00:00Sinimulan na ng impeachment court ang pagpapadala ng subpina sa Bureau of Internal Revenue,
00:05Anti-Money Laundering Council at ilang banko para makakuha ng kopya ng ilang bank at tax records
00:11ni Vice President Sara Duterte at asawa ni si Atty. Manz Carpio.
00:16Ayon po sa Senate Sergeant at Arms, alas 9 ng umaga sa July 30 ang deadline para sa mga dokumento.
00:23Bagamat pinayagan ng impeachment court ang pagsupina sa tax, bank at AMLOC records ng BC at kanyang mister,
00:31limang senador ang nagsumite ng written manifestation para tutulan nito.
00:37Yan ay sina Senator Judge Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Loren Legarda, Aimee Marcos at Camille Villar.
00:44Kabilang sa mga tinutulan nilang masupina ay mga record na hindi naan nila sakop ng termino ni Duterte bilang Vice
00:53President.
00:55Naglabas ng certification ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o FISGOC
01:00na kumukumpirmang na liquidate na ang mayigit 2 bilyong pisong natanggap nila mula po sa gobyerno
01:06para paggasto sa pag-host ng 2019 Southeast Asian Games.
01:11Mula sa Philippine Sports Commission o PSC, ang inilabas na certification ayon kay FISGOC President at CEO Ramon Suzara.
01:19Matagal na umunong na kumpleto na isumite at nasuri ang record ng organization
01:22at handa silang makipagtulungan sa investigasyon.
01:25Dagdag niya, na-audit na rin ng independent auditors ang financial record ng FISGOC.
01:30Patuloy din ang niyang napapakinabangan ng mga atletang Piloyang Sports Complex sa New Clark City.
01:36Handaan niyang sagutin ng kumite sa naayong paraan ang bawat akosasyong formal na iahay.
01:43Buo ang suporta ng Amerika sa Pilipinas ayon po yan kay United States Secretary of State Marco Rubio.
01:50Personal siyang bumisita kay Pangulong Bongbong Marco sa palasyo.
01:54At nakatutok si Ivan Mayrina.
01:59Nag-courtesy call sa Malacan niya ngayong hapon si United States Secretary of State Marco Rubio.
02:04Dadalo talaga siya sa ASEAN Foreign Minister's Meeting at East Asia Summit.
02:08Pero isinabay na ang personal na pagkumusta sa palasyo bilang kaalyado.
02:12You know how much the president holds you in high esteem.
02:14We had a very positive meeting last year in Washington.
02:18And then this is a country that has deep ties to the United States.
02:21In light of recent events, I think more important than ever.
02:23Reaffirm that relationship and our commitment to the U.S.-Philippines relationship.
02:28Especially so, Mr. Secretary, we are living the curse of may you live in interesting times.
02:38And here we are, right in the middle of them.
02:42Ang interesting times na tinutukoy ng Pangulo ay ang mga tensyon sa iba-ibang panig na mundo,
02:46kabilang sa West Philippine Sea.
02:48Suportado ng Amerika, ang Pilipinas sa issue.
02:51Hopefully, the partnerships that we've had, not only with the United States,
02:55but other countries as well, will be a source of comfort for us.
03:02We have a lot of allies and friends and partners.
03:06Nangyari ang pulong isang araw matapos ipatawag ng Pangulong Ambassador ng China,
03:10kaugnay ng pinakahuling insidente ng karahasang sangkot,
03:13ang Philippine Navy at China Coast Guard,
03:14sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
03:17Palino po ang kanilang amo!
03:19Ang pagdating ni Rubio,
03:21sinulubong ng rally ng Alliance of Concerned Teachers.
03:24Sa halip daw na tugunan,
03:26ang mga lehitimong karainan ng mga guro at ng sektor na edukasyon,
03:29ay inuuna pa ng gobyerno ang pakikipag-aliansa sa mga tinawag nilang terorista na pasimuno-umano ng karahasan sa mundo.
03:37Wala pang reaksyon ang malakanyang kaunay ng rally ng grupo.
03:41Ivan Mayrin na nakatutok, 24 Horas.
03:50Magandang gabi mga kapuso!
03:52Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
03:56Sa isang tindahan sa Las Piñas,
03:58may ng trespass,
03:59pero hindi ito kautan kundi isang sugatang hayop.
04:02Anong hayop kaya ito at paano ito na-rescue?
04:09Sa Facebook post na ito,
04:11umingi na sa klolo ang stockman na si James.
04:13Sa pinapasukan kasi niyang tindahan,
04:15may pumustik.
04:16Sinabi po sa akin ng mga katrabaho ko na may nakita lang po silang pusa.
04:20Nagtago po sa gilid,
04:22sumuksok po.
04:23Pero nagkanya raw itong silip.
04:24Laking gulat niya nang inakala niyang pusa,
04:27ibang hayop pala.
04:28Pinicturean ko tapos nag-post po ako doon,
04:31baka may mag-rescue.
04:32Ang post ni James nakarating sa DNR.
04:34At dito nila nakumpirma
04:36na ang pungustit sa kanilang tindahan,
04:38hindi nga pusa,
04:39kundi isang musang o palm civet.
04:41Ito ay wildlife species na katutubo o indigenous sa Pilipinas.
04:47Ang musang ligtas nilang na-rescue.
04:48At agad nilang dinala sa Wildlife Rescue Center
04:51ng Biodiversity Management Bureau sa Quezon City.
04:53Napansin po yung musang ay may pinsala sa mga mata
04:57at hindi nito maimulat ang isang mata.
04:59Habang ang isa naman po ay namamaga at bahagyang nakaoslet.
05:03Patuloy po natin minomonitor ang kalagayan
05:05at tinitingnan po natin ang sitwasyon.
05:10May napansin din sila sa kiros nito.
05:12Apparently, yung wildlife ay medyo na-acclimatize na doon sa buhay,
05:16sa kalunsuran,
05:18kaya medyo hindi naman ganon nagpumiglas or what.
05:20Hinala nila, meron nag-alaga sa musang at nakatakas lang ito.
05:25Kailangan pong patuloy na investigasyong gawin kung bakit po napunta po doon sa lugar
05:30at kung talaga pong may kumukupkup nito ay kailangan pong may-establish.
05:35May nakipag-unglaya naman daw sa kanilang caretaker di umano ng musang.
05:39Yun nga lang.
05:40Ang nagpakilaan ng may-ari po ay hindi nagpakita ng Certificate of Wildlife Registration
05:45kasi yun po unang hahanapin po kaagad namin eh.
05:48Paalala ni Nilo,
05:49ang mga musang hindi basta-basta pwedeng alagaan.
05:52Sa ilalim po ng Republic Act No. 9147,
05:56ang pag-aalaga ng wildlife tulad ng musang ay hindi basta-basta pinapayagan.
06:00Kailangan ng pangalagaan.
06:02Ang kinasanayan po nito ay yung nasa wild.
06:05Wagamang inaalaw ang pag-aalaga nito
06:08pero may mga kaukulang regulasyon
06:10katulad ng mga Certificate of Wildlife Registration
06:14na kailangan dokumentado.
06:17Ano naman ang plano nila sa musang na kanilang narescue?
06:20Yung nagpakilalang may-ari ay may pananagutan po sa ilalim ng ating batas
06:25kaya po kailangan din po yung patuloy na investigasyon dito.
06:29Mas maganda po kung malaman din po namin kung saan particular na kagubatan
06:34o ito nang galing para doon din po namin ma-release.
06:39Pero alam ni ba, ang pinakabahal na kape sa mundo
06:41nagagawa sa tulong ng mga musang?
06:49Ang pinakabahal na kape sa buong mundo na kopi luwak o civet coffee
06:53galing sa mga musang.
06:55Kinakain kasi ng mga musang ang hinug na bunga ng kape.
06:58Natutunaw ang laman ng pruta sa kanilang tiyan
07:00pero hindi ang buto nito.
07:02Habang dumadaan sa kanilang digestive tract ang buto
07:04na apekto ng mga enzymes ang buto.
07:07Sinasabing nababawasan daw nito ang pait ng kape.
07:10Dinalabas na mga musang ang buto sa kanilang dumi.
07:13Ito'y nililini sa pinapatuyo, niloroast at ginagawang kape.
07:17Samantala, para malaban ng trivia sa likod ng viral na balita,
07:20i-post ito, i-comment lang.
07:21Hashtag, Kuya Kim, ano na?
07:23Laging tandaan, kimportante ang may alam.
07:26Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 hours.
07:30Wala pa man ang nagbabadyang mabuong bagyo.
07:33May masamang panahon na ang naminsala sa ilang prominsya.
07:37Nagdulot ang mga iyan ng baha at landslide.
07:40Nakatutok si Oscar Oida.
07:48Nagtumbahan at muntik ng tuluyang maanongod ang mga nakaparadang motor
07:52sa bahagi ng Polo Mulok, South Cotobato.
07:57Sa lakas ng ragasan ng tubig,
07:59kinailangang pagtulungan ng ilang tao
08:01para maitayo ang mga motor at mailipat sa ligtas na lugar.
08:07Landslide naman ang namerwisyo sa ilang taga-anti Pascotabato.
08:11Humambalang ang mga puno at gumuhong lupa sa kalsada
08:14kaya pansamantalang hindi nakadaan ang mga motorista.
08:18Naputol din ang sanga ng ilang malaking puno sa bayan ng mlang
08:22dahil sa malakas na bugso ng hangin at ulan.
08:27Naranasan din ang pagulan sa Midsayap, Cotobato
08:30kaya ang ilang bahay, pinasok na ng tubig.
08:34Binaabantayan naman ang pagtaas ng tubig sa Pulanggi River
08:37at inalerto ang mga residenteng nakatira malapit dito
08:40sakali magtuloy-tuloy ang masamang panahon.
08:45Bumuhos din ang malakas na ulan sa bonggaw, Tawi-tawi.
08:48Ayon sa pag-asa, habagat ang nagpaulan at nagpabaha sa ilang bahagi ng Mindanao.
08:54Pinahari ng ilang lugar sa Luzon dahil naman sa localized thunderstorms.
08:59Sa Antipolo Rizal, nagmistulang ilog ang ilang kalsada.
09:03May mga rider na napahinto at napatabi muna dahil sa lakas ng agos ng baha.
09:09Bumagal naman ang takbo ng mga sakyan sa ilang kalsada.
09:12Oscar Oida, Nakatutok 24 Oras
09:29Mga kapuso, hindi na bago sa Pilipinas ang malalakas na bagyo, lindol at iba panghamon ng kalikasan.
09:35Pero sa taong ito, literal na pumutok ang panibagong pagsubok, bantanang karasan sa mga paaralan.
09:41Paano nga ba yan inaksyonan at patuloy na tutugunan ng pamahalaan?
09:46Ang ikatlong bahagi ng aming free sauna special series sa pagtutok ni Darlene Cai.
09:58Tauna ng sinasalag ng Pilipinas ang mga unos at pag-aalburoto ng kalikasan.
10:04Galit na dumadagundong at kailangang respondehan ng pamahalaan.
10:10Pero ngayong taon, dumagdag sa mga nagdulot ng trahedya
10:17ay mga bantang gawang tao at minsan ng minor de edad pa.
10:29Simula ngayon, 2026, magiging normal ito sa lahat ng paaralan sa bansa.
10:35Required na ang active threat drill o kunwaring pamamaril sa campus
10:39para sanayin ang mga nasa loob sa kung paano tumakbo, magtago at ingatan ng sarili kung magkatotoo ito.
10:46Nakakakaba po kasi parang totoo po yung experience.
10:49As much as we can, we'll do it as often as we can kasi kailangan ulit-ulitin yan.
10:56Tugon ito sa nakapanging labot na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloba noong June 22
11:02ng isang 14 at 15 anyos.
11:05At ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng dalawampun nilang ka-eskwela.
11:11Sorry, Yas.
11:15Hindi na siya makapagsalita kung anong nangyari sa kanya.
11:18Hindi na siya makapagsumbong sa akin.
11:22Wala na.
11:23Ang ano ko, sir, ligtas yung anak ko kasi nandun sa paralal.
11:28Doon pala magtatapos yung buhay niya.
11:30Pumasok lang po siya ng school para patayin lang po ng ganun-ganun lang.
11:36Bukod pa yan sa iba pang insidente ng karahasan o mga banta sa mga campus na ang ilan,
11:41na uwi sa kanselasyon ng klase at pangamba sa marami.
11:45Na-experience ko po ang takot sa pagpasok.
11:46Hindi po namin alam ano po yung pwedeng mangyari.
11:49Kabilang sa mga magulang tulad ni King Louie.
11:52Worst fear is magkagulo dito sa school and if ever gayahin ang mga kids kapag they're being bullied,
12:04kapag sila ay nadadawn sa emosyo nila.
12:08Baga man nagsimula na ang pagkakasa ng mga tugon tulad ng mga drill pati mga investigasyon
12:15at ipinagbawal pa nga ang video game na nilaro ng Tacloban Shooters.
12:21Aabangan kung may ibang ilalatag ang pangulo sa kanyang State of the Nation address o SONA
12:26o kaya'y hihingin sa Kongreso.
12:28Kabilang ang nabuhay na usapin sa edad ng mga dapat panagutin bilang kriminal,
12:33gayon din ang pagsupo sa nihilistic violent extremism ONVE
12:36o ang pang-impluensya ng mga matatanda sa mga batang gamer para magkasan ng karahasan.
12:42It took a while for the different agencies in the government to react.
12:48Ang punot dulo kasi nito, nagkaroon ng unregulated access yung mga bata.
12:56There has to be a change on the technology side.
12:59May iba pa bang budget o batas na hihingin ng pangulo,
13:03lalo't may mga tila warning signs na noon,
13:05tulad ng napigilang tangkang karahasan ng ilang minority edad sa isang eskwelahan sa Laguna noong Pebrero.
13:13Nung nangyari yun, hindi lang yun dapat accomplishment na na-prevent mo yun.
13:19Dapat mayroong question na, gano'n ba kalawak to?
13:23So yes, kulang yung ano, kung napansin man nila, kulang ang kanilang reaction to that.
13:32Sa kayon, inatasan ng pangulo lahat ng ahensya ng gobyerno na gawin lahat
13:36para sa dagdag proteksyon sa mga kabataan, sa paaralan man o sa cyberspace.
13:41Meron siyang gustong iban o ibang mga gaming apps.
13:45Ang isa ay na-take down na.
13:47So gano'ng kakonsern ang ating pangulo.
13:50Yung pag-test, yung mga x-ray para sa mga metal,
13:55so alam ko pinag-uusapan nila yan para sa mga schools,
13:58na hindi makapasok kung ano man yung mga weapon.
14:05Tinutugunan din pati bullying,
14:07gano'n din ang sentimiento maaaring hindi naligtas ang mga paaralan.
14:10Merong programa din ang DepEd patungkol dito sa bullying.
14:15So kailangan talaga din ma-prepare din natin yung mga guidance counselors.
14:21Yung mga magulang magkaroon ng mga meetings sa schools na rin
14:26na maturuan sila kung paano din nilang i-guide ang kanilang mga anak.
14:31Whole of Nation approach dapat ito.
14:34Dagdag pa ito sa pagtugon sa mga trahedyang dulot naman ng kalikasan.
14:38Hindi po namin alam kung ano yung mangyayari.
14:44Kabilang dyan ang Bagnitude 7.8 na lindol sa Mindanao
14:48na isa sa deadliest sa kasaysayan ng bansa.
14:51Dahil sa 81 patay, 31 nawawala at mahigit 1,600,000 apektado.
14:59Super kasakit. Para din akong nasunugan.
15:03Sabay sa pag-alalay sa pagbangon,
15:05dapat din tugunan ang kakulangan ng kahandaan ng bansa sa malalakas na lindol
15:09na naobserbahan ng Philippine Disaster Resilience Foundation.
15:13Panahon ng magbago ang mga polisiya ayon sa UP Resilience Institute.
15:19Dahil ilang lindol sa Pilipinas kamakailan ay galing sa unmapped talks o yung hindi pa natutukoy.
15:26Baka dapat meron tayong ibang klaseng sistema.
15:29For example, proposal lang naman ito for a policy.
15:34Nalalaman na ng komunidad na may sinususpecha na fault na nandyan.
15:39Kahit malayo na ang iginanda ng sistema sa pagresponde sa mga kalamidad,
15:44pwede pa itong paigtingin.
15:46Kapag kapos yung iyong disenyo, kapos yung iyong plano,
15:50hindi ka gumamit ng multi-senaryo probabilistic risk assessment
15:54na nandoon sa batas naman.
15:57Pag hindi mo sinunod yun, nandoon ka pa rin sa historical record,
16:01single-senaryo ka pa rin ng hazard.
16:04Yun yung tingin kong kulang.
16:06Marami tayong ginagawa, pero marami pa tayong dapat gawin.
16:11Kung lindol ito, una, syempre, yung mga engineering solutions.
16:15Marami tayong dapat habulin dun.
16:18And then, pangalawa naman yung level of preparedness.
16:21Kung handa ba ang ating mga response agencies,
16:24handa ba yung mga mamayan?
16:25Sa ngayon, bumubuon ang gobyerno ng Harmonized National Contingency Plan
16:30on High Intensity Earthquake for Metro Manila
16:34bilang paghanda sa pinangangambahang the big one.
16:37This is our seat of government, diba?
16:39Nandito lahat.
16:41E kung ito ang maapektuhan, sino ang re-responde?
16:44Sa HNC, pinakapaloob dun.
16:45Sino ang mga nakatoka na assisting regions sa bawat area?
16:50Kung ito man ay Central Zone, kung ito man ay North, South, East, West sector ng NCR
16:55o ng Calabar Zone, may nakatoka ng mga regions at LGUs.
17:00Sila yung tutulong.
17:02Mahalaga muli ang papel ng Kongreso na kakausapin ng Pangulo sa Sona
17:06dahil sa kailangang budget para sa mga kulang na responders at iba pang resources.
17:11Hindi po nagpapabaya ang gobyerno.
17:14Tuloy-tuloy pa rin po ang paghahanda.
17:16Kung meron pang i-improve, dapat na ganun, maging mas mabilis pa.
17:21Mahirap naman talagang masabi kung kailan at saan tatama ang trahedya.
17:24Pero yung isa ang sinasabi ng mga eksperto,
17:27kaya naman itong paghandaan at kung minsan pa nga pigilan.
17:30Kailangan lang ng angkop na mga polisiya at sapat na atensyon.
17:36Para hindi kailangang maging normal ng karahasan at maabatan ang mga pinsalang dala ng kalikasan.
17:45Darlene Kay, nakatuto 24 oras.
17:49Nag-sorry si Private Prosecutor Lorna Capunan kay Sen. Judge Robin Hood Padilla.
17:55Si Laura Cose ang nasa front row sa prosecution panel na tinukoy ni Padilla na nagre-rea habang nagsasalita siya.
18:03Ani Capunan, walang intensyon ang prosecution team na bastusin si Padilla
18:08sa agitan ng kanyang pagtatanong sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
18:16May I use this opportunity to apologize to Sen. Judge Robin.
18:22There was no intent to disrespect him.
18:25It is an instinctive reaction.
18:27Sabi mo, kaibigan tayo, forgive na lang.
18:30Hindi na kami uulit dyan.
18:38From housemates to castmates,
18:41isa lang yan sa clue sa kung sino ba ang makakasama ni Will Ashley
18:45sa paghatid ng Tawa at Kilig sa upcoming series na Delivery Boy.
18:49Kilalanin natin siya sa chika ni Nelson Canla.
18:56Is love going to be in the air again?
19:00Mag-ready na ang lahat sa new level ng kilig sa makakasama ni Will Ashley
19:05sa upcoming Kapuso Tawa serya na Delivery Boy.
19:09Kinilig na ang netizen sa kanila habang nasa loob sila ng bahay ni Kuya.
19:14At sinundan din ng mga trending travels nila together.
19:19And recently nga,
19:21pinusuan ng milyon-milyon ang karaoke post nila.
19:25Wish granted,
19:27Wilka at Mick Will fans.
19:29Si Mika Salamangka ang makakasama ni Will sa serye.
19:35Sobrang random kasi ni Mika sa person.
19:37Kung baga,
19:38sa personality,
19:39hindi lang siya isa eh.
19:40Napakarami ng personality.
19:42Kaya,
19:42feeling ko mas magiging madali ito.
19:44Kasi nga,
19:45isa na yung comfortable na kami sa isa't isa.
19:47Nagkatrabaho na kami.
19:48Nagkasama kami sa loob ng bahay.
19:50So,
19:50magiging madali siya.
19:51He's very professional.
19:54Will,
19:56nakikita mo talaga sa kanya yung
19:57sampung taon,
19:59nagpas na taon niya
19:59nasipagtatrabaho sa pagiging artista.
20:01Kasi sobrang professional,
20:02sobrang galing po niya ang katrabaho.
20:04Pero tila masusubok daw
20:06ang acting abilities ng Wilka
20:08dahil bihirang mag-comedy si Will.
20:11Si Mika naman,
20:12ibang klase ng roles
20:13ang kanyang comfort zone dati.
20:16Matawag nila dito po,
20:17Tawa Serie.
20:18Kaya super light lang talaga
20:20itong series na to.
20:22Malayo siya sa mga nagawa ko before
20:25na puro iyakan,
20:26puro confrontation.
20:28Sa mga pa,
20:29sa ano ko po,
20:29very umiiyak sila lagi.
20:31Very sad yung mga character.
20:32May pinaglalaban.
20:33Here may pinaglalaban pa rin po ako,
20:35pero it's for other people.
20:37It's for the
20:38mga nagdi-deliver
20:39na mga tao.
20:41Yan.
20:41And very masayahin ako dito.
20:42Sobra.
20:43Nelson Canlas
20:44updated sa
20:45Showbiz Happening.
20:51Showbiz Happening.
20:51Showbiz Happening.
20:52Showbiz Happening.
Comments