- 5 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-Motorcycle rider, sinipa ang 2 siklistang nakaalitan niya;
Babaeng nagpa-xray, na-trauma matapos niyang mahuling kinukunan siya ng video ng isang staff; suspek, arestado;
Dustin Yu at Bianca De Vera, nagbibigay ng creative inputs para sa "DustBia: Love Actually" Grand Fan Meet sa August 8;
NBI Dir. Matibag: Hindi lang banta kay PBBM, kundi banta rin sa national security ang mga pahayag ni VP Duterte;
Atty. Poa: Nasa The Hague si VP Sara Duterte; may travel authority hanggang July 31, ayon sa Malacañang;
Transport strike ng grupong MANIBELA, umarangkada na; panawagan na tugunan ang tuloy-tuloy na oil price hike
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Babaeng nagpa-xray, na-trauma matapos niyang mahuling kinukunan siya ng video ng isang staff; suspek, arestado;
Dustin Yu at Bianca De Vera, nagbibigay ng creative inputs para sa "DustBia: Love Actually" Grand Fan Meet sa August 8;
NBI Dir. Matibag: Hindi lang banta kay PBBM, kundi banta rin sa national security ang mga pahayag ni VP Duterte;
Atty. Poa: Nasa The Hague si VP Sara Duterte; may travel authority hanggang July 31, ayon sa Malacañang;
Transport strike ng grupong MANIBELA, umarangkada na; panawagan na tugunan ang tuloy-tuloy na oil price hike
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Huli kam sa binangonan Rizal.
00:04Sinipa ng rider na yan ang isang lalaking nagbibisikleta sa Manila East Road.
00:09Natumba ang biktima.
00:10Sa isa pang video, isa pang siklista ang sinipa rin ng rider.
00:15Ayon sa siklistang natumba bago ang paninipa,
00:18nakalitan ng grupo nila ang rider dahil muntik daw siyang mabangga ng motorsiklo ng suspect.
00:23Iniinda ng biktima ang mga sugat at pamamaga sa iba't ibang bahagi ng katawan.
00:28Isinuko ng kanyang ina ang 28 anyos na rider.
00:31Pag-amin ang suspect sa pulis siya, nakainom siya nang mangyari ang insidente.
00:36Andaro magsampan ng reklamo ang biktima.
00:39Pinauwi mo ng suspect at ipatatawag para sa investigasyon.
00:42Pusible siyang maharap sa reklamong attempted homicide.
00:48Arestado ang isang staff ng isang x-ray laboratory sa Manila
00:51matapos siyang mahuli-umanong nagbibideo ng isang nagbibihis na pasyente.
00:55Sa pagsisiyasat sa kanyang cellphone, napagalamang may iba pa siyang nabiktima.
01:00Balitang hati ni Jomar Aporesto.
01:04Na-troma ang isang empleyado ng Manila City Hall na si Alias Shell
01:08matapos bumisita sa isang klinik sa Todo-Maynila nitong lunes.
01:12Nagpa-x-ray daw ang 27 anyos na biktima bilang bahagi ng kanilang annual physical exam
01:16at doon sa klinik na yun siya nirefer ng Barangay Health Center na pinantahan niya.
01:20Habang siya'y nagbibihis, nakita raw ng biktima ang isang cellphone sa ilalim ng lamesa
01:25at nakatutok sa kanya habang nakavideo.
01:28Ang cellphone, pag-aari o mano ng x-ray teknisya na umasiste sa kanya.
01:33Doon ako ng nervyos, talaga nanginginig ako, hindi ko alam yung reaction ko.
01:37So kinuha ko po yung cellphone, pagtingin ko, nakavideo ko ng 11 minutes po yung 22 seconds.
01:42Nakita ko yung sarili ko, naka-hubad ako kung paano ko nag-hubad, kung paano rin ako nagbihis.
01:46Kinumpronta raw niya ang lalaki na mabilisan niyang kinuha ang cellphone at sinabing naghang lang ito.
01:52Nangako rin daw ang lalaki na buburahin na lang ang video.
01:54Hinuli ang 25 anyos na sospek matapos dumulog sa polisya ng biktima.
01:59Sa presinto, napag-alaman na may iba pa palang na biktima ang sospek.
02:03Ang daming video, lahat talaga na nagpapay-x-ray nandun. Parang nasa 30 to 50.
02:09Puro mga bata siya, puro estudyante. May set-up siya.
02:13Tapos binabanggit niya ng welcome to my collection, para siya nag-vlog.
02:17Bukod dito, inamin din daw sa kanya ng isa sa mga empleyado ng klinik na hindi lisensyadong x-ray technician
02:23ang sospek.
02:24Sabi niya, radtech student daw yan, mag-exam pa lang.
02:28So doon ako nang ambalalo, bakit kayo nag-operate ng x-ray na hindi lisensyado yung tao?
02:34Ayon kay Dr. Edgar Santos ng Manila Health Department, wala pa silang natatanggap na report kaugnay sa nangyari.
02:40Magsasagawa raw sila ng investigasyon at aalamin kung kumpleto ng requirements ang nasabing klinik.
02:45Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng klinik. Ang polisya, patuloy pa ang investigasyon.
02:50Magre-request po kami ng application for cybercrime search warrant para po makatulong sa investigasyon po na ito.
03:00Ayon po sa sospek, ang sabi po niya ay siya ay reliever bilang radtech doon po sa nasabing medical clinic.
03:11Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek na na-inquest na at naharap sa reklamong paglabag sa anti-photo and video
03:16voyeurism act of 2009.
03:18Sinampahan din siya ng paglabag sa Article 172 o ang falsification of documents dahil sa peking PWDID na ipinakita niya
03:25sa mga otoridad.
03:26Sa oras naman na mapatunayang hindi siya lisensyadong x-ray technician, posible rin siyang maharap sa paglabag sa Radiologic Technology
03:33Act of 1992.
03:35Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
03:43Wednesday latest, hands-on sa paghahandasin na Dustin Yu at Bianca De Vera para sa nalalapit na Dust Bia Love
03:51Actually Grand Fan Meet sa August 8.
03:54Chika ng Dust Bia, marami silang creative inputs na freely din nilang na-e-express para sa fan meet.
04:01Ito na raw ang pinakamalaking gift nila sa fans.
04:04Asahan raw na mas magiging masaya ito dahil this time magkasama na sila.
04:09Bukod sa performances from them at special guests, dapat daw abangan ang isang grand reveal.
04:18Pag i-announce namin yung surprise namin, ipapa-off namin yung phones nila para walang mag-post.
04:26So kailangan nila pumunta ng concert.
04:27May big reveal yan.
04:37Hindi lang daw banta sa pangulo at sa kanyang pamilya, kundi banta rin sa national security
04:41ang pahayag ni Vice President Sara Duterte noong November 2024.
04:46Sinabi yan ni NBI Director Melvin Matibag sa pagharap niya sa impeachment trial kahapon.
04:51Sagot dyan ang defense team, sabi-sabi o hearsay lang ang testimonya ni Matibag.
04:56Balit ang hatid ni Sandra Aguinaldo.
05:01May kinausap na ako na tao.
05:03Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romales.
05:11No joke.
05:14No joke.
05:15Hindi na umano simpleng banta, kundi isang plano.
05:18Kung ituring ng National Bureau of Investigation,
05:21ang pahayag nito ni Vice President Sara Duterte sa isang press conference noong 2024.
05:27Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag.
05:31Sapagat ang tingin po namin dito ay ini-anunsyo ng ating Vice Presidente ang kanyang planong pagpatay sa Pangulo ng
05:38Pilipinas
05:39at mga nabanggit pa ang kanyang gustong ipapatay doon po sa kanyang pagbabanggit sa kanyang press conference.
05:45Sa pagsalang ni Matibag bilang testigo sa impeachment trial, tinanong siya ng prosecution.
05:51Sino ang sinasabi ng vice sa press briefing na kanyang kinausap?
05:55Sabi ni Matibag may natukoy na silang persons of interest kayo may rito.
06:00Meron po tayong mga leads, natin po sinusundan at katunayan,
06:04we already have established persons of interest na maaaring makapagturo o tumukoy doon sa taong kinausap ng ating Vice Presidente
06:13o maaaring isa rito sa tinatawag nating persons of interest ang siyang talagang nakausap ng Vice Presidente.
06:19Tumagis si Matibag na pangalanan ang mga ito dahil patuloy para wang investigasyon
06:24at kailangan nilang protektahan ang kanilang mga impormante.
06:28Itong persons of interest kasama sa pagpaplano at inamin sa inyo na merong pagpaplanong ginagawa para pumatay?
06:36Meron po silang impormasyon na magtuturo po dito sa pagpaplanong ito.
06:40Hindi sila yung kasama sa pagpaplanong pumatay?
06:43Sa ngayon po,
06:44Magtuturo lang sila.
06:45Doon po sa iba persons of interest, meron po kami kinukonsidera doon na maaaring siya po ang kausap mismo ng
06:53Vice Presidente.
06:53Abril ngayon taon nang lumikaraw ang NBI ng Special Task Force para investigahan ang banta sa buhay ng Pangulo
07:01na ayon kay Matibag ay seryoso, aktibo at nagpapatuloy.
07:06Sa pagtatanong ni Lead Prosecutor Batangas Representative Jervil Luistro,
07:10ipinunto ni Matibag ang umunay pattern of violence na hindi lang sa mga pahayag ng bise,
07:16kundi maging sa ibang membro ng kanyang pamilya.
07:20Gaya ng pahayag ng bise noong October 2024,
07:34Na may pareho raw tema sa sinabi ni Davao City Mayor Baste Duterte
07:39nang ilunsad ang Rage Coalition itong Abril.
07:42Isang ulo lang naman ang kailangan namin, ang ulo ni Bongbong Marcos!
07:47Yung pong video na yan ay amin pong naikumpara sa mga naging pahayag ng ating vicepresidente
07:53na kung saan meron din po kaming video ang binalikan
07:56na ang ating vicepresidente ay nagre-refer din po sa pagtanggal ng ulo ng ating pong presidente.
08:03Kung kaya't nakita namin po ang pagkakahambing ng statement po ng ating pong mayor
08:09at ng vicepresident Sara Duterte.
08:14Ipinakita rin ang video na ito ni vicepresident Duterte
08:17ng panununtok niya sa isang sheriff noong mayor siya ng Davao City noong 2011.
08:23Kapansin-pansin po na makikita natin na nanggagaling sa isang pamilya
08:29ang pagbabanta sa ating pangulo at parehas na nagre-refer sa ulo ng pangulo.
08:34Kung kaya naman iniisip po ba namin kung meron bang kasabuat
08:39o ba isabuatan sa pangyayaring ito.
08:41Sabi pa ni Matibag, hindi lang banta sa pangulo ang nakikita nila
08:45kundi banta sa national security
08:47dahil sa anyan network ng vice at amalitong dati't pangulo.
08:52Iri sa kinetic force na kung saan yung mga nakarinig na kanyang pababanta
08:56ay gumagaya na rin at nagbabanta
08:59lalong-lalo na sila ay nabibilang sa isang pamilya.
09:03Napansin ko nga po na tumaas ang antas ng kaguluhan.
09:07Kitakita natin, meron po mga panahon na ating pangulo
09:11ay nasa isang event na live.
09:13Meron po mga magko-comment na barili na yan.
09:16Meron po mga video na nakuhang ating CCD
09:21na merong nagkakasa ng baril.
09:23At ang reference din po ay isang bala lang to sa ulo ng presidente.
09:27So yan po yung kapansin-pansin na nagdudulot sa atin ng pakanib
09:32sa ating pangulo at sa ating pambansang siguridad.
09:35Sa investigasyon ng NBI,
09:37kinonsidera rin daw nila
09:39ang dokumento mula kay Arturo Lascañas
09:42na tinawag ni Matibag na Open Source Intel.
09:45Si Lascañas ang nagpakilalang dating hitman ng Davo Death Squad
09:49at isa sa mga testigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:53sa International Criminal Court.
09:55Tinutulan ito ng abogado ng BICE
09:58at ipinuntong hindi pirmado
10:00at hindi notarized ang pinakitang affidavit ni Lascañas.
10:04Pinayagin ang korte na mabasa ang bahagi ng salaysay ni Lascañas.
10:09As a legend, the order to him by Mayor Inday Sara Duterte Carpio.
10:13The reading of this document, Your Honor,
10:17already creates an impression,
10:19not just to the minds of the senator judges,
10:21but also the public.
10:23They may be misled, Your Honor,
10:25to believing the truth or falsity of these statements.
10:29So in other words, Your Honor,
10:31this is highly improper for,
10:32with all due respect, Your Honor,
10:34for this Honorable Court to allow
10:36the reading of a portion of an affidavit
10:39that was not authored by this witness.
10:41Ang depensa ay nilarawan bilang hearsay.
10:45Sabi-sabi, masyado pang maaga at trial by publicity
10:48ang naging testimonya ni Matibag.
10:51Sa cross-examination ng abogado ng BICE na si Attorney Mark Villuan,
10:55sinabi niyang tina-trial by publicity
10:58ang mga pahayag ni Matibag
10:59dahil wala siyang ibinulgar na iba pang detalye,
11:03lalo't hindi pa naman daw pinalang investigation ng NBI
11:06sa abo na'y pagbabanta ng BICE.
11:09Isn't that a trial by publicity?
11:11Hindi po.
11:13Sabagkat kaya nga po namin hindi nilalabas
11:15yung aming mga confidential at secret investigation.
11:18Lamang nga po, tayo'y pinatitistigo rito.
11:21Kung hindi nyo pa po pala kayang magbigay ng detalye,
11:24bakit nyo pa po nilabas na may leads kayo in the first place?
11:28Sagot ni Matibag,
11:29oras na maging pinal ito,
11:31ay kukomprontahin o iyaharap nila kay Vice President Duterte
11:35ang resulta ng kanilang investigasyon.
11:38Mas maganda nga po,
11:39kung si BP Sara mismo magsabi dito kung meron siyang kinausap.
11:43Tinawag din na hearsay ng depensa
11:45ang alam ni Matibag tungkol sa investigasyon na ginawa ng NBI
11:49noong 2025
11:50dahil 2026 lang siya naging director ng ahensya.
11:54For the benefit of this Honorable Court and the Filipino people watching,
11:58inaamin nyo ba na wala kayong personal na kaalaman
12:01sa nangyaring investigation starting November 23, 2024?
12:05Malinaw naman po yun,
12:06at ang Korte po ay can take judicial notice of the fact
12:09dahil hindi pa po ako NBI director ng panahon na yun.
12:12So you're confirming that you do not have personal knowledge
12:14because you were only appointed as NBI director
12:18a year later or on February 20, 2026, correct?
12:22I'm trying to look for the Filipino term for hearsay.
12:26Ano ba yung hearsay sa Tagalog?
12:28Sabi-sabi or chismis?
12:30Entries in official records
12:34are considered as prima facie evidence of the contents thereof.
12:39And thus, it's exactly the basis of the witness
12:41in answering the question of the defense.
12:45Sa tangkampag-question ng depensa sa motibo ni Matibag,
12:48ipinakita nila na isang asawa ni Matibag
12:51sa mga nag-endorso ng Articles of Impeachment laban sa Bise,
12:55pati mga kritikal na opinion pieces ni Matibag
12:58kung saan tinawag niyang Bratinella ang Bise.
13:00Ayon kay Matibag, katawagan ito na galing sa ama ng Bise
13:04na si dating Pangulong Duterte.
13:06Inilabas din ang depensa ang isang graphic
13:08na nagpapakita ng mas mataas na ratings ng Bise kesa sa Pangulo.
13:13Punto ng depensa, may betrayal of public trust bang nangyari?
13:17You mentioned that you have an ongoing investigation.
13:21Do materials like this,
13:23insofar as how Filipino people view or trust VP Sara,
13:29have an effect in your investigation?
13:32Ang ibig sabihin po ba nito,
13:33ang isang pinakakilala at popular na tao
13:35pwede nang gumawa ng krimen at hindi natin papapanagutin?
13:39Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
13:44Nasa The Hague, Netherlands,
13:45si Vice President Sara Duterte
13:47ayon sa kapagsalita ng kanyang defense team.
13:49Dagdag ni Atty. Michael Poa,
13:51kinausap na rin nila ang Bise
13:52tungkol sa desisyon ng impeachment court
13:54na ipasabina ang ilang bank at tax records nila
13:57ng asawang si Atty. Manasse Scarpio.
14:00Itinaubayan na ron ang Bise sa kanyang defense team
14:02ang susunod na gagawin.
14:04Ayon sa Office of the Vice President,
14:06personal ang biyahe ng Bise
14:07at wala raw ginamit na pondo ng bayan para dyan.
14:11Bukod sa The Hague, Netherlands,
14:12kung saan nakakulong ang ama ng Bise
14:14na si dating Pangulong Rodrigo Duterte,
14:17bibisita rin daw siya sa Qatar at United Kingdom.
14:20Kinumpirman ng Malacanang
14:21na may travel authority si VP Duterte hanggang July 31.
14:24Kasama rin daw sa mga pupuntahan
14:26ng Germany at Northern Ireland.
14:32Umarangkad na ang unang araw
14:33ng tigilpasada ng grupong Manibela
14:35kasunod ng pagpapatupad
14:36ng Mega Oil Price Hike ngayong linggo.
14:38May ulat on the spot si Oscar Oida.
14:41Oscar!
14:44Yes, Rafi, sa ginaganap na kilus protesta ngayon
14:48ng grupong Manibela
14:49dito sa kinaroroonan natin sa Mayfilcoa, Quezon City,
14:53ay patuloy na pinanawagan ng grupo
14:55na sana raw ay tugunan na ng pamahalaan
14:57sa lalong madaling panahon
14:59ang lumalan ng problema
15:00sa patuloy na pagtaas
15:02ng presyong ng petrolyo.
15:04Ayon kay Manibela President Marbal Buena,
15:06layunin ng rally na kundinahin
15:08ang anilipagsamantala ng mga oil company
15:10at ang anilipagbabayaan ng Department of Energy.
15:13Ngayong araw din daw ay mag-file sila
15:16ng petisyon na malift ang suspensyon
15:19sa isang pisong pamasahe increase
15:21na inaprubahan noong Marso
15:23at madalagdagan pa ito ng isa pang piso.
15:26Iginit ni Bal Buena na umaabot na umano
15:29sa walong daang piso
15:30ang nababawa sa arawang kita
15:32na mga chuper dahil sa sunod-sunod na oil price hike
15:36kaya hindi na rin anila sapat
15:38ang kanilang kinikita
15:38para sa pang-araw-araw na pangailangan
15:41ng kanilang mga pamilya.
15:42Nanawagan din ang grupo sa Pangulo
15:44na talakayin na sana sa kanyang zona
15:47ang isyo ng mataas na presyo ng petrolyo
15:49at hilingin o hinihiling nila
15:52na umaksyon ang DOE
15:55saan nila ipatuloy na problema
15:56sa presyo ng produktong petrolyo.
16:00Samantala, Rabi, kanin-kanin na lamang
16:02ay nagsadya dito si LTFRB Chairman Vigor Mendoza
16:07para personal na makausap
16:09ang presidente ng Manibela na si Marval Buena
16:12at ayon sa kanya,
16:14kung hindi man daw yung fair increase
16:17magkakanundo silang pagpupulong mamaya
16:18kung hindi man daw yung fair increase
16:21ay itutulak daw nila
16:23yung mas malaking diskwento
16:25ng mga chuper sa mga gasolinahan
16:28at papalawigin din daw
16:30yung mga gasolinahan
16:33na magbibigay
16:33ng mas malaking diskwento
16:35sa mga chuper.
16:38Mukhang nga silang ayunan naman ito
16:40ng grupo
16:40at tumaasa sila
16:41na magbubunga nga
16:42ang mangyaring meeting mamaya
16:44ng LTFRB.
16:46Rabi?
16:47Maraming salamat, Oscar Oida.
16:52Maraming salamat,Verne.
Comments