00:00Mga kapuso, 40 barangay ang binaha sa buong Pangasinan dahil po sa masamang panahon.
00:05Dahil yan sa mga umapao na ilog at natuklasang tagas sa floodgate ng Bike.
00:11Ang sitwasyon, pinututukan live ni Sandy Salvasio ng GMA Radio TV.
00:16Sandy!
00:21Emil, hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang pabugsubugsong pagulan dito sa probinsya ng Pangasinan.
00:27Kaya naman lahat ng local DRRMC's ay nakahanda na kung sakaling kailanganin na magpatupad ng pre-emptive evacuation.
00:38Lampas tuhod ng baha sa barangay Lasip ng Kalasyo, Pangasinan.
00:42Problema ayon sa mga residente dahil nakababad sila pero sanay naan nila ang marami.
00:47Kagawa kami ng lamo para makatawit kami.
00:51Hindi kayo mag-evacuate sir?
00:53Hindi.
00:54Dito na kayo?
00:55Dito lang sa bahay naman.
00:56Ayon sa Barangay Council ay may dike sa likurang bahagi ng kinatatayuan ko ngayon.
01:01Kaya naman nakapagtataka kung bakit binabaha itong lugar na ito sa isinagawang assessment ng Barangay Council
01:07na tuklasan nila na mayroon palang tagas yung floodgate dito sa naturang dike.
01:12Kaya naman dumederecho dito sa lugar na ito yung tubig mula sa ilog.
01:17Nakamonitor ang opisyal ng barangay sa sitwasyon.
01:19Dahil nga po sa pagtaas ng ating kalsada, dahilan din po ng pag-stock ng tubig sa ating mga kabahayan.
01:26At isa din po yung kaukulangan ng drainage.
01:31Habang sinanay Florentina inilagay sa ligtas na lugar ang mga alagang baboy.
01:36Bahadito sa paglagyan namin po.
01:39Kaya tinaas namin, siyempre magkakasanit yung baboy.
01:42Kanya-kanyang taas din ang gamit ang ilang residente sa barangay Lasip Dagupan City.
01:47Nakaraan na bagyo mam inabot po yung bahay namin hanggang dito po sa taas.
01:52Kasi kung anong label po nung kalsada, ganon din ang taas po dito nung nakarang bagyo.
01:58Habang sa bayan ng Mangaldan, binabantayan at iniikutan ng mga tauhan ng munisipyo
02:02ang mga barangay na dinadaluyan ng Angalakan River.
02:05Tinitignan din namin yung mga irrigation dito na kung minsan ay mga ganitong pagulan ay underwater para mamonitor din po.
02:14Sa monitoring ng Kapitolyo, above normal level na ang Marusay River sa Kalasyao at Kayanga River sa San Fabian.
02:20Apat na pong barangay naman ang binaha at mahigit anim na libong pamilya ang apektado.
02:31Emil, dito sa barangay Lasip Chico sa Dagupan City ay abot hanggang bewang na yung tubig baha.
02:37Kaya naman yung ilang mga residente ay gumagamit na nitong lamo o balsa na tinatawag natin.
02:42At makikita po sa aking likuran.
02:44Ginagamit nila ito nang sagayon ay makauwi sa kanika nilang mga bahay.
02:48Makikita rin sa aking likuran, Emil, yung mga residente na abala pa rin hanggang ngayon sa paggawa ng makeshift na
02:54tulay na gawa sa kawayan.
02:57At sa paglilibot nga natin dito sa kanilang lugar ay talagang pinasok na ng tubig baha yung kanilang mga bahay.
03:03At inaasahan nila na kapag magtutuloy-tuloy pa itong ulan ay baka umabot na raw ng lampasta o ang antas
03:09ng tubig baha.
03:10Kaya yung ilan sa kanila napipilitan na rin po na mag-evacuate sa kanilang mga bahay.
03:15Hindi lang yan, Emil, dahil nakataas pa rin ang gale warning sa mga coastal area dito sa Pangasinan at ipinagbabawal
03:22pa rin po ang mga water-related activities.
03:25Emil.
03:25Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
03:35Halos buong araw maulan sa malaking bahagi ng Luzon.
03:39E magpapatuloy pa kaya yan hanggang bukas?
03:41Alamin natin kay Amor La Rosa ng GMA Weather Center.
03:45Amor.
03:47Salamat, Vicky.
03:49Nakupusibling magtagal pa ng ilang araw ang mga pagulan sa ilang bahagi ng ating bansa.
03:53Kahit kasi papahina na itong bagyong maymay, tuloy pa rin ang epekto ng habagat.
03:59Matapos mag-landfall kaninang alas dos ng madaling araw sa magsingal Ilocos Sur, itong bagyong maymay,
04:04tinawid po nito itong mga kabundukan ng Northern Luzon kasama po dyan yung Cordillera at ilang bahagi ng Sierra Madre.
04:12At dahil po sa interaksyon niyan, dito sa lupa ay inaasahan po natin magtutuloy-tuloy yung paghina nito sa mga
04:18susunod na oras.
04:19Sa latest bulletin ng pag-asa kaninang hapon, namataan yung sentro nitong bagyong maymay sa layong 150 kilometers east-northeast
04:27ng Echaga, Isabela.
04:29Taglay na lang po nito ang lakas ng hangin na abot sa 45 kilometers per hour at yung bugso naman
04:34na sa 70 kilometers per hour.
04:36Kumikilos po yan pa east-southeast sa bilis na 35 kilometers per hour.
04:41Ayon sa pag-asa, posibleng ngayong gabi o bukas po ng madaling araw ay humina na po ito bilang low
04:47pressure area.
04:48At yung mga tirang kaulapan nito, sasama o hihigupin po ng mas malaking sirkulasyon, dito po yan sa labas ng
04:56Philippine Area of Responsibility, yan po yung may international name na dolphin.
05:00At itong bagyong dolphin naman, patuloy pa rin tinutumbok itong Southern Islands ng Japan at next naman ito ay dito
05:06naman sa bahagi po ng China.
05:09Sa ngayon, habang hindi pa naman LPA ang bagyong maymay, may nakataas pa rin wind signal number one.
05:14Pero kung para naman kahapon at kanina ay nabawasan na po yung mga lugara, dyan na lang po yan sa
05:20may southeastern portion ng Mayland Cagayana, Isabela, Quirino, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, northern and central portions ng Aurora.
05:28Ganun din sa eastern portion ng Kalinga, Mountain Province at ng Ifugawa.
05:33Dito pa rin po mararanasan yung pabugsubugsong hangi na may kasamang mga pag-ulana.
05:37At bukod po sa epekto ng bagyong maymay, hindi pa rin tumitigil nga yung pag-iral nito pong hanging habagat
05:44na patuloy pa rin palalakasin nitong bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
05:50Kaya pwede pa rin maulit yung mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
05:54Base nga sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang bukas, posibleng na po yung mga pag-ulan, lalo na
05:59sa Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan.
06:03Ganun din po dito sa iba pang bahagi ng Central Luzon, NCR, pati na rin po sa Calabar Zone.
06:09Ganun din dito sa ilang bahagi ng Mindora Provinces at ng Bicol Region.
06:13May mga malalakas sa pag-ulan pa rin tayong nakikita, kaya meron pa rin pong banta ng mga pagbaha o
06:19landslide.
06:20Magtutuloy-tuloy pa rin po yung mga pag-ulan, pagsapit po yan ng hapon at kasama na rin po dito
06:25itong iba pang bahagi ng Luzon.
06:28At para naman sa mga taga Metro Manila, maulap at mataas pa rin po ang chance ng ulan mula bukas
06:33po ng umaga
06:34at pwede pong maulit o magpatuloy po yan sa hapon at kahit nga po nakikita natin, pwede pong magpatuloy sa
06:41gabi.
06:42Kalat-kalat na naman ang mga pag-ulan pong mararanasan.
06:44Dito po yan sa may Antique, Aclan, ganun din sa may Negros Island Region at sa Eastern Visaya.
06:50May mga pag-ulan na rin sa Mindanao, pagsapit po yan ang hapon pero mga panandalian at mga kalat-kalat
06:55din.
06:56Pero mga kapuso, ayon po sa pag-asa, pwede magtuloy-tuloy yung mga pag-ulan dala ng habagat hanggang weekend
07:02o pwede nga na by early next week pa lalong-lalo na po dito sa Luzon, kaya tutok lang sa
07:07updates.
07:08Yan muna ang latest sa ating panahon mula sa GMA Weather Center.
07:12Ako po si Amor La Rosa, serbisyong totoo ng GMA News.
07:16Sa kasagsagan ng ulan kahapon, bumagsak po ang isang puno sa isang kalsada sa Marikina habang may dumara ang mga
07:23sasakyan.
07:24Pakanan sa JP Rizal Avenue, ang isang sasakyan ng makunan ng dashcam nito, ang pagbagsak ng isang akasya.
07:32Tinamaan ng trucks sa kabilang linya at nasa gasaan naman ang isa pang AUV.
07:36Wala mang nasaktan, nagdulot naman ito ng mabigat na traffic.
07:40Ayon sa isang barangay official, matandang puno na ang bumagsak, kaya marupok na ito.
07:45Susulat ang barangay sa Department of Environment and Natural Resources o DNR
07:49para ipasuri ang kondisyon ng mga puno sa JP Rizal Avenue.
07:59Maging sino man siya, kahit laking Amerika, buhay na buhay ang dugong Pinoy, kay Grammy winner, Her.
08:06Nang mapasaba kasi sa karaoke sa New York, OPM Classic hit song na maging sino kaman ang kanyang kinanta.
08:13Makichika kay Aubrey Karampel.
08:17Nasa New York pero feeling nasa Pinas sa restaurant na ito tuwing karaoke night.
08:24At kahit ano pa ang hiyo na kaay, ay mamahalit na maging sino kaman.
08:41Pero wait, looks familiar ang kumakanta ng OPM hit song na maging sino kaman.
08:49Mawalit na, pagkat mahal kita.
08:57Iisit na ang hindi, mahal ka, mahal kita maging sino kaman.
09:08None other than, five-time Grammy and Oscar-winning Filipino-American, Her.
09:15Napa-throwback Thursday tuloy ako sa online interview ko sa kanya noong 2021
09:19nang ikwento niya ang Filipino go-to song niya sa karaoke.
09:25Kinanta raw ito ng favorite singer ng kanyang pinay mom na si Agnes.
09:29Growing up, my family listened to a lot of Gary Vee and Sharon Conneta.
09:34That was like my mom's favorite was Sharon Conneta.
09:37So I used to sing Maging sino kaman all the time.
09:39That was my Filipino song, my Filipino go-to song.
09:43At legit nga, dahil five years after,
09:47ang kantang isinulak ni Ray Valera at pinasikat ni megastar Sharon Conneta
09:52ang kinanta niya sa Callie Oki,
09:55o karaoke night ng Filipino resto na Callie.
10:05Pinusuan siyempre yan ng mga Pinoy nang i-post online.
10:09At may comment pa mula sa panganay ni Ati Shawi na si Casey Concepcion.
10:15Relate ang marami sa Pinoy bonding na ito.
10:18Nagkwento sa akin ni Her ay isa sa kanyang Filipino core memory
10:22bukod sa pagkain ng kanyang favorite Filipino dishes.
10:26It's karaoke, it's my grandpa, you know, getting lasing and, you know, it's just fun.
10:35You know, he's talking, eating a lot of sinigang and kare-kare.
10:40Obri Carampel, updated sa showbiz sa Pinay.
10:45Nagkarambola ang apat na sasakyan sa Antipolo City dahil sa hindi nakapagprenong jeepney.
10:50Isa po ang sugatan. Nahuli kami yan sa pagtutok ni EJ Gomez.
10:59Mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo City,
11:04pasado o launa ng hapon itong Merkulis.
11:06Nang biglang, lumipat ng linya ang isang jeep at mabilis na bumuntot sa nasa unahang van.
11:12Sa bilis, tinamaan ang jeep ang kaliwang likurang bahagi ng van, pero dire-diretsyo pa rin ang takbo.
11:20Sa isa pang CCTV video, ang jeep sumalpok na sa mga nakahintong sasakyan sa stoplight.
11:26Bumangga siya dun sa MPB.
11:29Yung MPB naman, tuwaman man dun sa tricycle.
11:34Then tricycle, tuwaman man dun sa van.
11:37So, apat na behikel ang involved.
11:42Ako dito sa driver na wala ng preno.
11:44Pumutok po yung saos niya sa preno po.
11:47Eh, naisip ko po kanina, kung ibabangga ako sa tao, makakapatay po ako.
11:53Kaya ginawa ko sa mga sasakyan ko na lang po binangga.
11:56Nagdulot ng matinding trafik ko sa lugar ang insidente.
11:58So, baby.
12:00So, so.
12:07Bawa.
12:10Wala ng trafik eh.
12:11Despondihan po namin yung driver ng tricycle na ano yung naipit yung binti niya o paan niya hanggang sa binti.
12:19Pasama kasi niyang pamilya niya, tapos yung anak niya ang medyo na ano yung bata na untog.
12:25Ang driver ng tricycle nagpapagaling sa ospital.
12:28Sa lakas ng impact, nasira ang unahang bahagi ng jeep.
12:31Ang MPV naman, nabasag ang likurang windshield, nasira ang unahan at likurang bahagi at nayupi ang bumper.
12:39Habang ang tricycle, nayupi ang bubong, nabasag ang windshield at nasira ang unahang gulong.
12:45Ah, pasyensya na po. Wala pong may kagustuhan nun. Hindi ko po sinasadya. Umingi po akong kapatawaran.
12:50Ayon sa pulisya, nagkaareglo ang driver ng jeep at mga driver ng mga nabangganitong sasakyan.
12:56Nangako ang jeep ni driver na sasagutin ang pagpapagamot sa mga sugatang biktima.
13:02Gayun din, ang pagpapagawa ng mga nasirang sasakyan.
13:05E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
13:10Wala nang duda sa kapangyarihan at jurisdiction ng Kongreso sa Impeachment, Vice President Sara Duterte.
13:16Ito po ang basa ng Impeachment Court at ng Prosecution sa pagbasura ng Korte Suprema sa Petisyon ng Vice laban
13:23sa Impeachment Proceedings.
13:25Nakatutok si Tina Panganiban Veres.
13:30Ngayong dinismiss na ng Supreme Court ang petisyong kongwestyon sa Impeachment Proceedings noon sa Kamara,
13:38sinabi ngayon ng Senate Impeachment Court na lubos o absolut na ang jurisdiksyon ng Korte sa Impeachment Trial ni Vice
13:46President Sara Duterte.
13:48Ang Impeachment Court na raw ang tanging may hawak ng kapangyarihan para litisin at desisyonan ang kaso.
13:56Hindi raw naging bahagi ang Senado ng anumang petisyong isinampa sa Supreme Court laban sa Kamara
14:04at hindi minana ng Impeachment Court ang anumang legal disputes doon at hindi rin naman ito lilitisin ng Korte.
14:13At dahil fully insulated o ganap na hiwalay ang Impeachment Court sa anumang nangyari sa Kamara,
14:21magsisimula ang Korte sa tinawag nitong blank slate.
14:24Pasanin daw ng prosekusyon na patunayan ang kanilang mga akusasyon at sisiguruhin naman ang Korte
14:32na mabibigyan ng due process si Duterte alinsunod sa garantiya ng saligang batas na ang nasasakdal ay ipinagpapalagay na inosente.
14:44Wala raw itong magiging ibang batayan kundi ang konstitusyon,
14:48ang kanilang mga panuntunan, ang batas at ang ebidensya na ihaharap sa Korte.
14:55Para naman sa prosekusyon, malinaw sa kanila ang ibig sabihin ang desisyon ng Supreme Court.
15:01So what the Supreme Court decision settled is the full room.
15:05So what's clear now is that the proper full room is now the Impeachment Court.
15:10So if the Vice President has answers, she must present them here before the Impeachment Court.
15:16If she has evidence, she must show it here.
15:19Matatanda ang pinadedeklara ni na Duterte at grupo ng mga abogado bilang unconstitutional
15:27ang mga ginawang pagdinig at proseso sa Kamara para ma-impeach ang vice.
15:33Pero sabi ng Korte Suprema, moot na ang usapin o wala nang saisay para magbigay pa ito ng ruling
15:40dahil hindi na ito makakaapekto sa issue, ngayong nasimulan na sa Senado ang paglilitis.
15:47Ito po'y bilang pagpapatibay sa exclusive power ng House of Representatives
15:54to initiate all cases of impeachment.
15:57Pagpapatibay sa exclusive power naman ng Senado to try and decide all impeachment cases.
16:07I hope that with this decision of the Supreme Court,
16:10Sana natapos na yung mga issues na ibinabato kaugnay ng naging proceeding ng Justice Committee,
16:20sinisikap namin kuna ng reaksyon ang mga abogado ng vice.
16:24Pero wala pa silang tugon.
16:27Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 oras.
16:31Nasa kote ng kanilang mga kabaro ang dalawang polis kalookan na iligal umanong nagbebenta
16:37ng mga baril at bala.
16:40Nakatutok si June Veneracion.
16:46Nakasuot pa ng PNP uniform ang isa sa dalawang polis kalookan
16:50ng mahuli na iligal umanong nagbebenta ng mga baril sa entrapment operation kaninang umaga.
16:55Mga kapwa-polis din mula sa Kalookan City Police Station ang umaresto sa dalawa.
16:59Ito, bago rin, nagsusot ng police uniform and actually a policeman in committing a crime.
17:11Hindi dismiss ko yung policeman.
17:13Not only for a criminal case but an administrative case, corresponding administrative case shall be filed.
17:20Nakuha sa kanila ang alim na baril, kabilang ang mga government-issued firearm at mga bala.
17:26Iniimbestigahan kung saan nila nakuha ang mga binibentang baril.
17:29At kung meron pa silang ibang kasabot.
17:31Na-recover din natin yung kanilang personal cellphone.
17:34Those cellphone will be subjected for digital forensic.
17:38From there, makikita po natin kung matagal na po nilang ginagawa ito,
17:43sino-sino pa ang mga kasamahan nila sa operasyon na ito.
17:46Wala pang pahayag ang mga naarestong polis.
17:49Nakatakda silang sampahan ng reklamong illegal sale at illegal possession of firearms.
17:53June Veneration Nakatutok, 24 Horas.
Comments