00:00Mga kapuso, wala ng bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility pero
00:04maging handa dahil magpapaulan ang southwest monsoon o yung habagat
00:09bago magtanghali kanina ng makalabas sa parra, ang bagyong doming.
00:13Wala na itong efekto sa anumang bahagi ng bansa.
00:16Nitong Sabado, inanunsyo na ng pag-asa ang simula ng habagat season
00:19pero iba pa ang deklarasyon ng mismong tagulan at yan ang patuloy nating aabangan.
00:25Noong nakaraang taon, June 2, nang pumasok tayo sa opisyal na tagulan season.
00:30Sa kabila ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, maraming lugar pa rin ang nakaranas ng matinding init.
00:35Sumipa sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Pili Camarines Sur kanina.
00:40Bukas, saabot sa 16 na lugar ang posibleng nasa danger level na heat index.
00:45May bahagi ng araw na mainit pa rin pero dahil may habagat na, mas mapapadalas na rin ang mga pag
00:50-ulan.
00:51Base sa datos ng Metro Weather, umaga pa lamang may kalat-kalat ng ulan sa Central Luzon,
00:55Mimaropa, Bicol Region, ilang bahagi ng Visayas, Northern Mindanao at Sulu Archipelago.
01:00Bandang hapon, mas malaking bahagi na ng bansa makararanas ng malawak ang pag-ulan.
01:04May heavy to intense rains na pwedeng magpabaka o magdulot ng landslide kung magtutuloy-tuloy ang buhos.
01:11Sa gabi, posibleng maulit ang mga pag-ulan.
01:13Sa Metro Manila, mataas din ang tiyansa ng ulan bukas.
01:16Pwedeng umaga, meron na sa ilang lusod.
01:18Pero, mas marami ang ulanin pagsapit ang hapon at gabi.
Comments