Skip to playerSkip to main content
Mag-tiyahin, pinagtataga ng kapitbahay; suspek, nagpaanod sa ilog para makatakas; Matinding baha, naranasan sa ilang lugar sa Cebu City dahil sa malakas na ulan; PAGASA: lpa sa labas ng phl area of responsibility, mababa ang tsansang maging bagyo; magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao; DPWH: mga drainage sa Taft Avenue, planong I-upgrade at palawakin; Minimum wage earners, nalungkot sa suspensiyon ng P85/day na dagdag-sahod sa NCR; Ilang labor group, binatikos ang hatol ng Pasig RTC na suspendihin ang P85/day na dagdag-sahod sa NCR; Ipuipo, namuo sa bahagi ng Laguna de Bay


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magtyahin sa Marikina na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan matapos pagtatagain ng kapitbahay nila.
00:08Ang ugat ng krimen, sabi ng polisya, pag-ihigantira ng suspect dahil ipinakulong siya noon ng pamilya ng mga biktima.
00:15Balita ng ating di Gabriel Gonzalez.
00:21Pasado alas otso ng gabi nitong Merkubes,
00:27Tinigang sigawan at gulo ng mga residente sa barangay Malanday, Marikina.
00:31Makikita ang isang lalaking nakaputi na may hawak na itak.
00:35Nada pa siya.
00:37Ang lalaki binato ng upuan ng isang residente na kanyang hinabol pit-pit pa rin ang itak.
00:43Bago nito ang lalaking maitak na naganaumanon ng sampung taong gulang na batang lalaki at kanyang tsahin.
00:50Matinding pinsala sa ulo ang tinamo ng bata.
00:53Ang tsahin ng bata naman, sa ulo at daliri ang tama ng subukang salagi ng pag-atake ng sospek.
01:01Webes ng gabi namataan ang mga tauan ng barangay at bilang residente,
01:04ang sospek sa Marikina River.
01:07Hinabol siya pero tumalun daw sa ilog.
01:10Tinambayan namin yung kami tabi ng jogging lane, kami creek.
01:15Nung makatunog na yung sospek na nandun kami at nakaabang na kami sa kanya,
01:21bigla siyang lumitaw pero may dala pa rin siyang itak.
01:24Bumalik siya ng ilog.
01:26Ayun, nagpa-ago sa ago siya hanggang makarating kami sa kalumpang.
01:32Na-corner sa pampang ng ilog na sakop ng barangay Tanjung ang lalaki.
01:36Tinala siya sa Marikina City Police Station para maproseso at mabigyan ang paunang lunas
01:41matapos pagbabatuhin ang mga residente.
01:44Sabi ng sospek sa pulisya,
01:46nagawa niya ang pananaga bilang ganti sa pamilya na nagpakulong daw sa kanya dati.
01:52So natanong po natin bakit niya po ginawa yun.
01:54At inadmit naman po niya nung nakuha natin na talagang tinaga niya sila
01:59dahil yan ay lagi daw kasi siyang pinapakulong nitong ating dalawang biktima.
02:04Wala po kaming reason kung bakit niya yung ginawa.
02:07Kasi unang-una po, yung pamily ko po sa Malanday,
02:10last year, pinasok niya po yung bahay with a CCTV camera
02:15na kinuha niya po yung cellphone ng pamangkin ko
02:17at napakulong po siya ng kapatid ko.
02:20Gumagamit umano ng iligal na gamot ang sospek ayon sa pulisya.
02:24Na-involve po siya sa iligal na droga at sinasabi naman po niya na nakakagamit po siya.
02:30Sinusubukan pa naming hinga ng pahaygang sospek na nakakulong na sa Marikina City Police Custodial Facility.
02:37Mahaharap siya sa dalawang counts ng frustrated murder.
02:40Tumutulong na rin ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pagpapagamot ng mga biktima.
02:45Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:51Matinding bahang naranasan sa ilang lugar sa Cebu at ilang bahagi ng Mindanao dahil sa malakas na ulan.
02:56Sa barangay Buhisa sa Cebu City, nagbistulang ilog ang kalsadang iyan dahil sa pagragasan ng baha.
03:03Pahirapan naman ang pagtawid ng mga residente sa San Siangco Street.
03:07Ang ilang residente, pinasan na para makatawid sa baha.
03:11Pinasok naman ang tubig ang ilang bahay sa barangay Bagsak, Pardo.
03:15Kaya ang mga residente, kanya-kanyang salba ng kanilang gamit.
03:18Sa gitna ng baha, sa Mandawi City naman nirescue ng mga otoridad ang mga estudyante
03:22yung stranded sa AS Fortuna Memorial Elementary School dahil sa baha.
03:30Pahirapan din ang pagdaan ng mga motorista sa isang kalsada sa Sorala, South Cotabato dahil sa baha.
03:35Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa limampung pamilya ang inilikas.
03:39Sa bunggaw tawi-tawi, malakas na ulan din ang naranasan sa ilang lugar.
03:43Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang nagdulot ng pagulan sa Cebu at ilang bahagi ng Mindanao kahapon.
03:51Mga kapuso, mababa ang tsansa na maging bagyo ng low-pressure area sa labas
03:57ng Philippine Area of Responsibility.
03:59Namataan po yan ang pag-asa 1,335 kilometers east ng southeastern Luzon.
04:05Ang trough o extension nito ay magpapaulan sa masbate, halos buong Visayas at Mindanao.
04:12Batay sa datos ng Metro Weather, asahan po ang moderate to heavy rains mamayang hapon.
04:17Mag-ingat po dahil posibli rin ang pagbaha at landslides.
04:21Mamayang hapon din asahan ang light to moderate rains sa halos buong Luzon,
04:25kabilang na ang Metro Manila.
04:26Halos buong weekend, posibleng maging maulan sa central at eastern Visayas,
04:31pati sa northern Mindanao at Caraga.
04:33Sa ibang bahagi po naman ng bansa, posibleng ang mga pag-ulan tuwing tanghali at hapon.
04:41Isang lungsod ng Maynila sa mga matinding binabaha.
04:44Dahil sa perwisyong hatin ng pagbaha, planong i-upgrade at palawakin
04:48ng Department of Public Works and Highways ang drainage sa Taft Avenue sa Maynila.
04:53Detalya tayo sa ulat on the spot ni Bea Pinla.
04:56Bea?
05:01Raffi, maaraw ngayon pero tuwing umuulan, isa sa mga inihiwasan dito sa Maynila
05:05itong kahabaan ng Taft Avenue dahil talagang bahain.
05:09Kanina, ininspeksyon nito ni DPWH Secretary Vince Dizon para makita ang mga drainage sa kalsada.
05:19Makipot at barado ang ilang drainage sa Taft Avenue Southbound Lane na bumungad sa inspeksyon ng DPWH dito kanina.
05:27Ito yung puspusang hinuhukay ngayon ng mga tauha ng DPWH para maibsan yung matinding pagbaha rito.
05:34Natapos na kasi yung Taft Avenue Northbound, kaya ito naman sa Southbound ang inaasikaso nila.
05:39Sabi ng DPWH, every three months na ang gagawing declogging.
05:44Mas madalas daw yan sa nasa once a year lang na declogging sa mga drainage dito noon.
05:49Pero hindi lang yan ang solusyon.
05:52Hihilingin din daw ng DPWH na mabigyan ng 1.5 billion peso budget sa 2027
05:57para ma-upgrade at mapalawak ang mga drainage dito.
06:00Kailangan din daw tiyakin na gumagana ang mga kalapit na pumping station.
06:05Na nawagan din ang DPWH sa maayos sanang pagtapon ng basura
06:09para hindi na bumara sa mga drainage at magdulot pa ng sakit sa ulong baha.
06:14Narito po ang pahayag ni Secretary Dizon.
06:19Itiisa na lang natin ito habang dinidiklag natin.
06:22Diklag lang tayo ng diklag kahit pa paano.
06:24Hopefully maibsan naman kahit pa paano dito.
06:27Pero next year, papaspasan natin yung pag-upgrade itong mga drainage natin.
06:37Rafi, kapag nabigyan daw ng sapat na budget next year,
06:40target ng DPWH na matapos yung pagpapalawak at pag-upgrade sa mga drainage dito sa Taft Avenue
06:46sana bago mag-tagulan sa susunod na taon.
06:51Yan ang latest mula dito sa Maynila.
06:52Balik sa'yo, Rafi.
06:54Maraming salamat, Bea Pinla.
06:58Ikinalungkot ng ilang minimum wage earner ang suspensyon ng pagpapatupad ng umento sa sahod sa Metro Manila.
07:05Kaya gaya ng dati, kanya-kanyang diskarte muna sila para may dagdag kita.
07:10Balitang hatib ni James Agustin.
07:15Apat na taon ng housekeeping aid sa isang ospital si Darwin.
07:19695 pesos ang arawang sahod.
07:21Kaya malaki raw sana ang dagdag na 85 pesos na inanusyon ng pamahalaan na ipatutupad sa dalawang tranche.
07:27Ikinalungkot niya na hindi na muna matutuloy ang umento sa sahod.
07:30Kasunod ng temporary restraining order na in-issue ng PASIC Regional Trial Court sa petisyon ng dalawang kumpanya.
07:36In-expect namin yun eh.
07:38Tapos biglang nawala yung bigay na dagdag sa sahod.
07:42Kaya masama ang nabut ko rin.
07:44Hindi naman lahat ako sa iba rin.
07:47Sana ipagpatuli pa rin yun.
07:49Kasi yan ang naantay naming solusyon para ma-ano ang bilihin namin yung batipid din.
07:59Batay sa utos ng Korte, efektibo ito hanggang August 30.
08:03Bago yan, naglabas na ang PASIC RTC ng status quo ante order.
08:06Para suspendiin ang 60 pisong unang tranche dapat ng umento.
08:10Isang araw bago ito ipatupad noong July 25.
08:13Nangihinayang din ang housekeeping aide na si Beverly.
08:16Kahit daw may trabaho rin ng kanyang asawa, kinakapos pa rin sila.
08:20Siyempre, nalulungkot kasi sa panahon ngayon, mahalang mga panindang.
08:25Yung 85, pandagdag na rin sana yan sa mga gastusin.
08:29Umaasa rin si Joel na maibibigay ang dagdag sahod.
08:32Mahigit tatlong dekada na siya nagtatrabaho bilang construction worker.
08:35Sana nga mabigay.
08:37Eh kasi malaking bagay din yun.
08:39Lalo sa araw-araw, magmapasok ko.
08:42Siyempre, laki ng pamasahe ko rin eh.
08:44Para sa mga minimum wage earner,
08:46bawat peso na dagdag sahod ay mahalaga.
08:49Sa ngayon, dumidiskarte muna sila para may dagdag na kita.
08:51Kung walang undiskarte, mas wala.
08:54Wala tayo yung pagkakitaan talaga.
08:56Sa isang ulam lang, humaga tangali na yun.
08:59Nakatiko na rin balid mo.
09:01Dipit-dipit para magkasya yung sahod namin.
09:06Nakada isang kato.
09:08Nalulungkot man dito si Labor Secretary Francis Tolentino,
09:11e ginagalang daw niya ang judicial process.
09:13James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
09:18Binatikos na ilang grupo ang pagsuspindi ng PASIG Regional Trial Court sa Omento
09:22sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
09:25Kuna ng Trade Union Congress of the Philippines,
09:28bariya na nga lang ang 85 pesos na dagdag sahod,
09:31e di-delay pa.
09:32Hirit naman ang grupong Central Labor kung kailan hirap ang mga manggagawa
09:35dahil sa taas ng presyo ng mabilihin,
09:37tsaka pinagpaliban ang omento sa sahod.
09:40Para naman sa Juan Manggagawa,
09:42magiging makatwiran lang ang pagsuspindi sa wage hike
09:45kung may temporary restraining order din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
09:50Sabi pa ng Central Labor at Juan Manggagawa,
09:52labag sa labor code ang hatol ng korte.
10:00Namataan ang pagbuo ng ipu-ipo sa Laguna Divay sa bahagi ng Pilil ya Rizal.
10:04Ilang minuto itong nagtagal ayon sa mga nakasaksi.
10:07Pagkatapos, nagkaroon daw ng mahinang pagulan sa lugar.
10:10Sabi ng pag-asa, nabubuo ang ipu-ipo tuwing may severe o matinding thunderstorm.
10:15Ayon sa Pilil ya Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
10:19walang masaktan dahil sa ipu-ipo.
Comments

Recommended