Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: Orange Rainfall Warning, nakataas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar; Klase sa ilang eskwelahan sa ilang bahagi ng Luzon, suspendido; Mga papasok sa eskwelahan at trabaho, hirap sa commute dahil sa tag-ulan; Malolos Public Market, lubog pa rin sa baha dahil sa pag-ulan at high tide; Ilang barangay sa Dagupan, lubog pa rin sa baha; Ilang kalsada sa Occidental Mindoro, abot-tuhod ang baha; 


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:03Mainit na balita, nakataas po ang Orange Heavy Rainfall Warning dito sa Metro Manila.
00:09Dahil po yan sa epekto ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon.
00:12Apektado rin ng Orange Rainfall Warning ang Zambales, Bataan at ilang bahagi ng Pampanga, Bulacan, Cavite at Batangas.
00:20Ibig sabihin po, mataas ang banta ng pagbaha sa gitna ng inaasahang matitinding ulan.
00:26Yellow Rainfall Warning naman sa Tarlac at ilang pagbahagi ng Cavite, Pampanga, Bulacan, Rizal at Laguna.
00:34Pusible rin ang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
00:38Tatagal po ang rainfall warnings hanggang alauna 10 ngayong hapon.
00:43Binabantayan naman ang pag-asa ang bagong low pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:49Namataan po yan ang mahigit 2,000 kilometro sila nga ng extreme northern Luzon.
00:55May medium chance itong maging bagyo pero hindi ho naman papasok sa PAR.
01:00Dagdag ng pag-asa, walang epekto o impluensya ang nasabing LPA sa ating Habagat.
01:06Sa kabila niyan, asahan pa rin ang maulang weekend dahil sa monsoon rains.
01:11Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin ang halos buong mainland Luzon,
01:15kasama ang Metro Manila at ilang panig ng Western Visayas sa mga susunod na oras.
01:21Pusible ang malalakas na buhos sa ilang lugar kaya maging alerto sa bantanang baha o landslide.
01:26Higit na mararanasan ang ulan sa hapon at gabi ngayong weekend.
01:30Uulanin din ang ilang panig ng Mindanao pero yun ay pawang mga local thunderstorm.
01:36Dahil po sa inilabas na heavy rainfall warning ng pag-asa, suspendido na ang in-person klase sa ilang lugar
01:42sa Luzon.
01:43Ayon sa Malacanang, alternative work arrangement muna sa mga tanggapan ng gobyerno.
01:48At shift muna sa alternative learning modes ang mga klase sa lahat ng antas,
01:52maliban kung ibang utos po ng LGU sa Metro Manila.
01:56Ngayon din po sa Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija.
02:02Pati na sa Cavite, Matangas, Rizal, Laguna, Quezon Province at Occidental Mindoro.
02:08Nasa pagpapasyan na puraw ng pabunuan ng pribadong sektor kung magsususpindi rin ang pasok ngayong araw.
02:16Sa Maynila, apektado ng magdamag na pagulan ang biyahe ng ilang commuter.
02:21Suspendido muna ang face-to-face klase sa Maynila mula kinder hanggang senior high school.
02:25May ilang college student na kailangan pa rin pumasok.
02:28Hassle daw ang basang kalsada dahil kailangan pa magdala ng chinelas na pamalit sa sapatos.
02:34Pahirapan din ang biyahe ng ilang empleyado.
02:37Madalang na raw ang bumibiyahing PUV na iipit paminsan sa traffic na dulot ng pagbaha.
02:45Hassle po talaga, lalo yung mga daan eh, baha, yung sapatos namin.
02:49Kailangan pa namin magbaho ng extra chinelas para lang hindi mabasa.
02:52Sobrang hirap ngayon, lalo na pag gumaha.
02:55Medyo hirap makasakay, tapos lalo na magkakoste ng traffic.
03:05Lubog pa rin po sa baha ang Malolos Public Market sa Bulacan.
03:08Pero wiso ang dulot niyan sa mga nagtitinda at mamimili na sumusuong sa lagpas binting baha.
03:15Hindi na raw bago ang pagbaha na nagsimula sa gitna ng masamang panahon noong isang linggo,
03:19lalo taon-taon nang bumabaha roon.
03:22Dahil sa baha, matumal ang benta ng mga negosyante dahil na rin po sa taas presyo ng mga bilihin.
03:29Ang petchay na nasa 70 pesos dati ang kada kilo, nasa 120 pesos na po ngayon.
03:3520 pesos naman ang itinaas sa presyo ng kamatis, sibuyas at bawang.
03:40Ang mga pangulam gaya ng bangus, 240 pesos ang kada kilo na dati 200 lang.
03:4680 pesos ang taas presyo sa galunggong at 130 pesos naman sa karneng baboy.
03:59Naanda ang pamilya sa Kalasyao, Pangasina, nang nasa evacuation center dahil hindi pa rin humuhu pa ang baha roon.
04:05Ilang araw na rin lubog sa baha ang ilang barangay sa Dagupan.
04:09Balita ng atin ni Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
04:16Binabaha pa rin ang mga barangay at kalsada sa Dagupan City.
04:20Pinapalala ito ng high tide.
04:21Sa barangay bunuan gaset, lubog pa rin sa baha ang mga bahay.
04:24Si Nanay Vicky, hirap daw makahanap ng maayos na tulugan matapos pasukin ng tubig ang kanilang bahay.
04:30Nasa lamisa lahat, kaya walang magamitan, walang pagkainan.
04:35Dati-dati hindi kami maabot hanggang sa lubi.
04:37Ngayon, talagang abot na abot.
04:40Sa huling datos ng CD-RRMO, nakararanas pa rin ng baha ang lahat ng barangay sa syudad.
04:46Samantala, bumalik na sa laot ang ilang mangingisda matapos ang ilang araw na pagkakatinga
04:51dahil sa epekto ng habagat at mga nagdaang bagyo.
04:54Medyo maganda yung huli pero nung nakaraan, talagang wala.
04:57Kasi malakas yung agos. Buti medyo bawi-bawi ng kunti ngayon.
05:02Paalala ng mga otoridad, iba yung pag-iingat sa pagpapalaot
05:05dahil mataas pa rin ang alon sa dagat.
05:08Sa kalapit bayan ng Kalasyao, 21 barangays pa rin ang nakararanas ng baha.
05:1317,345 na pamilya, katumbas ng 64,324 na individual ang apektado.
05:19Although paunti-unti po ay humuhu pa na, lalong-lalong na po doon sa hindi naman inabot ng lagpastaong tubig
05:27baha sa kanilang area,
05:29bagamat na nanatili pa rin po, andyan pa rin ang talibao, lungos, lumbang, portion of mankop and portion of lasip
05:35na merong abot hanggang dibdib na tubig baha pa rin po sa kanilang area.
05:42Bagamat na sa spilling level pa rin ang Marusay River, bumaba na ang baha sa ilang pangunahing kalsada sa bayan.
05:48Nasa second wave na ang relief operation ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.
05:54Pinagahandaan na rin ng mga barangay ang paglilinis kapag humu pa na ang baha.
05:57Kami po ay maglilinis pag wala na po yung baha para sa mga ano ng mga bata dito, yung mga
06:06dinggi.
06:07Magpo-focus po kami sa mga MRF, yung mga basura na pinililigpit po namin, hahakutin lahat.
06:14Nasa 349 pamilya pa rin, katumbas ng 1,286 na individual, ang nananatili sa mga evacuation centers sa Kalasyao.
06:22264 pamilya, katumbas ng 968 individual, ang nasa Kalasyao Sports Complex.
06:28Patuloy ang abiso ng MDRRMO sa mga naapektuhan ng baha na mag-ingat at magpakonsulta agad sa doktor
06:35kung nakararanas ng lagnat o sintoma sa sakit na leptospirosis.
06:40Sandy Salvasio ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA News.
06:46Binaha ang ilang panig ng Kalintaan Occidental Mindoro.
06:49Nag-mistulang ilog ang kalsada sa Barangay Poblasyon at Barangay Iriron hanggang tuhod ang tubig.
06:55Hindi yan madaana ng maliliit na sasakyan kaya marami ang stranded na motorista.
07:00Umapaw naman ang ilog at umabot sa Anahawin Bridge sa Barangay Poblasyon.
07:06Abot tuhod din po ang baha.
07:08May mangilang nilang sasakyan na nangahas na tawirin ang tubig.
07:12Nabuwal na puno naman ang humambalang sa isang tulay sa Barangay Iriron.
07:17Nagsagawa na ng clearing operation sa lugar.
07:20Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagdudulot ng masamang panahon sa Occidental Mindoro.
Comments

Recommended