- 4 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:09Good evening, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:14Isinailalim na sa state of calamity ang buong Salangani
00:18dahil sa tindi ng pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol nitong lunes.
00:24Dalawang araw mula ng lumindol, maraming lugar pa rin ang hirap maabot
00:28kaya tuloy ang panagoy ng mga nilindol na mahatiran ng pagkain at inuming tubig.
00:33Mula po sa Bayan ng Glan, nakatutok live si Maki Pulido.
00:38Maki!
00:42Maari raw na magdamagan itong pagkukumpuni at clearing operations ng DPWH
00:48dahil ang target ay sana ngayong gabi ay makabiyahin na ng diretsyo ang mga sasakyan
00:54hanggang sa Bayan ng Glan na na-isolate dahil sa mga sirang tulay at kalsada.
00:59Natanggal na nga yung sasakyan na nadaganan ng mga malalaking tipak ng bato
01:03dito sa boundary ng Glan.
01:10Nagdala na ng mga heavy equipment ang DPWH para maayos sa mga sirang tulay at kalsada.
01:15Nadaraanan na ang Sapu-Masla Bridge sa Bayan ng Malapatan at target maayos ngayong gabi
01:21ang kalsadang na biyak at tila hiniwa-hiwa para makabiyahin na mga sasakyan diretsyo
01:27hanggang sa Bayan ng Glan.
01:28Dahil ginagawa na raw ng DPWH yung portion ng highway na nagkabiyak-biyak
01:34ay pinagbabawalan, dumaan kahit na mga tao, hindi lamang mga sasakyan.
01:39So para makarating tayo, lampas nun, para malampasan natin, ay kailangan sumakay tayo ng bangka.
01:47Habang inaayos ang kalsada, naghihintay pa rin ang tulong ang mga biktima ng lindol sa Bayan ng Glan.
01:52Ito na lang ang natira sa bahay ni Julito.
01:55Dahil wala nang matuluyan, sa gilid ng kalsada siya gumawa ng pansamantalang matutulugan.
02:00Walang mapagkakitaan mula ng lumindol, kaya't wala nang pambili ng makakain o maiinom.
02:06Naghihintay pa rin ng tulong. Wala mga tulong pa na tanggap namin.
02:09Wala nang pagkain at saka tubig. Wala nang mainom.
02:12Tatlong araw na rin naghihintay ng kahit kaunting tulong si Ronald Zubel.
02:16Gustuhin mang kumita, wala namang nag-aarkila ng kanyang bangka mula ng lumindol.
02:21Sa oras na maubos ang kanilang limang kilong bigas, wala na raw siyang maipapakain sa tatlo niyang anak.
02:27Wala lapit na maubos, ma'am. Kunti na lang.
02:30Yan na ang problema may kasi hindi kami kamanapunan kasi kanilito ngaon, ma'am.
02:34May lindol, wala namang trabaho.
02:36So, barante lang, bigas lang, ma'am. Saka tubig, yan lang, ma'am.
02:41Tuloga ng anak namin.
02:43Sabi ng lokal na pamahalaan ng GLAN, pahirapan talaga ang pagdating ng relief goods.
02:47Kaya't hinihintay nilang maayos ang kalsada para mapabilis ang pagdating ng tulong.
02:52Sa mga naghihintay ng tulong, naihintindihan namin sa humingi na kami ng pasyensya,
02:56kami gusto talaga namin makarating agad. Pero naihintindihan naman natin na hindi talaga natin mapabilis kasi yung daan, wala.
03:03Pero pati matitirhan, malaking hamon para sa maraming biktima ng lindol.
03:08Nasa dalawampung bahay, yung dating nakatirik sa gilid ng bundok na ito, dito sa bayan ng GLAN, sa probinsya ng
03:14Sarangani.
03:15Pero dahil dun sa lindol, sira na lahat ng mga bahay. Itong bahay nga na ito, nahulog na dun sa
03:23gitna kung saan nabiyak yung lupa.
03:27Dito dati nakatira ang pamilya ni Maricel Poncardas.
03:30Hindi po namin alam kung ano yung mangyayari kasi wala naman kami mapupuntahan.
03:37Dito lang kami naninirahan sa ano, wala rin kaming sariling lupa kasi.
03:43Bahala na po, ang pangginoon.
03:45Tatlong araw mula ng lumindol, nag-aalala na rin ang mga doktor sa Rural Health Unit dahil naubusan na sila
03:51ng anti-tetanus shot.
03:53Baka raw kasi may mga naantala lang ang pagpunta sa pagamutan pero nasugatan noong lumindol.
03:58Sa mga cases na nakita namin, ma'am, ano, like, yung mga patients talaga kami na makapunta dito na, for
04:03example, may mga deep wounds.
04:05Yun kasi kailangan talaga yung magwigyan ng anti-tetanus para hindi mag-fester yung infection.
04:11Yung delikado kasi sa tetanus is kapag bababa yan sa lungs, magkakaroon ng respiratory arrest yung patient.
04:18Hindi siya makakahinga.
04:19Sa Gland Provincial Hospital, nagtitiis pa rin sa init ang mga pasyenteng nasa parking lot pa rin dahil hindi pa
04:25cleared ang hospital building.
04:27Pero mas inaalala na mga doktor ang mga nagtamo ng matitinding sugat noong lumindol.
04:32Our OR is non-operational, our laboratory is non-operational, and we don't have the consultants
04:41because our consultants come from Jansan area, anesthesiolog, they could not come here because the road is non-passable.
04:50So these patients need to be airlifted or by sea ambulance or whatever available for them to be transferred to
05:00higher facility.
05:01Isa si Cambria sa tatlong araw nang naghihintay na mailipat ng ibang ospital.
05:06May malalim na sugat siya sa ulo at dislocated din ang kanyang kanang paa matapos madaganan ng pader nang tumama
05:13ang lindol.
05:14Mahirap talaga ma'am, pero tiniis ko na lang ang kahirap para madala ako sa ospital.
05:25Dahil sirapa ang kalsada ay gumamit na ang Kapuso Foundation ng commercial fishing vessel mula General Santos City.
05:33Kaya't nakarating na sila sa clan nitong hapon at magsisimula ng pamamahagi ng tulong ngayong gabi.
05:41Samantala alam nyo, kanina bago tayo umere, ay nagkaroon ng aftershocks.
05:47Pero sa kabila nito, ay hindi pa rin tumigil itong clearing operations ng DPWH.
05:53Emil?
05:54Maraming salamat, Maki Pulido.
05:57At kaugnay ng pagkamatay ng dalawang Ateneo basketball players,
06:02inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na mag-imbestiga.
06:08Bagaman walang foul play na nakikita sa ngayon,
06:12inaalam na rin kung may dapat panagutin sa training nila sa Aurora.
06:16Lalo't may mga dating player na nagsabi na dumaan din sila sa tinawag nilang deadly at hell-weak na pagsasanay.
06:26Nakatutok si June, Renerasyon.
06:31Kung mismo ay kinamatay lang ang pag-uusapan,
06:34malinaw ang nakumpirma sa pagsusuri ng mga otoridad.
06:37Sa labi ni Ateneo basketball player, Rene Baterboña.
06:41Lamalabas po na aspeak siya by drowning.
06:45Ibig sabihin, naubusan siya ng hiniga dahil sa pagkalunod sa kanilang team-building activity sa Dipakulao Aurora.
06:52Inaabangan naman ang risuta ng pagsusuri sa labi ni Divine Adili na namatay rin sa aktividad.
06:58Lumabas din sa embestikasyon na nasa hanggang bewang na lalim na tubig ang team ng Ateneo.
07:03Pero napunta sila sa biglang lalim na bahagi ng dagat at hinampas ng malalakas na alon.
07:10Noon nawala si Nabaterboña at Adili at natagpuan lang pagkatapos ng 30 hanggang 40 minuto,
07:17limang dipang mula sa baybayin.
07:19Sabi ng PNP, lumayo ng 300 metro sa tapat ng resort ang team activity.
07:24Kahit pinayuhan umano sila ng resort management na sa tapat ng resort gawin ang mga aktividad.
07:29Noong muna po, noong mga unang dating po nila, nag-uusap po sila na ito yung kondisyon ng dagat natin.
07:36Dito sa pat-tapat ng resort ay safe dyan, mababa dyan.
07:41Alam natin ang sitwasyon ng dagat dyan.
07:43Pero po, gaya nga po na sinabing ko kayo na,
07:45yung pong team ay gusto nang umagay po silang humigil po sa inyo na huwag silang pakialaman sa gagawin nila
07:52activity.
07:53Pero walang nakikitang foul play ang Aurora Police,
07:56batay sa mga affidavit na mga nagbigay ng first aid.
07:59Ang kasi po sa pidebit ng live guard,
08:05ay haba ko po ngayon yung statement niya,
08:08ay wala akong napansin na pabigat sa paa, kamay o katawan ng player.
08:14So yun po yung sabi ng live guard,
08:16sabi naman po ng tiga MD, aranin mo nandipang ulaw,
08:19walang aramang pasa sa kanyang katawan nang siya ay aming binigyan ng ulang lulas.
08:24Walang foul play, pero wala bang dapat panagutin?
08:28Tinirak ng PNP na wala silang sisinuhin, walang cover up,
08:32at magiging transparent ang ginagawa nilang investigasyon.
08:35Ilalabas daw ang buong risulta kapag natapos na silang mag-imbestika.
08:39As to the negligence of anybody or yung liability po ng kasinumang partido,
08:46ay ito po yung malalaman natin once the investigation has been completed.
08:51Nakukwestiyon kasi ngayon kung ano ba talaga ang ginagawa sa training,
08:54lalo sa gitna ng paglutang ng mga dati ng interview
08:57sa iba't ibang naging basketball player ng Ateneo de Manila University.
09:04Sa 2022 interview na ito, halimbawa ng Shoot First podcast,
09:08ay tinarong sina Gian Mamuyak at Tyler Chu tungkol sa kanilang naging training camp sa Aurora.
09:14Parehong probisya kung saan namatay sa training sina Baterboña at Adili.
09:40Aniya, subok na subok ang kanilang mental toughness
09:43sa tindi ng training na kanilang naranasan.
09:46Sa isang hiwalay na podcast naman,
09:48tinawag ng dati rin Ateneo player na si S.J. Belangel
09:51ang ginawa nila sa Aurora bilang deadly training.
09:55Kung kailan utak na lang ang gagana at ang katawan hindi na.
10:00Hell week naman ang tawag dito ni ex-Ateneo player Sean El Defonso
10:04nang makapanayam din sa ibang podcast.
10:07Inatasan din ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation o NBI
10:12na bumuo na task force para imbistigahan ang pagkabatay ng dalawang student athlete.
10:18Ang NBI ang tutukoy kung merong sapat na basihan para irekomenda ang pagsasampal ng reklamo sa DOJ.
10:25June Veneración nakatutok, 24 oras.
10:28Nasawi ang isang binatilyo sa Paranaque City matapos siyang pagtulungang bugbugit ng mga kapwa niya minority edad.
10:35Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
10:42Labis na nagdadalamahati ang mga kaanak ng 14 anyos na lalaking ito matapos siyang bugbugin na naging dahilan ng kanyang
10:49kamatayan
10:50sa barangay BF Homes, Paranaque noong hapon ng biyernes.
10:53Ang minor de edad na biktima, isang person with disability.
10:58Ang mga nambugbug umano sa kanya, anim na puro minor de edad din.
11:03Ayon sa pulisya, nakipagkita ang biktimang si John Raven Tabinas sa anim para ihatid daw ang binili nilang shorts.
11:11Bale, after noong naibigay na nila yung shorts, pag akyat noong victim natin doon sa footbridge, doon na ha, pinagsusuntok
11:20na siya.
11:20Nagawa ng biktima na makarating sa malapit na istasyon ng pulisya pero sumusukan na raw ng dugo kaya isinugod na
11:28siya sa ospital.
11:29Batay sa report ng Paranaque City Police, kalaunan ay pumanaw ang biktima dahil sa tinamong severe traumatic brain injury, dulot
11:38ng pambubugbog.
11:39Sa follow-up operasyon, naaresto ang anim na minor de edad na naituro pa raw ng biktima bago na matay.
11:46Noong nai-report sa atin, nag-conduct na tayo ng follow-up. Nakuha natin sila. Then, pina-identified through video
11:54kasi nasa ospital na yung biktima.
11:57Hindi naman matanggap ng ina ng biktima ang kalunos-lunos na sinapit ng anak. Mabait at marami raw kaibigan ng
12:04anak sa kabila ng kapansanan.
12:06Masakit po sa akin yung ginawa nila eh. Na walang kamalay-malay yung anak ko na ginawa lang nilang pangsuntok,
12:15binugbog nila walang kalaban-laban.
12:17Hindi na nakuna ng pahayag ang anim na minor de edad na nasa kustodiyana ng City Social Welfare and Development
12:23Office.
12:24Inirefer na rin sa Paranaque City Prosecutor's Office ang reklamong murder na isinampa laban sa kanila.
12:30Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
12:47Itinagda sa June 18 ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
12:55Pero hindi pa pinal hanggang ngayon kung sino ang uupong presiding officer ng impeachment court dahil sa kalituhan sa Senate
13:05leadership.
13:06May posibilidad din daw na isa sa mga abugadong senador ang manguna sa paglilitis.
13:13Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
13:17Sa gitna ng girian ng dalawang paksyon sa Senado, palapit naman ang palapit ang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice
13:25President Sara Duterte sa July 6.
13:28Ayon kay Sen. Sherwin Gatchelian na ipadala na ang Notice of Pre-Trial Conference na dadaluhan ang magkabilang panig sa
13:36June 18.
13:37Na ipublish na rin ang amended impeachment rules na nagpapahintulot ng paghalal ng bagong presiding officer ng impeachment court.
13:47Dahil ang nakaupong Senate President ang saring magsisilbig presiding officer ng impeachment court na numpan itong Mayo si Sen. Alan
13:56Peter Cayetano.
13:57Pero ngayon si Gatchelian ay acting Senate President, sinabi niyang siya ang uupong presiding officer.
14:04Pero may posibilidad din ang umupo.
14:07Isa sa mga kasamahan nilang abugado, sina Sen. Cheese Escudero o Kiko Pangilinan.
14:13Nabanggitin po in the past noong time pa ni Senate President si Tito Soto,
14:18nabanggit po na pwedeng pahandle ang impeachment trial sa isang abugado na kasama po ng mayuriya.
14:28And you have two lawyers sir, no?
14:30At Sen. Escudero and Pangilinan.
14:33Nama ka no, sinabi ni Sen. Soto yun.
14:36At yan ang kasalukuhang pinag-uusapan.
14:39Kailangan maplan siya ito dahil ang kabilang paksyo ni Cayetano,
14:43nagsabi rin siya pa rin ang presiding officer sa impeachment.
14:47Kung may mahalal na bagong Senate President sa botong labing tatlong senador, matatapos ang usapin.
14:54Si Vice President Duterte, pinauubaya sa kanyang mga abugado ang paghahanda sa impeachment.
15:00Sinabihan ko na rin sila na susunod na lang mga abugado sa kung ano yung decision ng mga abugado.
15:08Maliit lang yung team para madaling makapag-usap at kung ano yung sa tingin nila pinakatama at pinakamabisa
15:19at pinakamagaling na paraan ng kanilang defense ay susunod lang ako bilang kliyente nila.
15:26Anang bisi, mas mabuti kung matutukoy ng Korte Suprema kung sino ang legal na leader ng Senado.
15:32May pahaging din siyang dapat kasama pa rin sa Senado yung nakakulong at nagtatago.
15:39Namukhang tumutukoy sa nakadeteneng si Sen. Jingo Estrada at pinagahanap ngayong si Sen. Bato de la Rosa.
15:47Sila ay hindi dalawang grupo kundi in siyang institusyon ay dapat pag-usapan noong 24 kasama yung mga nakakulong,
15:59nakulong kasama yung lagtatago kung ano ba dapat ang prioridad ng kanilang institusyon
16:11at ano yung kanilang trabaho akta na naaayaw sa ating saligang batas.
16:18Sinabi kayo ni Gatchalian na meron ng Operational at Management Control ang kanyang grupo sa Senado.
16:25Siya na raw ang pumipirma ng payroll ng mga empleyado.
16:28At pinatutupad kayo ng Senado ang memo niya ng work from home muna ang mga empleyado.
16:33Ang grupo rin anya nila ang kausap ng kamera tungkol sa nalalapit na state of the nation ng Pangulo.
16:41Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Oras.
16:45Naghihi nagpis pero tuloy sa panawagang ustisya ang mga naulilang pamilya
16:49ni na Rene, Baterboña at Divine Adili, ang ina ni Baterboña.
16:54Nakukulangan pa rin sa paliwanag ng Ateneo de Manila University,
16:58kaugnay sa nangyaring trahedya sa training.
16:59Nakatutok live, si Maris Umali.
17:02Maris!
17:06Emil, marami pa rin mga tanong ang hindi nabibigyan ng kasagutan sa pagkamatay ng anak
17:11at basketball player na si Rene Baterboña
17:14na lalo raw nagpapabigat sa pasani ng kanyang nagluloksang pamilya.
17:28Mula sa labas ng kwarto, maririnig ang pananaghoy ng isang nagluloksang ina.
17:33Para kay Rovelin, hindi humuhu pa ang sakit sa pagkawala ng kanyang anak na si Rene Baterboña.
17:39Nasa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City ang labi ng labing siyang na taong bulang na atleta.
17:44Umiyak ako kasi sinabi nila na aksidente lang daw and then ngingi din sila ng sorry sa akin.
17:59Pero yun, sabi ko, hindi may babalik yung sorry sa anak ko.
18:06Hindi na mabubuhay yung anak ko sa sorry nyo.
18:09Bigyan nyo na lang ako ng clear na yung parang explanation na maanong ko sa sarili ko matanggap ko na
18:24aksidente lang talaga.
18:28Sa kuwang ito ng drone ng Aurora MDRRMO, makikita mga sandali na may ahon sa pagkalunod sa dagat nitong lunes
18:36ang mga manlalarong si Rene Baterboña at Divine Adili.
18:40Naroon sila noon sa isang resort sa Dipakulaw, Aurora para sa team building ng kanilang varsity basketball team ng Ateneo
18:47de Manila.
18:48Makikita ang pinagtulungan silang madala sa dalampasigan matapos matagpuan sa gitna ng dagat.
18:53Nang makausap daw ng ina ni Baterboña mga coach mula sa Ateneo Blue Eagles kanina, ito raw ang paliwanag sa
19:00kanya.
19:00So 40 daw yun nangyari, tapos 30 minutes din po yung ano po, naahon daw yung anak ko, 30 minutes.
19:13So, and then nabalitaan nila ako is one hour pa, one hour pa nila ako nabalitaan, one hour, 4.30
19:23kasi yung pagtawag nila sa akin.
19:25Tapos, nung nagtawag, messenger lang, sabi lang sa akin na ako po si Coach Ipok, then yung anak mo po
19:40ay naaksidente, si Rene, naaksidente po siya, nalunod.
19:47Nakukulangan daw siya sa paliwanag ng Ateneo de Manila University.
19:51May kulang sa explanation nila, pero hintayin ko na lang muna yung ibang coaches para ma-explain nila sa akin
20:03kung ano talaga ang nangyari.
20:05Yung mga info, kulang, and then kulang yung pagpahibalo ba? Pagpahibalo sa ako, ako nga parents, kulang.
20:24Kahapon binanggit ni Rovelin na may mga weights daw na nilagay sa kamay at paan ng anak na posibleng ikinalunod.
20:30Pinanong din daw nila ito sa mga coach.
20:32Wala daw linagay dito na mga weights. Wala, wala.
20:38Habi niya. And then, aksidente lang daw talaga yung nangyari.
20:45Tapos, ano lang, sinabi ko lang sa kanila nga, aksidente yung nangyari dahil sa kulangan nyo.
20:54Kasi, punta kayo dun. Wala kayong rescuer. May medic daw sila pero first aid lang. Ganyan.
21:05And then, 30 to 20 minutes ang dito sa, dito sa weights hanggang patungo sa ospital.
21:12Siyempre, layo na. Then, ano, sinabi nila na may mga coach naman daw na, ano doon, para magtolong sila, para
21:27ma, ano, pero hindi na lang, hindi na lang talaga nila na-rescue na talaga.
21:32Ano, na aksidente lang daw talaga.
21:36Tinanong namin kanina, tinanong ko coach to coach kung ano ba. Sabi nila, wala naman daw. Wala naman.
21:41Wala naman.
21:42Wala naman.
22:02So, bigla na lang daw pumunta yung alon doon sa kanila.
22:08Ang explanation ko si kanina, at first daw, parang calm pa yung, sabi ng mga coaches na andun, at first
22:16calm pa daw yung dagat.
22:17Tapos, may malaking alon daw na, ano, yung first alon daw, yung mga players, parang nag-enjoy pa daw, uy,
22:25ano, kasi may malaking alon.
22:27Tapos, yung second, pati third alon, doon na parang na-scatter sila. So, yun, sabi nila, yung nakausap namin ng
22:35mga coaches, sobrang bilis daw na ang pangyayari.
22:39Hindi na doon nila nakita si, ano, si Rene, pati si Adili.
22:42Kahapon, sinabi rin ng ina, sa pakikipag-usap ko sa kanya na tingin niya ay may foul play. Kaya kanina,
22:48tinanong ko siyang muli.
22:49Hanggang ngayon po ba, nanginiwala kayong may foul play pa rin na nangyari doon sa insidente na ikinamatay ng anak
22:56po niyo?
22:59Depende. Kasi hindi ko pa rin alam hanggang ngayon.
23:02Ang sinasabi po ng polis, parang wala naman daw kung pasa. Pero kayo po ba personally, after seeing your son,
23:08nakita niya po ba talagang may mga pasa?
23:10May pasa siya dito, sa likod, sa kamay, sa paa. May pasa siya. Yun lang.
23:18Nang tanungin kung balak ba niya magsampan ng kaso.
23:21Sa ngayon, hindi ko pa yan naisip. Kasi ang iniisip ko muna yung maano yung anak po, maplastar sa amuang
23:30lugar,
23:31maato siya sa Agusan or sa Dabaw, kaya nai naghangyo, nga dito sa anak mo siya, ibutang within one day
23:40or two days.
23:41Pati ang mga kasamahan niya dati sa team nagluluksa.
23:46Napakasakit kasi parang hindi ko na siya teammate, parang ako na siyang brother eh.
23:52Napakalungkot kasi knowing that Rene is such a good friend, napakabait kasi niya ibabit.
23:59Sa ngayon, dito rin sa Arlington, nakalaga kang labi ni Adili hanggat wala pang abiso mula sa pamilya.
24:04Nice daw kasi ng pamilya na madala pabalik ng Nigeria ang kanyang labi.
24:12Emile, dumating din dito sa Arlington Memorial Chapel sa mga tauha ng NBI at CIDG.
24:17Pero ayon sa ina ni Baterbonia, ay hindi pa raw siya handang makipag-usa.
24:21Pero iginigiit ng ina ni Baterbonia na magaling daw lumangoy ang kanyang ana.
24:26Kaya duda pa rin siya sa eksplanasyon o paliwanag ng Ateneo de Manolo University sa sanhinang pagkasawi nito.
24:32At ngayong gabi, Emile, ngayong alas 7 ng gabi ay nakatakda magkaroon ng misa para kay Baterbonia.
24:38Kaya naman tuloy pa rin ang dating ng mga kaanak at mga teammates nito, mga kaibigan niya.
24:43At ayon din sa ina, ay bukas posibleng iuwi na ang labi ni Baterbonia sa Davao at gayon din sa
24:51Agusan del Sur na kanilang hometown.
24:53Emile?
24:54Maraming salamat, Mariz Umali.
25:02Maraming salamat, Mariz Umali.
Comments