- 6 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Possibly sabay-sabay ang dalawang bagyo at banta na habagat bukas sa Philippine Area of Responsibility.
00:06Bago po yan, nai-inspeksyon ang tatlong pumping station sa Rojas Boulevard na isang taon na mula ng masira, pero
00:13isa pa lang ang naayos.
00:15Nakatuto, si Mark Salazar.
00:21Maghapong nakasaklob sa maraming parte ng Luzon, Mimaropa at Western Visayas, ang Southwest Monsoon o Habagat.
00:27Ang bantang ito ng Habagat ay magpapatuloy hanggang bukas ng gabi.
00:32Kung kailan posibleng sabay-sabay nasa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR, ang dalawang bagyo at ang Habagat.
00:40Dahil dun sa lokasyon nga nitong si Bagyong Francisco, magpapatuloy pa rin yung Southwest Monsoon natin sa malaking bahagi ng
00:47Luzon and Western Visayas kahit nakalabas na po siya ng PAR.
00:50And for Gardo, is posible siyang pumasok po ng PAR bukas ng gabi after lumabas ng PAR nitong si Bagyong
00:57Francisco.
00:57So halos magsasabay po sila sa loob ng PAR, pero mananatili lamang in less than 24 hours si Bagyong Gardo,
01:04which means dun lamang siya sa may northeastern corner ng PAR.
01:07Hindi naman nakikitang lalakas na kasing lakas itong si Super Typhoon, dating Super Typhoon Francisco, then mas kakaunti lang yung
01:14paghatak niya ng Habagat.
01:16Kahit parehong malayo na ang Bagyong Francisco at Gardo, iiwan naman nila sa atin ang pinalakas na Habagat.
01:23We're seeing pa rin na may Habagat pa rin po kahit malayo yung mga bagyo sa ating kalupaan dito sa
01:28may parting western side po ng Luzon and Visayas.
01:31So that includes western Visayas, Negros Occidental, Mimaropa, tapos areas din po ng Zambales, Bataan, even Metro Manila, posible rin
01:40po magkaroon ng makulimdim na panahon in the next 4 to 5 days.
01:43Ang Habagat pa naman, nagpapatindi rin ang mga thunderstorm na kahit dalawang oras lang bumuhos, nagkakandabahana sa Metro Manila.
01:52Bilang paghahanda in inspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang tatlong pumping station sa Roas Boulevard.
02:00Sa tatlong pumping station, isa pa lang ang naayos.
02:03Critical na daluyan pa man din yan ng floodwater para hindi magbaha sa Taft Avenue.
02:08Isang taon yan ganyan, hindi gumagana. Kaya talaga magbabaha sa Taft, tsaka sa all the way ang Gampi o Campo.
02:18Magbabaha dito sa power, magbabaha sa Calao, magbabaha sa lahat yan, marate. Kasi hindi gumagana eh.
02:26Maliban sa sira, unreliable din pala ang power source ng mga pumping station.
02:31Nakipag-usap kami sa Meralco, nakipag-usap kami sa LGU kay Yorme, nagtulong-tulong lahat.
02:38Ngayon, by end of June, konektado na lahat itong mga pumping station dito sa Roas Boulevard, sa Meralco.
02:45At the same time, yung pag-repair, matatapos na tayo ng first week of July at the latest.
02:51Naglunsad naman ang Metro Manila Development Authority o MMDA ng bayanihan sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig.
02:58Hindi nakatulong ang patuloy na pagtatapo ng ilan ng basura, tulad ng esterog ito sa boundary ng San Juan at
03:04Quezon City.
03:05Ang mga basura na tinatapo natin kung saan-saan, napupunta ito sa iba't ibang bahagi ng mga estero.
03:11Pag naipon, nagbabara. Tapos pag umulan, magkereklamo tayo na lagi na lang baha.
03:18Kailangan ng preparasyon ng lahat, lalo na't ayon sa pag-asa, nasa dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok
03:26sa PAR sa Hulyo.
03:27So, binibigyan din din ang pag-asa na mas malalakas na bagyo ang inaasahan dahil sa malakas na El Ninyong
03:33nararanasan ngayon sa Pasipiko.
03:36Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
03:40Personal na nakiramay si Vice President Sara Duterte sa mga pamilya ng mga estudyanteng namatay sa Pamamaril sa San Jose
03:47National High School sa Tacloban City.
03:49Binisita po na Vice ang buro ni Nadjoyan C. Sepera, Chris Lawrence Fabian at Ayessa Nicole Daso Kagabi.
03:57Git po na Vice, dapat lahat ng learner ay maprotektahan mula sa pang-abuso, pagpapabaya at karahasan,
04:04lalo na sa loob ng mga institusyon kung saan ipinagkatiwala ang kanilang kapakanan.
04:09Sa kanya payag kahapon, sabi po ng Vice Presidente, pinapakita ng trahedya ang kabiguan ng pamahalaang kilalanin ang halaga ng
04:18Intelligence Gathering
04:19at ng pagtukoy sa mga banta bago pa may mamatay.
04:23Inalmahan yan na malakanya.
04:27Ibig sabihin, estudyante, dapat minomonitor para sa Intelligence Gathering.
04:38Hindi sila mga terorista.
04:42Sila ay mga estudyanteng mukhang di umanong gumon lang sa online gaming na marahas.
04:50Magaling naman po yata siya magpuna, pero walang solusyon na naibigay.
04:56Sana magbigay siya ng solusyon.
04:58Sa puntong ito, atin pong kausapin si Jeneline Badoria, ang ina ni Joanne C. Separa,
05:05isa sa tatlong nasawing estudyante sa Pamumaril sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong lunes.
05:13Magandang gabi po sa inyo, Ma'am Jenny.
05:20Magandang gabi po, Ma'am.
05:23Kami po ay nakikiramay sa inyong pamilya, sa kalunus-lunus na sinapit ng inyong anak na si Joanne C.
05:30Maraming niyo po ba ibahagi sa amin, paano po ninyo nalaman na mayroong nangyari kay Yassie,
05:36ayan ang kanyang palayaw.
05:38Paano po ninyo nalaman?
05:40Paano nakarating sa inyo ang balita?
05:45Ma'am Jenny.
05:46Sa pamamagitan po sa aking isang anak, yung panganay ko po, siya yung nagsabi sa akin,
05:54pinakita niya yung nareceive niyang picture na doon na yung nakahandusay na batang, babae,
06:03at saka yung nakano na lalaki, nakita ko po.
06:06Pero hindi naman yung anak ko, pero ano, takot na takot na po ako.
06:12Hindi ko na po alam yung naramdaman ko.
06:14Agad po akong pumunta sa eskwelahan na yun.
06:19Si Yassie yung matapang na estudyante kumuha ng viral video
06:23na nagpakita sa sinapit ng kanyang mga kapwa-estudyante,
06:27sa log mismo ng kanilag silid-aralan.
06:30Ma'am Jenny, ang tumak po sa isip nyo nung nailaman ninyo, makita ninyo,
06:37yung video ang kinuhanan ni Yassie.
06:40Jenny.
06:45Honestly, hindi ko po alam, ma'am, na si Yassie po talaga yung nagkula ng video
06:50kasi hindi ko alam yung cellphone niya, hindi pa sa amin yung cellphone.
06:54Hindi ko alam kung siya ba talaga yung nagvideo na yun, yung panahon na yun.
06:59Ma'am Jenny, kailan yung huling nakausap ang inyong anak na si Yassie?
07:06Bago nangyari yung trahedya niyan, kailan po ang huling ninyong pagkikita sa isa't isa?
07:16Yung umaga ng Lones po, bago po siya pumasok sa eskwelahan,
07:21as usual lang po, everyday namin na gawain, araw-araw,
07:25yun lang po ang aming mga ginagawa, aming pinag-usapan,
07:30tungkol po sa, pupunta na po siya sa paaralan ng maaga,
07:37ginising ko po siya ng maaga, para hindi po siya malate.
07:41Yun lang po, araw-araw po yung ginagawa namin, parang wala naman pong ano,
07:46walang pagbabago, pero ano Jenny, wala bang,
07:50walang pagbabago po.
07:52Hindi, walang umano sa'yo, walang yung ninerbius ka,
07:55o parang yung puso mo, parang, ups, wala kang pag-alala,
07:59wala, walang ganon, o parang meron kang naisip na...
08:11ano, yung pag, ano lang, 7 o'clock,
08:16parang mabigat na yung pakiramdam ko, hindi ko alam,
08:19parang pagod na-pagod na po ako,
08:21parang mabigat yung paglalakad ko, ganon,
08:24yun po yung nararamdaman ko,
08:26pero hindi ko alam, siguro, yun na pala yun,
08:29may mangyayari na pala ng anak ko.
08:31Oo nga, ngayon na nakakapag-isip-isip ko na
08:35doon sa mga pangyayari, ano nga,
08:37meron naman ba siyang pinaramdam sa'yo
08:42na merong hindi magandang mangyayari?
08:45Meron ba siyang nasabi?
08:47Meron ba siyang ginawa?
08:49Meron? Naging mas malambing ba siya sa iyo?
08:53Meron ba siyang paghingi ng tawad?
08:58O kaya masyado siyang makwento?
09:00Meron ba ganon?
09:01Jenny, parang pahihwating meron?
09:04Wala naman po, wala po.
09:07Wala pong ganon, wala po.
09:09So ikaw lang basta sa sarili mo?
09:12Ninerbios ka, parang ganon?
09:13Ordinary lang po ng mga pangyayari araw-araw po.
09:17Alam mo, mga ka-eskwela niya,
09:19ng iyong anak yung bumaril sa kanya,
09:22paano mo gustong mapanagot yung mga sospek?
09:26Pareho pang mga minor de edad yun eh.
09:28Di ba, Jenny?
09:49Jenny?
09:50Kung kaharap natin yung...
09:51Yun lang po ang gusto ko.
09:53Jenny, kung kaharap natin yung dalawa ngayon,
09:56ano yung gusto mong sabihin sa kanila?
09:58Kung kaharap natin yung dalawang sospek,
10:02ano ang gusto mong maparating sa kanila?
10:10Kung sana kung kaharap ko sila, sabihin kong,
10:13wag niyong patayin yung anak ko.
10:15Bakit niyo pinatay?
10:17Pero patay na yun eh.
10:19So dapat kayong makulong.
10:22Maka-experience din kayo ng karapat-dapat na parusa sa inyo.
10:27Yun po ang gusto kong sabihin sa kanila po.
10:30Ginang Jenny Lynn Badoria, maraming maraming salamat po.
10:34At muli, muli po ang aming taus-pusong pakikiramay sa inyong pamilya.
10:40Salamat po.
10:46Naihatid na sa huling hantungan ang nasawing Ateneo student-athlete na si René Baterboña.
10:51Hanggang sa kanyang libing kanina,
10:53pustisya ang sigaw ng naulilan niyang pamilya at mga taga-suporta.
10:58Nakatuto si James Paloyak ng GMA Regional TV.
11:08Halos hindi maubos ang mga luha ng pamilya ni René Baterboña.
11:12Sa pag-atid sa kanyang huling hantungan,
11:15naroon ang kanyang malalapit na kaibigan,
11:17mga kaanak, pati dating coaches at teammates
11:21sa Ateneo de Davao University.
11:23Daan-daan din ang mga nakiramay,
11:26kabilang si Senador Robin Padilla.
11:28Pag daan ng funeral convoy ni René,
11:32naghihintay ang mga nakikiramay.
11:35Bit-bit ang mga karatulang humihingi ng mustisya.
11:39Matatandaang na lunod si René sa isang team-building activity
11:42ng Ateneo de Manila basketball team sa Dipakulaw Aurora noong June 8.
11:48Isinasagawa pa sa ngayon ang iimbestigahan ng mga otoridad sa kanyang pagkamatay.
11:54Sana po mabigyan na po ng justice po yung nangyari itong tahid niya.
11:59Inilagak ang mga labi ni René sa bagong sementeryo sa Talacugon sa Agusan del Sur,
12:04kung saan siya ang kauna-unahang inilibing.
12:07Nalulungkot, pero nagpapasalamat ang kanyang mga kababayan
12:11dahil makakapagpahinga na ito matapos ang halos dalawang linggong burol nito.
12:30Mula sa GMA Regional TV, ako si James Paulo Yap, nakatutok 24 oras.
12:48Hiningi ng House Prosecution Panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
12:54na sa pre-trial stage pa lamang, ebuksa na ang selyadong kahong naglalaman
13:01ng tax records ng bisya at asawa nitong si Atty. Man Scarpio.
13:05Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
13:13Naging sentro na ng argumento ng mga kongresista kung bubuksan ba o hindi
13:17ang kahong ito na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte
13:23at kanyang mister na si Atty. Man Scarpio.
13:26Naganap yan nang isumit ito ng Bureau of Internal Revenue sa House Justice Committee.
13:32Sa botong 38.6, nagpa siya silang hindi ito buksan
13:36bilang respeto sa privacy ng taxpayer, lalo na private citizen daw, ang mister ng bise.
13:42Parang, you are so near yet, you're so far.
13:47Ngayon, kasama ito sa mga ebidensyang na ispamarkahan
13:51ng prosecution laban kay Vice President Duterte.
13:54Kaya sa isang manifestation, hiniling nila sa impeachment court
13:59na buksan na ang kahol.
14:01That particular BIR box was transmitted to the Senate
14:05na nakaseal, na hindi pa yun nakita ng members of the Justice Committee.
14:11So, since we are in the marking of exhibits, this is the proper stage
14:16na kailangan na rin siguro buksan yan
14:18para magkaroon na ng inventory of the contents
14:22of that particular BIR box.
14:25Katwira ni Congresswoman Laila de Lima, makatutulong ang pagbubukas nito sa pre-trial conference
14:31para mas mabilis na kapag ipindiresenta itong ebidensya sa trial mismo.
14:36Sasagutin daw ng kampo ni VP Sara ang manifestation ng prosecution.
14:41We're very reasonable naman sa defense, but siguro I won't give any details right now.
14:46Let's wait na lang po for the formal response.
14:49Ayon naman sa clerk of the impeachment court na si Atty. Renato Bantug,
14:53idudulog niya sa impeachment court ang usaping ito.
14:56It's something that I would need to discuss with the Senate President,
14:59and I'm sure he would also consult the other members of the Senate
15:02on how to best address the issue of that box.
15:06Kinatwiran din ang kampo ng BISEN na ang assets ni VP Sara na dapat talakayin
15:11ayon lamang sa panahon siya ay naging impeachable official
15:14o simula noong naging vice president siya noong 2022.
15:18May Supreme Court decision na umano tukol dito.
15:21Nasasaklaw lang po ng impeachable offense ay alleged offenses committed
15:26while the public officer is occupying an impeachable office,
15:31which is the vice president noong 2022 to present.
15:35Kinontra naman ito ng prosecution.
15:38We have to be very clear that you cannot reach 88.5 million in 2024
15:44without starting from a particular date, di ba?
15:49Which is why 2007 up until 2024 are relevant dates relating to the current net worth
15:59of the vice president, which is specifically in issue on unexplained wealth.
16:06Para bubilis ang pagbabarka ng dokumento,
16:10nagdagdag ng marking teams ang impeachment court.
16:13Ginawa ring 9am hanggang 7pm,
16:16ang kanilang trabaho na dati ay hanggang 5pm lamang.
16:20Ito ay para mahabol ang paglalabas ng pre-trial order sa lunes o martes
16:25at nang makapagsimula na ang pagliliti sa nakatakdang pechang July 6.
16:30There's no other date that is being discussed.
16:33It's still July 6.
16:34Kami sa prosecution, pinipilit ho talaga namin
16:37na matapos lang itong marking of evidence.
16:39Kami rin naman ayaw namin tumagal na ito.
16:41Gusto rin naman namin ng enough time para makapag-prepare na kami
16:45and look forward to trial itself.
16:46Sa ngayon, hindi pati akong sino ang uupang presiding officer
16:50ng impeachment court.
16:51Pero meron sa mayorya na nagsusulong
16:54kay Sen. Cheese Escudero.
16:56Sinagot ito ni Escudero sa kanyang podcast.
16:59Pagpapasa niya ng impeachment court pag nagsimula kami sa July 6,
17:03kung ano man ang sinasabing yun, lahat yan puro haka-haka pa lamang.
17:06Pero siguro nanggagaling yan dito.
17:08Lima lamang ang abogado kasi sa Senado eh.
17:11Naghahanda pa rin daw sa Sen. President Sherwin Gatchalian
17:14na nagsabing sa ngayon siya ang presiding officer sa impeachment.
17:19Under our rules, ang presiding officer ng impeachment
17:22other than the president is the Sen. President.
17:25So tayo po ang tumatayong presiding officer ng impeachment.
17:31Pero doon rin sa rules, kung tingin ng Senado ay dapat mag-appoint ng iba,
17:36pwede rin yung pag-usapan.
17:38Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas
17:44Sasampahanan ng National Bureau of Investigation ng reklamong Qualified Human Trafficking
17:48si dating congressman Mike Defensor at kanyang asawa.
17:51Kaugnayan, ng isang sinalakay na KTV noong Abril,
17:56nakatutok si John Consulta.
18:02Dalawang buwan matapos iraid ng National Bureau of Investigation o NBI
18:07ang isang Tila Family KTV na may karagtong umanong hotel na may bilubugon ng mga babae.
18:12Sasampahan na ng reklamo ang mga natukoy umanong may-ari ng compound
18:16sinidating congressman Mike Defensor at ang kanyang asawa.
18:19Qualified Human Trafficking ang isasampah.
18:22Kasunod ng imbisikasyon sa mga dokumento sa Cliff Point Square.
18:26Batay sa mga pinakitang blueprint ng disenyo ng compound na inaprubahan ng Pasig City Hall
18:30at sa aktual, natuklasang naglagay ito ng false fire exit.
18:35Pader sa dapat ay main entrance at paggawa ng pasukan at labasan
18:39na mas malapit sa Chicago KTV para raw sa mga parokyano.
18:44Ang mga pagbabago sa disenyo, wala umanong permit ng City Hall.
18:481-3-2-1-3-7, na yan o, Mike's Office.
18:55Mike's Office, nakalagay. Yan na yung ginawa ng KTV yan.
19:00Ayon sa NBI, nagkaroon ng architectural integration ang Chicago KTV at Blue Hotel
19:06para sa umanoy human trafficking operations.
19:09Alam lahat ni Mike Defensor yung nangyari, being the chairman of the company,
19:14ng Cliff Point. And lahat nung nangyari na pagbabago roon will lead to doing that human trafficking,
19:21yung paglagay ng false doors, ng false stairs, yung paglalagay ng rooms,
19:25dapat offices, ginawang hotel rooms.
19:28In fact, yung office niya supposed to be yung nasa likod ng stage nung Chicago KTV.
19:37He was the one who consented to the changes of the design in order to cater doon sa kanilang plano
19:43na human trafficking.
19:45Pero, giit ni Defensor, pangigipit lang sa kanya ang anyay gawagawang paratang.
19:51Yung mga sinasabi lang struktura, paano mangyayari yung struktura?
19:55E ito'y lahat in-approve ng Pasig City.
20:01Ito pong sinasabi lang mga kalukon na kung ano-anong iniba daw ang building permit plan,
20:06o ang building plan, sorry, eh wala pong katotohanan.
20:10Anda akong harapin yan at alam kong gawagawa nila yan.
20:13Gagawin nilang lahat para makulong po kami ang lahat na nagsasalita tungkol sa flood control scandal.
20:20This is the very reason why we're putting out the evidence to the public.
20:24So that the public can judge, politika ba talaga ito? Talagang may violation ba na ginawa?
20:28Malinaw yung intent, malinaw yung motibo na gusto mong gamitin yun for human trafficking.
20:33And you targeted at that time, sinabi ko nga, yung building na nandyan dyan, nandyan dyan po,
20:38operations, meron ka ng customers, eh.
20:40Sa biyernes, inaasaang ihahain ang reklamong human trafficking kay Defensor at pitong iba pa
20:47sa Pasig Prosecutor's Office, John Consulta, nakatutok, 24 aras.
20:57Must watch ang mga susunod na episode ng GMA Prime Series na The Master Cutter.
21:02Kabilang sa mga inaabangan, ang mga magiging bagong disguise ni Ato'y played by Ding Dong Dantes.
21:08Makichika kay Nelson Canlar.
21:13So itong Master Cutter na ito ay tagahanap ng tao, hindi isastre.
21:17Magtatapos na ba ang paghahanap ngayong gabi sa The Master Cutter?
21:21Dahil tila magtatagpo na sa wakas ang bidang si Ato'y played by Ding Dong Dantes at si Audrey
21:27na ginagampan na naman ni Max Collins.
21:29Pero di lang yan, dahil mas marami pa raw kaabang-abang ngayong linggo.
21:34Lalo na't magiging shocking ang mga susunod na disguise ni Ato'y.
21:39Ang dami pa niyang mga papasuking mga kung anong mga disguise.
21:42Talagang ako sobrang packed with multiple level of excitement.
21:48So di ba hindi lang sa action, may drama, may comedy rin.
21:53Siyempre, nandiyan yung suspense.
21:55So talagang multi-genre talaga siya na nababagay gabi-gabi.
21:59Talaga namang well-received hindi lang sa telebisyon at online ng serye.
22:04At ang mga bida nito, dahil nominated si Ding Dong at ang kanyang leading lady na si Max Collins
22:10sa Seoul International Drama Awards para sa The Master Cutter.
22:15Taus-puso nga ang pasasalamat ni Ding Dong sa latest recognition.
22:19Alam mo, anything that represents what we do here in the Philippines,
22:23talagang ako talaga, I take it very seriously.
22:27So basta, the fact na na-nominate para sa akin, malaking bagay na yun.
22:31Nominated din sa Naturang International Drama Awards ang mga bida ng kamao
22:35na sina Anton Binson, Roy Binson, Ami Austria at Katrina Halili.
22:41Kagagaling lang ni Ding Dong sa shooting ng pelikula nila ni Marian Rivera sa Quebec, Canada
22:46kung saan nakasingit pa sila ng kaunting downtime in between takes.
22:52Naging viral pa nga ang post nila ni Yan Yan noong Father's Day while dancing to a latest trend.
22:58Kaya't ngayong back to work na, energized and full of happy hormones daw si Dong
23:03na dumiretso na rin sa taping ng Family Feud.
23:07Sarap mag-shoot sa ibang bansa, lalo pagkasama mo yung misis mo.
23:12Niyayaya ako mag-date kaso masyadong busy.
23:14Natapos na yung Canada leg and meron kami yung Philippine leg.
23:18So mag-uumpisa na rin yun very very soon.
23:20Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happening!
Comments