00:01Pistadong positibo sa radiation ng isang planta sa Misamis Oriental na gumagawa rin umano ng mga substandard na bakal.
00:09Ang may-ari, kapatid umano ni dating Duterte Presidential Advisor Michael Yang.
00:15At nakatutok si June Veneracion.
00:21Nakababahala ang napag-alaman ng Philippine Nuclear Research Institute o PNRI
00:26sa nirade na planta ng bakal sa Taguloan, Misamis Oriental.
00:30Matapos kasi ang kanilang pagsusuri, lumabas na positibo ito sa radiation.
00:49Nadiskubre pa ng mga otoridad na sa kabila ng pangalim na dulot ng radiation,
00:53hindi pinagsusuot ng personal protective equipment ang mga sinagip na Pinoy workers doon.
00:59Pero ang mga undocumented Chinese workers na nagtatrabaho sa planta, todo ang proteksyon.
01:04Filipinos are not disposable labor.
01:07Filipinos must never be subjected to unsafe working conditions.
01:11Sabi pa ng PNRI, dahil radioactive ang raw materials na ginagabit ng Philippine Sanjia Steel Corporation,
01:18kaya radioactive rin ang final product.
01:22Ayon sa mga otoridad, substandard din daw ang bakal na gawa ng planta,
01:26kaya may pangalim sa kaligtasan ng publiko.
01:28We know na yung distribution nitong mga materials na ito, widespread ito.
01:33Ang naturang planta ay pagmamayari raw ni Tony Yang,
01:37kapatid ng dating Presidential Economic Advisor ng Duterte Administration na si Michael Yang.
01:42It was established 2017. So from the time na ni-establish siya, siguro doon yung simula niya.
01:48Michael Yang is a very powerful personality at that time.
01:51Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng kumpanya.
01:55June Van Anasyon, Nakatutok, 24 Horas.
02:00Mga kapuso, sa halip na hanggang tatlong linggo lamang,
02:04inabot ng siyam-syam ang retirement pension ng isang SSS member.
02:07May nagkamali sa kanyang record kaya nagpasaklolo siya sa inyo.
02:12Kapuso Action Man!
02:17Disyembre 2025 pa, nagretiro bilang private school teacher ang ngayon yung 64 anos na si Merly.
02:23Pero ang inaasakan niyang retirement pension mula sa Social Security System o SSS,
02:30inabot o man nun ng siyam-syam.
02:32Nung ako po ay nag-file ng aking retirement benefit,
02:35tatlong beses ko siya finail,
02:38pero hanggang ngayon, wala pa pong nangyayari.
02:41Normally, sinasabi nila,
02:432 to 3 weeks lang ay i-release na yun.
02:47So, pag follow-up ko sa SSS Cubao branch,
02:52sinasabi nila na medyo meron daw pong error doon sa aking data.
02:59Ang lumabas na error sa SSS record ni Merly sa kalip na taong 1986.
03:05Nagsimula na raw siyang maghulog ng kontribusyon noong 1968 kung kailan liman taong gulang pa lamang siya.
03:11Paano na 5 years old and 9 months pa lang ako,
03:15paano ako nagkaroon ng contribution?
03:19So, very evident naman na hindi naman ako nagtrabaho.
03:23At saka 68 and 86.
03:26So, parang klarong-klaro na merong error nga doon.
03:30Dahil sa nakitang error, ilang beses na reject ng SSS.
03:33Ang claim ni Merly.
03:35Nakapagbigay linaw ba sila sa inyo kung bakit ako na-reject yung inyong application?
03:40Si Cubao ang nagsabi kasi nga 1968 nakalagay.
03:46So, sabi ko, ito ang gagawin ko sa party ko.
03:49Okay, ang laking perwisyo.
03:51Ngayon wala na akong work, nag-retire na nga ako.
03:54Dapat po ini-enjoy ko na yung retirement benefit ko, di ba?
03:58Pataneng yung pambili ko ng maintenance medicines ko.
04:01Saan ko kukunin niyo kung hindi nila nire-release pa hanggang ngayon?
04:05Meron ko yung panawagan sa SSS?
04:07Panawagan ko po sa inyo kung ano man po ang problema, gawan nyo na ng aksyon.
04:15Sinamangan namin si Merly sa SSS Cubao branch para maisangguni ang kanyang sumbong.
04:21Paliwanag ng pamunuan, nagkaroon ng error sa record ng miyembro.
04:24Pero sa ngayon, naitama na nila ito at mapoproseso na ang retirement pension ni Merly.
04:35Mission accomplished tayo mga kapuso.
04:37Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapusa Action Man Facebook page
04:41o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner, Samarabinyo, Dinaman, Quezon City.
04:47Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katewalihan,
04:49yak, may katapat na aksyon sa inyong Kapusa Action Man.
04:56Angat ang galing ng kapuso sa kauna-unahang Tagak TV Awards ng University of Makati o UMAC.
05:03Narito ang report ni Yvonne Aquino.
05:0724 Oras!
05:09Ginawara ng excellence at innovation and interactive digital journalism ang 24 oras
05:15sa Tagak TV Awards ng University of Makati.
05:18Most innovative news anchor naman si Mel Tiangco.
05:21Ang kapuso mo, Jessica Soho.
05:23Wagin ang Excellence and Innovation in Technology Enhanced Educational Programming Award.
05:28At most innovative host si Jessica Soho.
05:31Excellence and Innovation in Transformative Narrative Drama Award naman
05:35ang Maria Clara at Ibarra.
05:37Habang most innovative love team si na Barbie Forteza at David Lecauco.
05:42Wagin rin ang family feud ng Excellence and Innovation in Gamified Knowledge and Entertainment Award.
05:47Si Dingdong Dantes, most innovative host.
05:50Ang The Voice Philippines, ginawara ng excellence and innovation in talent discovery.
05:55Most innovative coach duo si na Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico.
06:01Ang it-showtime ang nakakuha ng Excellence and Innovation in Interactive Entertainment Award.
06:07Habang ang host nitong si Vice Ganda ay may Excellence and Innovation in Interactive Entertainment Hosting Award.
06:15Likhamismo ng grade 11 students ang mga trophy na ibinigay sa awardees.
06:19At may kanya-kanyang kahuluganan nila ang mga ito sa innovation at media representation.
06:24Von Aquino na katutok 24 oras.
06:37Habol na sa road trip.
06:39Ngayong patapos na ang taguinip.
06:41Kung budget ang problema, sagot ka ng Pampanga.
06:45Na meron ding beach, pati nga parking pang flood control.
06:49Ang tour guide sa ating last destination for this special series,
06:54ang kabaleng PBB Big Winner na si Mika Salamangka.
06:59Tara na't mag-sparkle under the sun sa kanyang home province.
07:08Kapag sinabing Pampanga,
07:10tiyak pagkain na gandang una natin naiisip.
07:13Pampanga has so much more to offer.
07:16Let's go!
07:18Tara, mamasyal tamo.
07:31Ang laki ganit ng tubig!
07:37Welcome to my hometown, San Fernando City, Pampanga!
07:45Sa mga dagat na dagat na dyan, pero tight ang budget,
07:48dito sa lab na San Fernando, Pampanga,
07:50meron tayong man-made beach.
07:59Paano nyo po na-start tong man-made beach na to?
08:04Ang main goal po talaga namin dito
08:06is ma-experience ng mga taga-norte
08:09kung ano yung beach life nito.
08:24Perfect pasyalan din dito sa San Fernando, Pampanga,
08:27lalo para sa mga health buff ang Rainwater Park.
08:33Ito ay isang wellness park
08:37kasi maraming mga open spaces
08:39that can be used for different activities na.
08:41So, maraming mga nag-walking at saka tumatakbo dito.
08:44Then, maraming na rin mga nag-yo-yoga.
08:47Different activities that can be enjoyed by families
08:50are done during weekends.
08:57It was also developed to help mitigate yung flooding problem.
09:02Ang function niya is to hold rainwater
09:05as much as almost 4 million gallons of water.
09:15What's interesting about this halo-halo is
09:18tatlo lang yung ingredients nila.
09:20Yan beans, halayang, gatas, damulag.
09:23Cream corn.
09:29Maya Payaldo Cabalen,
09:30nandito naman tayo ngayon sa Florida Blanca,
09:33mga less than one hour away sa San Fernando, Pampanga.
09:36Ang next natin pupuntahan, Palacol River.
09:39Let's go!
09:40Ha! Hello!
09:42Me Kenny!
09:46Tumakas na tayo
09:49Takasan na natin ang mundo
09:57Salaw po!
10:07Salaw po!
10:07Di ba, ice cream?
10:09Yes!
10:11Ito, dati na bata ako, ganito yung lagi ko pinakain.
10:14Nag-tingiling-ling-ling-ling-ling-ling-ling-ling-ling.
10:16Yay!
10:18Salaw na salawa!
10:25Yung tubig, guys!
10:27Lamig-lamig ng tubig!
10:28Alam nyo ba, guys, na itong Palacol River
10:31ay tinatawag ding summer place na mga lokal dito
10:33dahil sa napakalamig at napakalinaw na tubig nyo to
10:36na nanggagaling sa bulo-bunduki ng Zambales.
10:38Kaya na pag-summer,
10:40ito yung perfect na pinupuntahan nila.
10:44They have more than 400 cottages
10:46na pwede nyo rentahan
10:47for as low as 300 pesos.
10:49So...
10:51Brabe mo, sarap naman ang niluluto niya atin.
10:53Nag-dederang-derang siya.
10:57So, paano po yung pagka, like, for example,
10:59sobrang init, pag-summer talaga,
11:01yung tubig po ba dito tumitigil?
11:03Like, natutuyo?
11:04Or tuloy-tuloy talaga siya?
11:05Hindi po siya natutuyo.
11:07Tuloy-tuloy lang po ang pag-agos ng tubig.
11:09At kaya po, maraming mga purista
11:11mga ibang mamaya na talagang
11:12nagpupunta dito dahil sa tubig.
11:33At dahil nasa culinary capital of the Philippines tayo,
11:36dapat matikman natin ang
11:38pinakapinagmamalaking pagkain
11:40ng mga kapampang.
11:46We have here
11:48Darillenong Pamus,
11:50Tiptad with Puto,
11:52ang Tagalog,
11:53Dinubuan,
11:55Pilayin,
11:56Pansitloglog with Pity Chan,
11:58Okoy,
11:59Sisig,
12:00Beef Caldereta,
12:01Beef Karikare,
12:03Tibok-tibok,
12:04and Hack Bateron.
12:06Favorite ko pampangang food ko talaga.
12:07Hindi na ako lalayo.
12:08Sisig talaga.
12:14Imi Kuya,
12:15Tid-tad.
12:15Tid-tad po.
12:16Tid-tad kayo.
12:17Kuhol.
12:18Kuhol?
12:24Kapit dito sa pampangangal,
12:26lagi naman sinasabi na may sarili kami
12:27yung version ng Samgyopsal,
12:29which is itong buro.
12:31Buro siya.
12:32Masarap siya sa gulay,
12:33isasawsaw mo yung gulay sa kanya,
12:35tapos isda.
12:36Sarap.
12:40Yan isasawsaw mo sa,
12:41dito sa dip niya.
12:45Mmm.
12:58Pag nasa pampangga ka,
12:59masarap yung pag-ain,
13:01masarap mabuhay,
13:02masarap makisalamuha sa mga tao dito,
13:04kasi lahat ng mga tao dito,
13:06lagi silang masaya,
13:07very welcoming,
13:09approachable,
13:10very warm.
13:11Ehm,
13:12yun naman sasabi ko,
13:13manyaman tumira sa pampanga.
13:15Hey!
13:17Woo!
13:19Woo!
13:20Woo!
13:21Woo!
13:24Woo!
13:26Woo!
13:31Sa ibang balita,
13:33umalmah ang kampo ni Sen. Bato De La Rosa
13:36sa hiling ng Office of the Solicitor General
13:39na ibasura ang petisyong
13:41harangin ang warrant of arrest
13:43ng International Criminal Court
13:45laban sa Senador.
13:47Pagdidiin ang kampo ni De La Rosa
13:49sa isinumitin itong dokumento sa Korte Suprema,
13:52hindi naman na nila hinihiling
13:54na mapawalang sala ang mambabatas.
13:56Ang hiling lang nila ay,
13:58bago arestuhin ang kahit sinong Pilipino sa bansa
14:01para sa isang international process,
14:04ay masiguro munang pwedeng ipatupad
14:07ang proseso na yan
14:08alinsunod sa mga batas ng Pilipinas
14:10at batay sa pagsangayon
14:13ng isang lokal na korte.
14:15Dagdag ng kampo,
14:16malinaw na hindi dumaan
14:18sa official government channels
14:20ang sinasabing ICC warrant.
14:23Iginit din nilang hindi maituturing
14:25na fugitive from justice si De La Rosa
14:28dahil hindi naman siya lumalabas ng bansa
14:30o sumuway sa anumang utos
14:32ng korte sa Pilipinas.
14:34Kabilang sa hiling nila sa korte
14:36ay pagbawalan ang DOJ,
14:39DILG,
14:40NBI,
14:40PNP,
14:41PCTC
14:42at si former Sen. Antonio Trillanes IV
14:45na arestuhin si De La Rosa
14:47at dalhin siya
14:49sa labas ng bansa.
14:53Pinagahanda ang publiko
14:54sa malalakas na bagyo
14:56na posibleng mabuo
14:57sa pagsasabay ng Habagat
14:58at Super El Niño
15:00mula po Hunyo hanggang Agosto.
15:03Nakatutok si Mark Salazar.
15:08Ang malakas na buhos ng ulan
15:10itong weekend
15:11nagpabaha agad
15:12sa ilang lugar sa bansa.
15:14Wala pang Habagat
15:15o bagyon yan ha?
15:16Sabi ng pag-asa,
15:18dapat maghanda na
15:19lalo simula June hanggang August.
15:21Tinatayang with 92% probability
15:24ang pinagsanib na Habagat
15:26at Super El Niño.
15:28Marami tayong mga heavy rainfall event
15:30dahil mga enhanced southwest monsoon
15:32ang posibleng nating maramdaman
15:34kasi kapag El Niño
15:36mahahina yung easterlies
15:37nagiging westerlies
15:38and then may instances na
15:40nagre-recurve yung ating mga bagyo
15:42during June, July, August
15:43kapag nagre-recurve yung ating mga bagyo
15:45yan din yung humahagod
15:47at humahatak ng Habagat natin.
15:49Very strong El Niño
15:50ang tawag ng pag-asa
15:51sa Super El Niño
15:53kung tawagin ng iba.
15:54Pero pareho lang yun
15:55base sa panukat
15:56ng Pacific Ocean Surface Temperature.
15:58Kasi yung isang model
16:00na pinagbasihan nila
16:01nakikita is more than 3 degrees
16:03o more than 3.5 yung warming
16:05na talagang super
16:07very strong El Niño
16:08kung matatawag.
16:09Ang sidhi ng inaasahang
16:11Super El Niño
16:12huli raw naranasan
16:13noong pang 1870s.
16:15At sa historical data
16:17tuwing malakas ang El Niño
16:18mas konti man ang bilang
16:20ng bagyong pumapasok sa atin
16:22mas mababagsik naman.
16:24Either malakas ang hangin
16:25o maraming ulan.
16:27Pwede posibleng walang ulan
16:28kukonti ang ulan
16:29pero malakas ang hangin.
16:30So ganun po ang karakteristik
16:32ng ating mga bagyo
16:33with this El Niño.
16:36Base sa datos
16:38na nakalap
16:39ng GMA News Research
16:40noong 2023 to 2024
16:42El Niño period
16:44siyam na tropical cyclone
16:46ang pumasok sa bansa.
16:47Noong El Niño
16:482018 to 2019
16:50sampung tropical cyclone
16:51ang pumasok
16:52kabilang ang tropical depression
16:54Usman
16:55na pumatay
16:56ng mahigit
16:56isan daan katao.
16:57El Niño cycle din
16:59ang pumasok
16:59ang bagyong lando
17:00sa Pilipinas
17:01noong 2015.
17:03Sa mga ganitong events
17:04pinaghahanda
17:05ng pag-asa
17:06ang national government
17:07at local government units
17:09lalo na
17:10luma
17:10at hindi naangkop
17:11ang karamihan
17:12ng urban drainage systems
17:14at flood control
17:15infrastructure.
17:16Ang intensity
17:17duration
17:18kasi heavy downpour siya
17:20ilang oras lang
17:21na ganun na kaagad
17:22kalakas yung ulan
17:23o pwedeng mahina
17:25o malakas yung ulan
17:26pero tuloy-tuloy naman.
17:28Malayo pa
17:28pero pagkatapos ng ulan
17:30sa panahon ng habagat
17:31posible ang mahabang tagtuyot
17:33na magpapada pa
17:35sa ating food production.
17:36Kung pinoproject natin
17:37na ito ay magiging
17:39very strong El Niño
17:40ang possibility kasi
17:41mga around
17:42October, November, December
17:44November, December season
17:45doon siya magpipik
17:47ang El Niño
17:48doon yung nakikita natin.
17:49So ibig sabihin
17:50andun yung mga simula
17:52na mga impact
17:53ng prolonged dry spell
17:55or posibleng drought condition.
17:57Makikita natin
17:58by end of the year
18:00towards end of the year
18:01hanggang first quarter
18:02doon natin nakikita
18:03na halos yung ating
18:05buong bansa
18:06ay mataas ang possibility
18:07ng significant reduction
18:09sa tubig ulan.
18:11Matagal na raw nilatag
18:12sa Task Force El Niño
18:13ang preparedness
18:14at mitigation measures.
18:15na makikita natin
18:17kung efektibo
18:18sa aktual na El Niño.
18:20Mark Salazar
18:21nakatutok 24 oras.
18:24Pinaiimbestigahan
18:25ng isang kongresista
18:26sa ombudsman
18:27ang mahigit
18:28apat na bilyong pisong halaga
18:31ng flood control project
18:33sa unang distrito
18:34ng Davao City.
18:36Aligasyon ni
18:37Act Partialist Representative
18:38Antonio Tino
18:40lumabas sa kanyang imbestigasyon
18:42na 80 kwestiyonabling
18:44mga proyekto
18:45ang mayroong overlap.
18:47Doble ang pondo,
18:49wala sa lokasyon,
18:50walang detalye,
18:51ang kontrata o
18:52hindi tapos.
18:54Sakop ng imbestigasyon,
18:56ang 121
18:57flood control project
18:59sa Davao First District
19:00mula 2019
19:01hanggang 2022.
19:04Apat na putsyam
19:05sa mga proyekto,
19:06may insertions din
19:07umano sa kamara.
19:08Habang ang sampu
19:10ay walang otorisasyon
19:12sa ilalim
19:12ng General Appropriations Act.
19:15Kinwestyo naman
19:16ni incumbent
19:17Davao First District
19:18Representative
19:19Paulo Duterte
19:21kung bakit
19:22namimili
19:23umano si Tino
19:24at kung bakit
19:26hindi inireklamo
19:27ang mga engineer,
19:28contractor
19:29at mga politiko
19:30na konektado
19:31sa mga kwestiyonabling
19:33flood control project
19:34nationwide.
19:35Bakit anya
19:37sa Davao City
19:38lang nakatutok
19:39si Tino
19:39habang hindi
19:40pinapansin
19:41ang anya
19:42ay mas malalaking
19:43kontrobersya
19:43na kinasasangkutan
19:45ng kasalukuyang
19:47administrasyon.
Comments