyo rin po yun doon po
04:03sa mga undeclared sales, ang impact po nun ay mga 250 million.
04:09What would be the total of your ceiling if this is the minimum?
04:14Mga 1.5 po.
04:161.5?
04:171.5 billion po.
04:18Ang prosecution na nagbigay kay Cabrera ng financial documents na mag-asamang Duterte at Carpio.
04:24Kaya nakagawa si Cabrera ng financial report na nagdedetalye ng 817 million pesos.
04:32Sabi ni Cabrera, bukod sa salin ang bise, kabilang sa mga pinag-aralan niya, ang bank at tax documents at
04:40iba pa.
04:40Ang depensa, kinwestiyon ang report ni Cabrera at kung hiningan ba ng panig ang bise at kanyang asawa.
04:48You did not examine or use any document coming from the respondent and her spouse, correct?
04:56Hinanap po namin doon sa impeachment proceedings. Wala po kasi. Had there been, I would have used po.
05:00You also did not interview the respondent. Can you just say yes or no?
05:06Yes po.
05:07Okay. You also did not interview Mr. Manassez Carpio? Yes or no only?
05:12Yes po. Based on documents lang po kami.
05:13Nauna ng umalma ang depensa dahil hindi naman daw pinayagan ng bise na ipakita ang kanilang financial documents sa testigo.
05:23Inungkat din ang abogado ng bise ang usapin ng confidentiality ng financial documents.
05:28I will no longer specify the penalties but it includes imprisonment and fine. But this is not meant to scare
05:39you sir.
05:40I'm not scared naman po.
05:41As a lawyer, you did not feel concerned that the furnishing of AMLC documents to you and information also to
05:50you without the permission of the impeachment court may violate this law.
05:55Dahil na-take up na po sa house at pinagtalunan na po sa house, kaya po ang nasa isip ko
06:01ay okay lang po yun.
06:03May pinalutang din na paliwanag ang depensa sa mga tinukoy ni Cabrera na umano yung mga hindi pangkaraniwang credit card
06:10payments ng mister ng bise.
06:12You referred to the 256,882.5 Nike Pavilion KL Kuala Lumpur purchase which you mentioned last Friday of course.
06:25Okay, thank you sir.
06:26Now, sir, are you aware that this credit card belongs to Manasseh Scorpio, sir?
06:31And are you aware that the purchases that were made therein was for the purpose of providing sports apparel and
06:41other items to the basketball team of his son?
06:44Are you aware of that, sir?
06:44Not aware of that.
06:45Okay, thank you, sir.
06:46Let's go also, sir, to the Ginzat Inakaya Tokyo expenses.
06:51That was also referred to you, referred by you in your testimony last Friday, sir.
06:59Are you aware, sir, that this expense or this expenses pertain to expenses incurred of a large group with Manasseh
07:12Scorpio while he was traveling with this companion?
07:16I assume po it's a large group.
07:17Yes, yes.
07:18Hindi po kayang kainin na isang taon to.
07:19Nauna ng sinabi ni Carpio na personal na pera ang kanyang ginastos at hindi pondo ng gobyerno.
07:26Ayon kay Cabrera, nagsimula ang pagsusuri niya sa mga dokumento nitong Hunyo at ginawa niya ang report sa loob ng
07:33tatlong linggo.
07:34Ilang beses niya rin nabanggit na limitado ang sakop ng kanyang report dahil kulang na sa panahon.
07:40Nasa usaping ito, mahirap yung nag-a-assume lang tayo.
07:45Napakahalaga po nun kasi alam nyo, ito po'y hindi basta-basta kaso.
07:53Ito po ay impeachment po ito.
07:56Tayo po ay nagtatanggal ng isang opisyal na binoto ng taong bayan.
08:02Hihingin po namin sa aming Senate President at sa aming tagapamahalang hukom na huwag nating madaliin ito.
08:10Dahil itong bagay na ito, nakasalalay dito ang 32 million votes ng taong bayan.
08:16Kailangan pong kabulin ang mga deadline.
08:19Hindi po ibig sabihin na minadali ay hindi na po namin ginawa ng mabuti ang trabaho po namin.
08:24Ginawa po namin ng mabuti ang trabaho po namin.
08:26Sa pagtatanong ng ilang senador, lumabas sa testimonya ni Cabrera na hindi umano nagtutugma ang kinikita ng ilang kumpanyang nakadeklara
08:36sa salen ni Vice President Duterte
08:38kumpara sa pumapasok na pera sa bank accounts ng mga nasabing kumpanya.
08:43So, maraming deposit, consistent yan. Every year, ang taas ng deposit. And yet, yung collection, yung sales, nasa mababa.
08:53Tama po yan, pero kulang po yung aming information para masabing sales po siya or gano'ng kalaki po yung
09:00kanya pong operations.
09:02At kung meron pa pong pinagagalingan pong iba.
09:05Base po sa inyong karanasan, madalas pa mangyari ito sa ibang negosyo o bibihira o first time niyo makaranig ng
09:13ganitong sitwasyon?
09:14Not at this amounts po eh.
09:16Ang nangyari, pero not at this huge amount.
09:18Not at this amounts po.
09:19Umayon si Cabrera sa sinabi ng presiding officer na sa kanyang analisis, ginamit ni Cabrera ang hakbang na piercing na
09:28corporate veil
09:29o yung pagsasantabi ng pagkakaroon ng hiwalay na personalidad ng isang korporasyon alinsunod sa batas
09:36at tinignan nila ang aktwal na mga may-ari sa likod ng korporasyon na sina Vice President Duterte at Attorney
09:43Carpio.
09:45Inalmahan nito ng abogado ng vice-presidente.
09:48We've heard over the last four or five hours of interpolations and interjections from the members,
09:55honorable members of this court, the term piercing of the corporate veil.
10:00I believe this is a matter of mandatory judicial notice for this court where the court said
10:05to disregard the separate juridical personality of a corporation,
10:10the wrongdoing must be established clearly and convincingly.
10:16It cannot be presumed.
10:20I believe these statements by the Defense Council are really out of place.
10:24Piercing of corporate veil is allowed if juridical entities are used as vehicles to commit illegal acts.
10:31Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
10:39Tatlo magkakaanak na sakay ng motorsiklo ang nasawi matapos masalpok ang isang truck sa Cagayan de Oro City.
10:46Nadamay ang ilang sasakyan na nakaparada sa lugar ayon sa traffic unit ng Cagayan de Oro City Police Office.
10:52Matapos ang insidente, mabilis umanong tumakas ang driver ng truck at mga pahinanti nito.
10:57Ayon sa paon ng investigasyon, isa sa mga tiniting ng anggulo ay posibleng nakainom ang driver at mga kasama niya.
11:04Hinahanap ang truck driver at mga pahinante.
11:10Ibinasura ng Court of Appeals ang apila ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na palayain siya.
11:15Pinagtibay ng CA ang nauna nitong desisyon noong Hulyo na tanggihan ang petition for writ of habeas corpus ni Guo.
11:22Iit ni Guo sa kanyang petisyon, iligal ang pagdetain sa kanya ng Bureau of Immigration matapos maaresto at ma-deport
11:28mula Indonesia noong September 2024.
11:32Paliwanag ng CA, nakakulong si Guo sa visa ng utos ng Pasig Regional Trial Court at hindi dahil sa pagdetain
11:39sa kanya ng BI.
11:39November 2025, nang sentensyahan si Guo ng Pasig RTC ng Habang Buhay na Pagkakulong para sa Kasong Qualified Human Trafficking.
11:49Kaugnayan sa iligal na pogo ng Zunuan Technology Incorporated sa Bamban.
11:53December 2025, nang iutos ng RTC na ilipat si Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyo.
12:00Sinisikap ang kunin ang payag ng kampo ni Guo kaugnay sa desisyon ng CA.
12:07Iminungkahin ni Davao City First District Representative Paulo Duterte sa NBI na maglabas ng ebidensya kaugnay sa resort daw niya
12:14sa Samal Island na hindi nakadeklara sa SAL-EN.
12:17Kasunod niyan ang sinabi ng NBI na may pag-umay-ari rin ng kapatid ng kongresista na si Vice President
12:22Sara Duterte na hindi umunot tama ang pagkakadeklara.
12:26Balitang hati ni John Konsulta.
12:31Sa 2025 SAL-EN ni Vice President Sara Duterte na kanyang isinumiti, Agricultural Land,
12:38ang nakalagay sa dalawang lote sa barangay Katigan, Davao City na may pinagsamang halaga na maigit 890,000 pesos.
12:46Pero nang silipin niya ng NBI sa pamamagitan ng drone, tumambad sa kanila ang iba't ibang istruktura gaya ng mansyon
12:53at mga bahay, pati helipad.
12:56Kaya sabi ng asesor na kasama ng NBI, nasa 40 to 60 million pesos ang halaga ng property,
13:02mahigit 6,000 porsyentong mas mataas sa i-direklarang halaga sa SAL-EN.
13:07Declared to as agricultural with the value of pagkinunbay mo, mga 900,000 lang.
13:14But you look at the resort, it's more than 900,000 at walang declaration ng improvements.
13:26Sa Samal Island naman, nakita rin ng NBI ang isang resort na nagkakalaga ng 9.75 million hanggang 19.5
13:35million pesos
13:36na ayon sa NBI ay pag-aari raw ni Kang Luusman Pulong Luterte, pero hindi raw deklarado.
13:42What are your opinion regarding doon sa mga NBI doon sa mga resort na mabahay niya daw?
13:49Na-miss declare doon sa SANG-EN?
13:51Doon reaction ko?
13:53Napos ko na sa Facebook page.
13:56Pero kung ito ko pang mistake layer,
13:58ano ba ba?
14:00Ano ba?
14:00Ano ba?
14:02Ano ba?
14:03Ano ba?
14:04No comment to that guy.
14:07Sa social media post ni Kang Luusman Pulong Luterte,
14:10iminungkahi niya kay Direktore Matibag
14:12na ang i-establish niya ang fax at maglabas ng ebidensya.
14:17Kung wala raw itong mailabas na ebidensya,
14:19na narapat lang aniya na iwasto ang naging pahayag.
14:23Sa ngayon, labing apat na property sa Davao at Metro Manila
14:26na may kabuang halaga na P175M hanggang P264M na pag-aaring umano
14:33ni Atty. Manasas Carpio at Vice President Sara Duterte
14:36ang iniimbisigahan.
14:38Lahat nakadiktira sa SAL-EN.
14:40Pero higit raw na mas mataas ang halaga kumpara sa inirektira.
14:44We are investigating this because we are following the pattern
14:48na na-establish natin doon sa Gracioso Abi David.
14:51Ibig sabihin, may pera. Saan pumunta yung pera?
14:53Dito lumalabas ngayon na yung mga properties,
14:57yung mga pera, inilalagay sa land banking.
14:59And we are looking seriously into it.
15:02Sinusubukan namin kunan ang pahayag si Vice President
15:05at asawang si Atty. Carpio.
15:07Samantala, nagsumitik ng Affidavit Alcote Lam
15:10ang abogado ni Congressman Pulong Duterte sa NBI.
15:13Kinwestiyon ni Duterte ang otoridad ng NBI
15:16para magsagawa ng imbisigasyon.
15:18Itinanggirin ni Duterte ang mga akusasyon ni Gracioso.
15:22Hindi daw niya kilala si Gracioso
15:24at hindi tumanggap ng pera o maleta
15:26mula sa kanya sa anmang lugar.
15:28Tinawag ni Duterte na pure fiction at fairytale lie
15:32ang mga naging pahayag ni Gracioso sa kanya.
15:35Gayunman, sa isang pahayag,
15:37umaasa ang kampo ni Duterte
15:39na palinindigan ng NBI ang kanilang mandato
15:42at magiging patas sa imbisigasyon.
15:44John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
15:50Itinanggi naman ni Vice President Sara Duterte
15:52na kanya ang ari-ariya na tinukoy ng NBI
15:54binang Agricultural Land sa kanyang sal-end.
15:57Sabi ng grise sa isang pahayag,
15:59nakakabahala na ginagamit ng NBI
16:01na pinupunduhan ng taong bayan
16:03ang mga operasyon nito
16:04para sa mga gawaing
16:05walang malinaw na pakinabang sa publiko.
16:08Kung pera ng taong bayan
16:09ang ginamit ng NBI,
16:10dapat anyang tiyakin
16:11na ang mga hakbang nito
16:12ay naaayon sa batas,
16:14nakabatay sa katotohanan,
16:15at nagsisilbi sa interes ng sambayanan.
16:18Wala pang reaksyon ng NBI
16:20dito sa bagong pahayag ng BICE.
16:26Sa kuha ng CCTV
16:28sa barangay Kaingin sa Lapas,
16:29Iloilo City,
16:30kitang lumapit ang tatlong pulis
16:32sa isang kotse.
16:33Yan ay matapos mabanggan ang kotse
16:34ang isang tindahan.
16:36Sa halip na makipagtulungan
16:37ng driver,
16:38nagtangka o mano siyang tumakas.
16:41Doon na namaril ang mga pulis.
16:43Kalaunan,
16:44kuminto rin ang kotse.
16:46Labing isang bala
16:47ang tumama sa kotse.
16:49Sugatan ang driver nito.
16:51Mahaharap siya sa kaukulang reklamo.
16:53Wala siyang pahayag.
16:54Iniimbestigahan na
16:55ng Iloilo City Police
16:56kung may tuturing na overkill
16:58ang pagrespondin ng tatlong pulis,
17:00lalot walang narecover na armas
17:01sa driver.
17:03Mag-iimbestiga na rin
17:04ang NAPOCOM Region 6.
17:06Tinanggal muna sa pwesto
17:07ang tatlong pulis.
17:09Nanawagan naman ng tulong
17:10ang may-ari ng tindaang
17:11na damay
17:12sa insidente.
17:16May bagong senatorial preference survey
17:18ang Pulse Asia
17:19para sa eleksyon 2028.
17:21Ang mainit na balita
17:22hatid niya Darlene Kai.
17:26Sa survey ng Pulse Asia,
17:28nagbigay ng 66 na pangalan
17:30ng mga posibleng kandidato
17:31ng tanungin ng 2,400 representative adults
17:34na kung gagawin ngayon ang eleksyon,
17:36sino sa mga pangalan
17:37ang iboboto nila
17:38sa pagkasenador.
17:40Labing lima
17:41ang tinawag na probable winners.
17:43Yan sina dating Senadora Grace Po,
17:45mga senador na sina Alan Peter Cayetano,
17:47Robin Padilla,
17:49at Rafi Tulfo,
17:50Davao City Mayor Baste Duterte,
17:52dating Senador Manny Pacquiao,
17:54Senador Loren Legarda,
17:56Makati Mayor Nancy Binay,
17:57Senador Chiz Escudero,
17:59Education Secretary Sonia Angara,
18:01Mama Makayag na si Ben Tulfo,
18:03Tieza COO Mark Lapid,
18:05Senador Jingoy Estrada,
18:07TV personality Willie Revillame,
18:09at dating Congressman Mike Defensor.
18:11Ayon sa Pulse Asia,
18:13kusa nilang ginagawa
18:14ang mga ulat ng Bayan Survey
18:15at wala raw ibang party
18:16na nagkomisyon nito.
18:18Darlene Cai,
18:19nagbabalita para sa GMA News.
18:23Ipinasilip na ang teaser trailer
18:25ng upcoming film na Amir,
18:27na kabilang sa walong entry
18:29sa 52nd Metro Manila Film Festival.
18:32Narito ang latest ni Athena Imperial.
18:39Ang mundo sa pagtingin ng isang bata,
18:43samahan pa ng makukulay na alamat
18:45at kwentong bayan.
18:47Kabilang ito sa matutunghayan
18:49sa pelikulang Amir,
18:50mula sa GMA Pictures,
18:52GMA Public Affairs,
18:54at Brightburn Entertainment.
18:56Sa unang pagkakataon,
18:58ipinasilip na ang teaser trailer nito
19:00sa reveal ng second batch
19:02ng official entries
19:03ng 52nd Metro Manila Film Festival
19:06mula sa panulat
19:07ng multi-awarded screenplay writers,
19:10National Artists for Film
19:12and Broadcast Arts, Riki Lee,
19:14at GMA Public Affairs,
19:15Senior Assistant Vice President,
19:18Ange Atienza.
19:19Directed by two-time MMFF
19:21Best Picture Director,
19:23Zig Dulay,
19:24ang Amir ay kabilang
19:25sa walong official entries
19:27ng 52nd Metro Manila Film Festival.
19:30Gaganap na mag-ama sa Amir
19:32si na Dennis Trillo
19:33at Argus Aspiras.
19:35This time,
19:36meron namang fantasy na element
19:38para syempre,
19:39malakas din yun maka-attract
19:41sa mga bata
19:42and syempre,
19:43ngayon darating na Pasko
19:44ay para sa mga bata
19:45kaya para sa kanila talaga ito.
19:47Lagi lang kami magkasama
19:48ni Argus sa shooting,
19:49nag-banding lang kami doon
19:51para mas maganda yung
19:53rapor ng characters namin.
19:55Turuan ka lagi.
19:56Opo,
19:56mas lalo na po to si Sir Dennis,
19:58mas magaling po siya mag-acting sa akin.
20:00This movie will awaken your minds,
20:03warm your hearts,
20:05and touch your soul.
20:06So,
20:06abangan nyo,
20:07MMFF this December 25.
20:10This is a film for all children
20:11and for the children at heart.
20:14So,
20:14we hope you'll all come
20:15on December 25.
20:16First day,
20:17first film,
20:18Amir.
20:20Kabilang din sa walong official entries
20:22ng Metro Manila Film Festival
20:23ngayong taon,
20:24ang mga pelikulang
20:25Second Miracle in Cell No. 7,
20:28Haunted Carnival
20:29with Sparkle Artists
20:31Charlie Fleming
20:32and Prince Carlos,
20:34The Greatest Showdown,
20:36Los Alvajes Bravos
20:38with Capuso Primetime Action Hero
20:40Ruro Madrid,
20:42Little Hope,
20:43Seeds of Peace,
20:44The Life of Father Roel Di Gagliardo,
20:47CMF,
20:48at A Perfect Marriage.
20:51Athena Imperial
20:52nagbabalita
20:53para sa Jemmy News.
20:59No DNA test needed
21:01para sa isang ama
21:02sa Kersusita at anak niya.
21:04Sapat ng patunay
21:05ang video ito.
21:09Kayang mangat.
21:15Like father, like son,
21:17si Daddy said
21:17at ang pangalan
21:18ng si Chiam.
21:19Hindi lang sa looks,
21:20ay pati na rin
21:21sa dance moves.
21:23After mag-sample ni Daddy,
21:25hindi nagpatalo
21:25ang kanyang
21:263-year-old mini-me.
21:28Paraan daw yan
21:28ang mag-ama
21:29para pasayahin
21:30ang kanilang mommy ba
21:31at ano'y buntis
21:33sa second baby.
21:34Ang dance moves
21:35ng mag-Daddy
21:36pang main character.
21:41Ayo, ayo.
21:42Cute.

Recommended