00:00Gate ng Office of the Ombudsman, may tuturing pa rin plunder ang pagtanggap ni Sen. Rodante Marcoleta ng 75 million
00:06pesos na donasyon itong 2025 kahit nang galing ito sa pribadong pondo.
00:11Kasunod dyan ang pagkwestiyon ng Iglesia Ni Cristo sa planong pagsasampah ng plunder case kay Marcoleta.
00:17Ayon naman sa Malacanang, niririspeto ni Pangulong Bongbong Marcos ang karapatang magtipon ng INC.
00:23Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
00:26We are one! We are one! We are one!
00:32Transparency, accountability, justice and peace.
00:35Ito na ang pinaglalaban ng mga miyembro na Iglesia Ni Cristo kaya sila nagrarally.
00:40Tinututulan nila ang nakaambang pagsasampah ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
00:45Si Sen. Dante Marcoleta ay nanguna sa pag-iimbestiga.
00:50Sa isa sa pinakamalaking pandarambong na naganap sa ating kasaysayan.
00:56Bakit siya na nagsusulong sa pag-expose ng mga sangkot sa napakalaking pagnanakaw sa Pilipinas
01:04ang kakasuhan at ipakukulong sa halip na ang mga na-expose.
01:11Ang nakaambang kaso ay kaugnay ng pagtanggap ni Marcoleta ng 75 milyon pesos mula sa tatlong individual noong January 2025,
01:20panahong kongresista pa siya.
01:22Ayon sa ombudsman, hindi tamang tumatanggap ng ganong kalaking halaga ang isang opisyal ng gobyerno.
01:28Pero tanong ni INC spokesperson Brother Edwil Sabala.
01:31Paanong naging plunder ang pagtanggap ng campaign donation o campaign contribution?
01:39Hindi naman galing sa kabangyaman ng Pilipinas ang tinanggap niyang donation.
01:44Pero sabi ng ombudsman, hindi kailangan galing sa kabanambaya ng perang tinanggap para ituring itong plunder.
01:50Alangan naman po, yung gift ay galing din sa public funds.
01:53So, ang definition po ng plunder also includes private funds.
01:59Pag binasa mo talaga yung batas, nandyan ho yan na kahit private funds po pwede.
02:06It's just that, kadalasan ang na-file ho yung public funds.
02:11Binalikan din ang INC ang pag-abswelto ng Commission on Elections kay Marcoleta tungkol sa tinanggap na pera.
02:17Hinihingan namin ang pahayag ang Comelec.
02:19Sa pahayag nila noong Marso, sinabi nitong bagamat na akong pirmang tumanggap si Marcoleta ng pinansyal na kontribusyon na kakahalaga
02:25ng 75 milyon pesos.
02:27Nangyari ito bagong simula ng campaign period kung kailan hindi pa maituturing na kandidato si Marcoleta.
02:33Kaya hindi maituturing na election offense, ang non-declaration.
02:37Pero paglilino ng Comelec, maring may iba pang batas na nakasasakop dito.
02:41Hindi tutol ang Iglesia ni Cristo sa pagpapatupad ng batas.
02:47Pero tutol kami sa pagbaluktot sa batas, lalo na kung ang layunin ay para pagtakpan ang katiwalian.
02:59Gusto naming ipaalam sa kanila na isang injustice ang selective justice.
03:05At hindi kami mananahimik sa harap nitong napakalaking pagyurak sa katarungan na hinihingi ng ating mga kababayan.
03:17Ang isinagawang rally sa EDSA, iniugnay ni Vice President Sara Duterte saan niya ay poor governance ng Administrasyong Marcos.
03:26Sa halip daw na tugunan ng mahalagang suliran ng kinaharap ng bansa,
03:29ginagamit umano ng Administrasyon ang sistema ng hostisya laban sa mga tao ng sasalita tungkol sa umanig katiwalian,
03:36pumupunas sa kakayahan ng pamahalaan o bumabati ko sa Pangulo.
03:39Sabi pa ng Bicen, nagbunga ng mas mapaniil na sitwasyong pampolitika ang estilo ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos,
03:46kung saan ang mga kritisismo ay sinasagot ng pananakot.
03:50Pagdidiin pa ng pangalawang Pangulo, hindi na lang tungkol sa politika ang usapin kundi ang kinabukasan ng bansa at ng
03:56mga Pilipino.
03:57Sagot ng Palasyo.
03:58Nag-ugat ang mga usapin ito dahil sa pagpapatupad ng Pangulo ng Batas.
04:09Sa mabilisang pagpapanagot sa mga taong sangkot, walang sinisino, walang kulay, wala pang isang taon.
04:17Pero naiinip ang karamihan.
04:20Pero hindi sila naiinip sa 6 na taon ni dating Pangulong Duterte na walang halos na gawang pag-iimbestiga.
04:29Ayon sa Palasyo, walang banta sa Pangulo. Pero hinigpitan din ang pagpasok sa Malacan niya.
04:33Ito po ang pinaka-opisina ng ating Pangulo.
04:37So dapat din po natin itong proteksyonan. Kahit ano pang klaseng rally yan, maliit, malaki, dapat natin proteksyonan.
04:44At ito po ay parte na po ng siguridad.
04:47Pinagtataka ro'n ng Pangulo ang basihan ng Kinos Protesta.
04:50Ang tataka siya na dahil masasampahan ng kaso si Sen. Marcoleta or na nasasangkot sa isang kaso si Sen. Marcoleta
05:04ay kailangan ng maglunsad ng ganitong kalaking rally.
05:09At still, ang Pangulo po ay nakikinig, iginagalang sila. Ang tangi lamang niyang hiling ay igalang natin lahat.
05:19Yung mga naaapektuhan na dapat ay hindi naaapektuhan.
05:23Ayon sa Palasyo, nirerespeto ng administrasyon ng karapatan ng Iglesia ni Cristo na magtipon at magpahayag.
05:29Suportado rin ang Pangulo ang panawagan nila para sa pananagutan, justisya at kapayapaan.
05:34Ang Pangulo po ay naniniwala sa pananindigan ng INC. Ipatupad ang batas, transparency, accountability, managot ang dapat managot.
05:44At yan po yung ginagawa ng administrasyon. Kung dapat managot ang isang Sen. Marcoleta na nagkataon na miyembro ng INC,
05:54hindi po ba dapat na ipush din natin yun?
05:56Utos ng Pangulo sa polisya, maximum tolerance at paggalang sa karapatan ng mga nagpoprotesta.
06:02Pasabay nito ay ang utos na ipatupad ang batas at pangalagaan ng karapatan ng ibang naaapektuhan.
06:08Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
06:16Wednesday latest, jam-packed with performances ang recently concluded birthday launch na hosted ng Sparkle Management.
06:50Wednesday latest, jam-packed with performances.
06:54Clash Master Julian San Jose sa Sparkle Birthday launch kahapon.
06:59Dinaluhan niya ng April to June celebrants at ni Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
07:06Bukod sa pagflex ng kanilang singing prowess, nagpamalas din ang dance moves ang iba pang celebrants.
07:14May nakakakilig pang eksena si The Master Cutter Star Shuvie Etrata at si Anthony Constantino.
07:22Ang Sparkle Birthday launch ay isang way to give time para makapag-pause sa kanilang busy schedule ang Sparkle Artist
07:28at makaminggle ang kanilang kapwa-artista.
07:35Ito lang talaga yung give back din siguro ng Sparkle to our loyal artists na sobrang sipag.
07:42So ito yung time na mag-bonding din sila.
07:45Kaya I'm very happy tuwing may Sparkle birthday launch kasi lahat, bata, matanda, yung mga teens natin, yung mga dalaga
07:53natin, nagkikita-kita at nagsasama-sama.
08:02Sa lunes, July 6, sisimulan na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
08:08Inaakusahan ang visa ng culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption, betrayal of public trust, at other high
08:17crimes.
08:17Ang basihan ko niya nahahati sa apat na articles of impeachment.
08:21Article 1, ang misuse and misappropriation of confidential funds.
08:28Kaugnay po yan sa maliumanong paggamit ng bisi sa 500 million pesos na confidential funds ng Office of the Vice
08:35President
08:36at mahigit 112 million pesos na confidential funds ng Department of Education noong siya pa ang kalihin nito.
08:43Ikalawa, tungkol sa hindi umano maipaliwanag na yaman ni Duterte at ang hindi umano makatotohanang pagdeklara ng yaman niya
08:52at ng kanyang asawa sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-N.
08:59Hindi rin umano nag-divest ng interest sa kanyang mga negosyo ang bisi-presidente nang maupo siya sa pwesto.
09:06Article 3, bribery and corruption. Dahil yan sa pagbibigay niya umano ng regalo o bayad sa ilang dep-ed officials
09:14para mahikayat na hindi sundin ang procurement laws.
09:18Panghuli namang Article of Impeachment ang kaugnay sa pagkontrata umano ng Vice President Duterte ng isang assassin
09:25para patayin si Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Araneta Marcos at nooy House Speaker Martin Romualdez kung papatayin daw
09:34siya.
09:35Hihimayan po yan, isa-isa sa paglilitis pero batay sa pre-trial order, hindi sa pagkakasunod-sunod ng Articles of
09:43Impeachment.
09:46Samantala, unang tatalakayan sa impeachment trial ang umano'y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa Pangulo at ilan niyang
09:53kamag-anak,
09:54batay po sa pre-trial order na inilabas ng Senate Impeachment Court.
09:58Ayon kay Senate President Wynn Gatchalian, on track ang Senado sa paghahanda nila para sa paglilitis.
10:04Balitang hatin ni Tina Panganiban Perez.
10:10Ininspeksyon ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga pisikal na paghahanda para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara
10:19Duterte.
10:20Pareho ang ayos nito sa Impeachment Court ng litisin si dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.
10:38Naipadala na rin sa prosekusyon at depensa ang pre-trial order na firmado ni Senate President Gatchalian
10:45kung saan nakalista lahat ng mga testigo, exhibit at mga minarkahang ebidensya at schedule ng pagpipresenta ng ebidensya.
10:53Malaking bagay yun para malinaw sa korte kung anong mga bagay na napagkasundaan ng mga partido,
11:01kung ano ang mga exhibits na namarkahan at mga testigo.
11:04Ayon sa pre-trial order, may labimpitong common witnesses o mga testigo ang parehong gustong iharap ng prosekusyon at depensa.
11:12Kabilang dyan ang umano'y naging bagman ng bise na si Ramil Madriaga, dating Sen. Antonio Trillanes IV,
11:20dating Budget, Sekretary Amena Pangandaman, Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronell Buenaventura
11:27at Atty. Gloria Camora ng Commission on Audit.
11:31Hindi bababa sa 57 ang inilista ng prosekusyon ng mga witness sa apat na articles of impeachment.
11:38Kabilang si Mary Grace Piatos, ang sinapak na si dating Davao City Sheriff Abe Andres at isang psychiatrist.
11:46Hindi naman bababa sa 45 ang inilistang witnesses ng defense team.
11:51Kabilang si dating Executive Secretary Lucas Bersamin at ilang empleyado ng Davao City Local Government at Office of the President.
12:00Sa open court, ihaharap ang mga testigo.
12:03Ang expectation po ng Senate impeachment court, dapat yung kada witness ay maisalang po ng isang araw lamang.
12:11Ibig sabihin, yung direct at cross ay dapat matapos po within the entirety of a day.
12:18Siyak ng sa July 6, magsisimula ang impeachment trial.
12:222pm ng lunes, martes at merkoles.
12:25Pero pagkatapos ng state of the nation address ng Pangulo, ay magiging 3pm tuwing martes, merkoles at webes na ang
12:34trial.
12:35Ilang buwan nang naghahanda ang House Prosecution Panel para sa impeachment trial.
12:40Kaya handang-handa na raw sila para sa pagsisimula ng paglilitis sa lunes.
12:45Article 4 na tungkol sa pagbabanta ng bise, ang unang isasalag ng prosekusyon.
12:51Kinuha namin ang panig ng mga abogado ng bise, pero wala silang tugot.
12:56May hanggang webes ang prosekusyon at depensa para magkomento sa pre-trial order.
13:02Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
13:11Dead on the spot ang apat na tao matapos araruhin ang delivery truck ang isang bahay sa Pagbilao, Quezon.
13:17Sa kuha ng CCTV, binabaybay ng truck na galing Bicol ang kahabaan ng Marlica Highway sa barangay Ibabang Palsabango nitong
13:24lunes ng gabi.
13:26Unti-unting lumipat sa kaliwang bahagi ng kalsada ang truck hanggang nasalpok ang bahay.
13:31Siyam ang sugatan na dinala sa paggamutan.
13:33Wasak din ang ilang tricycle na nakaparada sa labas ng bahay na may pinaglalamayan noon.
13:39Batay sa report ng pulisya, posibleng nakatulog ang pahinanting pinagmaneho ng truck.
13:44Wala pang pahayag ang kumpanya at mga kaanak ng mga biktima.
13:48Pero sabi ng mga otoridad, nakikipag-usap na ang kumpanyang may-ari ng truck sa mga kaanak ng mga biktima.
Comments